black2

Friday, February 13, 2009

Chapter 11: Puppy Steps

Chapter 11: Puppy Steps


Friday ng hapon sinundo ko na si Miyu sa school, second grading exam na daw nila sa Lunes kaya itreat ko daw sya para inspired sya mag aral. Gumaganda si Miyu habang tumatagal, wala na yung pigtail nya pag pumapasok sya at dalagang dalaga na ang itsura, pero makulit parin pagdating sa madaming bagay. Habang nagmamaneho ako papunta sa resto ay biglang nagring ang phone ko. Sinagot ni Miyu ito at parang may problema. “Asan kayo ate? Sige sasabihin ko pupunta na kami” sabi nya. “Sino yan?” tanong ko.


“Kuya si ate Liezl yon, dali punta daw tayo sa school ni ate Jaja, dali daw kasi daw yung stalker daw nya ayaw sya pakawalan” sabi ni Miyu. “Tawagan mo nga ulit si Liezl” utos ko at tinawagan niya ulit. Kinausap ko si Liezl at talagang ninenerbyos sya. “Ano ba problema?” tanong ko. “Si Jaja dinala ng manliligaw nya sa isang resto malapit dito e kanina ko pa niyaya umalis kami pero ayaw sya pakawalan nung lalake” sabi nya. “Sige papunta na kami” sabi ko at nagmadali kami ni Miyu pumunta sa school nila. “Hala kuya kinakabahan ako. Kuya ano gagawin mo sa lalakeng yon?” tanong nya. “Ewan ko, bahala na” sabi ko.


Pagdating namin sa resto sinalubong kami ni Liezl sa labas. “She is inside with the guy dali help her” sabi nya sa akin. Sinilip namin at nakita ko si Jaja, nakita nya ako at agad sya nagtext. Nakaharap sa kanya yung guy pero likod nya lang nakikita ko. “Help please” ang text ni Jaja at di ko na alam ang gagawin ko. “Dali na go to her” sabi ni Liezl at natatakot si Miyu at dikit sya ng dikit kay Liezl. “Oo parang dali gawin, as if maniniwala naman yung guy na ako boyfriend nya. Let me think” sabi ko. “Just go to her and kiss her agad, that will work” sabi nya at tinignan ko sya. “Me kiss her?” tanong ko at pasimple syang sumenyas na nandon si Miyu. “Oo kiss her agad sa lips, magrereact yung guy syempre pero bahala ka na don” sabi nya. Napaisip ako at nakita ko tinext ni Liezl si Jaja, nag nod si Jaja at kinulit nanaman ako ni Liezl. “Oo daw sige na go na. Don’t tell me takot ka?” sabi ni Liezl.


“Im not afraid of the guy, it’s the kissing part ang problema” sabi ko kunwari. Tinitigan ako ni Liezl at sabi “Good cause ito, its okay, dali na” sabay ngiti. Pumunta na ako sa loob at sinensyasan ko si Jaja at nag nod sya, pagkalapit ko sa kanya agad ko hinawakan ang face nya sabay naghalikan kami. “What the fuck are you doing pare?!” sigaw nung lalake at tumayo sya. Lahat napatingin sa amin at tinignan ko naman sya, kalmado lang ako at hinawakan ko ang kamay ni Jaja. “Hi, I was just kissing my girlfriend, thanks for treating her pala pare” sabi ko. “Tangna pare wala syang boyfriend and I know that, ano problema mo pare kissing my date kapal mo ha!” sigaw nya. “I am her boyfriend and I have the right to kiss her. Kung meron dapat magalit ako yon kasi dinedate mo girlfriend ko e pero I forgive you pare, I know she is damn pretty so you cant resist” sabi ko ng mahinahon. “Jaja is this true? Is this moron your boyfriend?” tanong nung lalake at nag nod si Jaja. “O you see pare. So chill, alis na kami pre thanks for the food, next time invite me” sabi ko at paalis na kami ni Jaja pero hinawakan niya ang braso ni Jaja at nakita ko sya nasaktan.


Hinawakan ko ang kamay nung lalake at talagang piniga ito, “Pinayagan na nga kita idate sya e, hindi na nga ako nagalit e. Tapos sasaktan mo pa sya!” sigaw ko at talagang piniga ko pa ang kamay nya at nabitawan nya si Jaja at napaluhod sya sa sahig. “Nakakalalake ka na animal ka! Wag kang manunulot ng girlfriend ng iba! Porke madami kang pera wag mo iisipin kaya mo na lahat! I don’t want to see you near Jaja anymore do you understand me?!” sigaw ko at nagmamakaawa na sya na bitawan ko kamay nya. “Do you understand me?!!!” ulit ko at nag oo na sya. Binitawan ko na sya at nakita ko yung drum stick sa plato nya kaya kinuha ko, “Pre akin nalang to ha” sabi ko at natawa bigla si Jaja. Naglakad na kami palabas at tawa parin ng tawa si Jaja.


Sa labas inabot ko yung drum stick kay Miyu, “O malinis yan” sabi ko at agad naman niya kinain. Naglakad na kami pabalik sa kotse at bilib na bilib sila sa akin. “Tawagan niyo yung iba tell them to meet us sa steak house, treat ko before your exams” sabi ko at agad kinuha ni Miyu ang phone ko at tinawagan yung ibang ate nya. Habang nagmamaneho busy sina Jaja at Liezl sa likod na rinerecall yung ginawa ko sa lalake. “Grabe hinawakan lang ni Kuya yung hand niya, as in grip nakita ko tapos namilipit na sa sakit yung gagong yon” sabi ni Jaja. “Hahahaha secret weapon ko yon, yan ang tinatawag kong Jeff’s M-death grip!” sabi ko at tawa sila ng tawa.


“Ano naman ibig sabihin nung M?” tanong ni Liezl. “Hahahahaha Jeff’s M-death grip!” sabi ko at pinakita ko ang kamay ko sa kanila at ginawa ko ang kunwaring kamay na nagbabate, ang tindi ng tawanan nila sa likod. Tawa sila ng tawa at naintriga na si Miyu. “Ate bakit? Ano nakakatawa?” tanong ni Miyu pero hindi makasagot yung dalawa dahil sa tindi ng tawanan nila. Pagdating namin sa resto inantay namin yung iba bago kami nag order. Kinukulit ni Miyu yung dalawa pero di parin nila sinasabi sa kanya.


Nag kumpleto na kami nag order na kami at dinala na ang mga sopas namin. Naikwento nina Liezl sa iba yung nangyari at ang tindi ng tawanan ng iba. Lalong napikon si Miyu kaya pinaliwanan ko na sa kanya. “Listen” sabi ko at lahat napatingin sa akin. “Ang ginamit kong technique kanina ay bunga ng 24 years na pagiging malungkot, tanging kaibigan ko lang ay ang aking kamay. Mga gabing malulungkot tangin ito ang aking karamay. Tinatawag ko tong Jeff’s Masturbator Death Grip!” sabi ko at eksaktong sumubo ng sopas si Miyu at napatawa sya bigla kaya lumabas sa ilong nya ang sopas.


Naluha si Miyu pero tawa parin sya ng tawa. Lahat naging masaya sa oras na yon at kahit na dumating na ang pagkain tuwing nakikita ako ni Miyu tawa sya ng tawa. Hanggang sa paguwi ng bahay ay di makapigil si Miyu, para na tuloy syang loka loka tuwing nakikita nya ako. Sabado ng umaga tahimik sila at nagrereview, nagpaalam ako na lalabas muna at plinano kong dalawin si Maureen. Umepekto nanaman ang pagkatorpe ko at nagpaikot ikot lang ako sa city pagkat di ko alam ano ang ireregalo ko sa kanya.


Isang oras ako nagpaikot ikot at bigla may naisip ako, pumunta ako sa pet shop at nagtingin ng mga aso. Bumili ako ng dalawang tuta, parehong Golden Retriever, isa lang sana pero matagal ko nang gustong magkaroon ng asong ganito. Nagtake out din ako ng pizza at burgers, di ko alam ang gusto nya pero bahala na. Nagdrive na ako papunta sa kanila, mga tuta nasa front seat at aliw na aliw ako sa kanila talaga. Pagdating ko sa bahay nila iniwan ko muna ang mga aso at pagkain pero dinala ko ang walking chain na isa. Kumatok ako sa pinto at kinakabahan talaga ako, di ko alam ano sasabihin ko pero tama sya walang mangyayari pag di ako gumalaw.


Pagbukas ng pinto pareho kaming nagulat, halos malaway ako sa suot nya, hapit na hapit na sando at maiksing shorts at ang sexy nya pala. “Himala bumisita ka” sabi nya sa akin. “Wow” lang ang nasabi ko sa kanya at tumawa sya at pinalo ako. “Bakit ka nandito?” tanong nya at bumalik na ako sa tamang katinuan. “Ah napadaan lang naman ako” sabi ko at lumabas sya at sinara ang pinto. “Talaga lang ha, napadaan ha” sabi nya. “O ano naman yang kadena na hawak mo?” tanong nya. “Ah eto kadena ng aso, gusto mo ba ng aso?” tanong ko sa kanya. “Bakit bibigyan mo ba ako?” tanong nya.


“Oo kung gusto mo” sagot ko. “Asan na akin na” sabi nya. Inabot ko sa kanya yung hawakan ng kadena sabay kinabit ang dulo sa shirt ko sabay umupo sa tabi nya. “Ayan, puppy mo ako, di ako mapili sa pagkain at madami ako alam na tricks” sabi ko at bigla syang tumawa ng malakas. “Sira ka talaga” sabi nya. “Trained din ako magwiwi at magpupu sa toilet. Pero di ko pa sanay nilalabas dila ko, sinubukan ko pero parang pangit tignan mukha akong manyakis” sabi ko at pinagpapalo nya ako at tawa sya ng tawa. “Sira, tumayo ka nga dyan” sabi nya kaya tumayo ako. “O seat!” sabi nya at naupo ulit ako at tawa sya ng tawa. “Roll over!” utos nya at tinignan ko sya, “Talaga naman feel na feel mo naman mag utos ha” biro ko at namumula na ang mukha nya sa katatawa. Nag roll over naman ako at napahawak na sya sa tyan nya at napaupo. Umiiyak na sya sa tawa at pinagpapalo nya ako.


“Okay yang gimik mo ha, very creative ka” sabi nya at biglang kumahol yung mga aso sa kotse ko. “May puppy ka talagang dala?” tanong nya. “Ano ba akala mo ako talaga yung puppy? Pwede rin” sabi ko. “Kunin mo na gusto ko makita” sabi nya kaya nagpunta ako sa kotse at kinuha yung dalawang tuta. “Wow ang cute!!!” sigaw nya at inabot ko sa kanya ang mga tuta at binalikan ko ang mga dala kong pagkain.


“Ano yan?” tanong nya. “Ah eto yung mga gusto nilang kainin, sinabi nila sa akin kanina” sabi ko at tinignan nya ako at tinawanan. “Ang torpe mo talaga, tara sa loob, ang cute cute cute nila o” sabi nya at pumasok kami sa loob ng bahay nila at nahiya ako bigla baka may tao doon. “Dali na pasok na” sabi nya kaya tumuloy na ako at pumasok.


Nilapag ko sa lamesa ang mga pagkain at naupo kami sa salas nila. “Akin ba itong dalawa?” tanong nya. “Ah hindi isa lang, tapos akin yung isa para pag namiss ng isa yung kapatid nya may rason ulit ako para pumunta dito” sabi ko at napangiti sya at tumawa. “Ang dami mo naman ata dinalang food” sabi nya. “Kasi di ko alam kung anong puppy pipiliin mo, pag isa dyan sa tuta nandon sa kotse yung dog food baba ko mamaya. Pag ako naman pinili mo eto yung mga gusto kong kainin” biro ko at hinampas nya ako ng unan at tumawa. “Kalog ka talaga” sabi nya.


“Joke lang, I didn’t know what you liked to eat. E sa figure mong yan parang mali talaga mga nakuha ko” sabi ko at ngumiti sya. “Miyu didn’t tell you na pareho kaming matakaw kaya nga kami close e kasi sabay kami lagi kumakain” sabi nya at natulala lang ako. “Ikaw matakaw? Hard to believe pero pwede siguro kasi di rin tumataba si Miyu e. Pareho lang siguro kayo may bulate” biro ko at tumawa sya. “Do you want to eat sa table or dito nalang?” tanong nya. “Mas comfy dito at maganda ang view pag sa table kasi mababawasan ang view” biro ko at tawa sya ng tawa. Kumain kami sa salas nila at hinayaan namin maglaro ang mga tuta. Kalog din pala sya at halos makabagan na kami sa katatawa.


“So does this mean lumabas ka na sa shell mo?” tanong nya. “No, natatakot ako lumabas sa shell ko e” sagot ko. “Bakit naman?” tanong nya. “Well kasi baka pag lumabas ako e what if bading pala ako, Darna! Oh kaya ganito nalang at least alam ko lalake ako” biro ko at tumawa sya. “Sira, coming out of the closet yung bading” sabi nya at napakamot ako kunwari. “Nagbibiro lang ako, oo im trying my best pero baby steps muna medyo bago tong ganito sa akin e. Kaya maingat ako sa pananalita ko at pag uugali, natatakot parin ako magkamali” sabi ko at ngumiti sya. “Just be yourself, kung magkamali ka im here to tell you naman e. Di ako yung nagkikimkim ng mga mali, pag may nagawa ka makikita mo naman sa mukha ko na di ko nagustuhan e” sabi nya. “Yun na nga problema e, happy o galit maganda ka parin, only difference siguro e mas maganda ka pag happy ka” sabi ko at pinagpapalo nya ako ng unan. “Nagiging bolero ka na ha” sabi nya.


Dumating ang parents nya at isang babae na kahawig nya pero halatang mas bata. Pinakilala nya ako sa magulang nya at kapatid sabay kinarga nya ang baby. “Baby ko” sabi nya at pinunasan ko ang kamay ko agad. “Uy pakarga nga” sabi ko at tinignan niya ako at inabot ang bata. “Ang cute naman nitong baby mo” sabi ko at naupo ulit kami sa sofa. Ewan ko bakit iba agad ang tingin niya sa akin, inisip ko kung may nagawa ako. “Bakit parang masama tingin mo sa akin? Mali ba paghawak ko sa baby mo?” tanong ko. Ngumiti lang sya at pumunta sa kusina. Pagbalik nya tinignan nya ako, “Would you like to eat dinner here?” tanong nya. “Ay hindi na, baka hanapin na ako ng mga alaga ko” sabi ko sa kanya. Tumayo na ako at kinuha na ng kapatid nya ang baby.


“Ay teka, kasi yung puppies one boy one girl, so anong gusto mo?” tanong ko. “Hmmm…gusto ko yung girl e” sabi nya. “Good kasi gusto ko yung boy” sabi ko sa kanya. Pinulot nya yung isa at kinuha ko din yung isa. “Oops walang bird to, sa iyo to” sabi ko at tumawa sya. “Yes that’s mine but you take that, akin tong gusto mo. Kasi gusto mo ito so aalagaan ko ito for you, and since I like that you take care of that for me” sabi nya sa akin at napangiti ako.


Sa labas hinatid nya ako sa kotse ko, naalala ko yung dog food kaya pinasok ko pa ito sa bahay nila saka bumalik. “Kanina pala hindi masama tingin ko sa iyo when you were holding the baby” sabi nya. “Ah okay, akala ko may nagawa akong mali o ayaw mo ipahawak sa iba baby mo” sabi ko. “No, I was just surprised” sabi nya. “Surprised? Hindi ba ako mukhang mapagkakatiwalaan?” tanong ko at tumawa sya. “Hindi ganon, I was surprised kasi when I said baby ko yon you didn’t even flinch or react like other guys would have reacted” sabi nya. “React like what? Bakit naman sila magrereact e ang cute nga ng baby mo e” sabi ko. “Yung iba magrereact na parang nanghihinayang ganon, or parang nawalan sila ng gana bigla kasi may baby na” sabi nya. “So what kasi kung may baby? E baby mo nga eh, hayaan mo na mga yon, mga makitid utak baka iba lang habol sa iyo” sabi ko. “Correct, e ikaw ano habol mo?” tanong niya.


“Wala, di ka naman tumatakbo e, bakit kita hahabulin e katabi lang kita” biro ko at tawa sya ng tawa. “Kakaiba ka talaga, anyway that was not my baby. Its my sister’s baby” sabi nya. “Aha, tapos di mo rin sister yon, sister ng kapitbahay mo and yung parents mo di mo talaga parent kundi sila ang kapitbahay mo ganon?” biro ko sa kanya at pinagkukurot nya ako. “Parents ko sila at sister ko yon, tapos yung baby anak ng sister ko, aga aga kasi naglandi na ayan tuloy” sabi nya. “E ikaw di ka pa ba naglalandi?” tanong ko at lalo nya ako kinurot. “Pano ako maglalandi e wala naman ako lalandiin” sabi nya. “Yan ang mahirap e, nasa harapan mo na nga yung volunteer di mo pa napapansin, nandito lang naman ako ha” drama ko at pareho kami tawa ng tawa.


“Sige pala uwi na ako, thank you for the nice time” sabi ko at pumasok na ako sa kotse. “Sige ingat sa pag uwi, bukas nalang yung kiss mo” sabi nya at napatingin ako sa kanya at napanganga. Tumawa sya at nginitian ako, “Bukas? Babalik ako dito bukas?” tanong ko. “Oo kaya, we have to walk the dogs together, boring naman kung ako lang” sabi nya. “Parang date ba?” tanong ko. “Maybe” sagot nya at super ngiti ako. “Hoy sinabi ko lang maybe no” sabi nya. “Sus mas maganda na yung maybe kesa sa no, happy day, today is a happy day…sana binigla mo nalang sa text bukas ng umaga, sigurado di ako makakatulog nito” sabi ko at tumawa sya. “Sige na uwi ka na para mamiss naman kita” sabi nya. Inandar ko kotse ko pero nakalayo palang ako konti tinigil ko, nilingon ko sya agad, “Namiss mo na ba ako?” tanong ko at nakikita ko syang tumatawa. “Tse!” sigaw nya.


Pagkauwi ko sa bahay super saya ako talaga, pagkapasok ko palang ay dinumog na ako ng girls, akala ko happy sila makita ako pero yung tuta pala. Wala ako sa isip ko nung gabing yon, malayo naglalakbay ang isipan ko at si Maureen ang laman niya. Pinagkaguluhan talaga nila yung aso at nakalimutan na nila mag aral. After dinner yung aso parin ang kalaro nila, nagkulong ako sa kwarto ko medyo kinakabahan para bukas. Di ko alam bakit ganito ang nararamdaman ko, last time na nangyari ito ay nung kinakasama ko pa si Nadine. Di ko alam ano isusuot ko bukas, di ko alam ang aking gagawin. Sabi nya be myself kaya bahala na siguro, pero excited talaga ako.


Madaling araw palang naligo na ako at nagbihis, hinanap ko nasan na yung aso at nahanap ko ito sa kwarto ni Miyu. Tinakas ko yung aso at maaga ako lumabas, nag iwan nalang ako ng note at pinaalala ko na mag aral sila at babalik nalang yung aso after their exams. Nag drive around ako pagkat nakakahiya at wala pang alas syete, pinapakalma ko sarili ko pero nakatanggap ako ng text galing kay Maureen. “Be here before seven and it’s a date” sabi nya at natatawa ako pagkat malapit lang ako sa bahay nila, kanina pa ako nagpapaikot ikot dito. Agad ako pumunta sa tapat ng bahay nila at tinext ko sya, “It’s a date then, look outside” text ko sa kanya. Ilang sandali nakita ko may sumilip sa bintana, after a few seconds nagbukas ang pinto at tumatawa sya.


“Wait maliligo lang ako” text nya kaya nag antay nalang ako sa kotse. After thirty minutes lumabas na sya ng bahay at nabighani ako sa ganda nya. Para syang nakasuot ng manipis na dress na may maiksing skirt pero nakashorts sya. Pagsakay nya sa kotse ang bango bango nya at parang nahypnotize ako agad, “Look o namiss nila isat isa” sabi nya nang maglaro ang mga aso sa paanan niya. “You look…saka na yung adjective nahihirapan ako mamili ng tama” sabi ko at tumawa sya.


Nagtungo kami sa pinakamalapit na park na konti ang tao at naglakad lakad. Naglalakad kami magkatabi, halos magkadikit kaya ang tindi ng kiliti sa aking tyan. Para akong nanghihina sa tuhod pero pinapakalma ko sarili ko. “Being the only guy sa bahay di ka ba natetempt sa mga alaga mo?” tanong niya bigla at hindi ko alam kung pano ko ito sasagutin ng tama. Pwede ako magsinungaling at pwede ako magsabi ng totoo, parehas iba ang epekto pero be myself sabi nya.


“Well may times na nakakaramdam ako ng iba. Like when they wear those seductive clothes before they go to bed. Tapos pag nagbibiruan sila about you know boobs ganon medyo naglalakbay isip ko. Lalo na sa pool grabe, nakita mo naman how pretty they are and may I add bombastic sila pag nakabikini. Pero I try my best to look the other way nalang and most of the time I look at Miyu to remind me na alaga ko sila at pinagkatiwala sila sa akin ng parents nila” sabi ko at tumatawa sya. Halong katotothanan at kasinungalingan ang sinabi ko, gusto ko maging honest at ayaw ko din masira agad sa kanya.

“You are so honest alam mo ba yon” sabi nya. “Oh you want me to be really honest?” sabi ko sa kanya at tumawa nanaman sya. “Wag na alam ko na sasabihin mo about me” sagot nya. “Sige nga” hamon ko, “Sasabihin mo maganda ako” sabi nya. “Bakit ko sasabihin yon e obvious naman, in short e it’s a fact…pero may minor correction, napakaganda dapat” sabi ko at bigla nya ako binangga at tumawa. “Then you are going to say something nice about my body” sabi nya. “Nope, no need for that” sabi ko. “E ano pa?” tanong nya. “That you are sooooooo….soooooo…” binitin ko at tinignan nya ako. “So ano?” sabi nya. “Matakaw” sagot ko at ang tindi ng tawa nya at ilang beses niya ako binangga.


“Pero alam mo you are so torpe naman” sabi nya. “Oo alam ko yon, inborn talent ko” sabi ko at natawa ulit sya. “Kanina ko pa dinidikit kamay ko sa kamay mo di mo man lang hawakan” sabi nya. “Sus kanina ko pa iniisip paano hawakan, iniisip ko kung biglaan ba o parang sa movies na patouch touch konti sabay kawit nung little fingers then holding hands na. Di ako makadecide e” sabi ko at napaupo sya at hinawakan nya tyan nya at tinakpan bunganga nya, napapiyak na sya sa tawa at pinagpapalo nya ang paa ko. After a few seconds tumayo sya at hinawakan nya kamay ko, “Ayan, ganyan kadali” sabi nya. “Easy for you to say, pero thanks…it feels good” sabi ko at siniko nya ako.


Nag brunch kami sa outdoor resto pagkat bawal magpasok ng pets sa indoors. Ayaw naman namin iwanan sa kotse ang mga aso at baka magsuffocate sila. “Alam mo I have been in so many dates pero so far this is the best one I ever had” sabi nya. “Ako din this is the best one I ever had kasi this is the only date I ever had” sabi ko at tumawa nanaman sya. “Seryoso ako” sabi ko at tumigil sya. “E pano mo naman pinasagot si Nadine?” sabi nya. “Ewan ko, I liked her matagal na pero di ko sya niligawan. Lagi lang kami magkasama as friends sa school. I wanted to tell her my feelings pero natatakot ako so ayon satisfied na ako as friends lang. Then one day it just happened umuulan at nasa taxi kami, she leaned on my shoulders and held my hand. Umakyat ata sa 1000 beats per second heart beat ko non tapos sabi nya I love you, naging 2000 beats per second na. Pero after two weeks pfft just like that…I caught her in bed with my bestfriend, umalis nalang ako and never talked to her anymore” sabi ko.


“Sorry” sabi nya. “Okay lang, matagal na yon di na dapat iniisip yon pero that is how our brain works e, it stores memories. Sana pwede magdelete ng memories at save nalang mga magaganda, parang text ba. When you thought you have moved on biglang papasok mga memories of the past, mga happy times together tapos papasok din yung bad…half smile half frown that is how I have been living my life” sabi ko at tahimik lang sya. “So do you miss her?” tanong nya. “Not anymore” sagot ko. “Imposible naman, first love mo and you don’t miss her?” sabi nya. “I don’t anymore lalo na after nung nakilala ko si Maureen” sabi ko at napangiti sya, “E ako yon e” sabi nya. “Ah oo nga no, well ayun ganon” sabi ko at tawa sya ng tawa.


“So in short dahil torpe ka di mo masabi na you like me” sabi nya. “Hindi, kaya ko naman sabihin yon e. I do like you pero di ko sinasabi baka sabihin mo habol ko lang katawan mo or attracted lang ako kasi maganda ka. That’s why I don’t say it, I want to get to know you more. Happy na ako sa ganito muna, alam mo yon yung may funny feeling sa tyan, gusto ko pa maramdaman yon ng matagal pa. If I say I like you its either you will say you don’t feel the same way and masasaktan ako. Or you will say you like me too at sasaya ako talaga pero after that everything will change already. Change in a way na mahahalikan na kita or more than that so magbabago na yung thrill. Pag ganito tayo may boundaries pa, I can get to know you more and I can show you sino talaga ako. Siguro sometime later pag napakita ko na lahat then you can decide if you really like me. Ako I do like you pero di ko pa sasabihin yon” sabi ko.


Tahimik lang sya pero parang sasabog na mukha nya sa tawa. Ilang sandali pa di na nya napigilan at tumawa na sya. “Sinabi mo na din lang e” sabi nya at tumawa narin ako. “You make my heart beat so fast alam mo ba yon? With the words you say…dinadaan mo sa patawa pero those are the words that kahit sinong babae gusto marinig sa isang lalake. Napapagod na ako kakasmile dahil sa iyo kasi super happy ako talaga. I like you Jeff but to be fair hindi ko din sasabihin sa iyo” sabi nya at nagkatitigan kami sabay nagtawanan.


“Siguro you are asking bakit naging close ako agad sa iyo no?” tanong nya. “Minsan natanong ko sa sarili ko yon. Pero siguro charming lang talaga ako, another hidden talent I have” biro ko at tawa sya ng tawa. “Not really, kasi the first time we met, remember nung sinundo mo si Mayumi? When I looked at your eyes kakaiba compared sa ibang guys na mameet ko first time” sabi nya. “Alam mo yon yung titig manyakis, yung nakikita mo agad yung lust sa mata nila, pero sa iyo di ko nakita yon. Even when we met again to talk about Miyu’s grades wala. Kahit sa dinner that night wala so if you remember I already teased you” sabi nya. “So you think there is no lust in my eyes” sabi ko. “Oo that is why at ease ako sa iyo” sabi nya. “Oo kasi hindi ka dapat sa mata tumingin” biro ko at pinalo nya ako at pinagkukurot. “Sira! Alangan naman first meeting doon ako agad titingin e di isipin mo na manyakis ako” sabi nya.

Pagkatapos kumain bumalik na kami sa kanila, tumambay kami sa likod ng bahay nila at pinanood lang ang mga tuta naglalaro. Naglakas loob ako na hawakan ang kamay nya at tinignan niya ako at nginitian. “Maganda siguro makitira ng ilang araw sa inyo” sabi nya. “Ay oo super saya don pero not now kasi tahimik don at exams na nila e. But after siguro or any ordinary day super saya talaga” sabi ko. “Hmmm wag na baka may di makapagpigil e” sabi nya at natawa ako. “Sus di naman ako ganon ano” sabi ko. “I wasn’t talking about you” sabi nya at napatingin ako sa kanya bigla. Nagngitian lang kami at lalo napahigpit ang hawak ko sa kamay nya.


“Well if that happens di naman ako papalag e” sabi ko at tumawa sya ng matindi at kinurot ako. “Alam mo ba bakit di namin pinaputol yung punong yang sa gitna?” tanong nya at napatingin ako sa puno na nasa gitna ng garden nila. “Bakit kasi takot kayo sa mga laman lupa na nakatira dyan?” sagot ko. “Parang ganon, may mysterio yang punong yan e, sa likod may nakaukit pa” sabi nya. “Ano naman nakaukit?” tanong ko. “Tara ipakita ko sa iyo” sabi nya at nagpunta kami sa likod ng puno pero wala naman ako napansin na nakaukit. “Wala naman” sabi ko. “Wala nga talaga” sabi nya. Tinignan ko sya at bigla sya lumapit sa akin, “I just wanted to hide maybe they are watching” sabi nya. “And what if they are?” tanong ko. “E di hindi ko magagawa sana ito” sabi nya at niyakap nya ako sabay hinalikan sa labi.



Napayakap din ako sa kanya at tumagal pa ang halikan namin, Malambot ang labi nya pero nasasaktan ako sa braces nya. Di ko na ito ininda pagkat masarap naman ang aking nararamdaman. “Maureen teka lang kailangan mo umatras konti” sabi ko at lalo pa nya dinikit ang katawan nya sa akin. “Why?” tanong nya. “E kasi down there you know” sabi ko at ngumiti sya. “Di na tayo bata, normal lang yan” sabi nya kaya niyakap ko sya ng mahigpit at napatingin sya sa boobs nya sabay tinignan ako, “Ikaw ha, pasimple ka pa” sabi nya at nagtawanan kami.


“Maureen ano tawag sa suot mo?” tanong ko para maiba ang topic, magkalapit lang ang mga mukha namin sa isat isa at nagdidikit ang mga labi. “Its called a baby dress, why?” tanong nya. “Wala, it looks good on you” sabi ko at ngumiti sya. “Alam ko iniisip mo nanaman” sabi nya. “Sige nga” hamon ko. “Youre thinking na mas maganda kung wala yung shorts ano?” sabi nya at natawa na ako. “Guilty” sagot ko at tumawa sya. “Siguro when we are alone in a room pwede mangyari yon, pero in public ganito talaga ang style nya. Maiksi talaga ang baby dress so you have to wear shorts, pwede din pants” sabi nya. “Mas maganda parin kung wala” biro ko at hinalikan niya ulit ako sa labi, masyado madiin ang paghalik nya at talagang nasaktan ako sa braces nya.


“Salty pala ang halik mo ano?” sabi ko at tinignan nya ako. “Salty? Bakit naman?” tanong nya. “Ah hindi siguro, baka yung dugo lang ito” sabi ko, “Hala sorry, its because of my braces, malapit ko na ipatanggal ito don’t worry…patingin nga” sabi nya at tinaas nya ang upper lip ko at bigla nya dinilaan at sugat. Naghalikan ulit kami pero ngayon maingat na sya, “Jeff I want you to be honest, I know its our first date or second if you count yesterday…are you imagining things more than kissing?” tanong nya. “Ang hirap naman sagutin niyan, ayaw ko naman magmukhang santo so hindi ha” sabi ko at tumawa sya. “Sabi ko be honest eh” sabi nya. “Okay…oo pero once lang” sabi ko. “Really? Once lang?” tanong nya. “Oo once every hour” hirit ko at tawa sya ng tawa at sinakal nya ako.


“Ako I will be honest to you at wag sana sasama ang loob mo” sabi nya. “Okay game” sagot ko. “Ikaw, honestly nung kinukwento ka lagi ni Miyu iniisip ko ang bait bait mo naman, I really wanted to meet you based sa kwento ni Miyu. Then when I saw you I admit I was expecting a different guy, sorry ha pero I was imagining yung gwapo sobra kasi pag nagkwento si Miyu kinikilig pa sya e kaya naintriga tuloy ako” kwento nya. “So when you saw me frustrated ka?” tanong ko. “Not really, im not saying pangit ka ha…when I saw you na parang naattract ako in a different way, parang may mysterio na bumabalot tuloy sa pagkatao mo. What would make a teenager feel so kilig about this guy sabi ko, physically he is just a normal guy, may itsura pero iba yung kilig ni Miyu e, and when I looked into your eyes yun na nga…iba ka” sabi nya. “Alien ako ganon?” biro ko at tumawa sya at tinuka ako sa labi.


“You may look ordinary, but inside you are extraordinary and there is something that you have that would make other guys jealous” sabi nya. “I have? Ano naman yon?” tanong ko at ngumiti sya, “Me” sabi nya. Di ko alam ano isasagot ko, wala ako maisip, ang ganda ng sinabi nya at para akong lumilipad sa langit. Gusto ko magwala sa sobrang saya pero naninigas ang buong katawan ko, wala na akong magawa kundi ngumiti…ngiti na di ko pa nagagawa sa buong buhay ko…di pilit…basta kusa nalang akong napapangiti sobra sa tuwa.


Kailan lang nawasak ang aking puso at matagal ko dinamdam ang pighati. Salamat sa nakaraan at ngayon natatamasa ko na ang muling kaligayahan. Kaligayahan na ayaw ko na pakawalan.

“We all have to taste a little bit of hell in order to enjoy the blessings of heaven” by Paulito


HAPPY VALENTINES TO EVERYONE!!! NO NOVEMBER BABIES HA!!!

Linkbucks