black2

Monday, April 27, 2009

Chapter 24: Demons Unite

Chapter 24: Demons Unite

Nagkasubukan ng will power ang bawat kampo, malakas din sila kaya kinakailangan pisikalan na ang laban. Mabilis umakyat sa ere ang mga anghel, adbantahe nila ito pero di kami magpapatalo. Ang ibang mga anghel nilayo ang mga tao, kitang kita ko binubura nila ang memorya pagkatapos, mababait talaga sila at ayaw nila may madamay na tao.

Nag spread out kami lahat, si Alyssa at Yaps magkasama kaya kampante ako pagkat mukhang malakas naman si Yapito. Mabilis gumalaw si Mani-king, bumanat nanaman siya ng silent scream nya at bagsakan ang mga anghel sa lupa. Pati si Lord Raizen bumanat ng itim na kidlat niya, halos pumatas na ang laban. Mabilis sumugod sina Ricardo at Raymundo, si Yaps tumalon sa ere at biglang humaba ang kanyang ari. Halos three feet ang ari nya at may itim na apoy bumalot dito, sumugod siya at may nasaksak siyang anghel sa dibdib, winasiwas niya ari niya na parang whip at mas madami pang anghel ang natamaan.

Lahat sumugod na maliban kami ni Basilio, tumayo sa likod niya si Petina at sabay silang sumigaw “Fusion!” Wala naman akong nakitang nangyari pero bagsak si Petina at mabilis siyang binuhat palayo ng mga ibang babae. “Fusion?” tanong ko at tumawa si Basilio. “Oo Benito, fusion, power niya sumanib sa akin, so never ako mawawalan ng lakas” sabi niya.

Sa kamay ni Basilio may nagform na itim na espada gawa sa itim na apoy, nabilib ako at ngumiti siya. “Ano ha, fan ako ng Star Wars e, eto ang dark saber ko, sige mauna na ako” sabi niya at ang bilis niya gumalaw at nakipagespadahan siya kay Leonel.

Para akong nanliit sa sandaling yon, lahat sila namangha ako at ang galing nila makipaglaban. Habang pinapanood si Basilio alam ko na ang kulang ko, di pa ako malakas, di ko tuloy alam ang gagawin ko.

“Hi my love” sabi ng boses at paglingon ko nandon si Jana at Yammy. “Hala bakit kayo nandito? Delikado dito” sabi ko at ngumiti sila. “We are here to help you, actually may prinactice kami” sabi ni Jana at pareho nila ako hinawakan sa balikat. “Fusion!” sabay nila sinigaw at naramdaman ko ang kakaibang lakas sa aking katawan. Bagsak si Yammy at Jana pero sinalo sila ni Raldske at Alyssa. “Ibabalik namin sila sa kwarto nila, siga na Saturnino go show them what my brother can do!” sigaw ni Alyssa at pagtingin kay Basilio nginitian ko siya.

Tinabihan niya ako ulit at pinagmasdan ako, nararamdaman ko ang nag uumapaw na lakas at nagulat ako pagkat kaya ko basahin ang isipan ng lahat ng nakikilaban. “Anong ngini ngiti mo diyan?” sabay namin sinabi ni Basilio at gulat na gulat siya. “Nababasa mo isipan ko?” sabi ulit namin at napaatras siya konti at muli siyang naglabas ng dark saber niya, sa pagbasa ko ng isipan niya nagets ko kung pano magpalabas ng apoy ng ganon.

“Star wars ka, luma na yan, pare ako fan ako ni Wolverine, watch this pare” sabi ko at tulad ng favorite hero ko lumabas ang mga dark flame claws ko sa bawat kamay, kita ko ang inggit sa mga mata ni Basilio at nginitian ko siya. “Hoy, wag kang copy paste, tara na dude” sabi ko at mabilis ako nagteleport papunta sa pinakamalapit na anghel. Alam ko kung saan siya iilag kaya doon ako susulpot, gulat na gulat yung anghel pero wala na siyang magagawa, sinaksak ko siya ng dark claws ko at agad sya naabo. Feel na feel ko talaga ako si Wolverine kaya ngayon kaya ko nang makisabayan sa kanila.

Sa kalayuan si Lord Waps mabilis nagpapasulpot sulpot sa tabi ng mga anghel, hinahawakan niya lang sila saglit at sila ay nagiging miserable, kitang kita ang biglang panghina ng mga anghel na nahahawakan niya. At sa bawat nahahawakan ni Lord Waps nandon nanaman ang dynamic manyaks na hinahalay ang mga babaeng anghel na nanghina.

“Sige mga ka-federasyon sugod anech!!!” sigaw ni Tsupi at lahat ng mga bakla naglabasan ng mga gunting at lahat ito nagbaga ng itim. Nagulat ako at sumulpot sa tabi ko si Alyssa, “Akala mo babakla bakla sila pero sila ang isa pang grupo ng ng assassins, mga ninja gays moves nila kakaiba” sabi nya at natawa nanaman ako. Tama si Alyssa, ang bibilis gumalaw ng mga bading, parang mini sabers ang mga gunting at pinagsasaksak nila ang mga babaeng anghel. Nangilabot nalang ako sa ginagawa nila sa mga lalakeng anghel, inuubos talaga nila ang lakas nila sa pamamaraan ng pagtsupa. Diring diri talaga ako at tawa ng tawa si Alyssa pero ang matindi ang ang finishing move ni Tsupi, bibig niya nagbaga ng itim na apoy at mula ari unti unti nalusaw ang anghel.
Sa gitna ng bakbakan may nakita akong maliit na batang anghel na lakake. Napatigil ako at tinitigan ko siya. “Bata nawawala ka ata” sabi ko sa kanya at ang sama ng tingin niya sa akin. “Ikaw bad ka, lagot ka kay Bro” sabi nya sa akin. “Teka ikaw ba si San…” sabi ko pero biglang sumulpot si Barubal at minaso niya ang munting anghel. “Hahahahaha ang sarap talaga dito sa lupa, ayaw ko na bumalik sa baba. Nasan na yung Chenelyn Kimbertush na yon?! Hahahahaha” sigaw niya at awang awa ako sa napisang anghel.

Sa malayo nakita ko si Alyssa nakahiga sa buhangin at malapit na siya saksakin ni Angela, mabilis ako nagteleport doon binanatan ko ang espada niya gamit ang mga dark claws ko. Wasak ang espada niya bago pa nakakaabot sa dibdib ni Alyssa, sinipa ng kapatid ko ang anghel at napatapis siya. Di ako nakuntento sa sobrang galit ko sinundan ko si Angela at umibabaw ako sa kanya. Sinakal ko siya sa isang kamay at ibabaon ko na ang dark claws ko sa dibdib niya. Napatigil ako saglit at nagkatitigan kami. Basang basa ko ang isipan niya at takot na takot siya sa akin.

“Iba ka sa kanila” sabi nya bigla at tumigil ako. “Dapat patay ka na pero di ko alam bakit buhay ka pa. Yang espadang winasak mo di basta basta nawawasak yan ng kahit anong pwersa…pag bumaon sa demonyo yan sigurado patay pero ikaw iba ka” sabi nya. Nabasa ko ang isipan niya pero hinayaan ko siya maglabas ng isang maliit na kutsilyo, nagbabaga ito ng dilaw at sinaksak niya ito sa tyan niya. “akala ko masama ang suicide?” tanong ko. “Di ako nagpapakamatay, may gusto lang ako subukan” sabi niya at hinugot niya ang kutsilyo at ako naman ang sinaksak niya sa braso. “Aray! Nyeta ka ha” sabi ko at tinitigan niya ako ng seryoso. “Itong kutsilyong ito same as sa espada, nakita mo wala epekto ito sa akin, tignan mo sugat ko agad naghilom. Tignan mo braso mo wala nang bakas ng pagkasaksak” sabi nya at totoo nga at wala nang marka man lang ng pagkasaksak niya.

Tinapon niya ang kutsilyo at natamaan si Raymundo sa likod, napaluhod si Raymundo at unti unting nalusaw. Nagkatitigan kami ni Angela at nilagay niya ang kamay niya sa face ko, agad ako lumayo sa kanya at nilapitan si Alyssa. “Ikaw…ikaw yung sinasabi nila…why are you fighting us?” tanong niya. Niyakap ko ang sugatan na Aylssa at binuhat siya, “Kayo unang umatake sa amin, pinilit niyo kami makisama sa labanan, look what you did to my sister…blood is always thicker tandaan mo yan…I will bring her to safety…pagbalik ko maghanda ka” sabi ko at teleport ako agad palayo.

Sa kwarto ni Jana nandon yung dalawa at mahimbing ang tulog. Pinahiga ko si Alyssa at pinilit gisingin si Jana. “Kahit gisingin mo siya di niya magagamot itong sugat ko, anghel ang gumawa ng sugat na ito kaya anghel din lang ang may kayang gumamot” sabi nya sa akin. Galit na galit ako pagkat wala akong magawa. Sumulpot bigla si Angela sa kwarto, nakalimutan ko pwede pala niya kami sundan.

“Wait, I came to help” sabi nya pagkat muling lumabas ang mga dark claws ko. “anong ibig mo sabihing help?” tanong ko. “Dadalhin ko siya sa kampo namin, papagalingin ko siya” sabi ni Angela. “Di ako naniniwala…baka patayin mo siya” sabi ko. “Saturnino…tama ba? Pag sinabi ko kapatid siya ni Saturnino no one will touch her, gagamutin namin siya Saturnino” sabi nya sa akin at pareho kami nagulat ni Alyssa.

“Kilala mo ako? Bakit mo alam ang pangalan ko?” tanong ko at ngumiti si Angela at nilapitan si Alyssa. “Im sorry kanina, come with me…di ko alam may kapatid ka Saturnino…don’t worry I will make sure your sister is safe” sabi ni Angela. “Siguraduhin mo lang na di masasaktan ang kapatid ko, kung may mangyari sa kanya tandaan mo ikaw ang una kong hahanapin” sabi ko at nginitian niya ako. “Hoy kanina ka pa ngiti ng ngiti! Wag masyado naman nakakainlove ka e” biro ko at nagtawanan kami pero binatukan ako ni Alyssa. “May oras ka pang manglandi bwisit ka” sabi nya at natawa si Angela.

“Angela ang pagkatao ko tinatago ko, siguro alam mo din bakit” sabi ko. “Oo alam ko, alam ng lahat ng mga anghel ang pangalan na Saturnino pero di nila alam na ikaw yon” sagot niya. “Kailangan ko bumalik sa labas at makilaban, may masasaktan akong mga kapwa mo, kailangan ko gawin ito or else mabubuking ako” sabi ko. “Oo alam ko, don’t worry pagbalik ko sa kampo magpapadala ako ng dalawang malalakas na anghel na magbabantay sa likod mo” sabi nya. “E ako nalang kaya sa likod mo?” biro ko at muli ako binatukan ni Alyssa.

“Wag kang ganyan Saturnino, kahit anghel ako papatulan kita” sabi ni Angela at pati siya binatukan ni Alyssa. “Bwisit kayo para kayong pelikulang tagalog ang daming satsat, sige na at sumasakit tong sugat ko!” sigaw ni Alyssa. Agad sila naglaho, madami pa sana akong gusto tanungin pero kailangan ko na bumalik sa labas.

Sa puno ng niyog akoy tumayo at nanood habang ang mga anghel at demonyo naglalaban. Di ko alam kung kanino ako papanig pagkat pareho lang naman kami ng gusto ng mga anghel, ang mawala sa mundo si Basilio at mga kampon niya. Tatayo nalang ako dito hanggang may umatake sa akin, pag meron saka nalang ako lalaban para depensahan ang sarili ko.

Habang pinapanood ko si Basilio lalo ko naiintindihan ang takbo ng utak niya. Ang mga sinasabing Lord ng impyerno kailangan ko din bantayan maigi pagkat may kakaibang lakas din sila. Ang dami nila, di ko alam kung kaya ko silang nag iisa, talagang kailangan ko ng malalakas din na kakampi. Si Yaps alagad namin pati si Lord Waps, tiyak na maasahan ko sila, sina Tsupi at mga kafederasyon niya kahit babakla bakla matitindi din palang lumaban.

Habang nanonood ako nakaramdam ako ng ibang aura sa likod ko, paglingon ko may talong anghel kaya ready na ako ulit makipagbakbakan. “Saturnino, kakampi mo kami, kami ang pinadala ni Angela. Ako si Venancio, tawagin mo nalang akong Vinz” sabi ng lalake. “Ako si Chain at eto naman si Rad, handa din kami umalalay sa iyo” sabi ng dalawa pang nagsisigandahan anghel. “Shet wag kayong manggugulat ng ganyan, akala ko tuloy pinapakuha na ako ni San Pedro” sabi ko at tumawa sila. “Sinong San Pedro?” tanong ni Vinz at napakamot ako. “Yung nagbabantay ng gate ng itaas” sabi ko at lalo sila nagtawanan.

“Hindi lahat ng nakasulat ay totoo, pero kung yan ang paniniwala mo well di ka namin kokontrahin” sabi ni Chain. “So gusto ko lang itanong bakit niyo ako kilala at bakit kayong handang tulungan ako?” tanong ko at ngumiti lang sila. “Now is not the time Saturnino…or gusto mo tawagin ka naming Benito muna…in due time malalaman mo din” sabi ni Rad. “Punyetang due time yan, lahat yang ang sagot…sige na alis na kayo dito baka makita pa tayo” sabi ko at mabilis silang sumuhod sa lupa at inatake ang ibang demonyo.

Sa wakas nakahanap ng katapat si Lord Raizen, kidlat na itim laban sa kidlat na dilaw, malakas din pala si Vinz at nagpapasalamat ako kakampi ko siya. Si Chain at Rad agad pinuntirya ang isa pang manyakis, mabilis nila pinag gugulpi si Mani-king. Napatingin sa akin si Basilio at tinuro niya ako, “sinong duwag ngayon?” tanong niya kaya napilitan akong bumaba sa tabi niya at nakipaglaban narin.

Bawat baon ko ng kamao ko sa dibdib ng isang anghel agad ko sila niyayakap para kunwari binabaon ko ng matindi. “Teleport ka na palayo dito, magkakampi tayo” bulong ko at sinusundan naman nila ako kaya nagmimistulang nawawala silang parang abo. Pasugod si Basilio sa isang babaeng anghel, inunahan ko na siya at binaon ang kamao ko sa dibdib niya. “Sige na teleport ka na palayo” bulong ko pero di ko natiis at pinisil ko ang boobs niya. “Papatayin mo na nga mamanyakin mo pa” sabi ni Basilio. “Inggit ka lang kasi di mo naisip ito” sabi ko at sinampal ako bigla ng anghel bago siya nagteleport.

Di ko sila kaya iligtas lahat, madaming napatay si Basilio at yung iba. Nalilito na ako kung saan ako kakampi pero alam ko nasa tama ako. Ang mga bigating demonyo na si Raymundo at Ricardo namatay sa kamay nina Leonel, Timoteo at Dario pero si Kilroy naman na anghel mabilis na kinarne ni Barubal at Yaps.

Nakita ko si Basilio naglabas ng napakalaking itim at pulang apoy, sa buhangin nakahiga sina Chain at Rad na parehong sugatan. Mabilis ako sumingit sa harapan ni Basilio at nilabas ko ang mga dark claws ko, “Ako nalang!” sigaw ko at pareho kong binaon ang mga kamao ko sa dibdib nung dalawa pero pagtama ng kamao wala nang dark flame, mabilis ko sila binulungan pero nanlaki ang mga mata nila.

“Saturnino!!!” sabay nilang sinigaw at ramdam na ramdam ko ang napakalakas na killing aura ni Basilio, “Sabi ko na nga ba ikaw yan e…di ko lang sigurado…sorry dito na magwawakas ang buhay mo” sabi ni Basilio at di ako makagalaw, pati lahat ng demonyo at anghel sa paligid tila nanigas. Ang lakas ni Basilio at nakita ko gano kalaki ang bolang apoy na nagawa niya, dito na nagtatapos ang buhay ko.

Pinikit ko nalang ang mga mata ko, bumagal ang takbo ng mundo ko, ramdam ko ang init ng apoy papalapit sa likod ko. “Benjoe!!!” narinig kong may sumigaw at yumakap sa likod ko. Nakakagalaw na ako ulit, paglingon ko nakita ko si Art, siya ang natamaan ni Basilio. Bagsak si Art sa buhangin at wala nang buhay, nagliyab ako sa galit at napatumba si Basilio. Mabilis lumabas ang mga dark claws ko at agad ko siya sinugod.

Nag uumapaw ang galit ko, nababasa ko ang isip ni Basilio, natatakot siya. Di siya makagalaw pagkat nabuhos niya lahat ng lakas niya sa tira niya kay Art. Sinusubukan niya gumawa ulit ng apoy pero too late na siya pagkat dumikit na ang dulo ng dark claws ko sa dibdib nya. Konting sugod pa at tapos na itong lahat, napasigaw ako sa galit pero bigla nalang ako napatapon paatras.

Isang nakaitim na nilalang ang sumulpot bigla at binuhat si Basilio, tago ang mukha niya pero nakita ko ang legs niya, kaya alam kong babae siya. Umuusok ang dibdib ni Basilio at wala siyang malay, tinuro ako ng babae pero mabilis sumugod ang mga anghel. Hinila ako ni Vinz at Raldske palayo pagkat may Asul na apoy lumabas sa kamay ng babae at muntik na ako natamaan. Mga anghel na sumugod lahat tigok sa pagtama ng asul na apoy sa kanila.

Sumigaw si Mani-king at halos lahat kami nanigas, bumanat si Lord Raizen ng sangkatutak na kidlat kaya lahat kami nakulong sa iisang lugar. Tinaas ng babae ang kanyang kamay at may namumuong bola ng asul na apoy sa kanyang kamay, naipatapon palayo ang mga katabi ko at tanging ako nalang ang nasa harapan, di parin kami makagalaw lahat at kahit anong pwersa kong lumaban tila nanghihina ako.

“Eto na ang katapusan mo Saturnino!” sigaw ng babae at ibabato na sana niya ang bola ng apoy sa akin. Isang nilalang nanaman ang sumulpot sa harapan ko ang at bilis niyang sinugod yung babae, nahawakan niya ang kamay nito at ang bola ng apoy naipatapon sa langit. Nabitawan ng naka itim ang katawan ni Basilio, nagkagirian ang dalawa at nagkahawakan ng kamay, isang malakas na pagsabog ng ilaw at pareho silang naipatapon palayo.

Tumayo yung naka itim pero mabilis bumalik sa harapan ko yung nakaputi, punit punit ang suot niyang balabal at nakikita ko ang pwet niya. “Wow, di ko inexpect may body guard ka din palang malakas Saturnino” sabi ng nakaitim at pati damit niya punit punit at nakausli ang isang dede niya. Binuhat niya muli si Basilio at sumenyas sa ibang mga demonyo.

Sa harapan namin nagkaroon ng apoy mula sa lupa at palaki ng palaki ito, may isang demonyong lumabas at nagbabaga siya ng itim na apoy, “Devilo, kunin mo si Basilio at mauna ka na isama mo ang ibang demonyo” sabi ng babae. “Opo masusunod” sabi ni Devilo at kinuha niya si Basilio at pumasok sila sa apoy.

Tumayo sa tabi ng babae si Mani-king, Lord Raizen at iba pang mga demonyo habang ang iba sa panig ko tumabi. “Waps, Yaps, Raldske, Barubal, sigurado kayo sa kinakampihan niyo?” tanong ng babae. Napatingin ako kina Lord Waps at Yaps at desidido silang sumali sa panig ko. “Pati ikaw Barubal sa kanila ka papanig?” tanong ng babae at dinuro ni Barubal ang tatlo sabay bigay ng dirty finger. “I see…Saturnino outnumbered kami ngayon, maayos itong ginawa mong set up para patayin si Basilio, kanina pa kita pinagmamasdan…akala mo napatayo mo na siya pero nagkakamali ka…”

“Tapusin na natin ito…maghaharap ulit kayo ni Basilio…Holy Week kung saan malakas ang demonyo…Good Friday…doon na kayo magkakaalaman…magpalakas ka pa Saturnino…nakatsamba ka lang ngayon” sabi ng babae pero bigla siya sinugod ni Leonel, ang espada niya dumikit sa dibdib ng babae pero di niya ito maisaksak. Hinawakan ng babae yung espada at bigla itong nadurog, dinikit niya ang isang daliri niya sa noo ni Leonel at asul na apoy pumalibot sa buong katawan ng anghel, napakalakas ng sigaw ni Leonel sa sakit, lahat kami napaatras at wala kaming magawa.

“Hindi mo kayang basahin ang isipan ko…kanina mo pa sinusubukan…wag ka nang mag aksaya ng lakas mo” sabi niya sa akin. “Sino ka?” tanong ko at tumawa siya, hindi ko parin makita ang mukha niya pero in fairness flawless ang legs niya. “Di mo nabobosesan ang tinig ko? Wag mong kukunin Saturnino…ako ang iyong ina…hahahaha uto uto ka Saturnino…ginalit mo ang asul na apoy at pagkaalis mo ako ang humarap para kalmahin siya at sa akin niya binigay ang lakas niya…hiniling ko ito para kay Basilio kaya makakaasa kang sa susunod na pagharap niyo sa kanya na ang lakas ng asul na apoy!”

“Saturnino…hahayaan ka namin magpalakas…ngayong oras na ito hanggang Good Friday truce muna tayo…kayong mga anghel ang saksi! Kung may lalabag sa ating kasunduan si Brod na mismo ang magpaparusa sa amin at siyempre sa iyo Saturnino…tandaan mo itong ginawa mo kay Basilio…mas labis pa dito ang mangyayari sa iyo!” sigaw ng babae at tumalon sila sa apoy, susunod sana ang ibang anghel pero agad napalibutan yung apoy ng nakakabulag na itim na apoy.

Agad ko pinuntahan ang katawan ni Art at binuhat ito at nilapit sa mga anghel. “Wala na ba kayong magagawang paraan?” tanong ko sa kanila. “Sorry Saturnino, patay na siya, lusaw ang puso niya at ibang internal organs” sabi ni Chain. “Nakita ko kayo kanina inilalayo niyo ang mga tao saka niyo binubura ang memorya, bakit ito di niyo nilayo?” tanong ko at galit nanaman ako.

“We didn’t know na tao siya kasi sa ibabaw ng ulo niya may demon aura…minarkahan na siya ni kamatayan” paliwanag ni Rad. Napatingin ako kay Barubal at sumangayon siya, “Oo pre, nakita ko din yon bago siya mamatay, markado na siya at sigurado ko nasa impyerno na yan ngayon gusto mo visit natin siya?” sagot niya at sa kanya ko nabuhos ang galit ko. “Kaibigan ko siya! May gana ka pang magpatawa!” sigaw ko sabay suntok sa mukha niya. Tumba si Barubal pero di na siya pumalag, hinawakan ako ni Vinz at pati sya nasuntok ko.

“Saturnino! Dead is dead! Wala ka nang magagawa pa!” sigaw ni Alyssa at nagulat ako pagkat magaling na siya. “Angela, baka pwede niyo pang gamutin si Art” tanong ko pero lahat ng anghel malungkot ang mukha. “Tama si Alyssa, dead is dead at wala kaming kapangyarihan para magbalik buhay sa patay na…pwede mo subukan sa punong demonyo niyo pero laging ang kapalit ay yung buhay ng naghiling. Di ka namin papayagan na gawin yon kaya tanggapin mo nalang” sabi ni Angela.

“Saturnino…nakita ko si Art this morning…may taning na siya…tuwing may itim na usok sa ulo ng tao that means malapit na siya kunin ni kamatayan. May sinabi ba siyang may karamdaman siya?” tanong ni Alyssa. “Wala…di ko alam…nakita ko din ang itim na usok na yon pero di ko alam ano ibig sabihin non. Kung alam ko lang sana edi kinausap ko siya kanina…shet!” sabi ko at naalala ko ang mga nakaraan namin ni Art. Mabait siya at tinanggap niya ako ng libre, madami siyang kalokohan pero siya ang una kong bestfriend.

“Pwede niyo bang ibalik sa tamang anyo ang katawan niya?” tanong ko. “Yun kaya namin gawin” sabi ni Angela kaya inabot ko ang katawan ni Art sa kanya.

“Angela sino yung nakaputing babae kanina, nasan na siya?” tanong ko pero tinitigan niya lang ako at di nagsalita. “Hulaan ko in due time nanaman ang isasagot mo, lagi nalang ganon!” sigaw ko.

“Alyssa alam ko madami ka pang tinatagong sekreto, lalo na kayong mga anghel, gusto ko malaman ang lahat tungkol sa akin. Makikiluksa ako sa pamilya ni Art pero pagbalik ko sasabihin niyo sa akin ang lahat ng kailangan kong malaman. Wala nang due time due time!” sigaw ko at tahimik silang lahat.

“Subukan niyo ako sagutin muli ng in due time at tignan niyo kung saan ako papanig pag nabwisit ako”


(no more requests please...napadami na karakters...take a break muna ako at tumataas na ang level nito)

Linkbucks