black2

Thursday, November 24, 2011

Bahay ni Kuya E-book




Magandang Araw sa inyong lahat,

Kay dami nang mga grupo ng mga pirata ang nagpalit ng title ng aking akda. Ang Bahay ni Kuya ginawa nilang Housemates. Konting paalam di pa nila magawa at irarason ay internet daw ito at pinapasaya lang nila ang kanilang readers.

Sabi nila bakit pa daw ituturo yung blog ko, pano naman na daw yung mga "Likers" nila sa kanilang page. Madami nga natuwa sa gawa kong kwento at nagpapasalamat ako sa inyo. Ilang ulit ko inalok ang Bahay ni Kuya 2 noon ngunit kokonti lang ang interesado. Kaya binili siya ng isang grupo, with master copy.

Ngayon mga "Fans" nila naghahanap saan na katuloy ng kwento. Sagot naman ng mga pirata ay....natural wala sila maisagot hahahaha. Pero meron naman iba na "hindi pa daw nahanap" ang sagot. Natural kasi hindi ko naman nilabas at binili nga ng isang grupo.

Ngayon dumadami na ang nagtatanong kaya nagpaalam ako sa grupong yon at binigyan nila ako laya upang ire-encode ang Bahay ni Kuya 2. Ayaw nila ibigay yung master copy, paghirapan ko nalang daw ire-encode. Kaya gumawa ako ng purchase group, sa ngayon kulang pa sila kaya konting antayan lang bago ko ire-encode yung Bahay ni Kuya 2.

Para sa mga gusto bumili ng kopya sumali lang sa grupo na yon. Nakalagay naman yung link sa naunang post o kaya sa FB page ng blog na ito.

Para sa mga sure buyers na sumali sa purchase group eto yung freebie ng Bahay ni Kuya book 2.

Bahay ni Kuya Book 1, e-book, pdf format.


Sa mga reklamador, subukan niyo muna magsulat ng isang buong kwento. Subukan niyo din sayangin oras niyo magsulat, 10 oras bawat araw, pitong araw isang lingo, at aabot ng dalawa hanggang tatlong buwan para sa isang kwento na may kabuluhan.

Kapag sa tingin niyo kaya niyo magsayang ng oras na ganon na walang bayad sige magreklamo kayo. Kapag hindi niyo kaya then ngiti nalang konti para masaya.



FB Page

For Sure Buyers Only: Purchase Group

Linkbucks