Nagbabagang Aralin 2: Pepito at Katrina
Katrina: Wow bago tong kotse mo ha, asensado ka na ata.
Paul: Di naman, medyo maganda takbo ng business kasi.
Katrina: Hay, sa States kayod kabayo don, wala na ako ginawa kundi magtrabaho, tignan mo ang pangit ko na
Paul: Di naman...maganda ka parin Katrina.
Katrina: Bolero ka parin hanggang ngayon, hatid mo ako sa amin. Pagod ako sa biyahe
.....
Paul: Katrina, kanina sa airport may sinabi ka
Katrina: Ano yon?
Paul: Yung sinundo ka ng boyfriend mo?
Katrina: Oo, bakit?
Paul: At sabi mo you never broke up with me?
Katrina: Oo, kailangan mo ba ulitin ang mga sinabi ko? O gustong gusto mo lang naririnig...gusto mo ulitin ko?
Paul: Hehe, hindi na, pero...akala ko iniwan mo ako?
Katrina: Gago! Iniwasan kita kasi galit na galit ako sa iyo non pero tumawag din lang mommy mo at sabi nya nagkamali sya sa balita. Then when i was about to call you i heard that you and that bitch were together already. So i didnt bother anymore pero remember i never broke up with you
.....................
Katrina: Anong nginingiti ngiti mo dyan?
Paul: Wala...masya lang ako
Katrina: Sus, kanina sa airport you were crying...in fairness that girl was pretty...but how old is she?
Paul: Too young for me i guess
Katrina: I am too old for you, i am even one year older than you. At mga lalake mahilig sa mas bata daw...mga freshies
Paul: Hindi naman...o eto na tayo, di na ako papasok, hatid nalang kita sa pinto
Katrina: Bakit ayaw mo pumasok?
Paul: Its been ten years Katrina...people change...maybe i am not the person you knew ten years ago...maybe you are not the Katrina that i know anymore
Katrina: ..... Ten years....tagal din no....everyday i was praying that we would meet again and eto prayers answered. Sigurado ka you dont want to come in?
Paul: Im sure....
Katrina: Sige, nice meeting you again Paul
................
Paul: Teka......Hi I am Paul
Katrina: Ha? Oo alam ko ikaw si Paul, siraulo ka na ba ngayon?
Paul: Hi I am Paul, may i know your name?
Katrina: Hahahha. baliw ka. Sige Hi Paul, i am Katrina...diyos ko sira ulo ka na ata
Paul: Nice to meet you again Katrina....can we start all over?
Katrina: ...gago ka talaga pinapaiyak mo naman ako..........tara sa loob dami mo arte!
CHAPTER 1: PANINIMULA
Nauna si Katrina pumasok sa bahay nila, kinuha ko ang mga bagahe nya saka ako pumasok. Napatingin ang mga magulang nya sa akin at parang nagulat sila at nandon ako. Napangiti nalang ako sa kanila at napatingin sila kay Katrina. “Nagkita kami sa airport, nagpahatid na ako sa kanya. Tatawagan sana kita daddy pero tamang tama surprise nalang” sabi ni Katrina at dahan dahan ako lumabas habang nagkakayakapan pa silang magkapamilya.
Naupo ako sa labas at nagsindi ng yosi. Di parin ako makapaniwala na nahanap ko narin si Katrina, magulo ang isip ko. Matagal ko syang hinanap at sumuko ako sa kahahanap sa kanya, akala ko nabura na sya sa aking puso pero bakit ngayon parang nagsasaya ang puso ko. Gulong gulo ako talaga at napabilis ang pagyosi ko, gusto ko nang umalis muna at magpahangin.
“Hoy, ano nanamang drama yan? Bakit ka lumabas?” tanong bigla ni Katrina at tinabihan nya ako. “Wala, nagpapahangin lang” sagot ko sa kanya. “Malungkot ka parin kasi iniwan ka nung babaeng yon ano? Nung nawala ako nalungkot ka din kaya?” tanong niya bigla. “Sobra, hinanap kita ng matagal at nung di na kita mahanap naghintay parin ako konti pero nung wala na talaga kinailangan ko narin mag move on” sabi ko sa kanya at bigla syang tumawa. “Ang drama mo! Ikaw ba talaga yan?” sabi nya sa akin at natawa narin ako. “Halika sa loob tulungan mo ako buksan mga dinala ko, dali na” sabi nya sa akin at hinila ang aking kamay.
Pagkapasok ay naupo kami lahat sa salas nila, medyo nahihiya ako sa mga magulang ni Katrina pero pinilit nya ako na manatili lang sa tabi nya. Isa isa niyang nilabas ang mga regalo at binigay sa mga magulang nya. Huli niyang nilabas at isang maliit na box at agad niya ito pinakita sa nanay niya. Pagbukas ng box ay may dalawang kwintas doon, nilabas ni Katrina ang isang kwintas na gawa sag into ay may mga diamonds, letrang K na malaki ang design. “Suot mo sa iyo yan” sabi niya bigla sa akin at nagulat ako at napatingin ako sa mga magulang niya. “Sus sige na suot mo na” sabi niya ulit at tumayo sya at siya ang nagsuot nung kwintas sa leeg ko. Wala ako masabi at naupo ulit sya sa tabi ko at nilabas ang isa pang kwintas ngayon letrang P naman ang disenyo. Inabot niya ito sa akin at inangat ang buhok niya, naintindihan ko at isinuot ko sa kanya ang kwintas.
“Ayan, mommy ganda no?” sabi ni Katrina at ngumiti sya. “Mommy gutom ako, inaantok ako, pero nagugutom ako” sabi ni Katrina. “Katrina, parang kang bata, teka magpapaluto ako” sabi ng nanay niya. “Pepito, gusto mo magshot muna bago kumain?” tanong bigla ng tatay ni Katrina sa akin. “Hindi na po, tumigil na ako sa pag inom ng alak” sabi ko at nagulat si Katrina. Umalis ang tatay niya at nagtungo din sa kusina, naiwan kami ni Katrina sa salas.
“Totoo ka di ka na umiinom?” tanong ni Katrina sa akin. “Oo di na” sabi ko sa kanya. “Bakit anong rason, sige na kwento ka” sabi nya at bigla niyang hiniga ang ulo nya sa hita ko. “Kasi last time na nalasing ako namiss ko ang malaking opportunity na makausap ko muli ang isang tao” sabi ko at tumawa sya bigla. “Pero nag enjoy ka naman diba?” sabi nya at natawa narin ako. “Teka Katrina di na ako magtatagal dito kailangan ko na umuwi” sabi ko sa kanya at hinawakan niya ang kamay ko at sabi “Hindi! Dito ka lang magkwento ka pa, ipipikit ko lang mga mata ko” sabi nya sa akin. “Pero Katrina, kailangan ko bumalik ng Baguio, balikan lang dapat tong biyahe ko” sabi ko. “Ano ka ba? Ngayon na nga lang tayo magkikita tapos ganyan ka pa. Dito ka na matulog, magkwentuhan pa tayo mamaya” sabi nya sa akin.
“Di pwede wala ako dalang damit at di naman tayo pwede magsama sa isang kwarto e” sabi ko sa kanya at kinurot nya ako. “Meron kang damit, basta magtiwala ka. Teka sino ba nagsami magsasama tayo sa isang kwarto, may guest room naman kami. Ikaw ha, iba agad iniisip mo” sabi nya at natawa ulit ako. “Di naman, teka anong damit ko ang sinasabi mo, may naiwan ba akong mga damit noon dito?” tanong ko sa kanya at bigla syang bumangon at kinuha ang isang maleta nya. Pagbukas niya ay naglabas sya ng mga damit na bago, may tag pa mga ito at inabot sa akin. “O ayan, hinulaan ko nalang size mo, pero itong mga boxer shorts sure ako kasya to sa iyo” sabi nya at tumawa sya.
Di ko alam bakit meron syang binili na mga damit ko, magaganda mga nakuha nya at kasya sa akin. Napatingin ako sa kanya at nginitian niya lang ako. “Bakit mo ako binilhan ng damit? At sa tagal ng panahon ako pa naalala mo para bilhan” sabi ko sa kanya at muli syang nahiga sa hita ko. “Ah basta, magaganda ba nakuha ko?” tanong niya sa akin at kinurot ko ang pisngi nya, “Sigurado ka kakasya yung boxer shorts sa akin?” biro ko sa kanya at ngumiti sya at tinitigan ako. “Bakit lumaki ba habang wala ako?” biro niya din sa akin at nagtawanan kami.
“Sa tagal ng panahon wala ka bang nahanap na iba?” tanong ko sa kanya at tinignan niya ako. “Madami din naman” sabi nya. “Akala ko nga nag asawa ka na e” sabi ko sa kanya. “Sira, madaming nanligaw sa akin, may pinoy, kano, negro, basta madami lalo na mga lalake sa work place” sabi nya bigla. “Ilang naman naging boyfriend mo?” tanong ko sa kanya. “Wala, loyal ako di tulad ng isa dyan” sagot niya at ngumiti sya. “Imposible naman na wala” sabi ko sa kanya. “Well, meron isang makulit na Kano at isang Pinoy pero muntik lang” sagot niya. “E di sa tagal ng panahon e malungkot na malungkot ang bawat gabi mo” biro ko ulit at kinurot niya ako. “Oo pero may kamay naman ako” sumbat nya at tawa sya ng tawa. “Siguro may vibrator ka at dildo ano?” lalo ko pa syang biniro at lalo lumakas ang tawa nya. “Speaking of dildo, alam mo natempt ako bumili ng ganon pero nung nasa store na ako nahiya ako at tinatawanan ko sarili ko” sabi nya. “So hindi ka bumili?” tanong ko at ngumiti sya. “Bumili ka ano?” hirit ko sa kanya at tumawa sya ulit.
Nang naihanda ang pagkain ay nagsalo salo kami sa dining area, agad kumain si Katrina dahil sa gutom at napatingin lang ako sa kanya. “Siya nga pala mommy Pepito will sleep here so please let them prepare the guest room” sabi ni Katrina. “Guest room? You two can share your room” sabi ng nanay niya at nahiya ako sa mga sandaling yon. “Matanda na kami ng mommy mo baka gusto mo na kami bigyan ng apo” biro ng tatay niya at naninibago talaga ako pagkat ngayon ko lang nakita ang ganitong ugali nila. Akala ko dati strikto sila kaya di ko akalain na magbiro sila ng ganito. “O Pepito narinig mo yon, apo daw” sabi ni Katrina sa akin at bigla syang tumawa. Di ako nakaimik at ngumiti nalang ako at kumain. “Uy nagbibingi bingian pa yung isa daw” biro ni Katrina at natawa ako bigla.
“Sorry po kasi ngayon ulit kami magsasama ni Katrina after a long time. Hiniwalayan niya po ako matagal na” sabi ko sa mga magulang nya. Gulat na gulat ang itsura ng nanay niya at napatingin kay Katrina. “Ha? Totoo ba to Katrina?” tanong ng nanay niya at tumahimik lang si Katrina. “E bakit tuwing tumatawag ka palagi kang umiiyak at sinasabi mo na namimiss mo na si Pepito, wala kang binanggit na naghiwalay kayo?” hirit ng nanay nya at nagreact agad si Katrina. “Ma! Anong pinagsasabi mo?” sigaw ni Katrina at napatawa ako at tinignan ko si Katrina. “Hwag kang maniniwala sa sinasabi ng mommy ko, nagbibiro lang yan!” sabi nya sa akin.
Pagkatapos kumain ay sinamahan ko si Katrina sa kwarto niya, nahiga sya sa kama at nagpapakwento sa akin ng kung ano anong bagay. Ilang sandali lang ay nakatulog na sya, pinagmasdan ko sya ng matagal at di nga ako nananaginip, eto katabi ko ang babaeng akala ko nawala sa aking buhay. Sumuko ako sa paghahanap sa kanya at umibig ako ng iba, unfair sa kanya kung mananatili ako sa piling nya. Dahan dahan ako umalis sa kwarto niya, nang papalabas na ako ng pinto ng bahay nila at pinigilan ako ng tatay niya.
“Pepito sinaktan mo na minsan ang anak ko, pag aalis ka sasaktan mo ulit sya. Ayaw ko na sanang makitang umiiyak ang anak ko” sabi nya bigla sa akin. Huminga ako ng malalim at sabi ko “Sir sorry po, pero pag mananatili naman ako baka lalo lang sya masasaktan. Mahal ko parin si Katrina pero yung rason kung bakit nagkahiwalay kami noon…baka lang maulit…di parin ako nagbabago sa tagal ng panahon. Ayaw ko narin sya saktan ulit, kaya siguro mas maganda na umalis nalang ako”
“Mahal mo parin ang anak ko nakikita ko sa mga mata mo” sabi niya sa akin at tumahimik lang ako. “Mahal ka ni Katrina, umuwi sya dito para hanapin ka. Matagal ko nang hindi nakita ang ngiti ng anak ko. Bago sya umalis hindi na sya ngumingiti, alam namin babalik sya pero di ko akalain na babalik syang nakangiti. Di mo ba kayang magbago para sa anak ko?” tanong niya sa akin at napayuko ako ng ulo. “Anyway iho buhay niyo yan, konti lang ang nakakapagpaligaya kay Katrina at isa ka na doon. Sige sabihin ko nalang sa kanya na kinailangan mong umalis dahil sa emergency” sabi niya at sinara niya ang pinto.
(chillax guys umpisa lang yan...madrama ano? hahahaha...abangan niyo ang next chapter...new poll din pala pakisagot)