Chapter 18: Break
Maayos ang lahat last week na ng November, iniwasan ko na ng todo si Juliana at nagpaliwanag naman ako sa kanya. Si Gelay lagi ko nakikita sa school at work pero naintindihan din niya pero friends parin kaming lahat. Never na namin napag usapan pa ang tungkol doon at okay naman ang lahat.
Sabado noon di ako natulog kagabi kina Annika pagkat namimiss daw ako ni mommy, so sa set nalang kami magkikita. Maaga ako sa set at isasalang na sana ako pero nagalit si direk. “Paul Francis baka gusto mo mag gym iho, okay ang face pero ang body parang malamya, mag work out ka kung gusto mo tumamgal dito sa business, excused ka today, kailangan ng medyo macho” sabi nya at di sumama ang loob ko at inantay ko nalang si Annika.
Pagdating ni Annika agad sya tinakbo sa dressing room nya pero kinawayan ko sya at nginitian nya ako. Dahil wala ako gagawin tumambay muna ako sa labas at after thirty minutes bumalik ako sa loob at sasalang na sa set si Annika. Kinawayan ko si Annika pero di nya ako pinansin, akala ko tuloy di nya lang ako nakita. After ng set nya bumalik sya sa dressing room nya kung saan sumunod ako, papasok sana ako pero di ako pinayagan ni Gelay at pati sya parang iba ang pakitungo sa akin. “Oy ano meron?” tanong ko pero napansin ko nalang na ang sama ng tingin ng karamihan sa akin. Inantay ko lumabas si Annika at pagkalabas nya hinawakan ko kamay nya, tumigil lang sya pero din nya ako tinitignan, “Annika ano problema?” tanong ko sa kanya pero nakatayo lang sya at diretso ang tingin. Humarap ako sa kanya pero lumingon sya. “Annika? Bakit ganyan ka?” tanong ko at napansin ko nalang na may luha na tumulo sa mukha nya.
Binitawan ko sya at bumalik sya sa dressing room at sinara ang pinto, dumating si Gelay at inabot sa akin ang tatlong picture, “tignan mo nalang at wag ka nang magtatanong tanong pa” sabi nya at pumasok din sya sa dressing room pero nakasingit ako at nakapasok. “Ano ba problema?” tanong ko at ang sama ng tingin ni Gelay sa akin. “Annika? Gelay? Ano nagawa ko?” tanong ko pero di sila kumikibo. Pagtingin ko sa picture lalakeng kamukha ko pero naka cap na may kahawak na kamay na babae papasok sa isang motel, tatlong kuha yon pero lahat side view. “hindi ako ito” sabi ko. “hindi ako nagsusuot ng cap, meron ako cap pero di ko sinusuot” sabi ko pero di nila ako pinapansin.
“Annika naniniwala kang ako ito?” tanong ko pero wala reaksyon galing sa kanya. “Umalis ka nalang kaya” sabi ni Gelay. “What? Pati ikaw naniniwala dito? Tignan mo nga at sabihin mo kung ako yan, it looks like me pero that is not me!” sabi ko. “Alis ka na” biglang bulong ni Annika. “Ano?” tanong ko, “Alis ka na” ulit nya. “Stand up and say it straight to my face naniniwala kang ako ito, say it to my face na umalis ako!” sabi ko at bigla sya tumayo at puno ng luha ang mga mata nya, “Ayaw na kita makita magpakailanman Pipoy” sabi nya at para akong nasaksakan ng mga jungle bolo sa puso. Wala ako nagawa at lumabas na ako ng kwarto, lahat masama ang tingin sa akin at nagsisimula mag init ang ulo ko, kailangan ko na umalis dito bago pa ako magwala.
Di ko alam saan ako pupunta, naiiyak ako pero sa isip ko baka practical joke lang to, oo siguro iniisahan lang nila ako. So nag decide ako bumalik sa loob pero pinigilan ako ni Gelay, “I trusted you when you said you wanted to change, I let go trusting you pero ginawa mo ito kay Annika, buti nalang sa gabing yon nagkacontrol ka or else nagsisisi na ako ngayon” sabi nya. “Okay nice acting suko na ako tanggap ko na joke nyo” sabi ko pero seryoso sya. “Sabihin mo nga lang sa akin ito Gelay, do you believe ako itong nasa picture?” sabi ko. “Oo, sino pa nga ba? Ikaw na ikaw yan, alam mo napaniwala mo pa ako sa mga ginagawa mo sa akin, mga sweet words, buti nalang lumabas din tunay na kulay mo” sabi nya. “Okay, so hindi ito joke, fine, today lahat kayo you did not trust me, I wont cry even though I am hurt, but if the truth comes out at hindi ako ito I would not even dare look you in the eye and acknowledge you exist. Sabihin mo sa lahat yan” sabi ko at napakainit ng ulo ko talaga kaya umalis na ako.
Alas tres palang ng hapon at naglalakad ako pauwi, gulong gulo ang isipan ko at gusto ko ilabas ang galit ko. Napadaan ako sa simbahan at pumasok sa loob. Naupo ako at nablanko lang isip ko, wala ako ginawa pero bakit ganito? Di ko natiis ang pagpatak ng mga luha ko, nakakahiya pero masakit ang damdamin ko, parang engot hinayaan ko nalang ang luha ko habang naghahanap ako ng kasagutan kung ano nga ba ang nagawa ko talaga.
Isang oras lumipas at natuyuan na ang mga mata ko, “Ano inabutan ka na ba ng karma?” narinig ko may nagsabi at alam ko si sister yon. “I didn’t do anything” sabi ko. “So why are you crying?” tanong nya. “Wala ako ginawa” sabi ko. “Tinagalog mo lang, so bakit ka umiiyak?” tanong nya. “Tinagalog mo din e” sabi ko sinusubukan ko magbiro kahit masama ang loob ko. “Sige na tell what happened” sabi nya. “Sister wala ako ginawa I swear…last time you saw me I admitted my sins to my girlfriend, she forgave me, after that I came clean, wala na kalokohan. Tapos kanina they showed me a picture, eto look” sabi ko at pinakita ko sa kanya ang picture. “O ikaw naman ito” sabi nya at lalo ako nabwisit. “Pati ikaw, makaalis na nga” sabi ko at lumabas na ako ng simbahan.
“Wait” sabi nya pero diretso lang lakad ko hanggang sa naramdman kong hinawakan nya ang braso ko. “Teka lang, sorry okay, pero the person here really looks like you, sideview nga lang” sabi nya. “Yeah looks like but that is not me” sabi ko. “Are you sure?” hirit pa nya at ano pa kailangan ko sabihin para maniwala sila. “That is not me, if hindi ka naniniwala ask your boss up there and he will tell you that is not me. Sorry for saying that, remind me to confess tomorrow pero di talaga ako yan, I lost her kasi ayaw niya maniwala ako yan. Balitaan mo nalang ako bukas kung ano sinabi ng boss mo, sorry ulit” sabi ko at nagmadali na ako umalis.
Pag uwi ko sa bahay ay sinalubong ako ng mommy ko pinakita ko ang picture agad, “Ma ako ba ito?” tanong ko at tinignan niya ang picture at tinignan nya ako. “Kamukha lang bakit?” sabi nya at di ko alam bakit napayakap ako sa kanya at tumulo ulit ang luha ko. Lumapit si Carissa at tinignan ang picture at pati si tita nakihalo narin. “Why are you crying anak?” tanong ng mommy ko pero di ko masabi sa kanya. Niyakap ko nalang sya pero kahit di ko ata sabihin ay naiintindihan nila ano nangyari.
Wala ako gana kumain at diretso ako sa kwarto ko. Di ko makuha tulog ko kahit alas dyes na ng gabi. Bumukas ang pinto ng kwarto ko at pagtingin ko nandun yung tatlo, “I am okay, don’t worry” sabi ko. “Pipoy, gusto mo kausap?” alok ni Carissa at nakita ko dala nya kumot nya, napangiti tuloy ako at umurong para magka space sya sa kama. “Kasya pa ba ako dyan?” tanong ng mommy ko at natawa na ako bigla. “Pwede naman tayo maupo na apat kung gusto niyo ako damayan” biro ko at nagtawanan sila. “My bed is bigger” sabi ni mommy kaya bumangon ako at tumayo, napakamot si Carissa, “You too Carissa don na tayo, ikaw Clarissa sama ka?” tanong ni mommy at nagtawanan sila. “Hindi na, si Carissa nalang” sabi ni tita.
Sa kwarto kami ni mommy nahiga at inabot sa akin ni Carissa ang phone ko, “sige na text mo o tawagan mo” sabi nya. “Actually kanina ko pa sinusubukan” sabi ko. “Sige na one more try” sabi nya at sinubukan ko. Nagriring phone nya pero pinapatay nya ito, binigay ko na phone ko kay Carissa at tinabi nya. pinag gitnaan nila ako at blanko lang talaga ang isipan ko, humarap si Carissa sa akin at niyakap ako, medyo napatingin ako kay mommy bigla, pati si mommy humarap sa akin at yumakap, “O ayan nandito parin kami o so don’t be sad that much” sabi nya.
Kinaumagahan lumabas ako ng bahay at naglakad lakad, alas singko palang ng umaga at gusto ko lang mapag isa. Napadaan ako sa simabahan at bukas na ito pero dinaanan ko lang. May sumitsit sa akin at pagtingin ko si sister ulit, “Good morning sister, good bye sister” sabi ko at naglakad na pero sinitsitan nya parin ako. “Masama ang nagsusuplado sa umaga” sabi nya at nakita ko sya nilapitan ako. “Nag good morning naman ako ha” sabi ko sa kanya. “Good morning na pilit, anyway sorry kahapon” sabi nya. “Ano kinausap ka nab a ng boss mo?” tanong ko sa kanya. “Uy wag kang ganyan, respeto naman kay Lord” sabi nya. “Okay sorry, I forgive you” sabi ko at tumawa sya. “Ano nanaman?” sabi ko at naglakad na sya palayo. “Sister bakit ang aga mo?” tanong ko sa kanya. “Alam ko kasi dadaan ka” sabi nya. “Hala, confess ka mamaya” sabi ko sa kanya at tumawa sya. “Kumain ka na ba?” tanong nya. “Bakit papakainin mo ako?” tanong ko. “Bakit street child ka ba?” banat nya. “Hala insulting, confess” bawi ko at tawa sya ng tawa.
“Ano masama doon? Nagtatanong lang ako, di ko naman sinabi na street child ka, tinatanong ko nga e” sabi ko. “Sister do you know the word sarcasm?” banat ko at kinurot nya ako. “Hala! Naku sister makasalanan ka na” sabi ko at niyaya nya ako sa garden. May isang matandang madre doon at may binulong sya. “Oh I see what a kind boy, so ikaw pala yung maglilinis ng garden today, ok wait here I will go get the cleaning materials” sabi ng matanda. “Ano daw?” tanong ko at tawa ng tawa si sister May. “Ako maglilinis ng garden? Kailan ko naman sinabi na gusto ko maglinis ng garden?” tanong ko sa kanya. “Good deed ang tawag dyan, and I am trying to help you clear your mind” sabi nya. “Hmmm teka pag wala ako dito sino maglilinis ng garden?” tanong ko. “Ako” sabi nya at tawa sya ng tawa. “Ah ganun, sige alis na ako bye” sabi ko at sinubukan ko tumakbo pero hinawakan nya ang braso ko.
“Alam mo I can see the goodness in your heart and I know you will clean the garden for me” sabi nya at dumatin na yung matandang madre. “Eto iho you can start now so that the garden will be clean before the people come at seven” sabi nya. “Yes sister” sabi ko at nakita ko si sister May tumatawa. “Mary May you help him” sabi ng matanda at ako naman ang natawa. Nagsimula na ako magwalis ng mga dahon at si sister ay naglalakad lakad lang paikot ikot. “Mary May you help him” ginaya ko ang pagkasabi ng matanda at tumawa lang sya.
Thirty minutes natapos na namin ang paglilinis at naupo ako sa ilalim ng puno, naglalakad lakad parin si sister at naisip ko nanaman si Annika. “Sister if you don’t mind me asking, nasabi mo pumasok ka dito dahil sa mga katulad ko?” sabi ko at tumigil sya at naglakad palapit sa akin. “oo” sabi nya. “So what happened to you?” tanong ko at napabuntong hininga sya. “Titigan mo nga ako at sabihin mo ano nakikita mo” sabi nya at tinitigan ko naman sya. “Were you raped?” tanong ko at nagulat sya, “No!” sabi nya. “Sorry, di ko gets e” sabi ko. “Look at me and describe me” sabi nya. “Ah, cute eyes, pretty, nice smile” sabi ko at ngumiti sya konti pero nag seryoso, “Okay, so what comes next?” sabi nya at nahilo na ako. “Next to what?” sabi ko. “Ano agad ang iniisip niyo after seeing maganda?” sabi nya. “Hmmm ewan ko, ano nga ba?” sabi ko. “Sus, liar, ang next na iniisip niyo is sex tama?” sabi nya. “Uy hindi naman ha” sabi ko at nagsimangot sya.
“You don’t have to lie, alam ko ugali niyo. I have been in three relationships at break agad kasi gusto nila agad makapasok sa pants ko. So sad to say I lost trust in men, lahat kayo pare pareho” sabi nya at tumayo na ako agad. “Men will try to say the most wonderful things we want to hear pero in the end ang gusto lang pala is sex, after that what? Diba?” sabi nya at inabot ko na sa kanya ang walis. “Youre welcome” sabi ko nalang at naglakad na ako palabas ng gate. “Teka masakit ba pakinggan ang katotohanan?” pahabol nya. “Masakit pakinggan sister pag totoo, aalis ako kasi ayaw ko yung hinahanay ako sa mga di ko kauri. Since nag generalize ka na mas maganda nalang na umalis ako kasi lalake nga ako” sabi ko nalang.
Natamaan ako sa sinabi ni sister, pero hindi naman ata ako ganon. Minahal ko naman si Annika, si Juliana sya naman ang tumukso sa akin, tinukso din ako ni Noelle, wala naman nangyari sa amin ni Carissa at Gelay, kung meron man natiis ko naman na wag gawin. Nagulo ang isipan ko sa sinabi ni sister at parang nabwibwisit ako sa kanya. Di ko kaya tanggapin na kagaya ko si daddy, pero si daddy minahal naman nya lahat ng babae nya…ewan ko lang pala.
Sinubukan ko tawagan si Annika pero wala talaga, pati si Gelay at Juliana di na ako sinasagot. Bumalik ako sa simbahan ng hapon at tinabihan ako ni sister May, nilayuan ko sya pero parang bata na lapit ng lapit. “Uy sorry na” sabi nya. “Ah sorry po lalake ako, dapat katakutan niyo ako” sabi ko sa kanya. “Naman, I am sorry” sabi nya pero di ko nalang sya pinapakinggan. Dati dati pumupunta ako dito para malinawan lang pero ngayon desperado na ako, ngayon palang ako hihingi ng tulong.
Kinabukasan ay inabangan ko si Gelay pero kahit nagkita na kami di nya ako pinapansin. Maaga ako umalis sa school para sunduin si Annika pero mabilis syang nakasakay sa kotse. Nagpunta ako sa bahay nila at pinapasok naman ako sa pool area. Hindi lumabas si Annika, matagal ako nag antay, naabutan pa ako ng mommy nya at tinabihan nya ako. “You should go home now Pipoy” sabi nya sa akin. “Pero tita I want to talk to her” sabi ko. “I know iho, pero she is hurting” sabi nya. “Pero tita it wasn’t me, promise that guy was not me” sabi ko. “I know and I have been trying to tell her that but she would not listen” sabi nya. Nagulat ako at alam nya na hindi ako yon, “How did you know it was not me?” tanong ko at di nya ako tinignan, “Kasi that was me and your dad…years ago” sabi nya at gulat na gulat ako.
“Did you tell her?” sabi ko at napasimangot sya, “Oo pero she would not listen, I remember that day, matagal na yan at di ko alam may nagpicture sa amin, honestly I don’t know who took the picture. The sad part is hindi nakuha ang face ko, if only nakuha sana ang mukha ko then ayos na sana. I told her ilang beses na but she just says pinagtatanggol kita. I am sorry Pipoy, I am really sorry” sabi nya sa akin. Wala akong kasalanan at alam ko na ano ang totoo, imbes na malungkot ako lalo pa ako nagalit.
December na wala na talaga, suko na ako at ayaw ko na maging malungkot. Ako dapat ang magalit pagkat ayaw nila maniwala sa akin, sino kaya ang nagkalat ng picture na yon at bakit kami gusto pag awayin ni Annika? Suko na ako, pangit ang laging ganito na problemado, wala naman ako dapat problemahin pero masama parin ang loob ko at gusto ko magwala.
Naglalakad ako pauwi at napadaan nanaman ako sa simbahan, pagdaan ko nagulat ako nang may nakatayong nakaitim sa may gate. Halos nanginig ako sa takot pero bigla nagsalita ang tao, “Good evening iho, late ka na ata umuwi” sabi ng boses at paglapit ko yung madreng matanda pala yon. “Sister tinakot niyo naman ako akala ko multo” sabi ko at tumawa sya. “Sorry iho, can you please help me close the gate” sabi nya at sinara ko ang malaking gate, naiwan ako sa labas at uuwi na sana ako.
“Pipoy” sabi niya at nagulat ako at alam nya pangalan ko. “Yes sister” sabi ko. “Mary May wants to say she is sorry” sabi nya sa akin. “Okay lang sister, tell her its okay” sabi ko. “You did not come here for a long time so she thinks you are mad” sabi nya. “No sister I just wanted time for myself” sabi ko. “Ah yes, oo heart broken ka nga daw” sabi nya. “Opo sister pero its not my fault” sabi ko.
“Yes she told me, sana iho you have to understand Mary May, she is still young but as you can see iho she has what it takes to be a nun. She is caring and understanding but her reason for joining us is not acceptable, but her reason for joining as you know is not acceptable, that is why she is still in the Novitiate stage. “So sister babagsak sya?” tanong ko at natawa sya. “Well di pa masabi, unless she can change the reason why she joined then it would be better, we do not like having sad experiences as an excuse to joining, you must join wholeheartedly” sabi nya.
“Sige po sister” sabi ko pero nagpahabol pa sya, “Pipoy, I know its hard to accept but you are still young, do not do anything you will regret later on. Do not give up, pag mahal mo talaga sya keep on trying, if all else fails then you have to move on and focus on your life ahead of you. Alam ko masakit pero iho life is wonderful, do not let this set back ruin your life” sabi nya. “Thank you sister” sabi ko. “So babalik ka bas a modeling?” tanong nya at gulat nanaman ako pagkat alam nya. “Pano niyo alam sister?” sabi ko. “We also go to the mall iho, and we saw you on the magazine, tao din kami” sabi nya at ako naman ang natawa. “Hindi na po siguro sister kasi nandon sya at sabi ng direk e I need to shape up my body” sabi ko. “Giving up already? What if that was really meant for you and you are turning your back now? You should go back, speaking of shape up baka gusto mo kami tulungan dito iho magbuhat buhat at may ipapagawa kami na shrine sa likod, pero we cannot pay you much” sabi nya. “Thank you sister, sige po I will help walang bayad po” sabi ko. “Okay goodnight Pipoy, come by tomorrow if you have time” sabi nya.
Maiksi lang ang pag uusap namin ni older sister pero madami ako natutunan, tama sya bakit ako tatalikod e wala naman ako kasalanan. Madami ako matututunan kay sister kaya kahit papano gumaan ang loob ko. Kung ayaw na nila sa akin di wag, dito nalang ako kung saan accepted ako, pero maghanda sila at babalik din ako.