black2

Wednesday, March 18, 2009

Chapter 2: Blind Training

Chapter 2: Blind Training

Kinabukasan nagising ako at nagulat ako pagkat nakapatong sa ibabaw ko si Bea. “Ano ginagawa mo?” tanong ko at nginitian niya ako. “Athan gusto mo ako halikan?” landi nya. “Ha? Hindi ah, para kitang kapatid” sabi ko kahit na gustong gusto ko pero baka nandyan lang si ninong nakikinig sa tabi. “Really? Be honest tayo lang ang nandito, gusto mo ako halikan?” tanong niya ulit at napatitig ako sa magandang mukha nya. “Oo, sino naman ang hindi gusto, pero syempre kinakapatid kita so di pwede” sagot ko at tumawa sya. “Arte mo, sige hahalikan kita pag nahanap mo ako” landi nya at napangiti ako. “Maglalaro tayo ng taguan?” tanong ko at ngumisi sya at nilabas ang piring.

“Hindi ako magtatago, uupo lang ako sa salas sa baba aantayin kita. Pero nakapiring ka at bibigyan kita ng time limit para makababa or else no kiss” sabi nya at piniringan na nya ako. Wala akong makita, tanging naririnig ko ang boses nya. “Ayan, you have ten minutes to come down, don’t make me wait” sabi nya. Wala talaga ako makita, “Hoy wag kang mandadaya! Subukan mo lang tignan mo” pahabol nya at narinig kong nagsarap ang pinto. Training pala ito pero maganda ang reward kaya kahit wala ako makita pinilit kong bumangon at naglakad papunta sa pinto. Ang hirap pala, tatlong minuto bago ko nahanap ang pinto, nakaluhod pa ako naghahanap.

Nakababa ako ng hagdanan dahan dahan, pero lampas na ng sampung minuto kaya inalis nya ang piring ko, “Sorry, better try again. Tara kain na tayo” sabi nya at nag almusal na kami. After breakfast sa likod kami ng bahay nagtraining. Ngayon may walking stick na ako. Sinuot ko ang piring at sinamahan niya ako maglakad lakad para sanayin ang gamit ng walking stick. “Mahirap ano?” tanong nya. “Oo nga e, pero bakit ko pa ginagawa ito e magpapanggap lang naman ako” tanong ko. “Oo pero dapat mo din malaman pano talaga. Kasi now sasanayin mo pano talaga maging bulag, after oo nakakakita ka na pero kailangan yung acting mo tunay. Pag nasanay ka dito mas madali ka na mag acting” sabi nya.

“So ikaw din nagtraining sa daddy mo?” tanong ko at tumawa sya. “Oo pero wala yung kiss part, sa kanya pagkain ang reward, at yon din ang reward mo sa later training” sagot nya. “So wala na yung kiss?” biro ko at tumawa sya. “Depends, malay mo hindi lang kiss” sabi nya at sa sobrang tuwa ko natisod ako at tawa sya ng tawa. “Bakit di mo sinabi na may harang?” tanong ko habang nakahandusay ako sa lupa. “Kinakausap mo ako e di ko nakita, kaya nga may walking stick ka, dapat alert ka” sabi nya. “E di ko pa alam gamitin to e” hirit ko. “Kaya nga aralin mo e! Dami mo arte, tayo!” sigaw nya at nagbago nanaman ang ugali nya, nakakatakot pala sya talaga.

Buong araw ilang beses ako naumpog at nadapa pero medyo natututo na ako gamitin ang walking stick. Pagsapit ng dinner tinatawanan ako ng ninong ko pagkat ang dami kong pasa. “Ano gusto mo pa ituloy?” tanong nya at napatingin ako kay Bea at kinindatan nya ako. “Oo nong, wala to, sus im still alive naman e. Watch and learn” banat ko at ngumisi silang dalawa.

Second day, din a ako pwedeng lumuhod kailangan nakatayo na ako bababa ng hagdanan. Lalo ako bumagal pagkat natatakot ako humakbang. Inaalalayan naman ako ni Bea gamit ang boses nya. “Sige hakbang, wag mo lakihan, malapit ka na sa baba” sabi nya at talagang nanginginig ang mga paa ko sa bawat hakbang. “Okay, last na tapos ground level na, isa nalang nasa baba ka na” sabi nya kaya pagbaba ko ng isa kampante na ako, humakbang na ako para maglakad pero nagulat ako wala ako hahakbangan. Natumba ako at napadapa sa sahig. Inalis ko ang piring at tawa ng tawa si Bea. “Sabi mo wala na?” sigaw ko sa kanya. “Sira! Naniwala ka naman, madaming manloloko sa mundo ano?! Kaya nga may walking stick ka para kapain mo daan mo e. Ayan buti nga naniniwala ka kasi agad” sabi nya sa akin.

Isang linggo lumipas at talagang pinahirapan ako ni Bea, ni isang reward wala ako nakuha sa kanya. Nagluto sya ng dinner at humarap na sila ni ninong, bigla ako pinunta sa taas at piniringan, kung makababa daw ako sa dining area in ten minutes pwede na ako kumain. Nagawa ko naman at alam ko wala pang sampung minuto, nagawa ko pa maupo sa silya at inalis ko ang piring at konti nalang ang ulam na natira. “Bakit ito nalang?” tanong ko at tumawa si ninong. “Ang tagal mo e at gutom na gutom ako, sorry” sabi nya at tawa ng tawa si Bea. “Lutuan nalang kita, ano gusto mo?” tanong nya at bigla nanaman nagbago ang ugali nya, bumait siya bigla.

The next day ginising nako ni Bea, nakaupo sya sa ibabaw ko at nilalandi ako. “Athan gumagaling ka na ha…today may gagawin tayong kakaiba” landi nya. “Lahat ng ipapagawa ko may katumbas na points, at pag nakaabot ka ng five points, one kiss, pag ten points, pwede mo ako hipuan kahit saan” sabi nya at nanlaki ang mga mata ko. “Pag fifteen points, kiss and hipo. Tapos pag twenty points….maghuhubad ako sa kwarto ko at bibigyan kita ng thirty minutes at pwede mo gawin ang gusto mo sa akin” sabi nya at bigla akong tinigasan at tumawa sya. “First task, suot mo na piring mo, nasa tabi yung walking stick mo, five minutes baba ka sa kusina para breakfast…five points ito” sabi nya at umalis na sya.

Agad ako bumangon at sinuot ang piring, nabilib ako sa sarili ko pagkat wala pang five minutes nakaupo na ako sa harap ng lamesa. Pagkaalis ko ng piring nginitian inya ako, “Five points…one kiss…claim mo na or ipunin mo points mo?” tanong nya at napangiti ako. “Ipon nalang kung pwede” sagot ko at tumawa sya. “Sige kain na tayo” sabi nya at kumain na kami ng almusal.

After breakfast sa labas kami nagpractice, “Athan pag di ka nadapa ni minsan perfect twenty points ibibigay ko, pero madapa ka minsan five points lang makukuha mo” sabi nya. Nagpaikot ikot ako sa palibot ng bahay at matapos ang isang oras hindi ako nadapa o natisod. Inalis nya saglit ang piring ko, “Last na mo makuha ang perfect score, tignan mo diretso lang ang daan na ito, kailangan mo umabot sa dulo ng mabilis” sabi nya at binaba ulit ang piring ko. Diretso lang ito at walang harang kaya nagmadali na ako naglakad, natatawa ako pagkat twenty points ito pero habang naglalakad ako nagulat ako nang may nabangga ang paa ko, natisod ako at bumagsak sa lupa. Inalis ko agad ang piring ko para tignan ano yon.

Tawa ng tawa si Bea pagkat may nilagay syang kahot na maliit, “Bakit ganon ang daya mo naman!” sabi ko at tawa parin sya ng tawa. “Bakit nagmamadali ba ang bulag? Alam ba nya dadaanan niya kahit sanay na sya? Kaya nga may walking stick e” sabi nya at inutakan niya ako. Nabwibwisit ako sa kanya pero tama naman sya kaya di na ako nagreklamo, at least five points at may sampu na ako.

Buong hapon nagawa ko ang lahat ng pinagawa nya, nakaipon ako ng thirty points at napansin kong parang nag iba nanaman ang itsura nya. Parang galit na sya kaya pagsapit ng gabi matutulog na sana ako hinila nya ako sa kwarto nya. Tulog na si ninong at sinara nya ang pinto. “A deal is a deal” sabi nya at nagsimula syang magtanggal ng damit. Di ko alam bakit di na ako excited at parang mali itong gagawin namin. Oo gusto ko gawin, pero dahil sa nakita kong reaksyon niya nung naka bente puntos ako nawalan ako ng gana.

Nilapitan ko nalang siya at hinalikan agad sa noo, “Five points” sabi ko, hinalikan ko ulit sya sa noo limang beses saka ko sya tinitigan, “Ayan thirty points lahat yon, sige good night” sabi ko. “Ha? Pero ang usapan pag naka twenty ka is…” sabi nya pero pinigilan ko sya. “Points ko naman e, ako naman mamimili kung ano gusto ko pag gastusan sa points e, so ayan six kisses, five points each” paliwanag ko. “E bakit anim na kiss? May thirty points ka naman…ayaw mo ba yung prize ng twenty points?” tanong nya at tumawa ako.

“Bea, hindi ako tanga, at di rin ako sinungaling, oo gusto ko, actually goal ko nga yon talaga e. Pero nang umabot ako ng twenty kanina nakita ko reaksyon mo parang galit ka at nagsisisi. Pangit naman kung pilit, kaya okay na ako sa kiss sa noo mo at least pag sa noo di ko nakikita facial reaksyon mo na diring diri. Sige goodnight” sabi ko at umalis na ako ng kwarto nya.

Kinaumagahan iniwasan ko si Bea at buti nalang day off ni ninong at sya ang nagtraining sa akin. Di na daw kailangan ng piring pagkat sanay na ako sa galaw ng bulag. Natatawa nga ako kahit nakakakita na ako parang instinct na ang pag galaw ko na may gamit ng walking stick. May bola na hawak si ninong at akala ko ibabato nya sa mukha ko kaya umilag ako. Binatukan niya ako at nagalit sya, “Bobo! Pag bulag ka ba makikita mo parating yung bola?” tanong nya. “Ninong may super hearing ako kaya alam ko may paparating” biro ko at binatukan nya ulit ako. “O bakit yung batok di mo nailagan?” banat niya at narinig kong tumatawa si Bea.

Magkaharap kaming naupo ni ninong paulit ulit niya pineke at paghagis ng bola sa mukha ko. Napapailag parin ako kaya panay ang batok nya sa akin. “Isipin mo bulag ka” sabi nya. “E pano kung may tatama talaga?” tanong ko. “Natural matatamaan ka! Bobo! Game serious na” sabi nya. Matapos ang ilang minuto nasanay na ako sa ginagawa nya, di na ako nag rereact sa bola. Diretso lang ang tingin ko at todo concentrate. Nginitian ko si ninong at biglang tumama ang bola sa mukha ko, tawa ng tawa si Bea at si ninong at nang tignan ko si ninong, “Oops sorry nabitawan ko” sabi nya at patuloy ang tawanan nila.

Dalawang araw namin prinactice ni ninong yon at pagsapit ng gabi ng Sunday ay manhid na ako at talagang di na ako nagrereact. Mahirap ito pagkat kinokontra mo ang natural reflexes mo, kaya ganon kahirap ang concentration. Alam ko na tatama na ang isang bagay kaya ang pwede ko lang gawin ay paghandaan ang pagtama, di ako pwede umilag, nakakasira ng bait talaga pero kailangan daw ito gawin.

Lunes ng umaga sumama ako kay ninong papunta sa old house dala ko ang lahat ng gamit ko. “Bakit saan ka pupunta?” tanong nya. “Nong, kung pwede sa old house nalang ako titira, mas mabuti pa atang ganon nong” sabi ko. “Bakit ano nangyari sa inyo ni Bea?” tanong nya. “Wala naman po ninong pero gusto ko lang po mapag isa, at magrereview din ako para sa board exam ko pag free time ko” sabi ko sa kanya. “E ikaw bahala, pero punta ka dito pag kakain na, malayo layong lakaran din. Sigurado ka ba?” tanong nya. “Opo nong, turuan niyo nalang ako ng pano magmasahe pag free time niyo na” sabi ko sa kanya.

“Teka, physical therapy ka naman kaya madali lang. Sama ka sa clubhouse pero manonood ka lang. Tamang tama testing natin ang pagkakabulag mo” sabi nya at medyo natuwa naman ako.

Oo physical therapy ang kurso ko pero iba naman ito sa pagmamasahe, ang iniisip ng iba porke physical therapy na marunong na magmasahe. Marunong kung sa marunong pero medical at therapeuitical ang alam namin. Madami ako natutunan kay ninong, lalo na ang mga magic teknik niya pag type nya ang babae.

Tinesting ni ninong sa akin ang style nya at magaling si ninong, pagkatapos nya ako masahiin ay parang buong katawan ko sobrang refreshed. Nang ako magmasahe sa kanya panay ang sigaw at batok nya sa akin.

Dalawang linggo ako nagsanay ng pagmamasahe at sa huling subok ko sabi ni ninong handa na daw ako isabak sa trabaho.

Linkbucks