HAPPY EASTER EGG!
Kailan daw ba ako sisipagin may nagtanong sa shoutbox?
Kailan nga ba?
Hindi pa ba masipag ang magsulat ng libre? Non stop mula 2007 mula Pepito, Anniika 2, Pipoy, Bahay ni Kuya, Athan plus yung mga wholesome, hindi pa ba masipag yan?
Kulang pa ba? Kailangan ko pa ba isakripisyo na lahat ng oras ko sa pagsusulat kung saan wala naman ako kinikita?
Ganon ba gusto niyo? Yung tipong ten chapters a day ang release para masaya kayo?
Yun ba ang definition ng masipag sa inyo?
Hindi pa ba kasipagan tong ginagawa ko na kahit na ilang beses ako binadtrip tinutuloy ko parin. Wala ako kinikita dito, madami nag alok ng ways para kumita pero di ko kinakagat, so ano nga ba ang masipag?
Gusto niyo ten chapters a day na walang kwentang kwento? Akala niyo madali magsulat ng isang maayos na chapter? Bawat eksena pinag iisipan, o baka gusto niyo madamihan nalang hayaan na ang kwento.
Kailan nga ba daw ako sisipagin? Wow so sa lagay na ito tamad pa pala ako. O madami lang talaga ang di nakakaintindi na may buhay din ako aside from writing...baka robot kasi ako
Ilang beses ako nagstop dahil sa dami ng problema. Tinuloy ko parin dahil sa pakiusap ng iba.
Bakit nabitin yung Pipoy? Kasi ang daming badtrip, madaming atat. Oo sinasabi ko na totoo bakit ko binitin.
Akala ko magbabago sa Bahay ni Kuya, same parin, dami hindi marunong umintindi kahit na nagpost ka na ng pakiusap na magpapahinga ka sandali.
Babanatan ka ng "sana ilabas na ang susunod?" ganon na comments kahit nabasa naman nila ang pakiusap.
So binitin ko ulit ang Bahay ni Kuya dahil badtrip ako.
Nagtry ako sa Athan, napuno ako pagkat same parin, kaya tignan niyo ending niya, pangit, nawalan ako ng gana
Ito Salamangka, ok na sana e, released sa holy week, sabi ko so far so good kasi nagpost ako ng warning sa simula para sa mga atat
So kailan ba ako sisipag?
Sagot ko....hindi na kasi wala na talaga akong gana.
So tamad pa pala ako, e di magpapakakatamad talaga ako.
Isipin niyo nalang na short story yang salamangka.
HAPPY EASTER EGG ULIT!