Chapter 4: Makeover
“Alam mo pare what you need in a make over” sabi ni Tonio sa akin habang nagkakape kami sa lounge. “Bakit may problema pa sa porma ko pare? Ganito naman dapat ang suot ng executive diba?” sabi ko sa kanya. “Pare twety four ka lang at when people look at you sa ganyan na formal na suot you look older. Araw araw ka naka slacks, tie and coat, nakalimutan mo na ata magsuot ng casual attire e” sabi nya. “Oo nga pare eh, alam mo the last time I wore maong pants was the day before graduation. After that work agad dito, lahat ng damit ko sa cabinet panay polo, tie, slacks, tapos pambahay na yung iba” sabi ko sa kanya at tumawa sya.
“Well pare you should wear clothes na pang yuppie, alam mo may tauhan ka dito na magaling sa fashion sense, si Gege ka department ko” sabi nya. “Sus babae yon e, mahihiya lang ako don” sabi ko sa kanya. “Bading sya pare, Gerald Genio alysas Gege pero magaling sya pare ha” sabi nya at tumawa ako. “Bakla ang magdadamit sa akin? Ano papasok ako dito naka butterfly costume? O kaya alitaptap hairdo with matching poise and gay mannerisms?” sagot ko at tawa kami ng tawa. “Pare sige na try mo lang, papuntahin ko sa opis mo mamaya” sabi nya. “Ulol, alam mo naman na medyo aloof ako sa bading, sumama ka” sabi ko at tawa sya ng tawa.
One hour later kasama ni Tonio si Gege na pumasok sa opisina ko. “Gege, I heard from Tonio you are good, so I need a total make over in terms of appearance” sabi ko agad at tinignan ako ng bading from head to foot. “Okay naman suot mo sir, ano ba gusto mo mangyari sa itsura mo?” tanong nya. “Gusto ko maging sirena” biro ko at nagsimangot ang bakla pero si Tonio tawa ng tawa. “Just kidding Gege, I want to look my age, 24, sabi ni Tonio mukha daw ako matanda dito sa suot ko” sabi ko sa kanya. “I see, well e di magsuot ka ng uso, jeans, tucked in na polo, tie, tapos coat, then sneakers o diba?” sabi nya at di ko sya maimagine. “Di ko magets itsura ko pag ganon” sabi ko.
“Hay naku sir, talagang di mo maimagine kailangan natin magpunta sa mall para matry mo talaga. May shop ang friend ko doon tayo para pwede tayo mag matching ng babagay sa iyo” sabi nya. “Ngayon na?” tanong ko. “Pwede naman in ten years sir” bawi nya at tinignan ko ang computer, “May bakante ata ang janitorial baka gusto mo ilipat kita doon?” biro ko at tumawa ang bakla. “Si sir talaga, nagbibiro din ako” sabi nya.
Nagpunta kami sa shop ng kaibigan nya at madami ako sinubukan na damit. After thirty minutes nagustuhan ko ang nakita ko sa salamin. “Wow, ok to ah” sabi ko at tumawa ang mga bading. “Saan kweba ka ba nagtago?” tanong ni Gege at napangiti ako. “Pero executive ako tapos ganito suot ko? I mean naka jeans ako tapos sneakers, pero upper part polo and tie then coat? It looks good pero baka naman di na ako magmukhang executive nito?” sabi ko.
“Hellow! Ganyan ang uso! Sabi mo something that suits your age o ayan na. You can also lose the tie pero you have to open the bottons of your shirt. Madami combination ang pwede sa jeans. Pero sir suggest ko din you have to change your haircut, dapat naman medyo bagets ka, semikalbo tapos magpalagay ka ng hikaw sa tenga” sabi nya at tawa na ako ng tawa. “Sobra naman na ata yon” sabi ko sa kanya. “Try mo lang, ang nagpapapangit lang sa iyo ay yang buhok mo, masyado dry parang iskoba ng banyo, maganda naman shape ng head mo so try mo lang” sabi nya. “Sige antayin niyo ako dito” sabi ko at dumireto ako sa barbero at nagpasemikalbo. Pagbalik ko nakangiti sila sa akin.
“Ayan e di nadagdagan ka ng pogi points, plus two” sabi nya at parang nasiyahan ako sa sinabi nya. “Talaga? Ilang points ko in total?” tanong ko. “Two” sagot nya at natawa ako. “E si Tonio ilan?” tanong ko at tumili sila, “One hundred” sabi nya at nanghinayang ako bigla. “Paakyatin mo naman ang pogi points ko sa kahit ten man lang” sabi ko at tawa sila ng tawa. “Hay naku sir alam mo di lahat nakukuha sa kagwapuhan, kailangan mo lang ay tamang pagdala sa sarili mo at sa suot mo, at higit sa lahat ugali” sabi nya.
“Ows? Di importante ang gwapo?” tanong ko. “Oh yes, aanhin mo ang gwapo kung madungis? O kaya pangit ugali? So kailangan mo idaan sa charm yan, kaming mga babae madali maakit sa lalakeng charming” sabi nya. “Kayong babae? As in kayo na feeling babae o kasama mga tunay na babae?” tanong ko at tinaasan nila ako ng kilay. “Lahat kaming babae!” sigaw nila at tawa ako ng tawa. “Okay, so teach me” sabi ko at ngumiti sila. “Walang libre sa mundo” sabi ni Gege. “Magbabayad ako may pera ako” sabi ko. “Hindi ko kailangan ng pera” sabi nya. “E ano?” tanong ko. “One date with Tonio” sabi nya at napahalakhak ako bigla. “Sige deal!” sabi ko sa kanya. “Talaga? As if naman papayag yon” sabi ni Gege. “Ako pa, basta deal na yon ako bahala don, so teach me, make me charming…pero oy wag mo ako gagawing bakla!” sabi ko at tumawa sya. “Hay sir, in order to be charming you have to be in touch with your feminine side, konti lang! As if naman magician ako na isang iglap mahilig ka narin sa titi!” sigaw nya at tawa kami ng tawa ng kaibigan nya. “Taasan mo pa ako ng boses Gege talagang ililipat kita sa janitorial” biro ko at nilambing na nya ako bigla.
Pagsapit ng hapon ay madami ako natutunan, kailangan ko na umalis para sunduin si Miyu. “Sir isuot mo na yan wag ka na magbibihis to your old attire” sabi ni Gege. “Excuse me sir ano po yung kukunin niyo para makwenta ko na” sabi ng kaibigan nya. “Lahat” sabi ko at nanlaki ang mata nya. “Lahat?” tanong nya. “Oo lahat, may mga crew ka ba na pwede ako samahan ilagay sa kotse?” tanong ko at nagkandarapa ang bading. “Gege, magkano sweldo mo sa company?” tanong ko. “Twenty thousand” sabi nya. “Gawin natin thirty thousand” sabi ko at napayakap sa akin yung bading. “Pero favor, every night padalhan mo ako email, kung ano isusuot ko the next day” sabi ko. “Ay sure, no problem sir” sagot nya. “At kung may bagong fashion sabihin mo din para in ako para naman madagdagan ang pogi points ko” sabi ko sa kanya at tumawa sya. “Actually sir, two, plus yung porma mo so that is plus ten, then may tsikot ka plus ten ulit then madatung ka plus ten, ewan ko ilang points sa charm pero at least may thirty plus ka na” sabi nya at tawa ako ng tawa.
Paglabas namin ng shop napansin ko may mga napapatingin sa akin na mga babae. “Gege, sigurado ka di katawa tawa ang suot ko, bakit nila ako tinitignan?” bulong ko sa kanya. “Kasi sir attractive ka na” sabi nya at napangiti ako. “Really?” tanong ko. “Wag masyado ang ngiti, ang lakad dapat may confidence, wag maging snob, kung nginitian ka smile back a little lang parang teaser” bulong nya. Natatawa na ako sa loob loob ko at mukhang epektib ang sinasabi nya. “Sir teka ang bantot ng perfume mo, amoy matanda ka” sabi nya bigla. “Totoo ka?” tanong ko. “Yes, pag malayo attractive, pag lapit sa iyo destructive ka na, parang pabango ng sixty years old yan, ano ba yan? Maattract mo lang ang mga matron siguro pag ganyan, penge four thousand at bibilhan kita ng pabango” sabi nya. Agad ako naglabas ng pera at dumiretso na sa kotse ko, thirty minutes dumating si Gege at inabot ang pabango, “Gege salamat ha” sabi ko. “Late ka na, susunduin mo pa anak mo” sabi nya at pagtingin ko sa orasan ay thirty minutes late na nga ako.
Pagdating ko sa school ni Miyu agad ako pumasok sa loob, buti nalang nandon pa sya at may kausap syang teacher. Nilapitan ko sila at agad nya ako nakita, tulala si Miyu at nakatitig lang sila sa akin. “Sorry I am late” sabi ko at nginitian ako ng teacher nya. Ang ganda ng teacher nya, kumikinang pa ang braces nya. “Kuya…sinasabi ko lang kay teacher Mau na executive ka…bakit ganyan ang suot mo?” tanong ng mabagal ni Miyu. “Pangit ba?” tanong ko at nginitian ako ni Miyu at biglang inakbayan ang kamay ko, “Teacher di ko pala guardian ito, boyfriend ko to” sabi ni Miyu at napatawa ang teacher nya. “Jeffrey Mendez, Mayumi’s guardian” sabi ko sabay abot ng kamay sa teacher nya. “Ah…Maureen Delapaz…I’m her homeroom adviser” sabi nya sa akin at nagngitian kami. “Late ka treat mo ako” sabi ni Miyu, “Okay, miss Delapaz would you like to join us?” tanong ko at ngumiti lang ang teacher niya at namula ang mga pisngi, “Ah…next time…I have paper work to finish, nice meeting you” sabi nya at bigla sya umalis.
Pagpasok sa kotse napansin ko tingin ng tingin sa akin si Miyu, “Bakit may problema?” tanong ko. “Wala…naninibago ako sa itsura mo kuya” sabi nya. “Oo kasi nawala yung buhok ko” sabi ko. “Buhok, suot at itsura….hmp may pinopormahan ka! I hate you na!” sabi nya. “Wag mo na ako treat, uwi na tayo!” hirit nya at natawa tuloy ako. “Wala naman ako pinopormahan, gusto ko lang magbagong image e” sabi ko pero nakasimangot parin sya.
“E bakit kasi pag may pinopormahan ako? E lalake naman ako at normal lang naman yon ah” sabi ko sa kanya. “Hindi pwede yon, kasi mawawala ang atensyon mo sa akin. Tapos sya nalang lagi mo treat at di mo na ako itreat tapos lagi mo na sya kasama, late ka na uuwi wala na kaming kuya magbabantay sa amin sa house” drama nya at lalo ako natawa. “E pag ganon pano naman love life ko?” tanong ko sa kanya at di nya ako sinagot at nakasimangot parin sya. Tinabi ko ang kotse sa tapat ng isang sikat na restaurant, at tinignan niya ako, “Sabi ko uwi na tayo e!” sabi nya. “Okay, well masarap pa naman ang pagkain dyan” sabi ko. “Wala ako gana kumain at wala naman okasyon para itreat mo ako sa mamahalin na lugar!” sigaw nya.
“Okay, date sana natin to e pero sige uwi nalang tayo” sabi ko at tinignan nya ako at ngumiti. “Date? Date natin?” tanong nya. “Oo ang date naman di ibig sabihin magsyota o nagliligawan. Date as in quality time, eating time, ikaw at ako pero wala ka pala gana kumain e” sabi ko at inandar ko na ang kotse. “Meron na ako gana, nagbibiro lang naman ako…pero naka school uniform ako kuya” sabi nya. “So? Dati nga pajama, at least now uniform” sabi ko at bigla niya binuksan ang pinto at lumabas sya. Sa wakas nasolusyonan ko nanaman ang isang problema, mahirap kalabanin si Miyu pagkat asal bata talaga sya.
Nakauwi kami ni Miyu ng six ng bagi, pagpasok palang sa living room natulala sina Celine, Tessa nang makita ako. Sa sobrang busog nahiga si Miyu sa sofa kaya nagdiretso ako sa kusina pagkat may naamoy akong masarap na pagkain. Nakita ko si Jaja nagluluto, naalala ko HRM pala sya. “Hmmm smells good” sabi ko at nang lingunin niya ako nagulat sya bigla. “Para ka naman nakakita ng multo” sabi ko at iniwanan ko na sya at umakyat ako sa second floor. Nakita ko si Loreen sa living room doon at tinitigan nya ako. Nakiupo ako sa kanya at tinignan ko ano ginagawa nya sa laptop nya, “Loreen bakit di ka nakikihalubilo masyado sa iba?” tanong ko at nakatingin lang sya sa akin. “Do I have to?” tanong nya. “Ha? Syempre, napapansin ko lagi ka nag iisa. Bakit ayaw mo ba sila kasama?” tanong ko. “Gusto naman pero mas madami ako nagagawa pag mag isa ako, wala ako oras sa kid stuff or kalandian” sabi nya.
“Oh well ganyan ako dati, gusto ko mapag isa pero lonely. Madami nga nagagawa pero kokonti lang kaibigan ko. Look at me now, iisa lang natirang kaibigan ko at yun pa ang umahas sa girlfriend ko. Oh well kung ganyan ka na talaga wala na tayo magagawa, pero alam mo you should try to socialize more, the more friends the happy you will become” sabi ko at naglakad na ako papunta sa kwarto ko. “Kuya” sabi nya kaya nilingon ko sya. “You look good” sabi nya at napangiti nalang ako sa kanya.
Madami din ako natutunan kay Gege, galit sa akin si Tonio pagkat napilitan siyang makipagdate sa kanya. Pero all is well naman pagkatapos non, naging in touch ako sa feminine side ko, para ako pumasok sa charm school ng bading sa aking opisina araw araw. Nagdala pa si Gege ng tomboy na kaibigan para turuan naman ako umintindi ng pangaingailangan ng babae kahit hindi nila sinasabi. Kaya naman pala sabi ng iba mas magaling magmahal ang tomboy kasi babae din sila. Nagkakaintindihan sila, ngayon medyo nakukuha ko na pero syempre lalake parin ako kaya di ko pa sanay ang mga mannerisms ng mga babae.
Ang pinakamahirap sa lahat ay yung timing, kailangan ko daw mag isip ng mabuti bago ako umasta. Kailangan ko daw matuto kung kailan ako magiging charming o hindi. Kailangan ko malaman sa tingin palang kung mali na agad ang entrada ko at kung kailan tama ang ginagawa ko. Ang importante daw ay ang feelings na galing sa loob ng dibdib at hindi yung feelings sa ulo sa baba. At kung mapalagay man ang damdamin nila sa akin wag daw ako mag take advantage.
Pag uwi namin ni Miyu ng bahay ay napansin namin na masyadong tahimik. Pagakyat namin sa second floor nakita ko ang iba busy nag aaral, kakaibang eksena ito ngayon ko lang sila nakitang ganito. “Preliminary Exam niyo ano? Kaya pala ang babait niyo ngayon” biro ko sa kanila at di man lang nila ako tinignan. Pagpasok ko sa kwarto ko nagulat ako nandon si Loreen sa harapan ng pc ko, “Kuya pagamit pala, sorry, mabilis kasi tong pc mo e. Don’t worry di ko sisirain” sabi nya kaya hinayaan ko lang sya doon. Nagbihis ako sa banyo at paglabas ko nandon narin si Tessa, “Kuya higa ka dali kailangan ko magpractice, sige na please” sabi nya kaya agad ako nahiga at naupo sya sa tabi ko at may dalang chart. “O kuya hawakan mo ito dapat lahat ng ituro ko tama, pakicheck nalang ha” sabi nya at pinagtuturo niya ang ibat ibang parte ng katawan ko at okay naman panay tama naman ang mga nasasabi nya.
“Kuya help!” sigaw ni Celine at nakitabi sya sa kama, “Kuya nalilito ako dito sa accounting subject ko, commerce ka din so dapat alam mo to” sabi nya. “Wag kang magulo nauna ako” sabi ni Tessa. “Teka teka time out, pano kita tuturuan e ginagamit pa ako ni Tessa?” sabi ko at biglang tumawa si Loreen ng mag isa. “Hala parang siraulo” sabi ni Celine. “Sorry iba lang naisip ko” sagot ni Loreen at natawa narin si Tessa. “Ikaw naman Loreen maaga pa para gamitin ko si kuya sa ganon no…mamaya pag madilim na” landi ni Tessa at tawa ng tawa si Celine.
Pumsasok narin sa kwarto si Miyu at nahiga sa tabi ko, “Tessa si Miyu nalang gamitin mo” sabi ko. “Di ako lesbian” sagot nya at natawa ako. “Sira, sya test subject mo, para maturuan ko si Celine” nilinaw ko at tawa kami ng tawa. Naupo kami ni Celine sa study table, pumasok din sa kwarto si Jaja at suot pa nya ang apron. “Wala man lang tumulong sa akin magluto” drama nya kaya napatingin ako sa kanya. “Akala ko kasama mo si Liezl” sabi ko. “Wala pa si Liezl, di sumabay sa amin pauwi” sagot nya. “Exam din niya bukas diba?” tanong ko at nag oo sila lahat.
Nag init nanaman ulo ko, kamakailan lang e akala ko nagbago na sya pero ngayon exams gumimik nanaman sya. “Kuya…” sabi ni Celine sabay turo sa notebook nya. “Ay oo sorry, anyway lets continue” sabi ko. Pumunta sa likod ko si Jaja at niyakap ako at pinatong ang ulo sa balikat ko, napatigil ako at tumawa si Celine, “Jaja wag mo naman landiin si kuya baka iba maituro nya sa akin” sabi niya. “Ay nagseselos ka ba Celina? Alam mo ba may nakaraan kami ni kuya…di ba kuyaaaahhh” landi ni Jaja at humalakhak si Celine. “Jaja, di ako makaconcentrate, pero in fairness parang namamasahe ang likod ko ng malalambot na bagay” biro ko at bigla nya ako binitawan at sinakal. “Manyak!” sigaw nya at natawa na ako.
“Ay kuya di management ka, magpapaturo din ako mamaya pala, may management subject kami” sabi ni Jaja. “Okay, lahat ng magpapaturo pila pila lang, pero after dinner na yung iba” sabi ko at tinuloy ko ang pagturo kay Celine. After dinner tinuruan ko si Jaja, sabay tinulungan ko ulit si Tessa, nakakapagod din pala maging teacher. Nang natapos kami ni Jaja nakita ko nasa computer parin si Loreen, tinabihan ko sya at napatingin sya sa akin. “Kanina ka pa dyan, di ba sumasakit mata mo?” tanong ko sa kanya. “Sumasakit din pero kailangan tapusin to e, it comes with the territory” sabi nya.
“Sorry ha, pagdating dyan wala ako maitulong sa iyo di tulad nila meron ako konting alam” sabi ko at ngumiti lang sya. Pinagmasdan ko lang sya habang nagtratrabaho sya sa computer, sya lang ang di ko nakakasalimuha masyado, di ko nakabibiruan, wala na ako maalala kundi seryosong usapan. “Kuya matutulog ka na ba?” tanong nya. “Hindi pa, aantayin ko pa si Liezl baka magpapasundo nanaman, tigas ng ulo niya talaga exams tapos gigimik. At wala na ako lugar sa kama ko” sabi ko at napalingon sya at nakita nya sina Miyu, Jaja at Celine na natutulog na don.
“Gisingin ko sila?” tanong nya. “Hindi na, hayaan mo na sila” sabi ko. “Saan ka matutulog? Dun ka nalang sa room nila” sabi nya. “Di pwede, what if bigla dumating parents nila o matagpuan ako nakatulog don o baka iba na isipin nila” sabi ko sa kanya. “Don’t worry about me sige lang continue your work” sabi ko sa kanya at nagpunta ako sa baba para magyosi.
Alas onse na ng gabi wala parin si Liezl, gumawa ako ng hot choco at inakyat ko para kay Loreen. “Thank you kuya” sabi nya, “Dun lang ako sa baba maghihintay” sabi ko sa kanya. Naupo ako sa sofa at sinindi ang tv, naghanap ako ng mapapanood at talagang naiinis na ako kay Liezl. Alas dose bumaba si Loreen at sinilip ako, “Kuya kumakain ka?” tanong nya. “Hindi, pinainit ko lang yung food kanina baka di pa kumain si Liezl” sabi ko sa bumalik na sya sa taas. Tamang tama narinig ko may nagbukas sa gate, kakatok palang sana si Liezl binuksan ko na ang pinto at tumayo lang sya sa harap ko at niyuko ang ulo nya.
“Pasok na dali para maisara ko ang pinto. May pagkain sa lamesa pag hindi ka pa kumain” sabi ko sa kanya. Pumasok sya at dumiretso sa kusina, sinara ko na ang pinto at naupo sa sofa. “After eating just leave it there, get some sleep or better yet magreview ka” sabi ko lang pero di nya ako sinagot. After ten minutes natapos sya kumain, narinig ko huhugasan nya sana ang plato pero nagalit ako, “Narinig mo ba ako kanina? I told you to leave it there” sabi ko. Naglakad sya papunta sa akin at tumayo lang sa tabi, “Kuya…sorry” bulong nya. “Wala na kwenta ang mga salita mo, mag aral ka nalang o kaya matulog” sumbat ko sa kanya.
Hinugasan ko ang pinagkainan ni Liezl, nagulat ako nang biglang sumulpot si Loreen sa tabi ko. “Nakakagulat ka naman” sabi ko at tumawa sya. “Kuya gusto mo ako nalang maghugas” sabi nya. “Hindi na ako nalang, konti lang naman, bakit gising ka pa? Tulog ka na at may exam ka pa” sabi ko. “Hapon pa naman yon” sabi nya. “Kahit na at least get some rest naman kanina ka pa nasa harap ng pc, sige na kaya ko to” sabi ko. “Saan ka matutulog?” tanong nya. “Sa sofa” sagot ko. “You can sleep in my room if you like tapos sa room nalang ako ni Miyu” alok nya. “Hindi na, I will be fine sa sofa, sige na Loreen get some rest” sabi ko at naglakad na sya paalis.
Nang natapos ako nagpunta na ako sa salas, nagulat ako at nandon parin si Loreen at nanonood ng tv. Naupo ako sa tabi nya at tinignan ko sya, “Di ka pa inaantok?” tanong ko. “Hindi pa” sagot nya kaya nakinood nalang ako kahit inaantok na ako talaga. “Kuya, alam mo nung una natatakot ako sa iyo kasi akala ko sex maniac ka” sabi nya at nagulat ako. “Hahaha ako sex maniac?” tanong ko. “OO, kaya inoobserbahan kita, I really was expecting one of us to start complainin about things like minamanyak mo sila or inaabuse” sabi nya at tawa na ako ng tawa. “Seryoso ako kuya, pero habang tumatagal wala naman, instead panay goodness nakikita ko sa iyo” sabi nya.
“Wow goodness, parang santo, pwede na ako kunin ni Lord” biro ko at tinapik nya ang kamay ko at nakitawa narin sya. “Today nalang nakita ko how concerned you are for us, tinulungan mo SILA sa studies” sabi nya. “Ay nagpaparinig pa, talagang with emphasis ang SILA o” sabi ko at lalo sya napahalakhak. “Tapos nag alala karin kay Liezl, pinaglutuan mo pa ng food, imbes na sermonan mo inutusan mo lang sya mag aral, tapos naghugas ka pa ng pinggan, akala ko spoiled rich kid ka na walang ibang alam kundi magpaka seryorito” sabi nya. “Dear ate Charo, noong bata ako maaga ako naulila…di ako trinato ng mabuti ng ibang kamag anak ko at tangin lolo ko lang nag alaga sa akin” banat ko at sobra ang tawa nya. “Ate Charo, pati sa pag ibig sawi ako, ang tanging babae na nagmahal sa akin ay inagaw pa ng bestfriend ko…masakit ate Charo” sabi ko at ang tindi na ng tawa ni Loreen at panay na ang palo nya sa akin para tumigil.
“Teka nga, may gusto ako subukan matagal na” sabi ko sa kanya at napatigil sya at tinignan ako. Nilapit ko ang mga kamay ko sa ulo nya at bigla syang nanginig, nanlaki ang mga mata nya at parang ninerbyos ng todo, “Kuya ano gagawin mo?” tanong nya. Hinila ko ang mahabang buhok nya at tinakpan ang mukha nya, “Ayan, Sadako! Mommy may mumu! Si Sadako!” biro ko at game na game naman sya nagkunwaring multo at tawa ng tawa. Nang nahimasmasan kami ay bigla nya ako tinignan, “Nagnerbyos naman ako kanina, akala ko hahalikan mo na ako” sabi nya. “Ha? Hahalikan kita? Bakit ko naman naisip yon?” tanong ko.
“Wala…kasi maybe…I really wanted you to kiss me” bulong nya at napatitig ako sa mata nya. Nanigas ako at di ko makayanan ang titigan namin, natotorpe nanaman ako at agad ko nilayo ang tingin ko. “And why would you want me to do that?” tanong ko nalang. “Because kuya…I think I like you” sabi nya at lumapit sya sa akin at hinawakan ang pisngi ko, nilayo ko ulo ko at nginitian ko nalang sya. “Loreen…hindi ata tama to…baka patayin ako ng magulang mo” sabi ko sa kanya. Lalo niya nilapit ang mukha nya sa mukha ko, “bakit naman nila gagawin yon?” bulong nya. “sabihin nila I am taking advantage of you” sagot ko. “don’t worry youre not” sabi nya at nagdikit na ang mga labi namin at tuluyan na kaming naghalikan.
Nang nagbitaw ang mga labi namin napangiti ako sa kanya sobra, “Bakit?” tanong nya. “Your only the second girl I ever kissed” sabi ko sa kanya at napangiti sya. “You have soft lips” bulong nya. “Of course, they are RARELY used” sagot ko at tumawa sya. “Kuya…if we lay down here and kiss will you take advantage of me?” tanong nya. “No I wont, I promise” sabi ko. “If we lay down and kiss will you take advantage of me?” tanong ko din at ngumiti sya bigla, “Maybe” landi nya kaya nahiga ako agad at tumawa sya at pinalo ako. “Kuya…are you expecting to…” sabi nya pero sabi ko, “expecting to kiss you again and nothing more than that” sabi ko at napangiti sya at nahiga narin. “Pwede mo ako yakapin kung gusto mo” bulong nya pero nahiya ako, siya ang unang yumakap sa akin at napayakap narin ako sa kanya. Nagdikit muli ang mga labi namin at napapikit ang mga mata ko, matagal na ako talagang di nakahalik ng babae at nag eenjoy ako sa paghalik sa kanya.
Gusto maglikot ng mga kamay ko pero nahihiya ako sa kanya. Okay na ako sa ganito kesa naman sa wala. Tumigil ako pagkat nanigas na ng tuluyan ang ari ko, bumangon ako para kunin ang isang unan at tinignan nya ako. “Aanhin mo yan?” tanong nya. Nilagay ko harap ng ari ko at saka nahiga ulit, napangiti sya at tinignan ako, “tumigas ba?” tanong nya at nahiya tuloy ako. “Oo e, kaya ganyan nalang baka bigla syang makawala” biro ko at napatingin sya sa baba. Inalis nya ang unan at dinikit ang katawan nya sa katawan ko, naramdaman ko nagdikit ang harap ko at harap nya kaya pasimple nalang ako tumingin sa malayo. “Is it true?” bulong nya. “What is true?” tanong ko. “Yung sinasabi ni Jaja na virgin ka pa” sabi nya. Napatingin ako sa kanya at wala nang sense para magsinungaling, “Yes I am” sabi ko. “Kaya pala” sabi nya. “Kaya pala ano?” tanong ko at ngumiti sya, “Secret” sabi nya. “Ay, siguro di ako marunong humalik ano?” tanong ko. “Di yon, ok ka nga e, compared to my ex, sabi mo im the second one you kissed, well same din you are the second guy I kissed” sabi nya at ewan ko bakit masaya ako. “E bakit mo kasi ako hinalikan?” tanong ko. “Uy tinatanong pa kahit sinabi ko na sagot kanina…gusto ko lang marinig ulit ano? Sige pagbigyan kung ikakaligaya mo…I kissed you because I like you…happy?” sabi nya.
“Kissed…past tense…meaning tapos na…kakalungkot naman” biro ko at tumawa sya. “Ikaw inuutakan mo ako ha…pero tignan mo sinabi ko, sabi ko I like you hindi I LIKED you, then I kissed you because I like you. Yung kiss tapos na, pero yung like ongoing pa sya…so pag babanatan mo ng logic…ergo I like you so I will kiss you again…and again…and again…hanggang madagdagan ng D yung LIKE” paliwanag nya at muli kaming naghalikan. Di na ako makaangal pagkat magaling talaga ang mga comp sci at engineering sa logic, kahit papano ay masayang masaya ako sa sinabi nya. Dati dati natatakot ako mabigo, kaya aloof din ako sa babae. Pero ngayon nalaman ko may magkakagusto pala talaga sa akin at di talaga nagkamali si Nadine noon. Past is past, eto kaharap ko ang present and I am enjoying it, para akong natanggalan ng tinik sa dibdib ko, kung dati minamaliit ko sarili ko this time unti unti ako nagkakaroon ng confidence.
“Kuya…be honest ha” sabi nya at tinitigan nya ako sa mata. Pinatong nya ang isang kamay nya sa dibdib ko at huminga ng malalim. “Lalake ka and there are six of us here…may time ba na you fantasized about one of us? You don’t have to say who…yes or no lang” tanong nya at eto na naipit na ako, di ko alam ang tamang sagot, kung sasabihin ko hindi malamang hindi sya maniniwala pagkat magaganda sila, pag sinagot ko oo malamang mandiri na sya sa akin. Ako naman ang huminga ng malalim at talagang napaisip, kailangan ko magsabi ng totoo sa kanya at bahala na kung ano isipin nya.
“Okay…yes” sabi ko at ngumiti sya. “Honest ka talaga, don’t worry di ko na tatanungin sino” sabi nya at nakahinga ako ng maluwag. “Kuya one more question pwede?” tanong nya at since sabi nya honest ako sige banat, “Sure” sabi ko with confidence pa. “You and me like this…we kissed…and might kiss again later…did it ever cross your mind or iniimagine mo ba na makipag sex sa akin ngayon?” tanong nya at nagulat ako, ang bilis tuloy ng tibok ng puso ko at inaantay na nya ang sagot ko. “Will it be make me look bad if I say yes?” sagot ko at napangiti sya. “No” sabi nya. “Yes ang sagot ko” sabi ko at tumawa sya. “Me too” sabi nya at nagulat ako at napanganga, lalo sya natawa sa itsura ko.
“If only this happened in a more private area kanina…maybe it would have happened” sabi nya. “Pero syempre open space to…baka magising si manang…o baka mag midnight snack si Miyu…or maging maingay ako at magising sila…” landi nya at parang lalong tumigas ang ari ko. “So if you can wait a little longer until the timing is perfect then…you know” landi nya sabay halik sa labi ko. “Sus ako pa, natiis ko ng 24 years e” sabi ko at tawa sya ng tawa. “You wont have to wait that long anymore I promise” bulong nya sa akin at parang nakuryente ang buong katawan ko. “Shet nalabasan na ata ako” biro ko at kinurot nya ako ng malakas at humalakhak sya. Inismack nya ako ng matindi sa labi sabay bumangon na, “I will go to bed na kuya...kaya kuya wag kang magbabago ha” sabi nya at nginitian nya ako.
Dahil sa sinabi nya talagang hindi ako magbabago, magbago man ako pero for the better. Ito ang bahay ni Kuya…magiging masaya na dito.