black2

Sunday, May 17, 2009

Epilogue

Epilogue

Tumalikod si Saturnino at pinanood niya ang mga abo ni Basilio na inilipad ng hangin. Nakahinga siya ng maluwag at napatingin siya sa langit. “Thy will be done” bulong niya at nagteleport na siya pabalik sa battle area.

Tamang tama papagising na ang lahat at nakita nila ang malakas na puting ilaw, pagkahupa ng ilaw nakatayo ang kanilang tagapagligtas, buhok niya sumasama sa agos ng hangin at may ngiti siya sa kanyang mukha.

Mabilis tumakbo papalit sa kanya ang mga kids at siyay niyakap. Sumunod narin ang iba at siya ay pinagkaguluhan. Natumba sa lupa si Saturnino at napahiga, mga kids dinaganan siya at pinagkikiliti. “Is it over?” tanong ni Jenny habang nakatayo sya sa tabi ng anak niya. Nginitian niya ang kanyang nanay at tatay sabay tinignan ang ibang kaibigan niya, “Oh yes it is” sabi ni Saturnino at sobrang sigawan at palakpakan ang lahat.

“Kuya may sugat ka o” sabi ni Danica at pinatong ng bata ang kamay niya sa sugat at bigla ito nagliwanag. Nawala ang sugat ni Saturnino at napatingin siya sa batang anghel, “You are going to be some one’s star one day” sabi ni Saturnino at yumakap sa kanya ang bata.

Biglang lumipad sa ere si Danica at nanlaki ang mga mata ng mga ibang kids, sunod sunod nang nagsiliparan sa ere ang mga little angels at nagtawanan sila. Naiwan sa lupa ang mga little devils at lahat naiinggit. Biglang naglabasan ang mga black little wings ng little devils at tuwang tuwa sila, isa isa din sila umangat sa ere at agad sila naglaro ng habulan.

Tumayo si Saturnino at niyakap siya ng magulang niya, nagmistulang party nanaman ang paligid at nagpasimuno si Yaps sa pagsasayaw ng Jai Ho na matuwang sinabayan naman ng mga naghaharutang mga anghel na lalake.

Sa malayo may dalawang nilalang ang lumabas, isang nakaputing matanda at isang nakaitim, lahat ng nagsasayahan biglang napatigil at napatingin sa kanila. Lumapit ang dalawang matanda at kinuha si Saturnino para makausap sandali.

Naglakad silang tatlo palayo at ang iba pinagmasdan sila maigi pagkat first time nila nakita si Bro at Brod na magkasama. “Saturnino…nagpapasalamat kami sa iyo iho. Because of you our friendship with Brod will remain intact…at eto na nilalantad na namin para makita ng iba. I know we will get criticized by our peers” sabi ni Bro at nagulat si Saturnino. “Peers?” tanong niya. “Oo pero wag kang mag alala about that problema na namin ni Bro yon” sabi ni Brod.

“You have done enough iho, and masasabi ko talaga na you deserve to be with me” sabi ni Bro. “Ahem…excuse me…majority ng powers niya galing samin…he deserves to be with me” sabi ni Brod at nagtawanan silang tatlo. “Nagbibiro lang kami Saturnino…as promised look at Alyssa she is now an anghel but with dark wings like you…and your parents…as promised…pero wait…are you sure about this?” tanong ni Bro at nagkatitigan sila.

“Ahem ahem…Ayana ahem” banat ni Brod at tumawa si Saturnino. “Wait anong ibig sabihin nito?” tanong ni Saturnino at tinignan niya ang dalawa. “Ahahahaha joke! Come on its time to celebrate, oo we will grant you your wish that you made before pero that is only one wish, you have one more wish” sabi ni Brod. “Wag kayong magbibiro ng ganyan ha…pero…ah…can I” sabi ni Saturnino at ngumiti ang dalawa at sabay sila nawala.

Sa batis sa langit nakaupo si Ayana at pinagmamasdan ang tubig nang may humawak sa pakpak niya. “What took you so long?” tanong ni Ayana kahit di pa niya nakikita ang nilalang sa likod niya. Niyakap ni Saturnino si Ayana at humarap ang anghel at niyakap hinalikan siya. “I waited here just like you said…I waited for you” bulong niya at yumakap siya ng mahigpit.

“And I came back as promised…sorry natagalan konti ha” sagot ni Saturnino. “Pero halika lets go join the celebration” sabi ni Saturnino. “I cant…diba you know why” sagot ni Ayana. “Halika na, pwede na” sabi ni Saturnino at nagulat si Ayana. “Pwede na? How?” tanong ni Ayana. Ngumiti lang si Saturnino at lumabas ang mga pakpak niya. “Basta, pero I don’t want to teleport…” sabi niya at hinawakan niya ang kamay ni Ayana at sabay sila lumipad pababa ng lupa.

Ang battle ground naging party area, may pagkain, may nagsasayawan at pati mga kalaban na demonyo dati nagbagong loob na at nakisama sa kasiyahan. Sa isang tabi sinusubukan ng mga kids si Barubal para mapalipad sa ere, samantalang si little lumilipad na dala dala ang giant maso ng higante.

Nakaupo ang mga pretty demon girl sa isang sulok kung saan nakaulsi sa lupa ang mga kamay ng favorite punching bag ng lahat at nagbibigay ng pedicure. Si Tsupi at mga ka federasyon niya pinaghahabol si Yaps habang nagpapasiklaban ang Angel orchestra at ang Demon F4.

Lahat nagsasaya pero nakita nila may dalawang nilalang na bumababa galing sa langit, lahat napaitingin sa taas at nakita nila sina Ayana at Satrunino na sabay nagpapababa. Pagtungtong nila sa lupa nabitawan agad ng mga little kids si Barubal kaya bagsak siya sa lupa sabay sinugod si Ayana.

Nagkatitigan si Alyssa at Ayana, sumama sa eksena si Jana at Yammy kaya napakamot nalang si Saturnino at tawa ng tawa si Adolfo. “Wait! Di ko pa nakikita si Michelle” sabi bigla ni Saturnino nang hanapin niya ang pangatlong tala niya. Tinuro ni Adolfo ang kwintas niya sa dibdib, “Look may tatlong ilaw pa siya, pag may isang ilaw na nawala that means…pero look may ilaw pa so she is okay” paliwanag ni Adolfo pero di kuntento si Saturnino kaya napatingin siya kay Bro. “Tulad ng sinabi ng tatay mo she is okay” sabi ni Bro kaya medyo kumalma na siya pero nagkatinginan si Bro at Brod.

Napalibutan si Saturnino ng mga babae at lahat sila ang sasama ng tingin sa isat isa. Napatingin si Saturnino sa daddy niya pero umakbay ang daddy niya sa mommy nya at naglakad palayo, “Problema mo yan anak” banat ni Adolfo at napakamot muli si Saturnino.

Isa isa tinignan ni Saturnino ang mga babae at huminga ng malalim, apat na nagsisigandahang dilag nakapalibot sa kanya. “Okay…kasi ganito yon…I am …I want to be normal again…no powers…just the ordinary me again. I know you all met me in a different way…you liked me for several reasons…pero sana you meet me as the ordinary me.

So after the party I wont remember any of you again, ganon din ipapagawa ko sa inyo. I do love you all pero sana maintindihan niyo na if we were meant to be then I would want it to be the human way at gusto ko din sana maramdaman kung pano magkaroon ng family so even my parents are going to be human beings again” sabi ni Saturnino at halos maiyak na ang mga girls.

“If we were meant to be then I know we would definitely be together” pahabol ni Saturnino at isa isa niyang tinignan ang mga girls. “So pano kami ni Ayana, no chance at all ganon ba?” tanong ni Alyssa. “About that, Alyssa you have one wish kasi isa ka sa mga tala ko…and I have an extra wish that I am going to give you Ayana. Kayo na bahala kung ano gusto niyo…Jana you also have one wish because you too are my star…Yammy…sabi ng mama mo she never used her wish so its yours daw. Please lang don’t use it to gain an advantage…if we were meant to be then we would find each other” sabi ni Saturnino at lahat ng girls tumalikod at nilayuan siya.

Di makayanan ni Satrunino magsaya kaya naglakad siya palayo pero sinabayan siya ng magulang niya. Tumulo na ang luha sa kanya mga mata at bigla nalang napaluhod. “Bakit ang dami kong kailangan gawin na sakripisyo…I think I hurt their feelings…pero gusto ko kayo makasama at ayaw ko na ng lahat ng ito. Pero ang puso ko parang nabibiyak” sabi ni Saturnino at agad siya inakbayan ng nanay niya. “Anak what you said back there…totoo yan…look at me at mama mo. We are together and I really fought hard for it pero oo nahihiya din ako sa iyo kasi nadamay ka. Call me selfish and blame me if you like…pero okay lang sa amin ng mama mo na baguhin mo plano mo. Whatever happens we shall always be here for you” sabi ni Adolfo.

Bumalik sa party ang magpamilya at talagang nagsiyahan ang lahat. Pinag agawan si Saturnino ng magkabilang kampo at walang gusto magpakawala sa kanya. Lahat gusto makasama ang kanilang tagapagligtas. Pero pagdating ng hating gabi lahat naging malungkot, tumigil ang siyahan at lahat napatingin kay Saturnino at magulang niya.

“Ayaw ko magdrama pero mamimiss ko kayo lahat talaga. Isa lang pakiusap ko wag niyo naman ako dalawin at takutin” sabi ni Saturino at biglang nagtawanan ang lahat pero nagsimula mamuo ang mga luha sa kanilang mga mata.

“Demons and Angels and humans, di naman tayo talaga magkakaiba e. Tignan mo kaya naman natin magsama sama e. I hope it stays this way forever. Anyway gusto ko narin magpasalamat sa inyong suporta at tulong na binigay sa akin. Di ako magiging si Saturnino Satanas pag wala kayo lahat. Nag enjoy ako talaga na kasama kayo and pag ipapaulit ang buhay ko tiyak uulitin natin ito kasi nagsaya din ako kahit papano”

“Pero sana intindihin niyo din naman ako kahit ngayon lang, I am going to be human again to be with my parents. Bukas pagkagising ko I wont remember any of these na, pero ngayon palang sinasabi ko na mamimiss ko kayo talaga lahat…oo nga pala…pag tao na ulit ako pangalan ko pala ay Benjoe” sabi nya at tumalikod na at sumama sa kanyang mga magulang at lumapit sila kay Bro at Brod.

“Are you sure?” tanong ni Bro at muling napalingon si Saturnino sa mga iiwanan niya. Huminga siya ng malalim at hinarap si Bro. “Do it quick bago magbago isip ko” sagot niya. “Okay, no memories of these all except new memories will be implanted as if lumaki ka talaga na may magulang…no powers too” sabi ni Bro. “Yes that is what I want” sabi ni Saturnino at niyuko niya ulo niya. “Okay then, maraming salamat sa inyong tatlo malaki ang nagawa niyo para sa balance ng mundo. You chose the human path of life so accept life even though if it will be cruel to you” sabi ni Bro at biglang lumiwanag at nawala na ang buong pamilya.

Parang naglukhsa muli ang mga kampon ng kabutihan sa pag alis ng pamilya, wala na silang gana ituloy pa ang kasiyahan. Nagpaalam na ang mga demonyo sa mga anghel, pero ang mga batang demonyo nagsimula mag iyakan pagkat ayaw nila iwanan ang mga kalaro nilang mga anghel.

“Magkikita pa tayo” sabi ni Sanito at pati siya umiiyak na. “Kung gusto niyo laro pa tayo dito e” sabi ni Dada at natuwa ang mga little devil at pinayagan naman sila maiwan pa. “Barubal ikaw muna bahala sa kanila” sabi ni Lord Waps at napakamot si Barubal. “Ako nanaman?” reklamo niya. “Sige na Barby Dolls, favorite ka nila e” biro ni Raizen at bago makareklamo si Barubal ay nawala na ang mga demonyo. Naiwan din si Louie para bantayan ang mga batang anghel.

Sa malayong lugar naglakbay si Bro at Brod may kasama silang anghel na mandirigma. “Ricky…nandyan si Michelle sa ilalim ng mga bato” sabi ni Bro at mabilis na hinanap ng anghel ang pangatlong tala. “Bakit di mo sinabi ang totoo kay Saturnino?” tanong ni Brod. “Bakit I told him she was fine…di ko kailangan sabihin na sugatan siya” sagot ni Bro.

“E kahit na. Kailangan niya malaman” sumbat ni Brod. “Really? Tell me my friend, nag enjoy ka pinapanood si Saturnino diba?” tanong ni Bro. “Oo syempre” sagot ni Brod. “Okay e ikaw bakit di mo sinabi din sa kanya ang totoo?” tanong ni Bro at napakamot si Brod. “Kasi you want to watch him again diba?” tannog ni Bro at pero sila tumawa.

“We both enjoyed watching him and I know pareho tayo gusto ulit natin siya makita…pero lets let him rest first” sabi ni Bro at nahanap na ni Ricky ang duguan na anghel. Nilapit ni Ricky si Michelle kay Bro at agad niya ito binuhat. Binuksan ni Michelle ang kanyang mga mata at nginitian siya ni Bro. “Its okay my child you are safe” sabi ni Bro.

“Bro…kailangan malaman ni Saturnino” bulong ni Michelle. “Oo alam namin anak, sige na rest na” sabi ni Bro. “I need to tell him…nasan siya?” hirit ni Michelle. “He went back sa lupa para maging tao ulit kasama parents niya” sabi ni Bro. “I have to tell him…yung nakaitim…si Melissa yon…” sabi ni Michelle. Huminga ng malalim si Brod at tinignan si Bro sabay si Michelle.

“No iha, her real name is Julianna”

Samantala sa lupa nagising si Benjoe mula sa isang masamang panaginip. Mabilis na nagpunta sa kwarto ang mga magulang niya at tinabihan siya. “Anak what happened?” tanong ng nanay niya. Bumangon si Benjoe at binuksan ang bintana niya at nagpahangin. “Ang sama ng panaginip ko ma, grabe ang dami daw demonyo pero may mga anghel din. Weird talaga kasi parang totoo e…pero may naka itim don na babae nakakatakot talaga siya e” sabi ni Benjoe at tumawa ang tatay niya. “Ayan kasi too much cartoons ka. Demons and angels sus pantasya lang yan Benjoe” sabi ng tatay nya.

Tahimik lang si Benjoe na nakadungaw sa bintana niya, tumabi sa kanya si Adolfo at tinignan ano ang pinagmamasdan ng anak niya. “Dad look ang ganda nya ano?” sabi ni Benjoe at tinitignan pala niya ang kwarto ng kanilang kapitbahay. Doon sa kwaro may isang magandang babae na nakaupo at parang may binabasa. “She is pretty…bagong lipat ata sila dito e…bukas bakit di mo siya kilalanin, pero madaming girls ata diyan kasi ginawa atang parang boarding house” sabi ni Adolfo at napangiti si Benjoe. “She looks like an angel dad…do you think she will like me?” tanong ni Benjoe.

“You will never know until you try anak” sabi ni Jenny at biglang natawa si Benjoe. “Alam niyo parang narinig ko na yon somewhere pero di ko lang maalala” sabi ni Benjoe at pinagmasdan niya ang babae sa bintana at bigla ito napatingin sa kanya. Nanigas si Benjoe pero ngumiti yung babae at kumaway sa kanya. Kumaway din si Benjoe at napangiti, naglakad na ang mag asawa papunta sa pinto at napalingon si Benjoe sa kanila. “Sabi mo pantasya lang ang angels…ayun o kinawayan ako ng isang anghel” sabi niya at tumawa ang mag asawa.

Sa oras din na yon sa battle area naglalaro si Nadine at Veronika ng jackstone nang napansin nila ang lumang libro nag biglang nagbukas. Agad nila nilapitan ito at tinawag ang ibang mga kasama nila. “Tignan niyo o naeerase ang mga letters ng book” sabi ni Veronika. Lahat sila piangmasdan ang libro at bawat pahina nabubura ang laman. Kusa nagbubukas ang bawat pahina hanggang sa umabot ito sa huli. Wala nang laman ang libro pero muli ito nagsara.

Nagbukas muli ang libro at biglang may mga letrang nagsulputan, tila may nagsusulat sa libro. “Brother Louie!!! Di pa kami marunong magbasa!!!” sigaw ni Patrick at agad lumapit si Louie at Barubal. “Oh my Bro! Ano yan?” tanong ni Louie. “Ogag e di libro” sagot ni Barubal sabay tawa. “Oh the angels pala are SLOW!!!” banat ni Barubal. “Dali na read mo na kasi!” sabi ni Mimi at hinawakan niya ang manika niya at natakot sina Louie at Barubal.

Binasa ni Louie at Barubal ng sabay ang naisusulat ng libro, naka ilang pahina din sila pero agad sinara ni Louie ang libro. “Kailangan makita ni Bro ito” sabi niya sabay tingin sa mga bata.

“Brother Louie meaning ba nyan babalik si kuya Saturnino?” tanong ni Danica. Nagkatinginan si Barubal at Louie sabay tinignan ang mga bata. Biglang pinagtutusok ni Mimi ang manika nya at namilipit sa sakit si Louie at Barubal.

“Aray ko!!! Bakit mo kami sinasaktan?!” tanong ni Louie. “Dami pa arte e..ano babalik ba si kuya o hindi?!!” tanong ni Mimi.

“Oo babalik siya!!!....Aray itigil mo na yan at masakit!!!” sigaw ni Barubal.


----ITUTULOY SA SALAMANGKA 2-----

Maraming salamat sa inyong pagbasa sa aking kwento. Sana napasaya ko kayong lahat.
Always remember…EVIL IS GOOD!!! Nyahahahaha….

Saturday, May 16, 2009

Chapter 36: Salamangka

Chapter 36: Salamangka

Sa ika pitong araw ng pagpanaw nagtipon ang mga nilalang ng langit at impyerno upang bigyang pugay ang kanilang namayapang tagapagligtas. Pinanood nila ipasok sa lupa ang kabaong…natabunan ng lupa.

Sa harapan ng libingan nakatayo ang mga naiwan na magulang ng tagapagligtas, may kakaibang ngiti sa kanilang mukha pero di nila ito pinapahalata sa iba. Isang malakas na kidlat tumama sa malapit bilang hudyat ng paparating na laban nila. Isang iglap naka full battle gear na ang lahat, walang bahid ng takot sa itsura nilang lahat kahit na alam nila maari itong araw narin ang kawakasan ng bawat isa.

Habang nagwawarm up at nag fleflex sila ng muscle ang lahat Biglang lumiwanag ang langit at may dalawang anghel ang bumababa galing langit, may buhat silang tig tatlong mga batang anghel kaya lahat namangha hanggang sa makalapag sila sa lupa. May itim na usok mula sa lupa ang lumabas sa isang dako kaya lahat naman napatingin doon. Lumabas si Barubal mula sa lupa buhat din anim pang batang demonyo. Anim na batang demonyo at anim na batang anghel nagtipon, lahat napangiti pagkat naka formal sila lahat, mga babaeng anghel naka white dress, itim naman sa mga babaeng demon. Mga batang lalakeng anghel naka all white slacks, coat and black tie, samantala ang child demons naka all black with white tie. Lahat sila naka suot ng shades at nagmartsa palapit sa puntod ng kanilang kuya.

“Barubal maiwan ka dito para bantayan ang mga bata” utos ni Adolfo. “Chad at Louie kayo na bahala sa iba” sabi ni Jenny. Lumapit si Dada kay Jenny at kinalbit ito, “Tita…don’t worry kami bahala” sabi ng bata at napangiti si Jenny. “Pero secret ha” hirit ni Dada at napatawa ang mag asawa.

Lahat ng mandirigma ng langit at impyerno biglang nawala, tumungo na sila napag usapang lugar. Lumingon lingon ang mga bata sa paligid at siniguradong wala nakakakita sa kanila. “Kuya Barbs hukayin mo na” utos ni Virgo at napakamot si Barubal. “E kung kanina pa kayo dumating sana e di hindi na siya nalibing…sus at wag niyo ako tatawaging Barbie!” reklamo ng higante. Sinimulan niya maghukay at naglaro muna ang mga bata.

Tumulong narin ang dalawang adult angels kaya after ten minutes nailabas na nila ang kabaong at lumapit na ang mga bata. “Ano ba kasi gagawin niyo?” tanong ni Barubal. Tinulak siya palayo ng mga bata, pati yung dalawang adult angels inutusan nila lumayo muna.

Lumapit ang mga babaeng bata at nilapag ang limang bulaklak sa dibdib ni Saturnino. “Help!” sigaw ng isang bata at sa malayo nakita nila si Jan Paul at Patrick na may kinakaladkad na puting espada. “Ano yan?” tanong ni Dada nang lapitan niya ang dalawa at tulungan. “Binigay ng isang matanda doon o, makakatulong daw” sabi ni Patrick. “Sinong matanda?” tanong ni Dada. “Ewan ko basta matanda e” sabi ni Jan Paul. Sa isang dako si Pluto at Virgo naman ang may kinakaladkad na itim na espada at mabilis sila tinulungan ng iba. “Binigay nung matanda na nagbebenta ng pirated DVD” sabi ni Pluto at nagtataka na sila sa timing ng mga pangyayari.

Tinabi nila ang mga espada at pinagmasdan ang natutulog nilang kuya, “Wala naman nangyayari?” sabi ni Danica. “Baka parang sleeping beauty kiss natin” sagot ni Veronika at lahat ng girls nilapitan si Saturnino at isa isa silang humalik sa labi nya. Wala parin nangyari at napasimangot ang mga bata. “Kunin natin maso ni kuya Barbs tapos masuhin natin si kuya” biro ni Sarry at tumawa siya. “Bad ka talaga” sabi ni Sanito at niyugyug niya ang ulo ng kuya nila. “Oy kuya gising na, ilang araw ka na di kumakain at nagtotoothbrush” sabi ni Mimi at nagtawanan sila.

Isang malakas na sigaw ng bata, si Veronika nanigas sa takot na may nakatayong dalawang nakaitim na berdugo ang sumulpot. “Kuya Barby!!!” sigaw ni Mimi at mabilis sumulpot si Barubal para humarap sa mga Berdugo. “Anong ginagawa niyo dito?” tanong ni Barubal. Di nagsalita ang mga berdugo pero tinuro nila ang katawan ni Saturnino. Nilabas nila ang mga higanteng espada nila, mabilis tumabi kay Barubal si Louie at Chad pero sa isang iglap naitapon sila palayo. Nanigas ang mga bata sa takot at lumapit na sa kanila ang mga Berdugo.

Samantala sa dating pinaglabanan nila nung isang lingo magkaharap sina Jenny at Basilio. “Basilio, ako nalang ang unahin mo, wag na ang asawa ko” sabi ni Adolfo na tumayo sa tabi ng asawa niya. Tumawa si Basilio at tinitigan si Adolfo. “Hmmm…no…a deal is a deal…papatayin ko asawa mo at papanoorin mo ang paghihirap niya tapos paglalaruan kita…o di kaya kita patayin para habang buhay maglalaro sa isipan mo ang mga imahe kung pano ko siya pinahirapan?” sabi ni Basilio at nanggalaiti sa galit si Adolfo pero hinawakan ni Jenny ang kamay niya. “Adolfo…have faith” sabi ni Jenny at huminga ng malalim si Adolfo at niyakap niya ang asawa niya.

Naglakad na palayo si Adolfo pabalik sa sa mga mandirigma ng kabutihan. Yumanig ang lupa at nagsilabasan ang mga demonyo na loyal kay Basilio, napakarami nila at nilapitan si Jenny. Lumuhod si Jenny at tumingin lang sa langit habang dahan dahan na siya napapalibutan ng mga kalaban. “Adolfo panoorin mo pano malamog ang katawan ng asawa mo!!!” sigaw ni Basilio at nakakabinging malakas na tawa ang nilabas niya.

Huling sulyap ni Jenny kay Adolfo, kumaway ang demonyo at ngumiti lang ang anghel at muling tumingala sa langit. Tuluyan na siyang napalbutan ng mga kalaban at din a siya makita. Wala silang marinig na sigaw, lahat nakatayo lang ang nakanganga, si Adolfo kinakabahan pero nananalangin.

“Aaaaahhhhh…wag ka namang magbibiroooo ng ganyan malalaglag akoooo!!!” dinig nila ang malakas na sigaw, lahat napalingon at hinahanap saan galing yon. “Pare boses ni Barubal yon ah” sabi ni Raizen at biglang may tinuro si Mani-king sa langit. “Hooollyyyy…si Barubal lumilipad” sabi niya at lahat nagtatawanan pagkat hawak ni Louie at Chad si Barubal habang pasugod sila papunta kay Basilio. Ang bilis nila dumaan at binagsak ang dalawang ulo ng berdugo sa paanan ni Basilio.

“Nyetaaahhh!!!” sigaw ni Basilio nang makita ang mga pugot na ulo sa paa niya. Biglang may pagsabog mula sa nagkukumpulang mga demonyo, sa sentro nanggaling at naipatawapon palayo ang mga kalaban. Kinabahan si Adolfo at gusto na sanang lumapit pero lahat namangha at natulala sa kanilang nakita.

Malaking itim na pakpak na nakasara, dahan dahan ito nagbubukas, sa loob lumabas ang doseng mga bata, lahat sila naka bagong porma, puting trench coat sa mga anghel at itim naman sa little devils. Pinalibutan nila ang nagbabalik na kuya nila, ngayon siya naman ang may yakap sa kanyang nanay. Napayakap si Jenny sa anak niya at nagsigawan at nagsaya ang mag kampon ng kabutihan.

Tumayo si Saturnino at bumalik sa dating anyo ang mga pakpak niya, ang mga chikiting pumorma at handa sila lumaban. “Anak, ilayo mo na ang mga bata” sabi ni Jenny. Napalingon si Antonio at nagsimangot, napangiti si Saturnino sa bata, “No ma, they will fight with us” sagot ng anak niya at tuwang tuwa ang mga bata.

Madami ang napaluha pagkat nagbalik na ang kanilang tagapagligtas, lumingon si Saturnino sa kanila at kumaway. “Music naman diyan!” sigaw niya at game na game tumayo sa isang gilid sina Timoteo, Dario, Leonel at Venancio at nagsimula sila kumanta na parang orchestra na pandigma. Di nagpatalo ang mga demonyo kaya nag assemble si Raizen, Mani-king, Raldske at Devilo, “Hu ano naman ibabatbat ng apat na yan satin?” payabang na sinabi ni Raldske. “Bakit ano ba tayo?” tanong ni Devilo, “Pare we are the new F4!” sabi ni Raldske at lahat napatingin sa kanya. “Tado, mag isa mo!” sabi ni Raizen at tinawanan siya ng lahat.

Parang piyesta ang nangyari, lahat sila nagsiyahan habang nagkatitigan lang sina Basilio at Saturnino.

“Peste ka talaga bwisit ka, so what kung nagbalik ka…nabasa ko naman sa libro yon pero kahit na ang nakasaad parin sa libro ay muli kang papanaw” sigaw ni Basilio sabay tawa. “And look…yan ang tropa mo mga bata? Ahahahaha…ano binabalak mo patayin ako sa tawa?” tanong ni Basilio at tinignan ni Antonio si Saturnino. “Pwede na ba kuya?” tanong nung bata at ngumiti si Saturnino, “Okay na daw sabi ni kuya!” sigaw ni Antonio at gigil na gigil ang mga bata.

“Saturnino ano gagawin nila?” tanong ni Jenny. “Well binigyan ko sila konting powers ma, tignan mo nalang” sagot ng anak niya. Itim na apoy lumabas sa kamay ni Antonio at hinulma niya ito parang bola, nabilib ang ibang bata sa nagawa niya pero si Dada may putting na bola agad na nabuo sa kamay nya. “Ay ang daya pano gawin yan?” tanong ni Mimi. Aliw na aliw si Basilio at tawa ng tawa sa nakikita niya, nairita ang mga bata kaya nagtipon sila sa isang bilog at tinuro ni Antonio at Dada pano gumawa ng ganon. “Ma, kailangan ata natin umatras ng konti” sabi ni Saturnino, umatras sila at napatingin si Jenny sa anak niya. “Bakit ano mangyayari?” tanong niya.

Humarap ang mga bata kay Basilio at lahat sila may mga bolang apoy sa mga kamay nila, nginitian nila si Basilio at napanganga siya. Sabay sabay na tinapon ng mga kids ang mga bolang apoy nila maliit ito kaya tumawa ulit ng malakas si Basilio. Nang malapipit na ang mga bolang apoy nagsama sila bilang isang itim at puting apoy at tumamama sa dibdib ni Basilio. Napalipad si Basilio ng malayo at nagsitalunan sa tuwa ang mga bata.

“Sperm Shot! Maliit tapos sa head lumaki” sabi ni Sarry at binatukan siya ni Dada. “Ang bastos ng mouth mo talaga” sabi ng batang anghel at lahat lalong nagsaya ang mga kampo sa nagawa ng mga bata.

Dahan dahan tumayo si Basilio at nilabas niya ang dalawang flame sabers niya, natakot ang mga bata at nagtago sa likod ng mag ina. “Nasan na yung mga espada?” tanong ni Saturnino. “Kuya naiwan sa ilalim ng lupa kasi ang bigat” sagot ni Nadine at lumuhod si Saturnino at binaon ang dalawang kamay niya sa lupa. “Ma, ilayo mo na sila dito…kids ako muna ha” sabi ni Saturnino at nagtakbuhan ang mga bata pabalik sa mga katropa nila.

Mula sa lupa nilabas ni Saturnino ang dalawang espada niya, ang Divine Blade at ang Dark Blade, winasiwas niya ito sa ere at damang dama ni Basilio ang bagong lakas ng nagbabalik na kalaban niya. Umatras si Basilio at pinasugod niya ang mga demonyo niya, sumugod din si Saturnino patungo sa kanya.

Mga kampon ng kabutihan naghanda nang tumakbo para tumulong pero napatigil sila dahil di sila makapaniwala sa nakikita nilang pagbabago kay Saturnino. “Here we are…born to be ..” kanta ng mga anghel at bumagay ito habang pinapanood nila si Saturnino. Tamang tama ang theme song ng Highlander sa nakikita nila. Mabangis na Saturnino at di sila makapaniwala at ang galing niya lumaban gamit ang dalawang espada.

Halos walang makalapit sa kanya, kahit saan manggaling ang kalabang parang nakikita niya. “Ano pare kuha na ako ng pop corn at manood nalang tayo?” tanong ni Waps. Hinawakan ni Yaps ang ari nya at humarap, “Parang naiinggit ako boss e, nangangati ako” sagot ni Yaps at nagtawanan talaga sila pagkat di parin sila sanay naririnig ang munting tinig ng boses niya. May lumabas na mga kuryente sa kamay ni Raizen at tumabi siya kay Yaps, “I think we should help bossing, nangangati narin ako e” sabi nya. Lumapit si Mimi at nakita ang hawak ni Yaps, “Tara na mga bakla!!! Ano pa inaantay niyoooo…yooohoo…JOMBAGIIIN ANG MGA ANECH!!!!” sigaw ni Tsupi at tumakbo sila lahat pasugod sa mga kalaban.

“Hoy sabi nya mga bakla e bakit tayo sumunod sa kanya?” tanong ni Timoteo kay Dario. “Pare maging serious ka nga, team effort ito, ano magagawa natin kung ganyan si Tsupi magsalita. Respetuhin natin kasi team mate natin siya” sagot ni Dario at nanahimik si Timoteo. “O eto gamitin mo” sabi ni Dario at inabot ang isang golden bag, “Lets goooo girls!” sigaw ni Dario at may pinapaikot din siyang golden bag niya.

Si Trina at Serena pasugod din at kasama nila si Alyssa, napatigil sila at biglang tingin kay Alyssa at pareho silang napanganga. Tumigil si Alyssa para tignan ang dalawa, “Hoy ano problema niyo?” tanong niya. “Alyssa…lumilipad ka…ay may maliit kang pakpak” sabi ni Trina. Gulat na gulat si Alyssa, ngayon niya lang napansin na kanina pa pala siya lumilipad. Ngumiti lang si Alyssa at mabilis siyang lumipad papunta kay Saturnino, tumayo siya sa tabi niya at tuluyan nang lumabas ang itim na pakpak niya.

“Anghel na ako” pacute ni Alyssa at tumawa si Saturnino. “You have always been an angel Alyssa…maya na ang tsika…tara na” sagot ni Saturnino at sabay nila pinagtataga ang mga kalabang demonyo. “Di mo ba kailangan ng fusion?” tanong ni Alyssa nang tagain niya ang ulo ng kalaban. “Ikaw ha anong fusion iniisip mo” biro ni Saturnino. “Ahahaha di ka parin nagbago…buti naman…pero may Ayana ka na!” pagalit na sinabi ni Alyssa at tumawa si Saturnino.

Sa ere magkatabi si Brother Louie at Chad na lumilipad at sa likod nila nakaupo si Barubal, Sanito, Patrick at Jan Paul. “Weeeeee….bombs away!!” sigaw ng mga bata at binitawan nila ang maso ni Barubal at bumagsak ito sa ulo ng isang kalaban. Napatingin sa kanila si Saturnino at Alyssa at tawa sila ng tawa.

“Barbubal mag diet ka naman ang bigay mo!” reklamo ni Chad. “Excuse me wala taba sa katawaaaaaaaaaaa!!!!” sabi ni Barubal pero tinulak siya ni Sanito kaya nalaglag ito bumagsak siya sa ulo ng limang demonyo. Tawa ng tawa yung mga bata at kumapit sila ng mahigpit sa mga kuya nila. “Brother Louie…mag boyfriend ba kayo ni Brother Chad?” tanong ni Patrick. “Hindi ah!” sagot n Louie. “E bakit kayo nagholding hands?” tanong ni Jan Paul. “E syempre madami kayo kaya dapat close kami para di kayo malaglag” sagot ni Chad. “Uy…uy…kayo ha kuya” tukso ni Patrick at nagtawanan ang mga bata. Nagkatinginan si Louie at Chad, “Nagrarason ka pa kasi e alam mo bata mga yan” sabi ni Louie at nagbitaw sila ng kamay at lumipad ng magkaibang direksyon.

Sa lupa nakaupo si Nadine habang pinapanood ang mga kidlat ni Raizen, aliw na aliw ang bata pero biglang may lumapit na kalabang demonyo. “Halika bata” sabi ng demonyo at tinignan siya ni Nadine. “Laro tayo kuya” sabi ng bata at tumawa ang demonyo at nakiupo. “Pitik bulag tayo…takpan mo eyes mo dapat” sabi ni Nadine at tinakpan naman ng demonyo ang mata niya gamit isang kamay niya. “Game” sabi ng Demonyo at pinitik ni Nadine ang kamay nya at mali ang hula ng demonyo kaya umulit sila. Tatlong beses di makuha ng demonyo at sa pang apat nagulat ang demonyo pagkat buhat buhat ni Nadine ang giant maso at hinampas ang ulo niya. Tawa ng tawa si Nadine pero gulat na gulat ang mga ibang anghel sa nakita nila.

“Pare sigurado ka ba bata yan?” bulong ni Leonel kay ArtAngel. “Nakakatakot…bata palang ang lakas na niya” sagot ni Art at kinaladkad ni Nadine ang maso at nagtungo sa susunod na Demonyo.

Sa malayo naglalakad si Mimi kaladkad ang manika niya, relax na relax ang bata sa paglakad kahit na ang daming nagtatalsikang katawan ng kalaban. May nakahigang kalaban na nilapitan si Mimi, humihinga pa ito at dahan dahan bumangon ang kalaban at tintigan ang bata. Binuhat ni Mimi ang manika niya at naglabas ng malaking karayom, “Ikaw bad ka sinasaktan mo kuya ko! Masakit ba dibdib mo?” sabi nya at sinaksak niya ang karayom sa dibdib ng manika at sumigaw sa sakit ang demonyo at humawak sa kanyang dibdib, tawang bruha ang nilabas ni Mimi at paulit ulit niyang pinagsasaksak ang manika niya. Napahiga ulit ang demonyo at namilipit sa sakit.

Lumapit si Raldske at Devilo at hinawakan ang balikat ni Mimi, “Bata tama na yan” sabi ni Raldske pero tinignan siya ni Mimi at nanlilisik ang mata nito. “Ah sige ituloy mo lang pala…good yan good girl” sabi ni Devilo at nagtakbuhan palayo ang dalawa at tinuloy ni Mimi ang pagsaksak sa manika niya.

Sa isang dako may matinding kalaban si Trina at bumagsak siya sa lupa pagkat nalaslas ang braso niya. Sumulpot bigla si Sarry at niyakap si Trina at tinignan ang demonyo. “Wag na wag mong sasaktan ate ko!” sigaw ng bata at bigla siyang nagpaikot ikot parang Tasmanian devil at wasak wasak ang katawan ng kalaban. Napaupo si Sarry at hilong hilo sa nagawa nya, nilapitan siya ni Trina at niyakap. “Ang bait naman” sabi ni Trina sabay hinalikan niya sa noo si Sarry. Super ngiti ang bata at at tumakbong palayo pero agad nadapa at nakakain ng lupa. Tayo si Sarry at halata ang bukol sa pantalon niya.

Nagtipon tipon ang kids pagkat tumitindi na ang laban, di mahanap ni Barubal ang maso niya kaya nilabas nanaman nya ang favorite punching bag niya. “Kuya sino yan?” tanong ni Pluto nang makita ng mga bata ang demonyong bakla. “Ah eto si Under…” pasabi ni Barubal at pinagtatadyakan ng mga bata ang baklang demonyo. “Ang panget nya!” sabi ni Dada at gigil na gigil niyang pinagpapalo ang demonyo.

Di na makayanan ni Basilio ang nakikita niya kaya muling nagbaga ng asul ang buong katawan niya pero nakita ni Saturnino ito. TInaas ni Saturnino ang dalawang espada niya at lahat ng nilalang sa paligid biglang nanigas. Lahat ng kalaban pati na ang mga kakampi niya hindi nailigtas sa ginawa niya, lahat nasasakal at isa isang natulog.

Tangin natirang nakatayo ay sina Saturnino at Basilio, nagulat si Basilio sa ginawa ng kanyang kalaban. “Wag kang mag alala pinatulog ko lang sila, di ako tulad mo” sigaw ni Satrunino habang naglakad siya palapit kay Basilio. “Hahahaha…bakit mo pa sila kailangan patulugin? Alam ko gusto mo lang magpakitang gilas sa akin…wow galing mo ha…im scared….hahahahah” sabi ni Basilio.

“Ayaw ko kasi makita nila ang gagawin ko sa iyo!” sigaw ni Saturnino at bigla siya nawala. Lingong ng lingon si Basilio at nabalot siya ng kaba pagkat di man lang niya maramdaman ang aura ni Saturnino. Sumulpot bigla sa harapan niya ang anghel na demonyo at pinagalaslas ang dibdib nya. Sa gulat di naka react si Basilio kaya isang dosenang hiwa ang natamo niya at muling nawala si Saturnino.

“Madaya ka talaga lumaban!!! Be a man!!” sigaw ni Basilio. Sumulpot si Saturnino sa likod ni Basilio at nilapit niya ang bibig nya sa tenga ng demonyo, “Bakit ka nagrereklamo, this is how demon’s play” bulong ni Saturnino sabay sinaksak niya ang dalawang blade niya sa likod ni Basilio, tago ito hanggang sa harap. Nawala ulit si Saturnino at bumagsak si Basilio sa lupa, lumakas ang pagbaga ng katawan niya at tumawa siya ng malakas.

“Hahahaha…alam mo mali ang ginawa mo…tulog sila…pano sila ngayon tatakbo? Lahat tayo maabo dito!!!” sigaw ni Basilio at lalo pang tumindi ang asul na baga sa katawan niya, palaki ito ng palaki at binaba ni Saturnino ang dalawang espada niya sabay hinawakan si Basilio sa balikat. “I will not let you harm anyone ever again” sabi ni Saturnino at bigla sila nawala pareho.

Pagmulat ni Basilio nasa puting desyerto silang dalawa. Sila lang ang nandon kaya mabilis siyang lumayo kay Saturnino. TInuloy niya ang pagcharge ng asul na apoy sa katawan niya at tumayo lang si Saturnino at pinapanood siya. “Fine, okay na ako kung ikaw lang mapatay ko ulit…ahahahah di na ako tinatablan nitong apoy ko…ikaw nalang…alam mo naman anong nangyari last time pero ngayon mas malakas na ako…at di ka na makakabalik pa muli!” sigaw ng demonyo.

Lalo lumapit si Saturnino kay Basilio at tumayo lang sa harapan niya, “Sige lapit ka pa para mas mabilis kang maabo loko” sabi ni Basilio. “Basta wag mo lang ako hahalikan…sige show me your power…Ba-si-siw!” sabi ni Saturnino sabay ngumiti.

Nagsabog ng malakas na asul na apoy si Basilio mula sa kanyang katawan, humawak sa kanya si Saturnino at nagkatitigan. Lalo pang lumakas ang apoy at ngumiti lang si Saturnino, “Eto ba yon?” sabi nya kaya nainis si Basilio at lalo pang lumabas ang asul na apoy at lumalabas narin ang pula at itim. DI natitinag si Saturnino at mistulang walang epekto ito sa kanyang katawan. Nanginginig na sa galit si Basilio pero steady lang si Saturnino na nakahawak sa kanya.

Malakas na pagsabog ang buong paligid nagkulay asul ang buhangin saglit pero nang humupa ang asul na ilaw ay nakatayo parin si Saturnino sa harapan ni Basilio. Nagsimula nang manginig sa takot ang demonyo at di na niya naiintindihan ang nangyayari. “Imposible na ito!!!” sigaw ni Basilio at inulit niya ang pangyayari pero ganon parin, nakatayo parin sa harapan niya si Saturnino at nakangiti.

“I didn’t die…I made you think I died ang di mo alam part of me lived inside of you Basilio” sabi ni Saturnino at nanlaki ang mga mata ni Basilio at napaluhod siya sa buhangin. “Alam mo madami ako natutunan sa mga kaibigan ko, the last time we fought pumasok ako sa loob mo pero di kasi ako magaling at ganon kabilis tulad ni Lord Waps kaya natagalan ako. Pero nabuhay ako sa loob mo Basilio, at doon naintindihan kita…kaya etong pagpapakita mo ng lakas binalik mo lang ang life force ko sa akin na may dagdag pa” sabi ni Saturnino.

Nagliyab ang mga kamay ni Saturnino ng asul at lalong nagulat si Basilio…”kung kanino napunta ang asul na apoy sa kanya ang pinakamalakas na kapangyarihan…hindi din siya matatablan nito…we became one Basilio so nakilala din ako ng asul na apoy…and while I was inside of you nagbago ka…you became me…nagkaroon ka ng awa…you depended so much on that book…naging kampante ka…kahit na basahin mo yung libro lagi kang panalo sa ending pero ang di mo alam…you are me and I am you…it never said sino talaga ang mananlo!”

“Ang sinabi lang ng libro ay Basilio!!! Inintindi ko yon maigi ng ilang araw habang nandito ako sa lugar na ito…oo sabi ko paghahandaan kita…nagpatawag ako ng madaming demonyo dito para subukan ko isipin ikaw sila…pero di ko sila makayang patayin…kasi di ako si Basilio. Doon ko naisip…kailangan ko maging ikaw…di ko makaya patayin ni isang demonyo, pinatulog ko lang sila…kinailangan ko maging ikaw para mapatay ko sila at doon ko naisip na ako ay magiging ikaw”

“Habang nasa loob mo ako sinubukan kita intindihin pero panay kadiliman ang nakikita ko…kahit anong gawin ko pabaguhin ka…wala e…pero nagpakita ka ng awa sa nanay ko that means nakaapekto ako sa iyo…pero sa nakita ko Basilio hindi ka dapat nabubuhay sa mundong ito..sakim ka…there is no other choice but to kill you” sabi ni Saturnino.

Biglang tumawa si Basilio at dahan dahan siyang bumangon. Di siya makapagpigil sa pagtawa at tinuro si Saturnino. “You cant kill me…oo I am powerless now…pero alam ko sa loob mo masyado kang mabait para magawa yon…Ahahahahah Saturnino Satanas lagi mo ako napapatawa” sabi ni Basilio.

“Alam ko…pero kaya kita saktan…alam mo ba tong lugar na ito hindi lumulubog ang araw…” sabi ni Saturnino at binanatan niya ng kidlat ang dibdib ni Basilio at itoy napahiga. Tumawa lang si Basilio at sinubukan bumangon pero napahawak ito sa mga tenga niya. Nanlisik ang mga mata ni Saturnino at inangat niya sa ere si Basilio.

“Di kita papatayin…sisiguraduhin ko buhay ka ng matagal…matagal na matagal. Kayak o magsakripisyo at sasamahan kita dito sa lugar na ito…bibigyan kita tsansa matulog…magpahinga…tapos sasaktan kita ulit. Pero sabihin mo lang kung di mo na kaya…bibigyan kita kapangyarihan para wakasan ang sarili mong buhay…pero sa ngayon sasaktan talaga kita!!!” sigaw ni Saturnino.

Parang laruang manika naitapon tapos si Basilio, pinatikim ni Saturnino sa kanya ang lahat ng kapangyarihan na natutunan niya. Isang oras lumipas napakalungkot ni Basilio at umiyak, isang hawak ni Saturnino at bigla nalang tumawa si Basilio at nagpagulong gulong sa buhangin. Isang oras lumipas at naglabas si Saturnino ng Blue saber nya, sinugatan niya ang hita ni Basilio sabay binudburan ng buhangin. Sobrang sigaw ni Basilio pero walang nakakarinig sa kanya.

Pitong araw sila namalagi sa loob at hinang hina na si Basilio, lumuhod siya papalapit kay Saturnino at nagmakaawa. “Wakasan mo na ako…akin na…di ko na kaya” sabi nya at tumayo si Saturnino at hinawakan ang balikat ni Basilio. “Ayan tamang tama lang yan para patayin mo sarili mo…wag mo na subukan gamitin sa akin pagkat di na kita muli pagbibigyan pa” sabi ni Saturnino.

Lumuhod si Basilio at nagbaga ang mga kamay niya at napasigaw siya pagkat unti unti siyang nalulusaw, “Saturninooo!!! Tandaan mo di pa ito tapos! Maaring mawala ako pero meron at meron parin papalit sa akin!!!” sigaw ni Basilio at tumalikod na si Saturnino para di niya makita ang pagkalusaw ng kalaban niya.

“Kung meron man…I will be waiting”

(Next Chapter…Epilogue…you still would not want to miss this)

Friday, May 15, 2009

Chapter 35: Limang Bulaklak

Chapter 35: Limang Bulaklak

Ang naulilang ama nagbaba ng itim ang kanyang mga mata, hawak ng mahigpit ang ginting tinidor na huling sandata na gamit ng namayapa niyang anak. Sa likod niya mga demonyo na nanlilisik sa galit, sa ere ang mga anghel, lahat sila gusto makabawi, gusto makapaghiganti para sa kanilang kaibigan.

Pati ang dalawang tao na naiwan pilit binubuhat ang maso, isang kamay nila pinupunasan ang kanilang mata na napuno ng luha. Di sila makalayo pagkat agad nahawakan sila sa leeg ni Barubal, “Mga iha alam ko gusto niyo makaganti…dito nalang kayo samahan niyo mama niya…ako nalang ang gaganti para sa inyo” sabi ng demonyong higante. Pinulot niya ang higanteng maso niya at pinunasan ang mga mata niya.

Kahit sugatan sumugod parin, alam nila lahat na di nila kaya si Basilio ngunit tumatak sa isipan nila ang sinabi ni Saturnino. “Hindi natin malalaman hanggang di natin susubukan.”

Sa isang gilid nandon si Jenny yakap yakap parin niya ang patay niyang anak, mga pakpak niya tinakpan silang dalawa at dinig na dinig ang malakas nyang pag iyak. Nakapalibot sa mag ina nakabantay sina Jana, Yammy, Petina, Serena at Alyssa, lahat sila di parin makapaniwala at lahat nagluluksa.

Naging madugo ang laban ngunit tawa lang ng tawa si Basilio, kahit na pinapaulanan na siya ng mga kidlat at napalibutan ng kampan ng kabutihan, tila wala umeepekto o nakakagalos sa demonyong nilalang.

Lumipas ang trenta minutos tumayo si Jenny buhat ang anak niya at nagsimulang maglakad papalapit sa lugar ni Basilio. Sinubukan siya pigilan ng mga girls ngunit sinuway niya ang mga ito gamit ang kanyang kapangyarihan.

Damang dama mga mandirigma ang nag uumapaw na aura ni Jenny, tumigil sila lahat at pati si Basilio natulala. Binigyan nila daan si Jenny upang makalapit kay Basilio, si Adolfo nagtataka kaya lumapit pero bigla siyang nanigas at di makagalaw.

Lumuhod si Jenny sa harapan ni Basilio, katawan ni Saturnino niyakap niya. “Ito ang anak ko…hindi ko nakita nakasama ng eighteen years at tignan mo Basilio…patay na siya!!! Nakikiusap ako Basilio…bigyan mo kami panahon para makapagluksa…bigyan mo kami panahon para mailibing siya ng maayos. Pagkatapos non kahit ako na ang unahin mong patayin pagkat wala narin lang ako silbi…nakikiusap ako Basilio pagbigyan mo ang kahilingan ko…alam ko kayang kaya mo kami pero please give us time…just some more time…” sabi ni Jenny at humagulgol siya sa mga paanan ni Basilio.

Nakatayo lang si Basilio at tinitignan ang mag ina, mga asul na apoy sa paligid niya humina at pinikit niya ang kanyang mga mata. “Di ko alam ano nangyayari sa akin…di ako naawa…never ako naawa sa buong buhay ko…pero nagluksa din ako nung pinatay ng asawa mo ang magulang ko…hindi ko pa siya napapatawad…pinatay ng anak mo ang kapatid ko…” sagot ni Basilio at bigla siyang tumalikod. “Ngayon alam ko na kung ano ang kapangyarihan ng puting apoy na sinaksak ni Saturnino sa aking katawan….patay na nga siya pero binabangungot parin niya ako…sige…bibigyan ko kayo ng isang lingo para magluksa…pagkatapos ng isang lingo magkita muli tayo dito sa lugar na ito…tatanggapin ko ang alok mo papatayin kita sa harapan ng asawa mo!!!”

Biglang nawala si Basilio at nakagalaw na si Adolfo. “Jenny! Bakit ka nakipag ayos ng ganon?!!” sigaw niya. “Adolfo!!! Patay na ang anak natin!!!” sumbat ng asawa nya at nanghina bigla si Adolfo at napaluhod sa lupa. “Dalhin na natin siya sa langit” sabi ni Adolfo ngunit lumapit si Lord Waps. “Paano kami makikiluksa kung doon niyo siya ipupunta at ililibing? Kaibigan din namin siya” sabi ng nilalang.

Tumakbo si Jana papalapit at inagay ang katawan ni Saturnino. “Tao siya!!! Iliibing siya sa lupa…tao parin siya!!! Kasalanan niyo lahat ito! Kayo ang sumira sa buhay niya!!!” sigaw ni Jana at niyakap niya ng mahigpit si Saturnino at humagulgol. “Nakatayo pa ang bahay namin, kahit doon nalang ang lamay” alok ni Yamika kaya lahat sila nagtungo na doon.

Isang araw ang lumipas at may gintong kabaong na dinala sina Lord Waps at Devilo, doon nila ihiniga si Saturnino. Ang mga anghel ang nagbihis at nag ayos sa kanya habang patuloy ang pagluluksa ng iba.

Pagkatapos ng tatlong araw, sa langit nakikipag usap ang mag asawa kay Bro upang ibalik nila ang kanilang anak. “Alam niyo naman na hindi ako pwede makialam sa ganyan. Nalulungkot din ako sa nangyari ngunit meron ako gusto ipakita sa inyo” sabi ni Bro. Sa visual pond may imahe ang lumabas, si Ayana na nakaupo sa gilid ng batis at nilalaro ang paa niya sa tubig.

“Tignan niyo siya…she knows what happened already but still she waits for him. Your son promised her that he would come back to her when the battle is over” sabi ni Bro. “Pero patay na ang anak namin!!!” sigaw ni Jenny. “E di sabihin mo sa kanya!!! Puntahan mo si Ayana and tell her that!” sigaw ni Bro. “Ako na mataas na nilalang di parin makapaniwala hanggang sa ngayon na isang mababang nilalang pa ang kinailangan upang ipaalala sa akin tungkol sa tiwala…yes Saturnino taught me that…he said have faith…believe what you want to believe” sabi ni Bro at naglaho siya.

Sa batis nakaupo si Ayana at may lumapit na batang anghel sa kanya. “Ate bumalik na ba si devil?” tanong ng bata at pinunasan ni Ayana ang mga luha at nginitian siya. “Wala pa siya…ang name niya Saturnino” sabi ni Ayanan at nakitabi sa kanya ang bata. “Sanito? Tulad ng pangalan ng friend ko?” tanong ng bata at natawa si Ayana. “Hindi, Sa tur ni no” paliwanag ni Ayana. “Ah…Saturnino…bakit wala pa siya ate?” hirit ng bata at napatingin sa tubig si Ayana. “Wag kang mag alala babalik siya…kung gusto mo samahan mo ako dito para antayin natin siya” sagot ni Ayana. “Sige” game na game na sagot ng bata.

Tinaas ni Ayana ang kanyang mga kamay at biglang kumulo ang tubig, may maliit na ulap ang nahulma at binuhat niya ang bata at pinahiga doon. “Wow parang kama!” sigaw sa tuwa ng bata at dumapa siya at tumingin sa langit. “Siya ang nagturo sa akin pano gumawa niyan” sabi ni Ayana. “Hmmm nasan na kaya siya ate? Pero sabi nila natutulog daw siya sa lupa e gusto ko nga namin siya visit kasama mga friends ko” sabi ng bata. “Bibisitahin niyo siya?” tanong ni Ayana. “Opo ate tapos yayain gisingin namin para bumalik na dito” sagot ng bata at natawa si Ayana. “Ano pangalan mo?” tanong ni Ayana. “Dada…pero mamaya na kasi ang sarap mahiga dito…tulog muna ako ate ha” sabi ni Dada at napangiti si Ayana at hinaplos ang ulo ng batang anghel.

Kinabukasan sa batis may nagtipon tipon na grupo ng mga batang anghel at may inaantay pa sila isang kasama. “Dada nasan na si Sanito?” tanong mas batang babaeng anghel. “Mag wait ka Nadine, tignan mo si Danica nag wewait lang” sagot ni Dada. “E pano ba tayo pupunta sa house ni Saturnino?” tanong ni Patrick. “Oo nga alam mo ba house niya?” hirit naman ni Jan Paul. “Si Sanito na bahala” sagot ni Dada at ilang saglit pa dumating narin ang inaantay nilang batang anghel. “Tara na, sabay tayo kay ate Angela, dali na bago tayo mahuli ni Bro” sigaw ni Satino at nagliparan ng mabilis ang mga munting kerubin.

Ilang minuto lumipas at sumulpot sila sa labas ng bahay nina Yammy, hilong hilo ang mga bata at tumatawa si Angela. “Hay naku don’t worry masasanay din kayo” sabi ni Angela at isa isa niyang binangon ang mga bata. Sinundan nila si Angela papasok sa bahay, lahat ng nilalang doon napatingin sa mga bata. Lahat humawak sa legs ni Angela habang papunta sila sa kabaong ni Saturnino.

Sa isang tabi nagtatago si Barubal, siniko siya ni Mani-king at tinuro ang isang batang anghel. “Barubal diba yan yung batang pinisa mo?” bulong ni Mani-king at ayaw tumingin ni Barubal. “Pare naman wag mo na ipaalala, naka trip lang ako non…at I have changed na pare…uy wag na baka makita pa niya ako…di pa ako marunong magsorry” bulong ni Barubal at pinagtawanan siya ng ibang demonyo. Napatingin tuloy ang mga batang anghel sa kanya at nagkatitigan sila ni Sanito.

Kumaway lang ang bata sa kanya sabay ngumiti, napakamot si Barubal at napakaway narin. “Pare okay na ata pinatawad na niya ako” bulong ni Barubal at tumawa si Mani-king. “Sa tingin mo pre bagay ko ba maging angel?” hirit ni Barubal at sobrang tawanan ang mga demonyo. “Pare di ka makakalipad sa laki mo, kailangan mo ng napakalaking pakpak at magsuot ka lagi ng parachute” biro ni Raldske. “Ah shadap eto tagay pa kayo o…ngayon ko lang kayo nakita ah…sige inom…di ko alam may friends si Benjoe na madami…sige tagay pa o” sabi ni Robert nang ipasa niya ang isang batya na puno ng gin kay Barubal. “Pare itong taong to di na tumigil sa pag inom mula first night ah” bulong ni Devilo. “Wag kang mag alala sa atin mapupunta yan…asset yan pare” sagot ni Raizen at nagtawanan sila.

Lumapit ang mga bata sa kabaong at isa isa nagsimula umakyat, nagtawanan ang mga nilalang kaya lumapit ang ibang anghel para buhatin sila para makita nila si Saturnino. Hinawakan ni Dada ang pisngi ni Saturnino at tinapik tapik ito, “Kuya gising ka na” sabi nya at sumunod ang ibang mga anghel at pilit ginigising ang patay nang Saturnino.

Tinignan ni Dada si Angela, “Ate bakit puyat ba si kuya?” tanong niya. Halos maluha si Angela pero pinigilan niya ang pagbagsak ng mga luha niya. Di niya alam ang isasagot niya sa mga bata pero lumapit si Jenny at hinaplos ang ulo ng anak niya. “Pagod lang si kuya hayaan niyo na muna siya magpahinga” sabi nya at nagsibabaan ang mga bata at nagbulungan. Naglakad sila papalapit sa mga nag iinumang demonyo at pinagmasdan ang giant maso ni Barubal. “Nasan yung malaking pako?” tanong ni Nadine at lahat sila tinignan si Barubal. “Nagamit ko na e” sagot ng higante. “Karpintero ka kuya?” tanong ni Danica habang si Patrick at Jan Paul sinubukan buhatin ang maso. Tumulong si Sanito at Dada. Tumawa si Barubal, “Hindi ako karpintero…ah…mahilig lang ako pumokpok” sabi nya. Nginitian siya ni Sanito at tulong tulong ang mga batang anghel na tinaas ang giant maso at minaso nila ang isang paa ni Barubal.

Napatalon si Barubal at napasigaw habang nakipag appear ang ibang demonyo sa mga anghel na bata. Nagtakbuhan sila palabas ng bahay at tawa sila ng tawa. Ang tawa napalitan ng simangot at mga luha nagsimula mabuo sa mga mata nila. “Bakit sila nagsisinungaling sa atin?” sabi ni Dada. Walang sumagot sa kanila at lahat sila nanahimik. May nakita si Nadine na mga batang nagtatago sa likod ng puno kaya tinuro niya sila. Agad nila pinuntahan ang puno at lumabas ang mga batang demonyo.

Pumorma si Patrick at Jan Paul pero nagsilabasan pa ang ibang batang demonyo kaya napaatras sila. “Hindi kami makiki fight, ask namin help niyo” sabi ng isang batang demonyo. “Bakit?” tanong ni Dada. “Kasi naririnig namin si kuya Saturnino pero kulang powers namin…pag tulong tulong tayo siguro maririnig natin siya” sabi ng demonyo.

“Patay na si kuya!” sigaw ni Danica. “Hindi! Naririnig namin siya…try niyo kasi pakinggan pero mas maririnig pag sama sama tayo powers” sagot ng batang demonyo. Anim na anghel at anim na demonyo ang naghawak hawak kamay, nagconcentrate sila at sinubukan nila pakinggan ang tinig ng namayapa nilang kuya.

May narinig silang tinig pero bumitaw ang mga anghel at natakot sila. “Hoy ano binabalak niyo…tatakutin niyo kami ano?” sabi ni Sanito. “Hindi! Si kuya talaga yon” sabi ng demonyong bata. “Imposible! At sabi nila hindi pa siya nakakapunta sa hell e, pano niyo siya kilala?” tanong ni Patrick. “Hindi pa pero lagi siya nakwekwento ni kuya Barby” sabi ng babaeng demonyo. “Kuya Barby? Bakla siya?” tanong ni Jan Paul. “Hindi naman pero ang haba kasi ng name niya Barubal at pangit pakinggan kaya kuya Barby nalang, siya yung malaking devil na may malaking maso” sagot ng bata. Nagtawanan ang mga anghel at medyo naniwala na sila sa mga demonyo.

“Nagvisit kami dito kahapon at doon namin siya narinig pero mahinang mahina humihingi siya ng tulong, ako pala si Antonio” sabi ng lalakeng demonyo. Nagpakilala na ang ibang batang demonyo, si Sarry, Mimi, Virgo, Veronika at Pluto. Muli nagtawanan ang mga anghel at ibang demonyo at nagsimangot si Pluto, “Oo na Plutoniko…wag niyo naman tawanan name ko” sabi nya at bungisngis parin ang iba. “E di Doggy naman itawag namin sa iyo” tukso ni Antonio at nag away bigla ang dalawa at tawa ng tawa yung iba.

“Uy try na natin” sabi ni Dada kaya nagform sila ng bilog at naghawakan ng kamay. Todo concentrate sila at mula sa dibdib ng mga anghel lumabas ang puting ilaw, sa mga batang demonyo naman ay itim. Nagsanib ang dalawang pwersa at lahat sila bumagsak sa lupa at nakatulog. Sampung minuto lumipas at naunang nagising si Antonio at ginising niya ang lahat, mabilis sila tumayo at parang ganado umaksyon.

“Kailangan natin mahanap yung limang bulaklak ni kuya” sabi ni Mimi. “Oo nga alam natin nakay Ate Trina at Tanya yung dalawa” sabi ni Virgo. “Yung dalawa nakay Ate Jana at ate Yammy” sagot ni Danica. “Pero nasan yung isa pa?” tanong ni Sanito at lahat sila nagtinginan. “Di sinabi ni kuya e, naputol ang koneksyon baka low batt siya” sabi ni Pluto at nagtawanan ulit sila.

“Kailangan natin kunin ang mga bulaklak pero sabi ni kuya wag natin sabihin kahit kanino sabi ni Antonio. “Pano natin kukunin?” tanong ni Dada. “Kailangan natin magpacute at kunwari sasama tayo sa mga ate, makikitulog at makikitira kunwari tayo…madami lang ito kasi cute na tayo” sabi ni Antonio at lahat sila nagpacute at nagtawanan. “Sige dun na ako kay Ate Tanya!” sigaw ni Sarry sabay nanlaki ang mga mata niya at halos malaway na siya. Binatukan siya ni Mimi bigla. “Manyakis ka, magmamana ka kay kuya na babaero!” sigaw ni Mimi.

“Kami mga babae ang kukuha nung apat, kayo mga lalake maghanap nung pang lima” sabi ni Veronika kaya umalis na ang mga babae at pumasok sa bahay habang naupo sa lupa ang mga batang lalake. “Pano natin malalaman kanino binigay ni kuya yung last?” tanong ni Patrick.. “Malamang babae yon, kasi babaero si kuya” sabi ni Virgo. “Sana babae tapos punta tayo house nila” hirit ni Sarry lahat napatingin sa kanya. “Magmamana ka talaga kay kuya” tukso nila at muli sila nagtawanan.

“Pero madami naman babae, may tao, may demon, may angel e sino don?” tanong ni Jan Paul. “E pag bibigay ka flowers diba dapat love mo…baka love din siya ni kuya” sabi ni Patrick. “So papasok tayo sa house tapos tanong natin sino pa love ni kuya” sabi ni Virgo at tumayo sila lahat at nagtakbuhan papasok ng bahay.

Samantala sa langit pinapanood ng dalawang magkaibigan ang visual pond at aliw na aliw sila sa mga bata. “Bro sa tingin mo ba magtatagumpay sila?” tanong ni Brod at napangiti ang matanda. “Hindi ko masabi e, itong balak nila gawin labag sa batas pero bilib talaga ako sa Saturnino na yan. At ang mga bata lang nakakarinig ng tinig niya pagkat inosente pa sila, magaling talaga” sabi ni Bro. “Oo akala mo kung nakikita niya ang future ano? Akalain mo nakayanan pa niya paghandaan ang sitwasyon na ganito” sabi ni Brod at nagtawanan sila. “Maski ako never ko naisip yang ginawa niya, oo pinapanood ko siya nung araw na yon bago siya bumaba sa lupa pero di ko maitindihan bakit niya iniwan ang ibang life force niya sa mga bulaklak…pero mga bulaklak na yan hindi nalalanta kaya pati life force niya mananatili doon” sabi ni Bro.

“At binigay pa niya sa mga mahal niya na alam niya aalagaan nila ang bulaklak na yon” sabi ni Brod at nagtawanan sila. “Kakaiba talaga yang batang yan, pag nagretire tayo di na ako magtataka kung siya ipapalit sa akin” sabi ni Bro. “Ako din, baka siya pumalit sa akin” sabi ni Brod at nagkatinginan sila. “Half half…pwede ano? Baka siya na ang magdadala ng kapayapaan sa langit at impyerno? What do you think?” sabi ni Bro at pareho sila napangiti. “Peace…teka…nakanino ba yung panglimang bulaklak e di nga niya mahanap si Michelle noon kwento mo sa akin” tanong ni Brod at tumawa si Bro. “Panoorin mo nalang” sagot ni Bro.

Huling gabi ng lamay muling nagtipon ang little angels at devils, alam na nila kung saan nakalagay ang apat na bulaklak pero yung panglima di pa nahanap ng mga boys.

“Dapat mahanap niyo na yung last, kailangan na ni kuya bukas” sabi ni Dada sa boys. “Natanong na namin sa lahat wala daw bigay kuya na flower” sagot ni Virgo. “E pano na yan?” tanong ni Mimi. “Try natin contact kuya ask natin sino yung last” sabi ni Veronika kaya sinubukan nila ulit makausap si Saturnino pero walang nangyari.

Sa kwarto ni Yammy nakolekta ng mga bata ang apat na bulaklak, binantayan ito ng mga girls habang ang mga boys sinubukan ulit maglibot para hanapin. Hating gabi na at sumuko na ang mga boys kaya pumasok sila sa loob at lumapit sa nanay ni Saturnino. “Cus me tita, may kilala pa ba kayo girlfriend ni kuya na di pa visit?” tanong ni Sanito. Natawa bigla si Jenny at pinagyayakap ang mga little angels and devils. “Ang cute cute niyo, bata pa kayo ha pero alam niyo ang ganya…hmmm teka oo nga matagal ko na di nakikita si Michelle….Angela! Di ko pa nakikita si Michelle!” sigaw ni Jenny at lahat natauhan. Dahil sa pangyayari wala pa nakakakita sa anghel mula nung maglaban sila ng guardian demon ni Basilio.

Mabilis na nagtipon ang mga anghel kasama si Angela at sinubukan nila hanapin si Michelle habang ang mga little kids lalo nalungkot. “O bakit kayo malungkot at bakit niyo ba hinahanap si Michelle?” tanong ni Jenny. Napasimangot ang mga kids at nahiga sila sa sahig, “Wala na…may secret mission kami tita…kailangan namin mahanap mga love ni kuya kasi kailangan namin kunin yung flowers na binigay niya sa kanila” sabi ni Patrick pero tinakpan ni Jan Paul ang bibig niya. “Shhh…secret nga e” sabi nya at natawa si Jenny.

“May secret kayo…meron din ako secret” sabi ni Jenny at napaupo ang kids at tinignan siya. “Halikayo punta tayo sa bahay namin” sabi ni Jenny at tumayo ang mga anghel pero naiwan nakaupo ang mga little devils. “Pati kayo sasama” sabi ni Jenny at nagulat ang mga batang demonyo. “E tita baka di kami pwede dun” sabi ni Pluto. “Ako bahala sa inyo, lapit kayo sige na” sabi nya at lumapit sa kanya ang mga bata at niyakap niya ang mga ito, isang iglap nawala sila at sumulpot sa loob ng bahay sa langit.

Bagsak sa sahig ang mga bata at hilong hilo, sa sofa nandon si Adolfo at pinupunasan niya ang mata niya. “Dito ka pala nagtatago Adolfo, sige na paglutuan mo ng pagkain ang mga bata” sabi ni Jenny at napansin ni Adolfo ang mga batang demonyo. “Honey, ano ibig sabihin nito, kaya ko pa naman ah, kaya pa kita bigyan ng baby. Bakit nag ampon ka ng madami?” tanong ni Adolfo at tumawa si Jenny at tinabihan siya. “Look at them they are so cute…namimiss ko na siya Adolfo” sabi ni Jenny at tumulo na ang mga luha sa mga pisngi niya.

Matapos mag midnight snack ang mga bata lumabas ng kwarto si Jenny at may dala siyang bulaklak. Naupo siya sa tabi ng mga bata at lahat sila napatingin sa bulaklak. “Yan ba yon?” tanong ni Patrick. “Di e, dapat girlfriend na love ni kuya” sabi ni Pluto at natawa si Jenny. “Bakit girlfriend lang ba ang pwede bigyan ng flower? Valentines day…bago ako matulog nakita ko ito sa kwarto namin ng tito niya, nakalagay siya sa isang vase at may sulat na maliit. Galing ito sa kuya niyo” paliwanag ni Jenny at biglang natuwa ang mga bata.

“Tita pwede amin nalang yan?” tanong ni Sanito at napasimangot si Jenny. “Bigay ito ng anak ko sa akin e…ito ang first gift ko na natanggap sa kanya” sabi ni Jenny at lahat ng kids napasimangot. “Pano na yan?” bulong ni Patrick at niyuko nila lahat ulo nila. Pinagmasdan ni Jenny ang bulaklak at bigla nalang may iba siyang nararamdaman. Hinawakan niya ng dalawang kamay ang bulaklak at biglang nangilabot ang buong katawan niya.

“Jenny anong nangyari sa iyo?” tanong ni Adolfo nang tabihan nya asawa nya. Tulala si Jenny at tinignan niya ang mga bata. “Adolfo…hawakan mo to” sabi nya at kinuha ni Adolfo ang bulaklak at naramdaman din niya ang kakaibang aura galing sa bulaklak. Nagtinginan ang mag asawa at nagngitian, “He is alive” sabi ni Adolfo at nagyakapan silang mag asawa.

“Children eto o…kunin niyo na” sabi ni Jenny at biglang lumiwanag ang mga mukha nila. “Talaga tita?” tannog ni Antonio at lahat sila tumayo na at kinuha ang bulaklak.

“Kids…please bring him back to us” sabi ni Jenny at nginitian lang siya ng mga bata.

Thursday, May 14, 2009

Is it over?....Will he be back?...


Nakita natin ang pagbagsak ng ating bida....



Madaming nagluksa sa kanyang pagkawala...




Ngunit madami paring ang umaasa.....



...sa muling pagbabalik niya....





...sa Pagpapatuloy ng ating kwento...ano ang hiwaga sa LIMANG BULAKLAK.....abangan sa Chapter 35




....hindi pa tapos ang kwento hanggang di niyo nababasa ang salitang WAKAS


please visit the tribute site powered by BENCHVIRGO

http://saturnino666.webs.com/

Chapter 34: Saturnino Satanas

Chapter 34: Saturnino Satanas

Lahat napatigil sa paglaban at pinagmasdan ang nagbabagang nilalang, lahat tulala at nakanganga sa kanilang nakita. Kasabay ng ihip ng hangin ang buhok at suot ng nilalang ay nagwawagayway, di malaman kung ano ang itatawag nila sa kanya dahil sa itim na pakpak niya…pero siya si Saturnino Satanas…ang tagapagligtas.

Sa likod ni Basilio nagtanggalan ng suot ang tatlong babae at naglakad papunta sa harapan niya. Humarap naman si Alyssa, Trina at Michelle, bumaba sa lupa ang isang anghel at humawak sa likod ni Michelle, “Ate game na?” tanong niya. “Not yet Joyce…antayin natin yung iba” sagot ni Michelle.

Nagpunta si Tanya sa likod ni Trina, si Jana at Yammy sa likod ni Saturnino. Tumungo si Saturnino sa kampo ni Basilio at tinuro ang isang babae sa likod niya. “Halika na wag kang matakot” sabi niya at nagtanggal ng robe ang babae at mabilis nagpunta sa likod ni Alyssa. “Petina!!! Anong ibig sabihin nito?” sigaw ni Basilio.

“Fusion!!!” sabay sabay sinigaw ng mga healers at nagbagsakan ang mga katawan nila sa sahig. May mga anghel na mabilis bumaba sa lupa at kinuha ang mga healers at nilayo.

Ngumiti si Basilio at may isa pang nilalang ang sumulpot sa tabi nya, ang babaeng nakaitim na lumigtas sa kanyang buhay. “That bitch is mine!” sigaw ni Michelle at agad niya sinugod pero mabilis ito nakalayo pero naghabulan sila. “So outnumbered na ang mga girls mo Saturnino” sabi ni Basilio pero isa nanamang babae sa likod niya ang lumipat ng panig at tumabi kay Alyssa. “Serena!!! Pati ba naman ikaw?!!!” sigaw ni Basilio at nagkasuguran na ang mga babae at tanging natira ay si Basilio at Saturnino.

“Go ahead Basisiw…throw the first punch!” sigaw ni Saturnino. “Bolsyet ka hindi Basisiw ang pangalan ko!” sagot ni Basilio. “Basisiw…Basisiw…at alam mo ba ang sarap sarap ni Petina…pati si Serena at iba pang girls mo…did you know may room na panay mirrors? At oo nga pala…I enjoyed watching your brother die!!!” sigaw ni Saturnino at sa galit sumugod na si Basilio.
Tumalon si Basilio mula sa building na kinakatayuan niya papunta sa lugar kung nasan si Saturnino. Itinaas lang ng demonyong anghel at kanyang kamay at tinuro si Basilio, nanigas sa ere si Basilio at di makagalaw. “Eto lang ang kaya mo gawin?” tanong ni Basilio at tumingin sa baba si Saturnino. “Bakit marunong ka bang lumipad?” sumbat niya at binaba niya ang kamay niya at kinawayan niya si Basilio,”Magsulat ka ha” laglag ang demonyo at bumagsak sa kalsada. Ang taas ng kinabagsakan ni Basilio kaya hilong hilo siya sa daan, mabilis sumulpot sa likod niya si Saturnino at nilipad siya pabalik sa ere. Di pa makagalaw si Basilio pero pataas sila ng pataas sa mga ulap, “Saan mo ako dadalhin?” tanong niya. “Oo nga no?..malay ko” sagot ni Saturnino at binitawan niya si Basilio.

Muling bumagsak sa kalsada si Basilio at mabilis siya pinatayo ni Saturnino at binigyan niya ng isang malakas na upper cut at napalipad ng malayo ang demonyo. Bumangon si Basilio at nagbagang asul ang mga kamao niya, lumapit si Saturnino at nagbigay ng right hook pero nakailag si Basilio at nagpaatras, “Hoy napanood ko yung laban ni Pacman, di ako uto uto tulad ni Hatton, alam ko babanatan mo ako ng left look” sabi nya sabay tawa. “Ulol bakit boksingero ba tayo? Street fight ito Basisisiw, eto tanggapin mo, upper kick to the balls!!!” sumbat ni Saturnino sabay todo bwelong sipa na tumama sa ari ni Basilio. Napayuko si Basilio at napahawak sa ari nya, “Left knee to the face!!!” sigaw ni Saturnino sabay hawak sa ulo ng demonyo at tinuhod niya ang mukha. “Right knee to the face again!!!...Left…Right…Left…Right…select start….sipa ulit sa balls!!!” sigaw ni Saturnino at tumawa siya ng malakas at napahiga si Basilio sa kalsada, hilong hilo at duguan. “Damn pare ngayon naiintindihan ko na bakit lagi sinisigaw ng mga robot sa anime ang mga tira nila…ok din pala”

“Bolsyet ka…yan lang ba?” sabi ni Basilio at dahan dahan siyang bumangon at dalawang flame sabers ang lumabas sa mga kamay niya. Sa kanan itim at pulang saber at sa kaliwang kamay asul na saber. “Sige na tapusin na natin ito Saturnino…ilabas mo na ang dark gay claws mo” sabi niya.

Hinawakan ni Saturnino ang dibdib nya at kinapa ang gintong tinidor, inalis niya ito sa leeg niya at bigla itong lumaki at nagliyab ng puting apoy. “Alam mo Basisiw…kulang nalang background music e…pero I am really going to enjoy this…tama na ang satsat…Lets get it on bitch!!!” sumbat ng demonyong anghel at silay nagsuguran.

Winasiwas ni Basilio ang dalawang saber niya pero sinangga ni Saturnino gamit ang tinidor niya, pagtama ng mga armas nila pareho sila naitapon palayo pero mabilis sila bumangon at muling nagharap. Muling winasiwas ni Basilio ang dark saber niya at may apoy na lumabas at nahampas si Saturnino sa paa. Bagsak si Saturnino as isa pang apoy na asul ang paparating sa kanya. Natamaan siya sa ulo at dahan dahan siya nalusaw, tumawa si Basilio pero agad din lang siya napasigaw pagkat sumulpot ang tunay na Saturnino sa likod niya at tinusok ang pwet niya gamit ang tinidor.

“Bobo akala mo easy to get ako? Tignan ko lang kung makautot ka pa ng normal…or baka may second and third voice na!” sigaw ni Saturnino at diniin pa niya ang pagtusok ng tinidor sa pwet si Basilio. “Gagooo kaaaa masakit yaaan!!!” sigaw ng demonyo at winasiwas niya palikod ang mga saber niya at lumayo si Saturnino. Mula sa kamay ni Basilio lumabas ang mga blue flame darts at mabilis tumama sa dibdib ni Saturnino.

Napaatras at napaluhod sa semento ang demonyong anghel at mabilis siya nasaksak ni Basilio sa tyan gamit ang dark saber niya. Sinunod pa ni Basilio ang blue saber niya pero sinaksak din ni Saturnino ang tinidor niya sa dibdib ng demonyo.

Walang gusto bumitaw at lalo pa nila pinagbabaga ng apoy ang mga sandata nila. Pareho sila namimilipit sa sakit at nagsimula na ang labanan ng utak nila. Pareho sila nagsisigaw at wala parin gustong bumitaw, pinapadaloy ni Basilio ang itim at asul na apoy papasok sa katawan ni Saturnino at unti unti na siyang nawawalan ng malay. “Hindi mo ako kaya Saturnino! Sige habang pumapasok ang tatlong apoy sa katawan mo unti unti masisira ang lahat ng nasa loob ng katawan mo…aaarrrhhhh…nyeta ka” sigaw ni Basilio.

“Same to and also with you Basisiw…itong puting apoy papasok din sa katawan mo…pero di ko alam ano mangyayari kasi ngayon ko lang nakita din ito…pero isa lang alam ko!” sigaw ni Saturnino at biglang lumiit muli ang tinidor, hinawakan niya ito at sinaksak niya ito sa mata ni Basilio, hinugot at sinaksak ulit ang isa pa. “You cant see me bitch!!!” sigaw niya at ubod ng lakas ng sigaw ni Basilio nawala ang mga saber niya at nahiga siya sa lupa na parang bulateng nangingisay.

Bagsak din si Saturnino at ramdam na niya ang pinsalang nagawa ng mga apoy sa katawan niya. Sa lakas ng sigaw ni Basilio lahat napatigil, mga kampon niyang demonyo halos maubos na, tumayo si Saturnino at tinignan ang lahat, “Hindi tayo pwede magtuloy dito madaming tao ang madadamay!” sigaw niya at sa isang iglap lahat sila nanumbalik kung saan nagsimula ang gera.

Tumayo si Saturnino at pinagmasdan si Basilio, hawak hawak niya ang mga sugat niya sa dibdib. “Ano ngayon Basisiw…how can you fight your opponent that you cannot see?” tanong niya at tumawa si Basilio. “Actually salamat at binalik mo tayo dito…Ahahahaha ilabas ang huling alas!!!” sigaw niya at dalawang demonyo ang sumulpot at mabilis kinuha si Basilio. Narinig ni Saturnino ang sigaw ni Alyssa, paglingon niya mas madami pang mga demonyo ang nagsidatingan at ramdam ni Saturnino na hindi sila pangkaraniwan na demonyo.

Nagtipon tipon muli ang mga kampon ng kabutihan habang parami ng parami ang dumarating pang kalaban. Napaluhod si Saturnino at agad siya nilapitan ni Petina at Tanya, sinubukan nila gamutin ang mga sugat niya pero walang nangyayari.

“Hahahaha Saturnino…ang sugat na naibibigay ng asul na apoy ay di mahihilom…tuluyan ka nang maagnas dahan dahan…tamang tama mapapanood mo pang mamatay ang mga kasama mo isa isa” sigaw ni Basilio habang siya ay ginagamot ng mga dark angels.

“Saturnino! Ang dami nila masyado, hindi natin sila kakayanin kung wala ka” sabi ni Alyssa. “Well di pa natin nasubukan diba?” sagot ng demonyong anghel at muli silang naghanda. Malagim ang simoy ng hangin habang papalapit ang mga kampon ni Basilio, nabalot ng takot ang mga kampon ng kabutihan at pati ang higanteng si Barubal ay nanginig na sa takot. “Lets hold hands and sing…may bukas pa sa iyong buhay..” kanta ni Barubal at binatukan siya ni Devilo. “Tado pinisa mo nga siya remember?” sabi nya at nagkatawanan.

“They are trying to take our land!!!” sigaw ni Raldske at lahat napatingin sa kanya. “Ahehehe linya ata yon ng Braveheart e…pero nakalimutan ko na susunod” sabi pa niya at nagtawanan ulit sila. “oo nga boss, if we go down…lets all go down enjoying!” sigaw naman ni Yaps at lahat sila nagulat at sa kanya napatingin. “Nakakapagsalita ka?” tanong ni Tsupi. “Oo naman bakit?” sagot ni Yaps at lalo pa sila nagsiyahan at nairita si Basilio feeling niya minamaliit ang kampon niya.

Tumayo si Saturnino at tinuro si Basilio, bigla nalang lumakas ang hangin at ang kadiliman na nararamdaman nila napalitan ng kaginhawaan. “Saturnino ano ginagawa mo?” tanong ni Jana. “Wala, tinuro ko lang siya” sagot niya pero biglang sumabog ang matinding liwanag. “Saturninooo!!! Wala ako makita!!!” sigaw ni Alyssa. “Ako din naman!!!” sagot ni Saturnino.

Magkabilang kampo nabulag saglit dahil sa matinding liwanag, lalo pang lumakas ang hangin at may malakas na aura ang nagpakilala. Pagmulat ng mata ng lahat may apat na nilalang ang naidagdag sa kampo ni Saturnino.

“Daddy? Mommmy?” sabi ni Saturnino at katabi na niya ang kanyang ama at ina kasama pa si Yamika at Serpentina. Mommy?!!!” sigaw ni Petina at Serena at agad nila ito nilapitan at niyakap. “Akala namin patay ka na?” sabi ni Petina. “Hindi anak, well nakulong ako…pero pinatawad na ako ni Jenny” at nagngitian ang dalawa.

“Oh damn! Am so excited to flex my muscles…Yamika, Jenny Serpentina…tara na” sabi ni Adolfo. Nagtabi ang mag ama, si Michelle katabi si Jenny, si Alyssa at Trina kasama ni Serpentina. “I always dreamed about this day…fighting with my son” sabi ni Adolfo at bigla siya nagdrama at kunwari umiiyak. “Dad akin si Basilio” sabi ni Saturnino, “Alam ko anak…pinapanood kita kanina…kahit suot mo yang singsing anghel ka parin talaga…you had so many chances to kill him kanina but still naawa ka…di ko sasabihin sa iyo ang kailangan mong gawin…do what you think is right” sabi ng tatay nya.

“Anak I know your conscience has been hurting mula nung nakapatay ka ng demonyo sa bar…if it makes you feel better…pag nawala sila sa mundo mas madaming liligaya at maliligtas…di ko din sasabihin sa iyo but if you want us to be one family again…you have to really accept what you have to do…” sabi ng nanay niya at napayuko si Saturnino at nagliyab muli ng itim at puti ang mga kamao niya.

Muli lumaki ang gintong tinidor niya at nagbaga, tinuro niya ito kay Basilio, “Pwede ba dito lang muna kayo” sabi ni Saturnino. “Anak we will help you” sabi ng nanay niya. “I know but can you please give me a headstart…please…” hiling niya at sumangayon ang lahat ng kasama niya.

“Eto kids o gamitin niyo maso ko” sabi ni Barubal at inabot niya ang higanteng maso niya kina Jana at Yammy. “E ano gagamitin mo kuya?” tanong ni Yammy at may hinugot sa lupa si Barubal at yung ang favorite punching bag nila, “Siya gagamitin ko ihahampas ko siya tulad ng shoulder bag ni mama Dario” pabaklang sinabi ni Barubal at lahat nagtawanan. “Barubal…salamat at pinapatawa mo ako…oy may nagdala ba sa inyo ng video cam?” tanong ni Saturnino. “Bakit para saan yon?” tanong ni Adolfo.

“Watch and learn dad”

Naglakad si Saturnino papunta sa kalaban at mabilis siya sinugod ng mga demonyo. Bilang pagpapatawa nagsama sama sina Dario, Timoteo, Barubal, Tsupi, Leonel, Venancio at ArtAngel at sabay sabay sila kumanta na parang nasa orchestra. Lalong natawa si Saturnino pero bumagay ang tugtog sa gagawin niya.

Malapit na ang mga kalaban sa kanya at winasiwas niya lang ang kamay niya at naipatapon sa malayo ang mga kalaban. May umatake na demonyo galing sa langit pero tinaas lang ni Saturnino ang tinidor niya at nasaksak ito, parang nakikita niya at nababasa niya ang lahat ng galaw ng kalaban, tumigil siya sa kalalkad at tinaas ang dalawang kamay nya. Mula sa lupa umangat ang mga bato sa ere at nagliyab ito ng puti, lalo pang tumaas ang mga bato at pinaulan niya ang mga ito patungo kina Basilio. Madaming kalaban ang nalusaw sa pagtama ng mga bato ni Saturnino, “And that is what I call my White Rain” sabi nya bilang pasikat.

Nagkaroon ng ipo ipo at ang buong paligid napuno ng alikabok, “Gimik nanaman yan, maghanda kayo gagawa nanaman yan ng mga clone niya!!!” sigaw ni Basilio. Humupa ang ipo ipo at muling lumiwanag, “Ano nangyari?” tanong ni Basilio pagkat hindi pa naibabalik ang paningin niya. “Bagsak siya sa lupa…nanghihina” sagot ng isang babae niya. “Hahahahahahaha…wala na Saturnino….Sugurin niyo na sila!!!!” utos niya at mabilis sumugod ang mga kampon niya.

Sumulpot sa tabi ni Saturnino ang nanay at tatay niya, hinawakan nila siya sa balikat niya at nagkatinginan ang mag asawa. “Ito talagang anak mo kakaiba magisip…sakyan natin” sabi ni Adolfo. May dumating na dalawang anghel at kinuha si Saturnino, “Basilio maghanda ka!!! Ipaghihiganti ko anak ko!!!” sigaw ni Adolfo at pinulot niya ang gintong tinidor at agad siya nagpakitang gilas.

Sumunod na si Jenny at yung iba pa, nagkarambulan na at nagkagulo. Sa isang dulo dinala ng mga babae si Basilio para ituloy ang pagheal sa kanya, unti unti nang nanumbalik ang mga mata niya pero medyo Malabo parin ang paningin niya. “Bilisan niyo nga!” sigaw niya. “Ginagawa na namin ang lahat, magtiis ka” sumbat ng isang dark angel. Isang babae sa likod ni Basilio biglang yumakap sa kanya. “Basilio…kanina ang galing galing moooo…parang gusto kita ngayon…right here right now” sabi ng babae sabay hipo sa katawan niya.

“Gaga! Mamaya na” sabi ni Basilio. “Now na…sige na…” landi niya at pinasok niya ang kamay niya sa pantalon ni Basilio at tuwang tuwa naman ang demonyo. Sa isang tabi nagsimula tumawa ang isa pa niyang babae, nanumbalik na ang paningin ni Basilio kaya tinignan niya yung tawa ng tawa. “Hoy ano tinatawanan mo?” tanong niya. “Ahahahaha…ewan ko..basta natatawa ako” sagot ng babae. Sa tabi ng tumatawa may napaluhod na babae at biglang naghugolgol, ang babae sa harapan ni Basilio nilabas ang ari niya at sinubo.

“Hoy ano bang nangyayari sa inyo?” sigaw niya. Ang dalawang dark angel na nagheheal sa kanya biglang napaluhod na sa lupa at nagsiiyak narin. Isang babaeng nakaitim at nakatakip ang mukha ang humarap sa kanya. “Ano ba nangyayari sa kanila?” tanong ni Basilio nang napapikit siya pagkat nasarapan siya sa ginagawa sa kanya ng babaeng nakaluhod.

Inalis ng babaeng nakatayo ang hood niya at nagulat si Basilio. Nagpalit ang anyo ng babae at siya pala si Saturnino. “Di ko alam kung Basisiw pa itatawag ko sa iyo…siguro dapat little John nalang” sabi ni Saturnino at hinawakan niya ang balikat ng babaeng nakaluhod at nagpalit din ang anyo niya. “Tsupi!!!!” sigaw ni Basilio pero kinagat ni Tsupi ang ari ni Basilio hanggang sa itoy natanggal. Sobrang sigaw ni Basilio sa sakit at sumulpot bigla si Barubal dala sina Jana at Yammy. Pinagtatadtad nila ang naputol na ari ni Basilio at gigil na gigil yung dalawa.

“Madumi kang maglaro hayop ka!!!” sigaw ni Basilio at tumawa si Saturnino. “Wow nakakakita ka na…tignan mo to” sagot ni Saturnino at binaon niya ang dalawang daliri sa mata ng demonyo. “Hinamon mo ako na magpakademonyo ako, diba? Eto ang paraan ko ng pagiging demonyo!!! Sige oo mas malakas ka pa sa akin at alam ko yon…pero sige gamitin mo ngayon ang lakas mo sige gamitin mo!!!” hamon ni Saturnino at napaiyak lang at napasigaw si Basilio.

Napaluhod sa lupa si Basilio at biglang nagliyab muli ang katawan niya, “Barubal ilayo mo na sila dito” utos ng demonyong anghel pero pero nakapaglabas na si Basilio ng malakas na apoy. Agad dumapa si Basilio sa ibabaw nina Jana at Yammy para takpan sila, mabilis na nilipad ni Saturnino si Basilio sa ere, palaki na ng palaki ang asul na apoy na nagpapalibot sa kanilang dalawa, nasusunog na ang mga pakpak ni Saturnino, umabot na sila sa mga ulap at iniwan nya si Basilio doon. Wala nang pakpak si Saturnino pero nandon si ArtAngel para kunin siya at mabilis sila lumayo. Sumabog ang malakas na asul na apoy mula sa katawan ni Basilio.

Mabilis nakapasok sina Art at Saturnino sa White Shield na nilabas ng mga anghel, ang asul na apoy hindi makapasok kaya lahat sila naligtas. Mga kampon ni Basilio isa isang nalusaw at naging abo. Tumagal ang pagsabog ng apoy ng isang minuto at nang kumalma na ang lahat tanging ang kampo ng kabutihan ang natira.

Si Saturnino duguan at nakahiga sa kamay ng nanay at tatay nya, mabilis umaksyon ang mga healers ng langit ang impyerno at sinubukan nila siyang pagalingin. Trenta minutos lumipas at hindi pa nagigising si Saturnino pero tumitibok parin ang puso niya pero pahina ng pahina.

“Adolfo!!! Do something!!!” sigaw ni Jenny. “Anak sige na gising ka na…tapos na ang laban anak…please wake up…magiging pamilya na tayo anak” sabi ni Adolfo. Nabalot ang lungkot ang lahat, madami nang nagsimulang umiyak.

May malakas na tawa nanggaling sa buong paligid, lahat sila napalingon upang hanapin saan galing yon. “Shet! Boses ni Basilio yon” sabi ni Petina. “What?!!!” sigaw ni Alyssa at pilit nilang hinahanap si Basilio.

“Hindi niyo ba alam ang ginawa ng tagapagligtas niyo? Ahahahahaha…he made me stronger….oh yes….kinailangan ko mamatay sa kamay ng isang anghel para mapasaakin ng tuluyan ang kapangyarihan ng tatlong apoy. Ngayon I am reborn!!! Kung dati hinihiram ko lang ang kapangyarihan nila…ngayon ako na ang talong apoy!!!”

“Wala na siyang pulso!!!” sigaw ni Yamika. “Saturninooo anak!!!” sigaw ni Jenny at hinagkan ng ina ang kanyang anak na wala nang buhay.

“Hahahahahahaha!!! Salamat Saturnino Satanas…Adolfo!!! Pinatay mo ang mga magulang ko…uubusin ko kayo!!! Pagmasdan niyo ang muli kong pagkabuhay!!!”

Mula sa mga abo ng namatay na mga demonyo may namuuong isang nilalang na napalibutan ng tatlong kulay na apoy. Ramdam ng lahat ang napakalakas na kapangyarihan ng nabubuong nilalang at unti unti bumabalik ang anyo ni Basilio.

“Adolfooo!!! Wala na ang anak natin!!!” sigaw ni Jenny at pinunasan ni Adolfo ang mata niya at tumayo. Pinulot niya ang gintong tinidor na iniwan ni Saturnino at mabilis na sinugod si Basilio, sumunod na ang lahat ng iba pang kampon ng kabutihan upang sugurin ang muling nabuhay na demonyo.

At sa likod ng lahat naiwan ang isang ina hawak hawak parin ang kanyang patay na anak.

Wednesday, May 13, 2009

Chapter 33: Grand Battle

Chapter 33: Grand Battle

(The story changes from a first person perspective it now becomes a third person perspective…hindi na si Saturnino ang nagkwekwento…si Bro na hahaha)

Sumilip na ang araw at lahat nagsimulang bumangon, kakaiba ang ihip ng hangin, malakas at may taglay nang kakaibang lamig. Sa malayo may nakatayong nilalang, ang tagapagligtas, buhok nya at coat sumasabay sa agos ng hangin, diretso lang ang titig niya sa unti unting lumalabas na araw.

Nagsimula magising ang mga babae sa kanyang paanan, lahat lumapit sa kanya at tahimik lang na pinagmamasdan siya. “Get ready, they are coming” sabi ni Saturnino at lahat nagsipaghanda na.

Sa kalayuan naglakad si Basilio papalapit, at sa likod niya may pitong babaeng nakaitim. Madami siyang dalang demonyo sa bawat gilid niya. Naglakad narin papalapit si Saturnino at kasama niya ang mga nagnanais manatili ang tamang ayos ng mundo. Lumakas ang ihip ng hangin, ang lamig naging mainit, at sa gitna silay nagtagpo at biglang tumahimik ang paligid.

Nagkaharap si Basilio at Saturnino, isang ngiti na may taglay na lagim ang nailabas ni Basilio at mula sa ulap nagsibaban ang iba pang kampon niya. Libo libo pang mga demonyo at mga itim na anghel sumama sa kampo niya at pinalibutan ang grupo ni Saturnino.

“Wag ka magtataka Saturnino, oo kumuha ako ng mga kakampon galing sa ibang bansa para tuluyan ka nang mawala” sabi ni Basilio. Naglabas si Saturnino ng isang lumang libro at inabot it kay Basilio. “Basilio! Yang ang tunay na libro ng propesiya!” sabi ng isang babae sa likod. Agad binuklat ni Basilio at binasa ang huling chapter, bigla siya tumawa ng malakas sa kanyang nabasa.

“Kanina ka pa tahimik Saturnino…so nabasa mo din ito at nalaman mo narin na walang point pa para lumaban ka. Papagurin mo lang sarili mo…at kawawa lang ang mga kasama….eto Saturnino…dahil nasa good mood ako…lumuhod ka sa paanan ko at sambahin mo ako…ialay mo ang sarili mo sa akin at hahayaan ko makaalis dito ang mga kasama mo” sabi ni Basilio.

Matagal nagkatitigan ang dalawa, humakbang paharap si Saturnino at lumuhod sa harapan ni Basilio. “Hahahahaha!!! Tanggap mo na pala…wag kang mag alala Saturnino mabilis lang kita papatayin…hindi mo mararamdaman…” sigaw ni Basilio at sa dalawang kamay nya biglang may naumong bolang itim, napalibutan ng pulang apoy at nagbaga ito ng asul. “Saturnino!!! Salamat at pinasaya mo ang buhay ko! Kung wala ka hindi ako nainspire para magpalakas! Eto tikman mo ang ginawa mo sa akin!!!” sigaw ni Basilio at sinaksak niya sa dibdib ni Saturnino ang dalawang asul na bola.

Unti unting naagnas si Saturnino at napaatras ang mga kasama niya. Nang tuluyan na siyang nawala bakas ang takot at gulat sa kanilang mga mukha. Ang lakas ng tawa ni Basilio at tinaas niya ang mga kamay niya sa tagumpay. Napatingin siya sa mga iniwan ng kalaban niya at dinuro niya sila. “I lied! Sige tirahin niyo na sila!” sigaw ni Basilio at biglang dumilim ang kalangitan, bawat demonyo nagliyab ng asul ang mga kamay nila at may tig iisang asul na bola ang nabuo.

Umulan ng asul na bola papunta sa mga naiwan ni Saturnino, wala sila magawa kundi tumingala nalang sa langit at antayin ang kanilang pagwawakas. Bago pa tumama ang mga bola at sabay sabay na naagnas ang mga nilalang na kinagulat ni Basilio at mga kamampi niya. Pagbagsak ng mga bola makalas na pagsabog ang nangyari at malking butas sa lupa ang natira. Naging mausok ang paligid at di parin makapaniwala si Basilio sa nangyayari.

Nang humupa ang usok at lumiwanag ang paligid may nakita ni Basilio si Saturnino naglalakad papalapit mag isa. “Ano ito?!!! Pinatay na kita!!!” sigaw ni Basilio at nagbigay siya ng hudyat at may mga itim na anghel na lumipad at sinugod si Saturnino. Tuloy ang lakad ni Saturnino at isa isang naipatapon sa malayo ang mga itim na anghel. Lumakas ang hangin at muling umusok ang paligid.

Kitang kita nina Basilio ang mga anino na tumayo sa likod ni Saturnino. “Alam ko patraydor ka kung umatake, gusto ko lang makita ang tinatago mong alas…at nailabas mo na agad” sabi ni Saturnino at galit na galit si Basilio at nagdadabog. Mula sa lupa may lumabas na nilalang, isang clone na gawa sa lupa at nagulat si Basilio pagkat feeling niya nakaharap siya sa salamin.

Hinawakan ni Saturnino ang balikat ng clone at bigla ito nalusaw. “O ayan patas na tayo, pinatay narin kita” sabi nya at nanggalaiti sa galit si Basilio at muling napalibutan ang kampon ni Saturnino. Tinaas ni Basilio ang kanyang mga kamay at sa isang iglap lahat sila nateleport sa ibabaw ng dalawang mataas na building. Sa isang building tumayo ang kampo ni Basilio at sa isa naman ang kampo ni Saturnino.

“Im sure hindi mo inasahan ito…naintindihan mo ba bakit ko gusto lumaban dito?” tanong ni Basilio. “Madami kang dada, parang sa sine ang dada ng kalaban kaya lagi siya napapatay” sumbat ni Saturnino at sumugod ang ibang demonyo pababa para atakehin ang mga tao pero mabilis din sila hinabol ng mga anghel ni Saturnino.

Umatake na ang kampo ni Basilio, sumulpot bigla si Tsupi dala niya ang libo libong mga gay demons niya. “Para sa federasyon at kay Papa Saturnino!!! Sige mga bakla TSUUUPAAAA!!!!” sigaw niya at biglang nagbaga ang mga bunganga ng gay demons at sinugod ang mga demonyo sa kabila. Nagkatawan sa kampo ni Saturnino pero galit na galit na talaga si Basilio pagkat hindi niya inaasahan na dadami ang kalaban niya.

Nagtabi si Mani-king at Raizen, pareho pa ang suot nilang costume, “Tado ka sabi ko walang gaya gaya e” sigaw ni Raizen. “ulol ito lang yung benta nila sa store na yon, hala sige na” sumbat ni Mani-king. Ang dalang Batman ay nagtabi at sumigaw si Mani-king at bawat nanigas na kalaban ay kinikidlatan ni Raizen. Kahit para silang bata sa suot at sa asta madami silang napatay na kalaban.

At sa ibabaw nila ay ang anghel na si Timoteo pinagtuturo niya ang mga babaeng demonyo at ang mga suot nila napupunit, taning natitira ay ang panty nila na sumisikip at lumalabas ang mga camel toes. “Camel Toes!!!!” sigaw niya at nagmukha siyang anghel na manyakis pero mabilis na lumipad si Angela at pinagtataga ang mga pinagtripan ni Timoteo. “Killjoy ka talaga Angela!!!” sigaw ni Timoteo. “Nandito tayo para lumaban tandaan mo yan” sumbat ni Angela.

“Shut up! Sabi nga ni Saturnino have fun e! Bwisit ka may araw ka din sa akin” sabi ni Timoteo pero bigla siyang natawa nang sumulpot si Dario na nakasuot ng vilolet na mini skirt, ang taas na pink stockings at gintong shoulder bag. “Ano tinatawa tawa mo diyan pare? Hampasin kita ng shoulder bag ko e!” sigaw ni Dario at halos mamatay na sa tawa si Timoteo.

Talagang pinaghahamapas ni Dario ang mga demonyo gamit ang golden shoulder bag niya, habang si Timoteo nagpagulong gulong sa katatawa. “Pare ano nagladlad ka nab a talaga?” tanong ni Timoteo. “Gaga di ah! I am just having fun pare! May extra shoulder bag ako gusto mo hiramin?” sagot niya at yung dalawang mga anghel nagpakabakla, enjoy na enjoy sila sa pag acting at pagpatay sa mga demonyo.

Naiirita na si Basilio sa nakikita niya, nag eenjoy ang kampon ni Saturnino at unti unting nauubos ang mga alagad niya. Paglingon niya sa malayo nakikita niya ang ibang demonyo niyang lalakeng naghahalikan at diring diri siya. Isang nilalang ang nakatayo at tawa ng tawa, si Lord Waps pala yon at pinagtritripan niya ang mga lalakeng demonyo.

Sa kabilang dako pinagkaguluhan ng mga babaeng demonyo si Waps at ang mahaba niyang ari, kay daming mga demonyong lumapit sa kanya pero nagpaikot lang siya ng isa at lahat sila naabo gamit ang mala latigo niyang ari.

Pati na si Barubal nakitrip na habang kumakanta at sumasayaw ng JAI HO ay pinagmamaso niya ang mga kalaban. Si Devilo at Raldske nagmistulang mga ninja at nagpasiklaban sila ng bilis sa pagpatay. Kahit saan lumingon si Basilio natatalo ang mga alagad niya at pagharap niya nandon parin si Saturnino na nag aantay ng galaw niya.

“I think its time tapusin na natin ito Saturnino pero ang di mo alam meron pa akong tinatagong alas!!!” sigaw ni Basilio sabay tawa. “Hay naku, alam mo pare ako kasi ayaw ko magbato ng unang suntok, gusto ko bigyan mo ako ng rason para lumaban ako. Ikaw ang dada mo e, kanina pa ako nandito inaantay lang kita sige na banat na pare” sumbat ni Saturnino.

Narinig ko ang sigaw ni Jana at Yammy, paglingon ko hawak sila sa leeg ng mga babaeng demonyo. “I bet di mo napansin ang mga yan ano? Import ko yan galing Japan, mga tunay na ninja demons ahahahaha…ngayon alam ko may pusong tao ka at importante ang kaibigan sa iyo, sila ang tanging mga tao sa grupo mo kaya sila ang inatake ko…sumuko ka ng maayos at papakawalan ko sila” sabi ni Basilio.

Humarap lang sa kanya si Saturnino at nakangiti siya. “Do you think tao sila?” sumbat niya at tumawa ng malakas si Basilio. “Tanga oo alam ko tao sila…I can smell them from here at yung isa birhen pa…tala mo siya diba? Hahahahaha…bibigyan kita ng ilang segundo para sumuko or else tuluyan mababali ang leeg nila” banta ni Basilio pero nakangiti parin si Saturnino.

“Jana at Yammy, listen to me…dikit niyo kamao niyo sa dibdib ng mga yan…tapos ilabas niyo ang dark claws niyo” sabi ni Saturnino at lalong lumakas ang tawa ni Basilio. “Ano kami uto uto ahahaha, tao maglalabas ng dark claws? Wahahaha puno ka ng kabulsyetan Saturnino, ano tingin mo sa akin bata?” sumbat ni Basilio.

DInikit ni Jana at Yammy ang mga kamao nila sa dibdib ng mga babaeng ninja, ilang sandali pa nagsisigaw sa sakit ang mga ninja at nanlaki ang mga mata ni Basilio. Bagsak ang mga ninja at unti unting naagnas, natirang nakatayo sina Jana at Yammy parehong naghahabol ng hininga at may mga dark claws sa mga kamay nila.

“Shet! Imposible!! Wag mo sabihin sa akin demonyo sila, naamoy ko sila from here!!!” sigaw ni Basilio. Tuwang tuwa naman si Jana at Yammy sa mga dark claws nila, inasar asar nila si Basilio na lumapit at tawa sila ng tawa. “I gave them that…Valentines gift ko sa kanilang lahat…alam ko pupuntiriyahin mo sila sa laban na ito so binigyan ko sila ng mga panlaban nila…at hindi lang sila ang nabigyan ko” sabi ni Saturnino.

Si Alyssa biglang nagkaroon ng itim na espada gawa sa dark flame, si Trina na may espada na nagkaroon pa ng isa at parehong napalibutan ng malakas na dark flame. Kay Tanya napalingon ang lahat pagkat di pa nila nakikita ang biniyayang armas ni Saturnino sa kanya, may mga bolang apoy lumabas sa kanyang kamay at sa gulat niya naitapon niya ito sa isang babae ni Basilio at agad ito nalusaw. “Gademet!!! Bwisit ka!! Hahahahaha pero di pa ako tapos Saturnino!” sigaw ni Basilio.

“I know what you are trying to do Basilio, sinusubukan mo madistract ako…nabuking ko na ang alas mo, alam ko ibibgay mo ang asul na apoy sa mga kampon mo pero nagamit na nila…tignan mo lamog lamog na karamihan sa kampon mo…bakit di ka na umatake para magkasubukan na tayo” sabi ni Saturnino.

“Kasi meron pa akong alas na isa pa!!!” sumbat ni Basilio at may sumulpot na tatlong nakaitim na lalake at hawak hawak ang tatlong tao. Si Robert, si Cristine at si Melissa ang mga hawak sa leeg ng mga demonyo. “Ngayon Saturnino busy ang lahat ng anghel mo, pano mo ililigtas ang mga ito pag inutos ko na bitawan sila…oh look ilang feet ba bago sa kalsada sa baba…hmmm ano sa tingin mo Saturnino?” sabi ni Basilio at napaatras konti si Saturnino.

Lumingon siya sa paligid at wala siya makitang anghel, mga kamao niya nagbabaga na at mata niya nanlilisik. “Punyeta ka Basilio lumaban ka ng patas!!! Inosente ang mga yan pakawalan mo na sila!” sigaw ni Saturnino. “Oh yeah? Bakit di mo ba sila nabigyan ng valentines gift? Ooohhh so sad naman…hmmm pano kung sabay sabay ko sila bitawan? Hahahahaha wala kang magagawa kundi panoorin sila bumagsak sa lupa at kumalat ang mga utak nila sa paligid…ano this time I will keep my promise pag sumuko ka papakawalan ko sila…promise!” sabi ni Basilio.

Biglang lumiwanag sa tabi ni Saturnino at sumulpot si Michelle, “Michelle?” tanong ni Saturnino at nginitian lang siya. “Sayang! Isa pa yang taong yan sana pero di namin mahanap hahaha kahit na sapat na itong tatlo para mayurak ang isipan mo Saturnino!” sigaw ni Basilio.

“Michelle what are you doing here?” tanong ni Saturnino. “I am here to help you…oras na Saturnino…” sabi nya at hinawakan niya ang singsing niya at inalis ito. Nagbagang puti ang buong katawan ni Michelle at may lumabas na pakpak sa likod niya. Lahat kami napanganga pati si Basilio hindi makapaniwala sa nakikita niya. Nang humupa ang ilaw nginitian ako ni Michelle, hinawakan niya ang kwintas ni Saturnino at pinakita ito sa kanya “Oh my God, ikaw ang pangatlong tala ko” sabi ni Saturnino.

Dalawa na ang pulang tala sa kwintas ko pero wala paring nangyayari sa akin. “Hahahaha fine, so you have your third star na anghel, iisa lang siya at isa lang ang maililigtas niya dito…kawawa naman yung dalawa…simulan mo na magsulat kay ate Charo…” tukso ni Basilio at tinignan niya ang tatlong lalake at kinabahan na si Saturnino.

Napaatras si Alyssa at may isa pang anghel na lalake ang tumabi kay Saturnino. “Bestfriend, dito na me” sabi niya at paglingon ni Saturnino agad siyang napayakap sa kaibigan niya. “Art pare…wow anghel ka na” sabi ni Saturnino. “hahahaha hinay hinay sa brokebackan pare…at pare its not Art anymore…call me ArtAngel…ako yung nagtraining sa mommy ko sabi ko she keeps it a secret” sabi nya at di talaga makapaniwala si Saturnino pero kulang parin ng isa para mailigtas niya ang tatlong kaibigan niya.

“Punyeta bitawan niyo na nga yang tatlong yan!” sigaw ni Basilio at sumunod naman sa kanya ang tatlong demonyo at binitawan ang tatlong tao. Hinawakan ni Michelle ang isang kamay ni Saturnino, humawak din si ArtAngel sa isa, “Its time to accept who you really are Saturnino, tara na!” sigaw ni Michelle at sabay silang tatlong nagdive para mahabol ang katawan ng tatlo.

“Michelle!!! Bakit mo ako sinama!!!?” sigaw ni Saturnino. “Pare just accept who you are” sabi ni ArtAngel at binitawan nila ng sabay si Saturnino. Lahat ng demonyo napatigil at pinanood ang tatlo habuling ang mga nalaglag na tao, biglang lumiwanag ang katawan ni Saturnino at napasigaw siya ng malakas. Dalawang malalaking pakpak na puti ang lumbas sa likod niya, lahat namangha sa pagpapalit ng anyo niya. “Hello Paulito” sabi ni Michelle. “No…ako parin si Saturnino…lets go!” sigaw niya at mabilis nila nailigtas ang tatlo at dinala sa ibang mga anghel.

Bumalik ang tatlong anghel at hinarap si Basilio, “Pare tulungan ko lang sina Leonel at yung iba, ikaw na bahala sa mangmang na yan” sabi ni ArtAngel. “Sige pare, nice to see you talaga, teks teks ha” sagot ni Saturnino at nagtawanan ang magkaibigan.

“So…ano pang alas ang meron ka Basilio?” tanong ni Saturnino. “Wala na…wala na…di ko alam kung bangungot ito…simula palang parang nababasa mo na ang utak ko hayop ka…punyeta ka…HUMANDA KA AT TALAGANG KAKATAYIN KITA!!!” sumbat ni BAsilio at biglang nagbaga ang mga mata niya ng asul at mga kamay niya namuo ang mga asul na apoy.

“Hindi mo ako kaya Saturnino, alam ko tungkol sa mga tala mo, kailangan mamula yang tatlo bago ka tuluyan lumakas…hahahaha alam ko hindi mo pa nakuha yung bunso…kaya wag ka nang umasa na lumaban pa!!!” sigaw ni Basilio.

“Diyan ka nagkakamali Basilio! Mali ang pagkabasa mo sa nakasulat. Eto pagmasdan mo ang kamalian ng iyong inaakala!” sigaw ni Saturnino.

Ang dilaw na tala ni Jana biglang naging pula, ilang sandali pa umilaw narin ang ARAW na nakatatak sa kwintas. Dumilim ang buong paligid at ang kalangitan napuno ng itim na ulap. May butas na galing sa ulap at naglabas ng matinding liwanag at nailawan si Saturnino. “Basilio!!! Pagmasdan mo ang pagbabago ko!!!” sigaw ni Saturnino at yumanig ang lupa at nagbukas din ito, ilaw galing sa ilalim nagpataas at tinamaan si Saturnino. “Basilio!!! Wag kang kukurap!!!” sigaw niya.

“Mali ang pagkaintindi mo sa nakasulat…hindi puri ang tinutukoy ng pinakatatagong yaman kundi puso!!! Mahal ko sila…mahal na mahal ko silang lahat!!!”

Lumakas ang hangin at lahat napadapa sa lupa. Tanging si Saturnino nalang ang nakatayo at nagbabagang puti ang buong katawan niya. “Jana akin na ang singsing ko” sabi nya at inabot sa kanya ni Jana ang singsing na pinatago niya. “Sabi nila kalahating demonyo ako at kalahating anghel…tama nga sila…kahit nung demonyo ako nanaig ang pagiging anghel ko kaya di ako makagawa ng kasamaan masyado…kanina pinanood ko si Michelle nagtanggal ng singsing niya…sinusuot niya yon para itago ang goodness at pagiging anghel niya…di kita kaya kalabanin bilang kalahating demonyo at kalahating anghel….di kita kaya patayin pagkat maawa ako sa iyo…pero pag suot ko ito…mawawala ang kabutihan ko…”

SInuot ni Saturnino ang singsing niya at biglang nagpalit kulay ang mga pakpak niya, ang dating puti naging itim, nanlisik ang mga mata niya at buong katawan niya nagliyab ng itim na apoy at sa dalawang kamay niya lumabas ang kakaibang apoy na di pa nakikita ng kahit sinong nilalang…itim at puting apoy na nagpapaikot na parang ying at yang.

“Basilio!!! Halika na maglaro tayo!!! Harapin mo ako…..ipapakilala ko sa iyo kung sino ako!!!

Ako si SATURNINO SATANAS!!!”

Linkbucks