black2

Monday, April 27, 2009

Chapter 23: Angels

Chapter 23: Angels

“Angels? Bakit tayo tumatakbo, good side naman tayo ah?” tanong ko kay Alyssa nang magteleport kami palayo. “Saturnino kahit sabihin mo good side tayo demonyo parin tayo. Sa mata nila demonyo tayo, they don’t know about us” paliwanag ni Alyssa. “Oo we better stay here sa taas ng building where it is safe, buti nalang sina Yammy, Jana at Michelle naiwan sa rooms nila pero we better be alert” sabi ni Tanya.

Nagmasid lang kami at nakita namin na pinalibutan nina Basilio ang tatlong anghel. Isang nakakabulag na ilaw nagliwanag sa paligid, ang kalangitan lumiwanag at may mga nilalang na nakaputi ang nagsulputan sa langit. Lahat sila nakasuot ng mahabang puting balabal, natatakpan ang mukha nila maliban sa isang babae na may hawak na malaking espada. Ngayon sina Basilio naman ang napalibutan ng mga anghel at nagsisulputan narin ang iba pang kampon ng kadiliman.

“Gera na to, ano bang mga powers ng angels? Bakit may mga sword yung iba?” tanong ko. “Halos same ata, yang mga sandata nila mga Divine Blade, pag natamaan tayo abo tayo ng di oras. Walang patawad yang mga anghel na yan, sila ang may go signal na pumatay ng demonyo” paliwanag ni Tanya.

Narinig namin ang sigaw ni Basilio at naipatapon lahat ng anghel sa malayo maliban dun sa babae. “Aba! May malakas sa kanila” sabi ni Basilio nang lumapit sa kanya yung babae. “Ako si Angela, gusto ko lang malaman mo ang pangalan ko bago kita patayin” sabi ng babaeng anghel. Lumapit si Mani-king at may itim na apoy lumabas sa daliri niya, tinuro niya si Angela at biglang napunit ang damit nito. “Wow ang mga anghel nagsusuot din ng underwear” sabi niya at nagtawanan ang mga demonyo. Matangkad si Angela, may magandang mukha at sexy ang pangangatawan. Mahaba ang kanyang buhok pero dahil sa hawak niyang espada di ko na alam ano ang kanyang pagkatao.

Nagsitayuan ang mga demonyo at biglang nanigas si Angela, lumapit si Mani-king pero biglang sumulpot si Timoteo sa harapan niya, sa isang iglap nilagay ni Timoteo ang kamay niya sa dibdib ni Mani-king at itoy napatapon ng malayo. “Wag na wag niyong gagalawin si Angela magagalit si boss” sigaw ni Timoteo.

Sumugod si Ricardo, dalawang kamay niya nag aapoy, sinalubong siya ni Dario at naglabas ito ng kakaibang espada. Umatake si Basilio at sinugod si Angela, mga ibang anghel pinalibutan si Angela at di nagawa ni Basilio makalapit.

Sa sobrang gulo di na makita kung sino ang nananalo, madaming nagtatalsikan, kitang kita namin ang isang anghel na sinaksak ang isang demonyo at itoy naabo agad. Biglang lumindol at at kumidlat, nagsibagsakan ang mga anghel sa langit, sa gitna ng beach nakatayo si Lord Raizen, dalawang kamay nakataas at may namumuong malaking bola ng apoy na napapalibutan ng kuryente. “Pasikat!” sigaw ni Mani-king. “Shut up, at least effective ako, ikaw isang iglap tinapon ka nalang ng malayo” sumbat ni Lord Raizen. Ang itim na bola tinapon niya papunta sa mga anghel, lahat sila nanigas at nahubaran. “Alright! Mani! Akin ang mani sa iyo na ang mga nota!” sigaw ni Lord Raizen at dinampot niya ang isang babaeng anghel at itoy hinalay niya.

Habang hinahalay niya ang anghel napalibutan sila ng bola ng kuryente at walang makalapit sa kanila. Lumapit si Mani-king at ginalaw ang isa pang babaeng anghel pero bigla sya nakuryente. “Bwisit ka Raizen! Madamot ka talaga!” sigaw niya at imbes na matakot kami sa laban tawa nalang kami ng tawa sa kapapanood sa dalawa.

Humarap si Mani-king sa mga natirang anghel sa langit, nagbigay siya ng flying kiss sa isa at itoy bumagsak sa lupa. Tulad ng kay Raizen napalibutan si Mani-king at yung anghel ng itim na bola at doon sa loob sinimulan na niya halayin ang anghel. Nagkagulo sa beach naghalo ang puting ilaw at itim na apoy sa paligid. Lumipas ang trenta minutos mas madami pang anghel ang naglabasan sa langit at ganon din kadaming demonyo ang lumabas sa bonfire.

Mabangis si Raymundo at Ricardo, madami silang napatay na anghel, nagbukas muli ang kalangitan at mas madami pang anghel ang nagsibabaaan. “Kami ang harapin niyo, lets go Timoteo, camel-toe power!” sigaw ni Dario. “Camel toe? Saan? Where?” sagot ni Timoteo. “Oo nga saan ba?” tanong ni Mani-king at ang lima biglang nagsitingin sa paligid pero wala sila makita. “Sinungaling kang anghel ka!” sigaw ni Mani-king at sinapak niya si Dario. Pinagtulungan ni Ricardo at Raymundo si Timoteo, “Di mo ba kami kilala, kami ay Twins, ate namin si Rufa!” sigaw ng dalawa. “Rufa yung artista?” tanong ni Timoteo. “Oo si Rufa Rigno alyas incredible Shrekita!” sigaw ng dalawa at sabay silang naglabas ng nag aapoy na kamao at sinugod si Timoteo. Nagholding hands si Dario at Timoteo at pinikit nila ang kanilang mga mata, isang malakas na pwersa galing sa kanilang dibdib ang sumugod sa dalawang kalaban at bagsak ang dalawa sa buhangin.

Lalong lumiwanag ang langit at isang nilalang ang nakita, “Mga anghel, sabi ni Bro go signal na alisin niyo na, alisin niyo na ang mga singsing ninyo. Patayin lahat ng demonyo!” sigaw niya at lahat ng anghel biglang nagsibalikan sa langit, nagsialisan sila ng singsing at nakakabulag na liwanag ang nakita.

Natanggal ang mga saplot ng mga anghel, nagsilabasan ang kanilang mga pakpak. Namangha ako sa kaseksihan ng mga babaeng anghel at nakasuot sila ng putting bikini pero ang lalaki ng mga espada nila. “Wow, in fairness sexy sila ha” sabi ko at binatukan ako ni Alyssa.

“Kilroy at Leonel sa inyo na si Basilio, may nakikita ako sa bubong, akin sila” sabi ni Angela at nakita kong pasugod sa amin ang anghel. “Oh shet nakita na tayo” sabi ko. “Yaps yaps yaps yaps!” sigaw ni Yaps. “Ano daw?” tanong ko. “Takbo daw!” sigaw ni Alyssa at lahat kami kumaripas ng takbo. Hinabol kami ng isang tropa ng demonyo at si Angela kasama nila. “Di ba pwedeng sabihin good side tayo?” tanong ko. “Narinig mo ba sinabi ni Kilroy? Patayin lahat ng demonyo, no excuses” sabi ni Alyssa.

Sa beach kami tumakbo para walang madamay na tao, nadaanan namin si Mani-king na nakabaon ang mukha niya sa ari ng isang anghel. “Hoy tado tama na yan” sabi ko at tinignan niya ako. “Wag kang makikialam sa mani ko!” sigaw niya. Tinuro ko ang mga anghel at tumayo siya agad at nakitakbo sa amin. “Benito…sino yang kasama mo? Mukhang sariwa yan ha” sabi ni niya sa akin. Tumigil bigla si Alyssa at binigyan niya ng uppercut si Mani-king at tumapis ito papunta sa dagat.

Nagsawa na ako sa katatakbo kaya hinarap ko ang mga anghel, bumaba sila sa lupa at lumapit si Angela, lumabas na ang mga apoy sa kamao ko at nararamdaman ko ang lakas niya. “Hey, baka naman pwede natin pag usapan ito” tanong ko sa kanya pero winasiwas na niya ang espada niya, di ako nananakit ng babae kaya pinikit ko nalang ang mata ko. Narinig ko may kumalansing na bakal, “Wag mo sasaktan ang bossing ko, ako nalang harapin niyo” sabi ng isang demonyo. “Yo bossing, pinadala ako ng daddy mo, ako pala si Raldske, sige bossing run, ako na bahala dito sa mga ito” sabi nya at umatras ako. Umikot si Raldske at tinuro ang langit, mga anghel napatingin sa taas at bigla sya tumakbo at hinila ako. “Sabi ko kasi run e bossing, lets go” sabi nya at nagkahabulan ulit kami ng mga anghel.

“Tado ka akala ko lalabanan mo sila” sabi ko. “Ano ako bale? Ang dami nila kaya, bossing siya nga pala pinapabigay ni daddy mo to isuot niyo daw” sabi nya at inabot niya sa amin ang tig isang kwintas. “E ano to?” tanong ko. “Basta daw isuot niyo” sabi nya kaya sinuot namin lahat ang kwintas at biglang tumigil ang mga anghel.

“Nasan na sila?” tanong ni Angela, hindi naman kami nag invisible pero di nila kami makita. “Okay ba bossing, di nila tayo nakikita at di nila tayo naririnig” sabi ni Raldske. Hanap ng hanap ang mga anghel at talagang epektib ang kwintas na gamit namin. “Saturnino chance mo na to patayin si Basilio” sabi ni Alyssa. “He cant see us tapos busy siya nakikilaban” sabi in Tanya.

“Ano ako traydor?” tanong ko at nagalit sila. “Ah excuse me po, pero nakikita tayo ng kapwa demonyo natin, mga anghel lang ang di nakakakita sa atin” sabi ni Raldske. “Kaya excuse me po at medyo may nakita akong type kong demonyo, bossing kung may kailangan kayo tawagin niyo lang name ko at on the spot nandon ako bossing” sabi ni Raldske at umalis na siya.

“Raldske!” sigaw ko at sumulpot ulit siya sa harapan namin. “Yes bossing?” tanong niya. “Testing lang yon, epektib nga” sabi ko at ngumisi lang siya at nagkamot. “May reklamo ka ba?” tanong ko at nagpacute siya, “Wala bossing, next time pag important lang saka niyo ako tawagin ano?” sabi nya. “E kung burahin kita sa mundong ito kaya?” sumbat ko. “Naku bossing, anytime, anywhere, just call me kahit anong rason I will be there ora mismo” sabi niya at nawala ulit siya.

“Tanya, Trina at Tsupi go check on Yammy and Jana at si Michelle” sabi ko at agad sila umalis. “E tayo ano gagawin natin?” tanong ni Alyssa. “We watch, kailangan natin panoorin ang kalaban natin, para alam natin ano ang makakaharap natin” sabi ko at sa isang gilid ng beach naupo kami at pinanood ang mga naglalaban.

“Bakit parang kamanyakan lang alam ng mga ito?” tanong ko pagkat nakita ko si Lord Raizen may inaasong anghel, si Mani-king may kinakain din, si Ricardo at Raymundo busy din sila sa threesome kasama ang isang bihag na anghel. “Ganyan lang talaga mga yan pero kung nagseryoso mga yan mababangis yan. Ngayon lang sila makakatikim ng anghel e so what do you expect nakulong mga yan sa impyerno e” paliwanag ni Alyssa.

Lumindol muli ng malakas at lumakas ang apoy ng bonfire, isang nilalang na malaki ang lumabas. “Ako si Barubal, berdugo mula sa Underground! Sino ang nagtapon nitong malaswang bakla sa impyerno?” sigaw niya at nakita namin hawak hawak niya ang baklang pinatay namin kanina. “Bakit mo yan binalik dito, kasuklamsuklam yan!” sigaw ni Basilio. “Hahahaha akala niyo naman ganon kadali niyo ako mapapatay. Excuse me noh mahirap patayin si Under…” sabi nya pero agad siya binanatan nina Basilio, Lord Raizen, Ricardo at Raymundo. “Shet naman oh! Babalik nanaman ako sa baba, maghahasik nanaman ng kabaklahan yon sa ilalim. Demet naman o!” sigaw ni Barubal at muli siyang bumalik sa apoy.

Tawa kami ng tawa nina Alyssa pero nakita namin natumba si Basilio at muntik na siya malaslas ni Kilroy. Maliksi din pala si Basilio, ang bilis niya magpasulpot sulpot at sa isang iglap nandon na siya sa likod ni Kilroy at babanatan na sana ng flame fist sa likod pero natamaan si Basilio ng dilaw na apoy na galing kay Leonel. “Bakit ayaw pa tumakas ni Basilio, pwede naman siya magteleport palayo” sabi ko. “Kaya tayo sundan, at pag nagteleport kang palayo di mo ba napapansin na medyo naninigas ka bago ka makagalaw ng maayos, ganon din ang mga anghel pero look may sandata sila, pwede tayo masaksak bago pa tayo makagalaw” paliwanag ni Alyssa.

Si Lord Raizen muling nagpasiklab at mula sa kamay niya lumabas ang itim na apoy na nababalutan ng kuryente, ang taas ng talon niya at pagbagsak niya sapol si Timoteo sa dibdib. Tumba si Timoteo, ang bilis ni Dario na nagbato nanaman ng dilaw na apoy at sapol sa mukha si Raizen. Bagsak si Raizen pero agad siyang nasalo ni Mani-king, nanlisik ang mga mata niya at binuka niya ang bibig nya parang sumisigaw pero walang lumalabas na tinig.

Nagtakip ng tenga ang mga anghel at tila nabibingi sila, wala kaming marinig ni Alyssa, nagkatinginan kami. “Tanging makakarinig niyan yung gusto niyang mga saktan, manyakis man yang damuhong yan pero siya ang isa sa pinakamagaling na assassin ng impyerno” sabi nya at kinilabutan ako.

Bumalik si Mani-king at Raizen sa apoy, sinundan sila ni Ricardo at Raymundo, “Hoy saan kayo pupunta?” tanong ni Basilio. “Di kami handa para sa ganito, akala namin magsasaya lang kami, wag kang mag alala babalik kami” sabi ni Mani-king” at tuluyang namatay ang apoy ng bonfire.

“Mga duwag!” sigaw ni Basilio at inatake siya bigla ng mga anghel. Malakas talaga siya at gamit lang ang mga nagbabagang kamao niya madami siyang napatay. Tumakbo si Basilio pero mabilis siyang hinabol ni Angela at Leonel, nagbato si Basilio ng malaking bola ng itim at pulang apoy at sapol sa dibdib si Kilroy.

Biglang sumulpot si Petina at nakipaghalikan sa kanya si Basilio, mas malaking apoy ang lumabas at binato niya papunta kay Angela pero mabilis itong nakaiwas. Sampung mga anghel ang natamaan at agad sila naabo. Tumakbo sina Basilio at Petina pero pareho sila nadapa, sasaksakin na sana ni Angela si Basilio sa dibdib at si Leonel naglalabas ng dilaw na ilaw sa kanyang mga kamao, parang slow motion ang nangyari.

Nakita kong hinila ni Basilio si Petina at nilagay niya sa harapan niya. Masasaksak na si Petina dahil sa kaduwagan ni Basilio, di ko kaya panoorin ito kaya agad ako nagteleport sa harapan ni Petina at niyakap ko siya. Ramdam ko ang mainit na bagay sumaksak sa likod ko. Nakita kong gulat na gulat si Basilio, “Benito?” sabi ni Petina at nginitian ko siya. Masakit ang pagkasaksak sa akin, di ko din alam bakit ko ginawa ito, inaantay ko nalang ang aking paglusaw. Lumiwanag konti ang paligid at nakaramdam ako na napakainit na apoy sa likod, tinula ko palayo si Petina at napadapa ako sa buhangin.

Nakita kong patakbo palapit si Alyssa at Yaps, pareho nila sinugod si Leonel. Tulala si Angela at hinugot niya ang espada niya, napaatras siya, “Petina umalis ka na dito” sabi ko at bigla siyang umiyak at niyakap ako. “Bakit mo ako niligtas?” tanong niya. “Kasi yang punyetang nasa likod mo duwag!” sigaw ko at tumayo ako at gulat na gulat si Basilio.

“Bakit buhay ka pa?” tanong niya at nagtaka din ako, pagtingin ko kay Angela nakatitig lang siya sa akin at parang takot na takot pagkat feeling niya di umabot kay Petina ang sandata niya. Inalis ko ang necklace ko at nanlaki ang mga mata ni Angela pagkat nakikita na niya ako. Si Alyssa hinarap ng ibang mga anghel pero nakita kong kayang kaya nila sila. Dapat kanina pa ako nalusaw pagkat nasaksak ako ng Divine blade at kung ano man lakas na ginamit ni Leonel sa akin pero nararamdaman ko lang ang sakit pero walang nangyayaring kakaiba sa katawan ko.

“Petina umalis ka na dito” utos ko at agad siyang nawala. “Hoy ikaw duwag, akala ko malakas ka, pati babae isasaangga mo! Bumangon ka diyan at tapusin na natin ito” sabi ko at tumayo sa tabi ko si Basilio. Hinalikan ako bigla ni Petina at nanumbalik ang lakas ko, tumagal ang halikan namin at nag uumapaw na ako sa lakas at nanlilisik na ang mga mata ko.

“Bakit buhay ka pa?” tanong ulit ni Basilio sa akin. “Inggit ka? Saka na pag usapan yan, ngayon mo ipakita sa akin ang lakas mo duwag ka” hamon ko at nagbaga agad ang mga kamao niya. Tumabi sa akin si Alyssa at Yaps, si Angela tinabihan naman nina Timoteo, Dario, Kilroy, Leonel at ng iba pang mga anghel.

“Ang dami nila” sabi ni Alyssa. “Madami din tayo” sabi ng mababang boses sa likuran namin. Paglingon namin napakalaking demonyo ang nakatayo sa likod, “Lord Waps” sigaw ni Alyssa at tuwang tuwa si Yaps. Sumulpot sa tabi ni Basilio ang mga babae niya, dumating si Trina at Tanya pati na si Tsupi at mga kafederasyon niya.

“Tropa tropa na to” sabi ko at nagtawanan kaming lahat.

“Mga kafederasyon! Jombagina ang mga anghel anetch!!!” sigaw ni Tsupi at nagtilian ang mga machong bading sa likod niya. Di ko alam kung seryoso kami o matatawa sa kanila pero padami ng padami ang mga anghel na lumalabas galing sa langit.

Yumanig ang lupa at muling lumiyab ang bonfire, lumabas ulit si Mani-king, Lord Raizen, Ricardo at Raymundo pero iba na ang itsura nila, naka full battle gear na sila at may dala na silang mga armas. “Tropa tropa ba narinig namin? Sama kami diyan!” sigaw ni Raizen. Apat silang napadama sa buhangin na may isa pang demonyong lumabas. Si Barubal ulit at bitbit nanaman yung malaswang bakla.

“Wow! Angels, gusto ko copy paste ang powers nila…maghanda kayo mga angels nandito na si Under…” sabi niya pero hinagis siya ni Barubal papunta sa mga anghel at agad siyang pinag gugulpi at pinagsasaksak. “Arawts! Fellow demons help me…help me!” sigaw niya pero tawa lang kami ng tawa at hinayaan namin siyang maabo ng nga anghel.

“Shet nanaman o! Ayaw ko na bumaba pag ganyan, dito nalang ako!” sigaw ni Barubal.
“Hoy duwag, ngayon lang mangyayari to tandaan mo” sabi ko kay Basilio. “Alam ko, wag mo ako tatawaging duwag” sagot niya. Inalis ni Basilio ang singsing niya at naramdamam ko nanaman ang tunay niyang lakas.

Si Barubal naglabas ng napakalaking maso at bigla ito nagbaga ng itim na apoy, si Mani-king at Raizen, mukha parin manyakis, nakalabas ang mga dila nila at kinakawayan nila ang babaeng anghel. Handa na kaming lahat, eto ang unang bakbakan na sasalihan ko, dito ko masusubukan kung gano ako kalakas at dito ko din makikita ang tunay na lakas ni Basilio.

“Demons Unite!!!”

Linkbucks