Chapter 2: In Love
Isang buwan ang lumipas at naging bestfriend ko na si Robert, nagbabagong buhay na sya at tinutulungan ko sya mag aral. Lumipat narin sya ng apartment nya at panay nerd ang mga kasama nya ngayon nagdadasal sya na sana mahawa sya sa kanila. Kalog din ang mga kasama nya sa apartment, si John at Greg, pareho kaming lahat kumukuha ng Computer Engineering. Maganda ang apartment nila pagkat may terrace sa likod, sa kabilang kalsada may tambayan ng mga students at karamihan ng tumatambay don magaganda.
Lagi kami sa terrace, ika nga chick spotting, halos sumakit ang mga leeg namin kalilingon sa mga magagandang babae. Pero isang araw meron akong nakitang babae na labis ako nagandahan, malayo palang kitang kita na maganda na sya, mahinhin sya gumalaw at ang ganda ng ngiti nya. “Pare ang ganda niya o” sabi ko, “Oo nga e, ang laki pa ng boobs pare” sabi ni Greg pero pagtingin ko sa tinitignan ko ay hindi naman malaki ang hinaharap nya. “Hindi naman pare e” sabi ko at tinignan ko sya at napansin kong iba pala ang tinitignan niya. “Ayan o ang ganda nya tapos ang laki pa ng bumbers…wow men pillows” sabi ni Greg. “Ah oo nga malaki nga” sabi ko. “San ba yang tinuturo mo pre?” tanong niya sa akin at tinuro ko yung babae sa baba. “Oo nga no pero mukhang sosi masyado pre, di natin kalevel mga ganyan, malamang pag nagsalita yan e sosyal, itsura palang nya o parang artista na ang puti akala mo porselana ang balat. Maganda kung maganda pero pare stick to your own kind, yung mga tipong kakayanin ng allowance mo idate, pag yan siguro e baka pati tuition fee mo masimot take note kape palang nya yon pare” sabi nya at napasandal lang ako sa railings at pinagmasdan ko sya.
Kinabukasan nakita ko ulit sya, sinermonan nanaman ako ni Greg tungkol sa ganong bagay kaya medyo nawawalan na ako ng gana. Biglang lumabas sa terrace si John at nag bulungan sila ni Greg. “Pssst miss!” sigaw nilang dalawa sabay nagtago sila, ako lang ang naiwan at napatingin sa taas ang babaeng nagagandahan ako. Nagsalubong ang mga mata namin saglit pero natakot ako at agad ako dumapa kasama nila. “Gago niyo naman pre, tinignan ako” sabi ko at nagtatawanan sila. “Scared! Ano na tignan mo na dream girl mo” asar sa akin ni Greg pero natatakot ako bumalik sa pwesto baka nakatingin pa sya sa taas.
Limang minuto lumipas at dahan dahan kaming tumayo at tumingin sa baba, wala na don ang dream girl ko at nakahinga ako ng maluwag. Nagbibiruan kaming tatlo at nagtatawanan, tumigil sila bigla sa katatawa at napatingin ako sa kanila. “Pre, lagot ka ang sama ng tingin niya dito sa atin” sabi ni John at pagtingin ko sa baba nakita ko ang dream girl ko at ang sungit ng tingin nya sa akin. “Shet lagot ka pre, minumukaan ka, malamang tatay niyan general or military, tsugi ka pare. Condolence sa iyo” sabi ni Greg at natakot tuloy ako.
Mga sumunod na araw di ako tumatambay sa terrace, tinutukso na ako nina Robert at Greg at kahit sabihin nila na wala yung dream girl ko sa baba e natatakot talaga ako pumunta sa terrace. Lunes at naglakas loob ako magpunta sa terrace at sa awa ng diyos wala yung dream girl ko sa baba. Nakita namin si John na paparating at agad namin siya sinigawan, “Hoy Juanito bili ka ng chichirya! Chippy ko!!!” sigaw ni Greg at tawa ng tawa si Robert pagkat halos tumalon na si Greg sa terrace. Nang lumabas ng store si John nagulat kami nang harangin sya ng mga grupo ng high school girls, nakita ko kasama ang dream girl ko at hinawakan ako bigla ni Robert at di ako nakapagtago.
Nakita ko na tumingin sila lahat sa taas at tinuro ako ng mga babae, “Naku patay ka brod, di pa marunong magsinungaling yang si Johnny, tigok ka mamaya malamang” sabi ni Greg at nakatitig lang sa akin ang dream girl ko. Humiwalay na si John sa kanila at papunta na sa amin, muli ako tinignan ng mga babae at nagtilian sila. Binitawan na ako ni Robert para salubungin si John, pumasok kami lahat sa loob at inabangan namin sya.
Pagkapasok palang ni John ay agad ko sya tinanong, “pare ano sabi nila?” at nakangiti sya sa akin. “Tinaong kung anong pangalan mo pare, sorry di ako nagsisinungaling e so sinabi ko” sagot nya at lalo ako kinabahan. “Ihanda na ang nitso at kabaong! Pare mamimiss ka namin” sabi ni Greg sabay inakbayan ako. “Sayang Pipoy one month lang tayo nagkakilala pero it was fun, condolence pare” sabi din ni Robert at nanginginig na ako. Tawa sila ng tawa pagkat kinakabahan ako, paniwala kasi ako sa kanila na tatay niya heneral at baka mamaya e ipapasalvage na ako. Naisip ko din na wala naman ako ginawang masama kaya bumalik ako sa terrace. “Pare sira ulo ka ba? Gusto mo na mamatay?” tanong ni John at tawa parin sila ng tawa. “Pare magsorry nalang kaya ako sa kanya, wala naman ako ginawang masama diba? Di naman ako yung tumawag ng atensyon nya, bastos na ba yon?” tanong ko sa kanila. “Oo kabastusan yon, at ikaw ang tumawag sa kanya, wag ka na magdeny pare” sabi ni Greg at tawa parin sila ng tawa.
Sumandal lang ako sa terrace at nag isip, nakita ko ulit ang grupo ni dream girl at hindi naman siguro sya ganon na magsusumbong agad, wala naman akong ginawa, pero kung mangyari man e wala na ako magagawa kundi harapin yon at mag sorry nalang. Napalingon ulit sila sa akin, nagmatigas loob na ako at tinignan ko din sila, ngumiti sya sa akin at bumilis ang tibok ng puso ko, napapangiti na ako at bigla nila sinabi sabay sabay na “Hi Pipoy!!!” at di ko alam bakit napangiti ako ng todo sabay napakaway pa ako sa kanila. Nagtakbuhan papunta sa terrace ang tatlo sa likod ko at tinignan nila ang nangyari. “Bye Pipoy!!!” sabay sabay ulit sinabi ng mga babae at umalis na sila. Tumigil si dream girl ko at nilingon ako ulit, nginitian nya ako pero hinila sya ng mga kasama nya at nagtitilian sila ulit.
“Wow pare! Type ka nya!” sabi ni Robert at nagustuhan ko ang narinig ko pero di ako makapaniwala. “Ows? Totoo? Type nya ako?” tanong ko sa kanya at nakangiti sya sa akin. “Wow! Swerte mo tsong, shit ligawan mo na pare type ka din pala nya, kilalanin mo na bukas” sabi ni Robert at tawa ako ng tawa. Masaya ako at excited, ngayon lang ako makakaramdam ng ganito. Parang may mga uuod na galaw ng galaw sa loob ng tyan ko at di ko mapigilan mapangiti at tumawa. “Alam ko susunod na sasabihin mo pare, pano manligaw” sabi ni John at tama sya, di ko alam ang gagawin ko at napatingin ako kay Robert. “Hoy wag mo ako titignan, di ko din alam yan” sabi nya at nagtaka ako. “Eh girlfriend mo si Wendy, pano mo sya niligawan?” tanong ko at tumawa sya, “Ewan, childhood friends kami e, basta nalang naging kami” sabi nya at napatingin ako kina John at Greg, “Hoy wag kang titingin sa kapwa mong nerd pare, mas lalong wala kaming alam dyan” sabi ni John.
Umuwi nalang ako pero masaya ako pagkat first time ko makaramdam ng ganito at di ko alam pero sobrang excited ako. Wala pa si Carissa sa bahay pero nandon si Tita at napansin nya na masaya ako. “Pipoy, parang maganda ata ang araw mo ngayon ah, mataas ba nakuha mo sa quiz mo o exam?” tanong niya sa akin. Niyakap ko si tita at di ko alam bakit pero masaya talaga ako, “Tita pano manligaw?” agad ko tinanong at nagulat sya. “Wow, binata na ang Pipoy namin! Halika upo ka at mag usap tayo” sabi nya at naupo kami sa salas at masaya din si tita para sa akin. “So tell me sino itong babaeng ito na kinababaliwan mo?” tanong nya. “Di ko kilala tita, nakita ko lang ilang beses, tapos like ko sya pero kanina tita she smiled at me, she smiled at me tita can you imagine that?” sabi ko at tawa sya ng tawa. “Oo na naiimagine ko na sa ngiti mo palang nababasa ko na nararamdaman mo. Okay so di mo pa kilala then you have to introduce yourself first” sabi nya at dun na nagsimula ang problema ko. Mahiyain ako at para di ko maimagine na lapitan ko ang dream girl ko.
“E tita nahihiya ako e” sabi ko at tumawa sya. “E pano mo liligawan yan e di mo pa kilala, it was just a smile” sabi nya sa akin. “Tita not only a smile, three smiles, super smile tita. Paalis na sila she turned back to look at me again and smiled again tita, so parang may connection na diba?” sabi ko at humalakhak ang tita ko. “Diyos ko anak, hindi ganon kadali yon, she smiled meaning to say she might like you too, o alangan na ganon nalang, lalake ka so you have to make an effort to get to know her” sabi nya at naguguluhan na talaga ako. Biglang dumating si Carissa at agad yumakap sa mommy nya, “ano pinag uusapan niyo?” tanong nya agad. “Hay naku iha itong si Pipoy in love, nagpapaturo manligaw” sabi ni tita at nahihiya ako tuloy. “In love?” sabi ni Carissa at tinitigan niya ako. “Hindi ka pwede mainlove bago wala pa ako boyfriend, o pano na kung sinagot ka nung babaeng yan o pano mo na ako susunduin? E di mag aaway kayo niyan, o pano kung nakita ka ng friends ko sabihin nila babaero ka. Sus itigil mo na yan saka nay an pag may boyfriend na ako” sabi niya bigla at umalis at nagtungo sa kwarto nya.
Nagkatinginan lang kami ni tita at napangiti sya sa akin. Habang kumakain kami ng pang gabi biglang nagdrama si Carissa, “Poy, sabihin ko nalang na nagbreak na tayo sa mga friends ko para maligawan mo na yang babae mo” sabi nya bigla at niyuko nya ulo nya. “Thank you Carissa” sabi ko at bigla syang tumayo at umalis, hindi pa nya naubos ang pagkain nya, hahabulin ko sana sya pero pinigilan ako ni Tita. “Pipoy after dinner we have to talk” sabi ni tita sa akin at medyo kinakabahan ako.
After dinner pumunta ako sa kwarto ni tita at nahiga ako sa kama katabi nya, “Alam mo Pipoy akala ko magkakatuluyan kayo ni Carissa one day” sabi nya at gulat na gulat ako. “Tita magpinsan kami hindi pwede yon” sabi ko sa kanya. Ngumiti lang si Tita tinignan ako, “Actually hindi, I can see that Carissa is in love with you. Well kung totoong anak ko sya pinagsabihan ko na pero hinayaan ko lang” sabi nya at naguluhan na talaga ako. “Pipoy Carissa is my daughter but she did not come from me, naintindihan mo ba?” sabi nya at naglaro ang isip ko na imposible naman na nilabas ng asawa nya yon e lalake yon. “I was pregnant before but nakunan ako, after that sabi ng doctor di na ako pwede manganak, so me and my ex husband we decided to adopt a child kasi nadepress ako talaga during those days. So naiintindihan mo na ba?” sabi nya at nag oo ako.
“So alam ba nya tita?” tanong ko sa kanya, “Hindi at wag mong sasabihin sa kanya” sagot nya. “Bakit ayaw niyo sabihin sa kanya?” tanong ko at ngumiti sya. “Pag nalaman nya sa tingin mo anong mangyayari?” tanong nya sa akin at napaisip ako. “Magrerebelde?” sagot ko at tumawa sya. “Pag nalaman nya sa tingin mo ba papayag syang mapunta ka sa iba?” sabi ni tita at halos wala ako maisagot sa kanya. “Alam mo naman ugalit ni Carissa pag may gusto sya talagang mapupunta sa kanya yon, pag sinabi mo sa kanya pano na yang dream girl mo? Its going to be very complicated” sabi nya. “I wont tell her tita, pinsan ko parin sya” sabi ko at niyakap ako ng tita ko.
Nahiga na ako sa kwarto ko, patay ang ilaw pero di ako makatulog, naiisip ko parin ang dream girl ko at ang ngiti nya. Bakit sinabi pa ni tita sa akin na di nya anak si Carissa? Akala nya magkakatuluyan kami? Baka sinabi nya yon para magbago ang tingin ko kay Carissa para matupad ang gusto nya na magkatuluyan kami? Sorry pero di ko type si Carissa, sadista sya at masama ang ugali, sana magkaroon ako ng sapat na lakas para makilala ko ang dream girl ko, tama sila ngiti lang yon, alangan na hanggang doon nalang.
Narinig ko nagbukas ang pintuan ng kwarto ko at napatingin ako doon, nakita ko si Carissa dala dala nya ang kumot nya at tinititigan ako. Umurong ako para magkaroon sya ng space sa kama at sinara nya ang pinto at lumapit sa kama. Nahiga sya at nagkumot pero di sya humarap sa akin, nahiga lang ako nakatingin sa kisame, ngayon lang ulit makikihiga sa kama ko si Carissa pagkatapos ko sya akbayan, di ko alam bakit. “Poy, just be yourself im sure magugustuhan ka nya mabait ka naman kasi” sabi nya bigla. Napansin kong nagbukas ng konti ang pinto at nakita kong sumilip si tita, di ata nakita ni Carissa yon pagkat nagsasalita parin sya. “Basta pag kayo na ipakilala mo naman sya sa akin ha. Tapos kahit may girlfriend ka na magpaalam ka na susunduin mo parin ako paminsan minsan ha” sabi nya at nakita kong nakangiti si tita bago nya isara ang pintuan.
Di ko alam bakit pero niyakap ko bigla si Carissa, medyo nagulat sya ng una pero unti unti naman niya dinikit ang katawan nya sa akin. “Carissa naman o akala mo naman kung mawawala na ako, nandito parin ako para sa iyo tandaan mo yan” sabi ko sa kanya at hinawakan nya ang aking mga kamay, “I love you Pipoy” bulong nya at biglang bumilis ang tibok ng puso ko, ngayon ko lang maririnig ang mga salitang yan galing sa kanya, nalilito ako pagkat di ko alam kung sinasabi nya yon bilang pinsan o bilang isang babaeng nagmamahal talaga sa akin. Sana di ko narinig ang mga sinabi nina Noelle, mga sinabi ni Tita kanina, nagkaroon tuloy ng ibang meaning ang mga salitang yon. Kung di ko narinig ang mga sinabi nila siguro nakasagot ako agad sa kanya pagkat iisipin ko na bilang pinsan lang, pero ngayon nahihirapan ako sumagot pagkat nalilito na talaga ako.
“I love you too Insan”