black2

Tuesday, April 14, 2009

Chapter 12: Demonites

Chapter 12: Demonites

Umaga nagising ako feeling ko hinang hina ako at nasasakal. Katabi ko sa kama si Yammy, agad ako bumangon pero bagsak ako agad sa sahig. Feeling ko wala talaga ako lakas sa mga paa ko at di ako makahinga sa kwarto. Di ako makabangon, nagsnap ako para magdamit, nakadamit ako pero parang lalo ako nanghina. Nagsnap ulit ako para iteleport sarili ko sa kwarto ni Jana. Pagmulat ko ng mata ko sa nasa kalsada lang ako sa tapat ng bahay nina Yammy. Hinang hina na talaga ako at nahihilo, mamatay na ata ako.

Nahiga lang ako sa kalsada, di ko na ako gumalaw para makaipon ako ng lakas. May narinirig akong mga yapak na mabilis, pagtingin ko may babaeng nakatayo at tinitignan ako. May third eye din siguro to, “help” sabi ko at lumuhod siya at binanong ulo ko. Naramdaman kong hinawakan niya ako ng mahigpit at bigla kami nawala. Pagmulat ko ng mata ko nasa loob kami ng isang kwarto, di parin ako makahinga. “Wait here” sabi nya at narinig ko siya tumakbo paalis.

Ilang sandali pa at naririnig kong may nag aaway na dalawang boses ng babae. “Hay naku Trina pag niloloko lang ako tignan mo lang” sabi ng isa. “Ate promise he is one of us, nakita ko siya nakahiga sa road nung nagjogging ako” sabi ng boses ng tumulong sa akin. Pagmulat ko ng mata ko nakatayo sila at tinitignan ako. Nakita ko yung tumulong sa akin, kahawig niya yung katabi niyang babae, pareho sila maganda at mukhang artista. “Oo nga wala pa siyang tatak sa kamay, fine sige itayo mo siya” sabi ng isa. Binuhat ako ni Trina, wala na talaga akong lakas. Hinawakan ng isang babae ang mukha ko sabay agad ako hinalikan.

Parang malakas na kuryente ang pumasok sa buong katawan ko, mata ko mulat na mulat at nararamdaman ko bumabalik ang lakas sa katawan ko pero kakaiba. Kapareha niya si Jana pero di ko maexplain itong kakaibang lakas at siglang pumupuno sa katawan ko. Bumitaw ang mga labi nya sabay tinitigan mga mata ko, muli niya ako hinalikan at nag uumapaw na katawan ko sa lakas. “Ate! Exag ka na!” sigaw ni Trina at bumitaw ang ate niya. Ngumiti siya at tinitigan ako, “Sorry got carried away, kakaiba ito at matamis siya” sabi ng ate niya.

Tumayo na ako mag isa at napansin ko hindi na ako invisible. “Ano nangyari bakit malakas na ulit ako?” tanong ko kunwari at nagtawanan sila. “Hinalikan ka na ni ate e, yan ang power ni ate” sabi ni Trina. Tumawa ako at napakamot, “Tulog ata ako, anong power?” tanong ko at lalo sila nagtawanan. “Don’t tell me you don’t know what you are” sabi ng ate ni Trina.

“Tao ako, like you two” sabi ko. “Nope, demonyo kami at pati ikaw demonyo” sabi nya. Kailangan ko mag acting kundi mabubuking ako, kunwari shocked ako at ayaw ko maniwala. “Ows…naka drugs ba kayo?” banat ko. “So sabihin mo nga sa akin kung bakit ka invisible kanina?” tanong ng ate. “Oo nga no nakita niyo ako? Teka what do you mean demonyo?” hirit ko at tawa ng tawa silang magkapatid.

“Ikaw ilang araw ka na invisible?” tanong ng ate. “Two weeks hehehe bigla nalang ako naging invisible e di ko naman alam pano bumalik pero masaya” sagot ko sabay tawa. “I see, Trina, explain mo sa kanya lahat at may gagawin pa ako. Recruit him kasi medyo type ko lasa niya” sabi ng ate ni Trina sabay kinindatan ako. Super ngiti naman ako kunwari pero binatukan ako ni Trina. “Ogag ingat ka delikado ka sa boyfriend ni ate” sabi ni Trina. “Boyfriend, sus bakit ako matatakot don?” banat ko. “Oo nga di mo pa kasi kilala si kuya Basilio e” sabi nya at kinilabutan ako bigla. Nasa kampo ako ng kalaban, delikado ang kalagayan ko. Kailangan ko mag ingat pero malaking tsansa ko narin ito basta di nila ako makilala.

Pumunta kami sa labas ng bahay nila at naupo sa hardin, tanaw na tanaw ko bahay nina Yammy, “Ano name mo pala?” tanong niya sa akin. “Benjoe” sagot ko at ngumiti siya. Nagkwento si Trina about demons pero alam ko na yon kaya kunwari nakikinig ako at di naniniwala sa una. Kinulit niya ako at kunwari medyo naniniwala na ako. “So you mean to say demonyo talaga ako?” sabi ko. “Yup, just like me” sabi nya. “Hmmm pero ha super ganda ng ate mo, artista ba siya?” tanong ko at nagsimangot siya. “At sinasabi mo hindi ako maganda ganon ba?” sagot niya.

“Hmmm sa mukha magkahawig kayo, artista karin ba?” tanong ko at parang flattered siya at nagpacute. “Si ate sikat na model at nag aartista din minsan, ako starting model palang” sabi nya. “Ah pero katawan ng ate mo wow as in wow” banat ko at nagalit ulit siya. “At ako ano?” tanong niya at kunwari kinilatis ko siya pero in fairness flawless din siya. “Well, kulang sa laman pero ok na din” sabi ko at nanlaki ang mga mata niya at bigla ako naitapon palayo.

Malakas pala itong babaeng ito, pero agad niya ako nilapitan at binangon. “Sorry, ginalit mo ako e” sabi nya. Kunwari natatakot ako sa kanya at dumistansya ako. “Nakakatakot ka naman, pero pano mo nagawa yon?” tanong ko. “Tuturuan sana kita e pero binadtrip mo ako kaya manigas ka” sabi nya. “Tinitigasan na nga ako e” sabi ko at tumawa siya bigla pero tinignan ako ng masama. “Dahil kay ate ano?” sabi nya at kunwari inosente akong tumingin sa malayo. “Wala ate mo dito, so siguro dahil sa iyo” palusot ko at ngumiti sya at nagpacute ulit. “So wala ka pang alam, kailangan mo magstay dito para matuto ka” sabi nya. “Oo ba” sabi ko agad at tinaasan niya ako ng kilay, “Oo na ang kay Basilio kay Basilio na…teka baka naman meron narin nag aangkin sa iyo?” tanong ko at tumawa siya. “Sabi ni ate matamis ka daw…patikim nga” sabi nya at hinalikan niya ako bigla. Nilaplap niya talaga ako at pagbitaw niya napangiti ulit siya. “Tama si ate ah, bakit ganon, nakipaghalikan na ako sa madaming demonyo at tao pero ikaw lang ang ganyan?” tanong niya.

“Well siguro naman nakalimutan ni Lord ako bigyan ng good looks kaya binigyan nalang ako ng yummy taste” banat ko at tumawa siya ng malakas at tinapik ang ulo ko. “Wag mo babanggitin si L, hay naku madami ka pa kailangan matutunan. Ang kay Basilio kay Basilio, ang ikaw kay Trina” sabi niya at ang landi bigla ng tawa niya at muli niya ako niyakap at hinalikan. Napatumba kami sa grass at nanggigil siya sa paghalik sa akin, “Trina! Impaktita ka, akala ko ba tuturuan mo yan?” narinig ko boses ng ate niya. “Inggit si ate, tara na nga itour muna kita sa labas. Bye ate!” sabi nya at bigla kami nawala.

Nasa Divisoria kami bigla at ang daming tao, “Ei di ka ba nakokonsyus sa suot mo, ang taas ng shorts mo at masyado exposed cleavage mo” bulong ko sa kanya at madami talagang lalake napapatingin sa kanya. “Uy napapansin mo narin beauty ko, tinitigasan ka ba ulit?” landi nya. “Di naman pero baka bastusin ka e” sabi ko. “Ano ka ba relax, di mangyayari yon ano, if ever mangyari naku just watch what I can do” sabi nya.

Naglakad lakad kami at bigla siya may naalala, “Ay gusto mo ba ng phone? Ako gusto ko na palitan phone ko, teka tara sa mga alipores natin” sabi nya at pumasok kami sa isang eskenita at may lalakeng lumapit. “Ano meron?” tanong niya at binuksan nung lalake yung bag niya. Ang daming cellphone sa loob, karamihan bago pa. “Ay gusto ko ito, touch screen to, Benjoe mamili ka ng gusto mo” sabi nya at kunwari namili din ako ng kapareha niyang phone. “Oy ipadala mo yung charger sa bahay ha, dalawa” sabi nya at saka kami umalis.

“Teka you mean to say lahat ng snatcher kakampi natin?” tanong ko at tumawa siya. “Of course, pero not all. Kasi meron yung snatcher na dahil sa gipit, meron naman yung tulad niya na business na niya, so kakampi natin siya samantala yung gipit e gipit lang yon” sabi nya sabay tawa ng malakas. Maganda si Trina pero masama ugali, maldita siya pero kailangan ko pa magpanggap para makita ko si Basilio.

Mahaba haba ang nilakad namin at sa wakas nagpahinga kami. “If you want a car hawak natin mga carnapper, kung gusto mo ng pera hawak natin bankrobbers, pero yan small time lang mga yan. Hanggang diyan lang sakop ko. Sina ate at yung iba hawak nila yung mga politico” sabi nya. “What? You mean to say tayong mga demonyo ang talagang nagkokorup sa bansa?” tanong ko at tumawa siya.

“Nope, ang mga politico tao din yan, ang tao pag nakatikim ng madaming pera gusto pa niya. Although not all, meron mga kuntento, meron yung mga di kuntento. Yung mga may kapangyarihan pansinin mo mayayaman sila, tapos halos lahat na ng kapamilya nila politico. Di ka ba nagtataka bakit ganon? Serbisyo ba talaga? O ayaw lang nila pakawalan ang pera, sa politics pera pera yan. Di aandar ang isang serbisyo pag walang pera. Look at the roads, public bidding daw, pero meron na sure winner, tapos yung politico sure meron porsyento. Yung nanalo naman ipapa subcontract pa niya ng mas mura, sub contract sub contract hanggang wala nang natira. So in the end ang kaslada na sana worth 100 million, worth ten million nalang kaya madali masira. At pag nasira panibagong kontrata ulit yon hahaahaha galing diba?” sabi nya.

“Pag may kapangyarihan ka ayaw mo siya bitawan, di ko sinasabi na tayo may gawa non. Binubulungan lang natin sila to be more greedy, in the end yung tao mismo ang gumagawa ng corruption. Kaya never uunlad ang Pilipinas I tell you, at ang pinakamagaling na magnanakaw ay eto mismo” sabi nya at tinuro niya ang simbahan.

“Vatican City, take note city siya pero considered as a country. A country inside a country, hanep ano?” sabi nya. “Oo nga e ang liit liit tapos country siya” sabi ko. “Oo nandon daw kasi ang santo papa, asus pero alam mo ba saan galing funds nila?” tanong niya. “Saan?” tanong ko at tumawa siya. “SA lahat ng simbahan sa mundo. Can you imagine that, lets say this church, may porsyento ng koleksyon pinapadala sa Vatican, imagine ilang simbahan sa world, super rich sila, talo pa ang Pinas no. Akala ko church for the poor, pero funny pag nakikita mo mga kotse ng pari, mga gamit nila, bakit pa ginto? Hay naku tao din lang ang mga pari, at alam mo may sikreto silang tinatago, oh yes, the church had lots of people killed, lots of scrolls burned just to keep their secret…kasi pag nalaman ng tao yan delikado ang business nila and can you imagine pag lumabas ang truth, as in mababaliw ang tao, ang paniniwala ng ilang daang taon di pala totoo, can you imagine ano mangyayari sa tao?”

“Hay naku that is power for you, pwede ka masira, pwede ka din guminhawa” sabi nya. “E bakit mo sinasabi lahat sa akin ito?” tanong ko at tinaasan niya ako ng kilay. “Wala tinitignan ko lang kung saan ka kakampi, ika nga it’s a test and so far you passed kasi di mo pinagtanggol ang church so kakampi ka namin” sabi nya sabay ngiti. “At isa pa kanina pa tayo nalulusaw dito di mo ba napapansin, kasi katabi natin simbahan so demonyo ka din pala” sabi nya at tawa kami ng tawa. “Tara na lets go home” sabi nya.

Doon sa kwarto niya naglakad lakad ako habang nahiga siya at tinetesting phone niya. “So pag demonyo ako bakit sinabi ni ate mo na irecruit mo ako?” tanong ko. “Ah kasi may two sides, kakampi natin at kalaban natin” sabi nya. “Ano? Mga demonyo nag aaway or mga anghel kalaban natin?” tanong ko. “Hmmm…both, meron kasi isang grupo na gusto tayo pigilan sa gusto natin gawin, medyo close sila sa taas” sabi nya.

“Di kita maintindihan” sabi ko. “Halika dito higa ka” sabi nya at nahiga ako sa tabi nya. “Ang importante na malaman mo is nasa tama tayo, at ang kalaban natin ang grupo ni Adolfo, pero si Adolfo kayang kaya ni kuya Basilio yon. Ang goal natin mga demonites e hanapin yung anak ni Adolfo, Saturnino” sabi nya at doon ko lang nalaman pangalan ng tatay ko kaya natawa ako bigla. “Nakakatawa naman pangalan nila” pasulot ko.

“So kung kaya pala ni Basilio si Adolfo e bakit kakatakutan pa yung anak?” tanong ko at tinignan niya ako bigla. “Alam mo may libro na dapat nasunog na, nahanap namin yun pero kulang kulang chapters niya. May nakasaad don na propesiya, na this year ipapasa ni Adolfo ang kapangyarihan niya sa isang anak niyang special. Napakalakas daw nitong Saturnino when that happens kaya gusto ni Kuya mahanap siya agad at patayin” sabi ni Trina.

“Special as in special child?” tanong ko sabay tawa at binatukan niya ako. “Hoy seryoso ako, kaya dapat maturuan kitang lumaban just in case” sabi nya. “Lumaban? As in kung fu or martial arts?” tanong ko at tumawa siya. “Gagi, using powers no, ang normal na tao gumagamit lang ng ten percent ng brain power nila, pero pag lumampas ka sa ten doon nagmamanifest ang psychic abilities. Mind control, telekinesis, konting lampas nga lang sa ten e genius na ang tao, what more kung higit sa ten like us” sabi nya.

“So genius ka ganon?” tanong ko at tumawa siya. “Siguro pero tamad ako pumasok” sagot niya at nagtawanan kami. “So pag mind ang labanan pano yon?” tanong ko. Tumayo siya at pinatayo ako nagharap kami at napaisip siya. “Kasi ang laban talaga palakasan ng demon power, bale magcoconcentrate ka at pano ba explain ito…isipin mo gusto mo ako patayin ganon, talang concentrate ka, ganon din ako tapos kung sino mas malakas mananalo kasi parang babasagin mo din will power niya e” sabi nya.

“Di ko gets” sabi ko. “Okay sige sample tayo, tignan mo ako kunwari galit na galit ka, isipin mo na mga masasamang gusto mo gawin sa akin like patayin, kasi ganon ako natuto, pag magaling ka na parang instant mo nalang marerelease power mo e, so for now ganon gawin mo game” sabi nya. Tinignan ko siya, ayaw ko gawin yon pagkat mabubuking power ko, kunwari nagcoconcentrate ako pero nararamdaman ko ang lakas niya. Di ko maintindihan nakakaramdam ako ng sobrang takot at lungkot, nangangatog tuhod ko at parang wala ako gana mabuhay. Bagsak ako sa sahig at agad niya ako pinuntahan, “Uy hala sorry nasobrahan ko ata, pero ganon yon” sabi nya.

“Ate! Tulong!” sigaw ni Trina. Pumasok sa kwarto ang ate niya at agad niya ako hinalikan. “Trina papatayin mo naman ata siya e, pero sige ulit para makiss ko ulit” landi ng ate niya at sila ang nagkatitigan. Sumuko ang ate niya at dumilat si Trina. “Si ate kasi healer lang, ako yung isang panglaban ni kuya Basilio e. Take note ha di pa full power ginawa ko sa iyo” sabi nya. “Wow, grabe ang lakas mo ha” sabi ko at ngumiti sya. “Ikaw ano kasi inisip mo?” tanong niya. “Nag isip ng masama tungkol sa iyo” sagot ko. “Like what?” tanong niya. “Hmmm naked ka tapos pinaghahalikan ko body mo” palusot ko at bigla siya tumawa at niyakap ako. “Tsk kakainggit naman” sabi ng ate niya at muli siya tinitigan ni Trina kaya lumabas na sya ng kwarto.
After dinner di ko alam at bigla nanaman ako nanghina, tumawa ang ate ni Trina, “Patulugin mo nalang, di niya nakayanan training mo gaga. Ikaw naman gusto mo kasi agad matuto, sana step by step” narinig kong sinabi ng ate niya. Ilang segundo lang nakahiga na ako sa kama, kinumutan ako ni Trina at hinalikan sa noo. “Oy magpagaling ka nga, ang hina hina mo, pano kita ipapakita kay kuya Basilio pag ganyan ka. Sige bukas na ulit” sabi nya.

Nayanig sa totoo ang utak ko sa pinag gagawa ni Trina. Kailangan ko tiisin ito para makita ko na si Basilio. Di ko nagugustuhan ang pagbabago sa lakas ko pero kung ito ang kailangan para matapos na ang lahat kailangan ko tiisin ito.

Isang linggo ang lumipas madami ako natutunan kay Trina, kahit na mapangahas ang suot nilang magkapatid lagi hindi ako natutukso sa kanila pagkat isa lang ang gusto ko mangyari. Magpalakas at aralin ang lahat ng sikreto nila. Masaya si Trina pagkat malaki improvement ko, tuwing naglalaban kami medyo nilalabas ko ang lakas ko para masanay ako sa totoong laban, siyempre lagi ako talo sa huli kunwari.

Isang araw habang nagkaharap kami ni Trina sa garden nila sinabi niya sa akin na wag magpipigil. Nandon ate niya nanood sa amin at ngayon lang ako naakit sa kanya ng husto. Di ko alam kung nananadya siya pero see through na pantaas sabay napakaiksing shorts lang ang suot niya kaya nagiinit ako ng todo.

Sa totoo kayang kaya ko na ang lakas ni Trina, ngayon papatikman ko siya ng lakas ko. Nagsimula ang titigan at naramdaman ko mabilis siya umatake pero kaya ko lakas niya. Ako na ang bumanat at nakita ko nangatog tuhod niya, sa isang iglap nandon siya sa harapan ko nakwelyo niya ako agad at may mga maitim na apoy lumabas sa bawat daliri niya. Umakto siyang ibabaon ang kamay niya sa dibdib ko at talagang lumukso ang dugo ko. “Trina!” sigaw bigla ng ate niya at natauhan siya. “Shet sorry ha, wow muntik na” sabi nya.

Agad lumapit ate niya at niyakap ako, “okay ka lang ba?” tanong niya at nagalit si Trina. “Ate ha, as if naman tumama yung kamay ko sa kanya” sabi ni Trina. “I was just checking ano” sabi ng ate niya pero napasandal ako saglit sa dibdib nya at napangiti ako. “Sorry instinct kasi yon, pag nagmatch kasi ang lakas dun lang magkakapisikalan, unahan nalang sa pag gamit ng dark flame” sabi nya. “Dark Flame?” tanong ko kunwari. “Oo like what you saw, lahat tayo may ganon, pati si ate meron pero kay Kuya Basilio malaki talaga yun ang nakakapatay” paliwanag niya.

“Yun sa atin maliit lang, nakakabutas ng katawan ito, so pag nabaon ko kamay ko sa chest mo malaman napuruhan puso mo so dedo ka” sabi nya sabay tawa. “As in patay na ako?” tanong ko. “Not really, physically dead pero kaya ni ate pagalingin, si kuya Basilio nga pinagaling niya e kasi yung si Adolfo natamaan niya si kuya ng malaking dark flame, buti kamo kidyas lang pero laki parin nadali sa katawan ni kuya ha” sabi ni Trina.

Bigla ako hinalikan ng ate niya sabay tumakbo, “Nirecharge ko lang power niya” sabi ng ate niya at natawa ako. “E ako ate di mo irerecharge?” tanong ni Trina at dumilat ang ate niya. “Ate talaga likes you, pero im sure takot din siya kay kuya Basilio. Pero alam mo naawa ako kay ate kasi si kuya Basilio dalawa girlfriend niya, si ate ko at si ate Petina. Live in sila ni ate Petina, kahit na si ate ko nagheal sa kanya, minsan parang ginagamit niya lang katawan ng ate ko e pag nagsawa sya kay Petina” drama ni Trina.

“So you mean healer din si Petina?” tanong ko. “Oo pero mahina, mas maganda lang kasi siya kay ate kaya ayun lagi kasama ni kuya Basilio” sabi nya. “Ha? May mas maganda pa sa ate mo?” tanong ko at tinaasan niya ako ng kilay at nagsilabasan ulit ang mga apoy sa daliri niya. “Ang sagot don, oo at ikaw yon diba?” banat ko at ngumiti sya.

“Oy teach me naman that o” sabi ko at for the whole day tinuro niya sa akin ang dark flame. Dati kasi di ko alam pano ko nailalabas yon pero pagsapit ng gabi alam ko na. Kaya habang tulog sila nagpractice ako ng ibat ibang teknik para gamitin ang dark flame ko. Maghanda ka Basilio…Petina din hahahahaha.

Linkbucks