black2

Wednesday, July 18, 2012

ANG MAHIWAGANG MUNDO NI PAULITO


ANG MAHIWAGANG MUNDO NI PAULITO


Isang gabing madilim may tatlong binata ang naglalakad papunta sa isang address. “Hoy kalbo sigurado ka ba dito yung tamang daan?” tanong ng isang matangkad na binata. “Pinagdududahan mo ba ako kapre?” sagot nung semi kalbong binata.

“Mag aaway nanaman ba kayo?” tanong ng ikatlong binata at tinignan siya nung dalawa. “Aba nagsasalita ka din pala no? Siguro kaya ka tahimik kasi pinagpapantasyahan mo ako no?” landi nung semi kalbong binata. “Oist ayan o” sabi nung matangkad na binata at nabighani yung tatlo sa ganda nung malaking mansion.

“Whoa ang yaman naman nung nag imbita sa atin dito” sabi nung kalbong binata. “Bilisan niyo nga at kanina pa ako may nararamdamang kakaiba na sumusunod sa atin e” sabi ng tahimik na binata. Nagtakbuhan yung tatlo, nakita nila nakabukas yung gate kaya agad sila pumasok.

“Good evening, please follow me” sabi ng isang maskuladong matanda. Sumama yung tatlo at napatingala sila lahat,  madaming nagsisigandahang mga dalaga ang nakatayo sa may terrace at nakatitig sa kanila. “Wow pare ang tataray nila, akala ko ba lahat ng babae nagwagwapuhan sa iyo?” sabi ng semi kalbong binata.

“At akala ko ba lahat ng babae pinagpapantasyahan ka?” sagot nung matangkad. “Ang gaganda…gusto ko sila ilagay sa susunod kong…” bulong nung binatang tahimik ngunit tumigil siya pagkat tinignan siya nung dalawa. “Patingin na kasi nung libro mo” sabi nung kalbo. “Oo nga bakit mo ba pinagdadamot? Patingin lang ng laman” sabi nung matangkad.

“Good evening boys” bati ng isang lalake na naka todo porma at mukhang mayaman. “Kayo po ba yung nag imbita sa amin dito?” tanong nung matangkad na binata. “Yes, my name is Jeffrey but you can call me Jeff” sabi ng lalake at may lumapit na cute na dalaga na agad yumakap sa kanya. “And I am his future wife” pacute niya.

“We better get inside, Tonio naka ready na ba yung dining area?” tanong ni Jeff. “Hindi ba may inaantay pa tayong iba?” tanong ng bestfriend niya at sakto may isang taxi na pumasok at isang bulag na binata ang lumabas.

Winasiwas ng bulag ang walking stick niya at natamaan ang kalbong binata sa pwet. “Hoy! Anak ng baka!” sigaw niya pero agad siya pinigilan nung dalawa niyang kasama. “Tumigil ka nga Pocholo, hot headed ka nanaman e” sabi nung matangkad na binata.

Nakarinig sila ng bungisngisan, napatingala yung kalbong binata sabay ngumiti. “Oh Lord Jeff we better get inside now before it rains” sabi ni Pocholo. “Rain? The weather forecast didn’t say anything about rain” sabi ni Jeff. “Oh yes it will, kapag nanatili ako dito nakatayo pagpapantasyahan ako ng mga girls, mamaya uulan na dito” landi ng binata.

Nagtawanan ang mga lalake ngunit ang mga girls lahat inirapan siya. “Come join me inside at may isa pa tayong inaantay” sabi ni Jeff. Nagtungo sila sa living room na malaki, naupo si Jeff sa isang sofa at yung mga nagsisigandahang mga dalaga lahat nakatayo sa likuran niya at ang sasama ng tinging sa apat na binata.

“Ang sama naman ng itsura nila pag pinagpapantasyahan ako” bulong ni Pocholo. “Magaganda ba sila?” tanong nung bulag. “Athan, di mo na kailangan magpanggap dito. Tanggalin mo na shades mo. Alam ko nakakakita ka” sabi ni Jeff at nagulat yung tatlong binata.

Nagtanggap ng shades si Athan, ngumiti siya at biglang tumayo si Pocholo at tinitigan siya. “So sinasadya mo yung kanina?” tanong niya. “Pocholo settle down” sabi ni Jeff at agad naupo ang semi kalbong binata. “Girl go ahead in the dining area and you eat first. May inaantay pa kami” sabi ni Jeff.

“Pipoy pamilyar ba sila sa iyo?” tanong ni Jeff. “Yung isa lang po, parang kaibigan siya nung isang kakilala ko” sagot ng matangkad na binata. “Oh yes, she isn’t here anymore. Pero long story yon” sabi ni Jeff. “Bakit mo ba kami pinatawag dito?” tanong ni Athan.

“Wala naman, gusto ko lang makilala kayo maigi” sabi ni Jeff. “E parang kilala mo na kami e. Nagpadala ka ng invitation sa mga bahay namin” sabi ni Pocholo. “Ah yes, I would have wanted to come to you personally pero we were out of the country” sabi ni Jeff.

“I can see” sabi ni Athan at bigla siya siniko ni Pocholo. “Ikaw may isa ka sa akin tandaan mo yan” banta niya. “Boss nandito na siya” sabi ni George ang bodyguard ni Jeff. “Papasukin mo na” sabi ni Jeff at napakamot ang bodyguard niya. “E boss may kasamang mga anak, dalawa” sabi niya.

“E ano ngayon? Bisita natin sila” sabi ni Jeff at ilang saglit may matandang lalake na puno ng balbas ang mukha ang pumasok. Napatayo si Pipoy at agad napakamot. “Daddy?” tanong niya at ngumiti ang matanda nang lapitan siya ni Jeff.

“It is my honor to meet you sir” sabi niya at natawa si Pepito. Nag iyakan ang dalawang batang babae kaya kinuha sila ni Pepito mula kay George. “Come my babies, anyway bakit ako napatawag dito at bakit nandito ang anak ko?” tanong niya.

“Sit down sir” sabi ni Jeff at naupo si Pepito at nakipaglaro sa kanyang mga anak na babae. “Mga kapatid mo yan?” tanong ni Pocholo. “Oo pero its complicated, yung isa anak ng mommy ko, tapos yung isa anak ng isa kong mommy” sabi ni Pipoy. “Mutant ka?” tanong ni Athan at nagtawanan sila.

“So yung kalahati mo sa isa lumabas, tapos sa isa yung isa tapos pinagdugtong ka nalang?” biro ni Pocholo. “I think you know why I called you all here” sabi ni Jeff at nagtitigan ang lahat.

“Bakit ikaw ba yung kinontak ni ninong?” tanong ni Pepito. “Yes, and he was asking if you would all like to make a comeback” sabi ni Jeff. “Excuse me retired na ako diyan” sabi ni Pepito.

Tinitigan ni Athan shades niya sabay ngumiti, “Game ako” sabi niya. “Count me in” dagdag ni Pocholo. “Alam mo kilala kita e, pero di naman ito yung bahay mo” sabi ni Pepito at tumawa si Jeff. “Buhay parin yung bahay ko kaya lang mas komportable na kami lahat dito…”

“Tawag ng mga girls ko dito ay ang mansion ni kuya” sabi ni Jeff. “I see, basta ako retired na ako sa ganyan at gusto ko nalang alagaan itong baby girls ko” sabi ni Pepito. “How about you Pipoy? Ninong is asking about you the most” sabi ni Jeff.

“I am at peace with myself” sagot ng binata. “Fair enough” sabi ni Jeff sabay tinignan ang tahimik na binata. “Eto? Eto? Etong pipi na to? I get it, eto si bulag, eto si pipi, tapos ako si bingi? Sabagay mahilig ako sumisid kaya lagi ako nabibingi” sabi ni Pocholo at nagtawanan sila.

Yung tahimik na binata naglapag ng isang libro sa lamesa. “Don’t judge a book by its  cover” sabi niya at nag unahan si Pocholo at Pipoy para buksan yung itim na libro. “Whoa! Totoo ba lahat ito?” tanong ni Pocholo.

“Whenever I see a girl that I like, I take her photo and I work around to get to know her.  There you will read our escapades. That is my black book and there are four of them” sabi ng tahimik na binata at napataas kilay ni Pipoy. “Hmmm interesting” sabi niya.

“Double V, voltes five black book?” biro ni Pocholo. “My name is Vincent, you can call me Vince” sabi ng tahimik na binata. “At ano naman yung isang V?” tanong ni Athan. “You will know what the other V stands for after reading my black book” sagot ni Vince sabay ngisi.

“So are you in?” tanong ni Jeff. “Sure why not, I want to start another book anyway” sagot ni Vince. “Pipoy?” tanong ni Jeff at ang binata napatingin sa kanyang ama. “Its up to you anak, basta ako retired na ako. Itayo mo bandila natin kung gusto mo” sabi ni Pepito.

“Let me think about it” sabi ni Pipoy. “Tama lang magretire na po kayo at pangit naman kung lagi gumagamit ng Viagra” banat ni Pocholo at napataas ang kilay ni Pepito pero ngumisi lang siya.

“Be careful what you wish for iho” bulong niya at napangiti si Jeff. “So is that a yes?” tanong niya. “Dapat sasabihin ko let the children play pero mukhang pinagdududahan na ako. I don’t know, let me think about it too” sabi ni Pepito.

Nakaramdam ng kakaibang ginaw ang lahat. May kakaibang ihip ng hangin ang pumalibot sa salas.

“And you didn’t even invite me?” sabi ng isang boses kaya kinilabutan sila. Isang demonyong tawa kanilang narinig kaya lahat sila napatayo at napalingon sa paligid.

“Is that a yes?” tanong ni Jeff at lumakas lang yung malakas na tawang demonyo hanggang sa nawala ito. “Who the hell was that?” tanong ni Vince at tumawa lang si Pepito at Jeff.

“In the end sa kanya din lang ata tayo babagsak” biro ni Pepito. Tumayo si Jeff at nilabas phone niya. “Tatawagan ko na si ninong, so ano sasabihin ko?” tanong niya at lahat napatingin sa kanya.

“What ninong wants, ninong gets. Bahala na siya ano gusto niya” sabi ni Pepito. “Tuka” sagot ni Pocholo. “Balik sa Dilim” sabi ni Athan. “People don’t know me yet so let me show them my Venancio Virgo’s Black Book” sabi ni Vince. “Babalik ako sa bahay ko” sabi ni Jeff at lahat tinignan nalang si Pipoy at Pepito.

Nagtitigan yung mag ama, humarap sila sa iba at sabay ngumisi.

"Just call me Papa P"

"Dont call me Pipoy...call me by name given name...Paul Francis"


Napalingon ulit sila lahat at nakarinig sila ng malanding demonyong pito. 



ANG MAHIWAGANG MUNDO NI PAULITO

Linkbucks