black2

Saturday, May 9, 2009

Chapter 29: Liwanag

Chapter 29: Liwanag

Tatlong araw kami nagkulong sa bahay para makapagbonding kami. Madami ang gusto bumisita sa akin pero di pinapapasok ng mommy ko. Nakiusap siya na ngayon lang kami magsasama kaya kung pwede kami muna daw ang magsama. Madami akong natutunan tungkol sa langit, tungkol sa katotohanan ng mundo at ang aking mapanganib na misyon.

Sa ika apat na araw nagpasya ang mommy ko na turuan na ako, dumating si Angela para bumisita at ang dami niyang kasamang anghel. “Angela samahan mo nga si Alyssa today at may pupuntahan kami ng anak ko” sabi ng mommy ko. “Opo mam, Alyssa tara, madaming spa dito, tapos madami din center na pampaganda, libre lahat tara” sabi ni Angela. “Hoy Alyssa, wag ka masyado magpapaganda ha” biro ko at dinilatan niya ako.

Lumabas kami ng mommy ko ng bahay at ang daming anghel na sumunod sa amin. “Kita mo na anak celebrity ka dito, yung iba matagal ka na sinubaybayan, yung iba gusto lang nila makakita ng demonyo” bulong niya sa akin. “E ma saan ba tayo pupunta?” tanong ko. “sa training grounds, doon kita tuturuan” sabi nya kaya diretso kami sa training ground at nagulat ako pagkat ang gandang lugar yon. May batis din siya at ang gaganda ng bulaklak sa paligid. “Mommy eto ang training grounds? E parang napaka peaceful naman dito e” sabi ko.

“It looks peaceful anak pero this is where the power of light comes from, it comes from nature and the goodness of life” sabi niya pero nahiga ako agad sa damuhan at pinagmasdan ang maliwanag na langit. “Ay look, si Ayana! Ayana! Halika iha!” sigaw ng mommy ko at napaupo ako at nakita ko ang isang napakagandang anghel na patakbong papalapit. “Hi tita…wait…is this…” sabi nya at tinitigan niya ako at biglang namula ang mga pisngi niya.

“Ayana, this is my son Saturnino. Saturnino eto si Ayana, she wanted to meet you for a long time now” sabi ni mommy kaya tumayo ako at inabot ko ang kamay ko pero bigla ako niyakap ng mahigpit ni Ayana at gulat na gulat ako. Niyakap ko din siya at napangiti ang mommy ko. “Ayana bitaw na iha, I have to teach Saturnino many things today” sabi ni mommy. “Tita can I help?” tanong niya at napakasarap pakinggan ang boses ni Ayana, at ang bango bango niya. “Saturnino bitaw ka na anak” sabi ni mommy at natawa tuloy si Ayana.

Naupo kaming tatlo sa tabi ng batis at sinawsaw namin ang paa namin sa tubig. “Saturnino, alam mo nature will give you all the power you need. Alam ko tinuruan ka ng dark arts pero the concept is the same. Sa dark arts you learned to manipulate things pero ang di mo naisip is all those things come from nature. What you see in this place will give you power beyond your imagination, ang problema lang ay kailangan malaman mo pano mo gamitin.

Tumayo si Ayana at naglakad papunta sa gitna ng batis, ang ganda talaga niya. Ang haba ng buhok niya na diretso at kutis niya napakakinis. “Panoorin mo si Ayana anak, she will show you” sabi ni mommy kaya pinagmasdan ko si Ayana at nginitian niya ako.

Tumayo siya ng tuwid at pinikit ang mga mata niya, ilang sandali pa nagbagang dilaw ang mga kamay niya at nagsimulang kumulo ang tubig sa harapan niya. May namumuo sa tubig at nagkakaroon ng hulma ng bata. Ilang saglit pa nabuo ang figure ng isang batang lalake at napapalakpak ako. “Siya lang ang nakakagawa ng mga human clones out of water, air, earth and fire, favorite niya gawin yan and alam mo ba sino yang batang yan? That is you anak” sabi ni mommy at naglakad si Ayana hawak hawak ang kamay ng bata palapit sa amin.

“Oh wow, ako yan nung bata ako?” tanong ko at tinignan ako ng bata na gawa sa tubig at inabot ang kamay ko. “Buhay ba siya?” tanong ko ulit at tumawa si Ayana. “No anak, Ayana is controlling it” paliwanag ng mommy ko at bilib na bilib ako kay Ayana. “Wow ang galing mo Ayana, pero ma how can this help?” tanong ko. “Anak, that is just a sample, para makita mo ang tunay na kapangyarihan ng liwanag you have to fight Ayana so she can show you” sabi ni mommy.

“Ayaw ko po” sabi ni Ayana. “Ayana, hindi mo naman siya sasaktan e, you will just show Saturnino our power” sabi ng nanay ko. “I don’t want to hurt him tita” sabi ni Ayana. “Ayana…its just like training iha, alam ko di mo naman sasadyain na sasaktan siya. This is the only way we can help Saturnino” sabi ni mommy. Nagsimangot si Ayana at naglakad ulit papunta sa gitna ng batis, lumapit sa akin yung bata sabay hinalikan ako sa pisngi, tumawa ako at pati si Ayana tumatawa. Kinawayan ako ng bata at tuluyan itong naglaho. “Did I tell you she was controlling that?” bulong ng mommy ko. “Yes ma, so that kiss was from her” bulong ko din at nagngitian kami ng nanay ko.

Tumayo narin ako para masubukan ang lakas ni Ayana, “Ayana im sorry if I hurt you” sabi ko. “Wag kang mag alala di mangyayari yon” sabi niya at bigla nalang may humampas sa akin sa likod ko, paglingon ko wala naman tao doon pero muli ako nahampas, “She can control the wind” sabi niya at naalala ko bigla na napaulan ko na dati sa Bora kaya naghanda na ako para sa susunod na atake niya.

“Ma ano gagawin ko?” tanong ko at tumawa ang nanay ko, “You just have to touch her…pag kaya mo” sagot niya kaya sinubukan ko sumugod pero lagi ako naitatapon palayo ng hampas ng hangin at tubig. “Madaya ka ha, advantage tong lugar na to sa iyo” sigaw ko at nag isip ako pano ako makakalapit pero inatake nanaman niya ako ng tubig. “E pano kung walang tubig sa paligid pag lumaban kami ni Basilio?” tanong ko at biglang nawala si Ayana at paglingon ko nasa damuhan na siya. “E di dito tayo” sabi nya kaya sumugod ako ulit palapit sa kanya pero natisod ako ng mga biglang umusling lupa.

“Imbes na magreklamo ka anak, think of a way to touch her” sabi ni mommy. “E mommy if I do that I would have to use my powers too” sabi ko. “E di gamitin mo” sabi nya at napatingin ako kay Ayana. “Ayana sorry talaga ha” sabi ko at ngumiti siya. “Don’t worry you wont be able to touch me” sabi niya at talagang nachallenge na ako.

Todo concentrate ako at nilabas ko na ang dark claws ko, nagulat ako nang sumulpot sa harapan ko si Ayana at naglabas siya ng sariling claws niya pero maliwanag na puti sila. Winasiwas niya ang mga kamay niya at nagulat ako nang nasira ang mga dark claws ko. Tumawa siya at nagpacute, “Napabilib mo ako sa dark claws mo kaya ginaya kita…now kung di ka iilag tatamaan talaga kita” sabi niya at inasinta niya ang claws niya sa dibdib ko kaya mabilis ako umiwas at nagteleport palayo.

“Sorry talaga Ayana pinipilit mo ako” sigaw ko at may kidlat na tumama sa tabi niya at nagulat siya. Chance ko na kaya sinugod ko siya pero mabilis siya nakateleport palayo, inulit ko ang kidlat ngayon sa magkabilang tabi niya at napasigaw siya sa takot. Mas mabilis ako gumalaw at muntik ko na siya nahawakan pero nakalipad siya sa ere at lumabas ang mga pakpak niya. Napatingin ako sa kanya at napangiti, “Ang ganda mo talaga alam mo ba yon?” sabi ko at nagpacute nanaman siya at binanatan ko siya ng silent scream at bumagsak siya sa damuhan. Hawak hawak pa niya ang mga tenga niya kaya naglakad ako ng mabagal papalapit sa kanya.

Hahawakan ko na sana ang braso niya pero bigla siyang ngumiti at nagulat ako. “I know all your powers…sabi ko sa iyo lagi kita pinapanood e” sabi nya ako naman ang biglang nabingi, sobrang sakit ng tenga ko kaya napaluhod ako sa lupa, tumayo si Ayana at naglakad papalapit sa akin. Lumuhod siya at tinitigan ako, akala ko hahalikan niya ako sa labi pero pinindot niya lang ang ilong ko nagdilim na ang paningin ko.

Nang nagising ako nakahiga ako sa lap ng mommy ko at hinahaplos niya ang ulo ko. “Ayan gising ka na” sabi nya. “Malakas si Ayana” sabi ko. “Hmmm oo pero you were not able to see her true powers kasi nagpipigil ka e. Masyado kang gentleman anak and that is good. So we have no other choice but to teach you” sabi niya sa akin. Naupo ako sa tabi ng mommy ko at nakiupo sa tabi ko si Ayana. “I think Ayana will teach you everything you need to know for now, pag may kulang pa saka ko na ituturo sa iyo. Iwan ko muna kayo dito at kakausapin ko lang si Bro saglit” sabi ni mommy. “Si Bro? Pwede ba ako sumama?” tanong ko at tumawa siya.

“Not yet, saka na, for now magpaturo ka muna kay Ayana okay?” sabi niya at umalis na siya. Tinignan ko si Ayana at nilaro laro niya ang paa niya sa tubig. “Sabi ng mommy ko niligtas mo daw buhay ko noon kaya ka pinarusahan…salamat ha” sabi ko at nginitian niya ako. “It was worth it…pero sometimes may regret ako kasi ako dapat yung third star mo…pero on the other hand if I didn’t do it naman maari ka naman namatay so kahit paano mo titignan I was not meant to be your third star” sabi nya.

“Pero do you know who my third star is?” tanong ko at nagsimangot siya. “Yes but I wont tell you who she is” sagot niya. “okay fair enough…so Ayana why are you so pretty?” sabi ko at bigla siyang tumawa. “Sa lahat pa ng tanong yan pa, akala ko naman magpapaturo ka na” sagot niya. “Siyempre kailangan ko muna ng trust you know, alangan magpapaturo ako agad sa iyo” banat ko. “Nilalandi mo na ako niyan e” hirit niya at natawa ako. “Medyo, sorry demonyo ako e, I cant help myself lalo na pag may kasama akong napakagandang babae” sabi ko at bigla niya ako siniko.

“Sige na turuan mo na nga ako” sabi ko at ngumiti siya. “okay, basically marunong ka na mag manipulate ng energy at power. Ang ituturo ko lang sa iyo ay pano mo manipulate ang mga bagay na di mo pa alam na pwede mo din pala imanipulate” sabi nya. Dark Arts is different, doon ginagawa mo ang bawal, sa Liwanag naman parang ganon din pero its more of using what is present to your advantage” sabi nya.

“Wag mo isipin na kapangyarihan ng liwanag e panay good good, hindi ganon. We are also trained for battle, kung hindi e di wala na, pag sinugod kami ng demons sitting pretty nalang kami at nagpapacute. So think of it this way, we fight for a purpose, to defend, to save, basta ganon. Pag ginamit mo ang powers mo with those aims then there is no difference between our power and dark arts” sabi nya at biglang kumidlat ng puti sa malapit sa amin. “See, kaya ko din powers mo pero sa dark arts ang intent mo is to kill…tayo to disable or to stop. Last resort na yung kill…kailangan mo iwasan yon…if possible think of a way na wag kang papatay” sabi nya.

“E kailangan ko daw patayin si Basilio e” sabi ko. “I know, pero it would be much better if you don’t do it directly…naiintindihan mo ba ako?” tanong niya. “Tulad ng paghalik nung water child sa akin?” biro ko sa kanya at tumawa siya, hinalikan niya ako bigla sa pisngi at nagkatitigan kami. “O ayan I did it directly na…pero Saturnino you are more powerful than me so you are more capable of many things…” sabi nya. “Teka lang ito naman di pa ako nakakarecover sa kiss mo guguluhin mo agad utak ko…give chance naman” biro ko at tawa siya ng tawa at niyakap ako bigla.

Apat na araw kami nagkikita ni Ayana sa batis para turuan niya ako ng madaming bagay. Si Alyssa naman gumaganda lalo at napapansin ko ang malaking pagbabago sa ugali niya nang makahalubilo niya ang mga anghel pero nararamdaman ko din na lumalakas siya pagkat tinuturuan siya ni daddy. Araw araw namin pinapanood sina Jana, Yammy, Tanya, Trina at yung iba gamit ang visual pond ng mommy ko, naaliw kami ni Alyssa pagkat para kaming nanonood ng reality show.

Isang araw sa may batis nadatnan ko si Ayana na naglalaro sa tubig. Tinulak niya ako bigla at nalubog ang buong katawan ko sa tubig pero pati siya sumisid at nagkita kami sa ilalim. Umahon kaming dalawa at sabi niya tumayo ako sa malayo, lumayo ako sa kanya at nang nagkalayo na kami ng husto sabi niya manipulate ko daw ang liwanag ng araw para tumama sa akin.

Nag focus ako para sagapin ang dami ng liwana para tumama sa akin, “tapos focus mo yung liwanag para magbounce papunta sa akin” sabi niya kaya ganon ang ginawa ko. Ilang sandali pa may bahagharing namuo sa pagitan namin, ang isang dulo ng rainbow sa akin tumama at yung isa sa kanya. Tumayo ang balahibo ko sa katawan dahil sa ganda ng aking nagawa. “I always dreamed this to happen…I waited for this to happen…now its happening” sabi niya at tumayo lang kaming dalawang nagngingitian habang ang daming anghel na lumapit sa batis para panoorin ang aming nagawa.

Dumating si daddy at mommy kasama si Alyssa at Angela, lahat nagpapalakpakan at nagsisiyahan. Pinikit ko ang mga mata ko at nagconcentrate, pinaambon ko saglit saka lahat ng anghel na nakatayo sa dulo ng batis ginawan ko ng mga clone nila, mas lalong natuwa ang lahat at bilib na bilib sila sa akin. Ito ang isang kapangyarihan ng liwanag, ang nagbibigay ligaya at aliw sa lahat. “Lumayo kayo lahat sa clone niyo dali” utos ko at lahat nagtakbuhan palayo. Todo concentrate ako at pinaulan pa sabay nag focus ako ng madaming liwanag para bawat anghel may namuong bahaghari sa pagitan nila at kanilang clone. Mas lumakas ang palakpakan at talagang namangha na sila.

After ten minutes lahat nakisama na sa batis at nakipagkilala sa akin, di pa ako tapos this time paakyat naman ang ulan ko at nagtilian ang mga babaeng anghel. Mula sa patis ang mga patak ng tubig umaakyat sa langit, nakisali narin si mommy at daddy at lahat nagkatuwaan sa tubig. “Anak this is the other side of you…tignan mo ang dami mong napapaligaya…this proves na anak talaga kita” sabi ni mommy. “At dahil pinaulan mo paakyat at alam ko ano binabalak ko it proves din na anak kita” banat ni daddy at nagkatawanan kami lahat.

Isang oras ng saya at napagod din ako pero napansin kong di nauubos ang lakas ko. Siguro dahil narin nasa langit ako o madami lang talaga ako napapasaya sa sandaling ito. After dinner naglakad lakad ako sa labas, tahimik sa paligid at halos lahat ng mga anghel natutulog na. Nagpunta ako sa batis para mapag isa, medyo masaya kasi ako pagkat dito sa langit tanggap nila ako at parang nahanap ko na ang sarili ko.

Nahiga ako sa damuhan at pinagmasdan ang langit, ang daming bituin at ni isang ulap wala ako mahanap. “What are you doing?” may nagtanong pero boses ni Ayana yon kaya di ko na siya nilingon at diretso lang ang tingin ko sa langit. “Wala, natutuwa lang ako kasi I never expected this place to be like this. Di ko akalain na parang lupa din pala, may sky, may houses pero lahat dito napaka peaceful” sabi ko at nahiga siya sa tabi ko at tinignan din ang langit.

“I always dreamed na one day we finally get to meet at eto na nga magkasama na tayo” sabi nya. “Bakit ako Ayana?” tanong ko. “I died when I was a baby, pagdating ko dito wala ako kakilala. Adopted kasi ako so I don’t know my relatives, loner ako nung bata ako then one day nakita kita sa visual pond ng mommy mo and sabi ko I wanted to play with you” kwento niya. “Pinayagan nila ako makalaro ka, di ako nakikita ng normal tao, ikaw lang, siguro you don’t remember pero ako I remember every moment of it” sabi niya.

“Pero nang tumanda ka di na ako pwede bumaba, I just watched you from here kaya lang makulit ako and asked to be you angel. So kahit di ako nagpapakita sa iyo I am always with you, lalo na at night pag natutulog ka binabantayan kita” sabi nya. “Teka…parang naramdaman ko nga when I go to sleep parang may mainit akong katabi lagi…kaya mahimbing lagi tulog ko…at oo nga ano…after that rambol parang di na ako nakakatulog ng maayos” sabi ko at tumawa siya. “Kasi yung pumalit sa akin mahiyain siya pero ako I like sleeping beside you” sabi nya.

“Kaya naman pala lagi ako nagkakaroon ng wet dreams noon” biro ko at tumahimik siya kaya kinabahan ako. Tinignan ko siya at nakasimangot siya pero bigla nalang siyang tumawa. “Ang bad mo, wala ako ginagawa sa iyong masama pag asleep ka…I just tried to kiss you many times” sabi niya at napangiti ako. “Tried? Bakit di mo tinuloy?” tanong ko. “Hmmm kasi wala din lang feeling kasi lulusot din lang naman ako” sabi niya at natawa ako. “E nandito na ako ngayon” sabi ko at nagkatitigan kami at napangiti siya at kinurot ako bigla. “You are tempting me…ay alam mo ba ang favorite commercial ko…o nakikinood ako sa iyo when you are watching television” sabi niya.

“Ano favorite mo?” tanong ko at ngumiti siya at nagpacute, “Yung angel na may nameet na guy na demon tapos she asks…are you from here?” sabi nya. “I am now” sagot ko at bigla siyang tumawa ng malakas. “Sayang sana when we first met days back yun agad tinaong ko sa iyo” sabi nya. “Youre really pretty…sayang di ko pwede sabihin hulog ka ng langit kasi nasa langit tayo e…hay” sabi ko at bigla siyang lumapit at tinitigan ako.

Napatitig ako sa mga mata niya at nginitian niya ako, “Apat na araw palang tayo magkakilala Ayana and aminin ko parang…wala siguro sakit ko lang ito pag may kasama akong magandang babae” sabi ko. “Ako I have been watching you since you were a baby…eighteen years at habang pinapanood kita…I fell in…” bulong niya sabay niyuko niya ulo niya. “You fell in…the water?” biro ko at tumawa siya at kinurot ako. “Dati nung di mo ako nakikita it was so easy being with you…pero ngayon parang nahihirapan ako” sabi niya. “Bakit ka naman nahihirapan? E at least now nakakausap mo ako diba? Kinukurot mo pa nga ako ngayon e” sagot ko at huminga siya ng malalim.

“I don’t know siguro ganito talaga pag kaharap mo na yung mahal mo” sabi nya at pumalakpak ang tenga ako at di ko maintindihan ang nararamdaman ng katawan ko at bigla nalang ako napalutang sa ere. Tumayo si Ayana at hinawakan ang kamay ko, bumbalik ako sa lupa at hinarap niya ako sabay hinawakan ang dalawang kamay ko. “I am going to hug you” sabi nya at niyakap niya ako, lumabas ang mga pakpak niya bigla at dahan dahan kami lumulutang sa ere. Pataas kami ng pataas at ilang sandali pa ang taas na namin, “Ah Ayana…alam ko langit na ito pero pag tumaas pa tayo ano meron don?” tanong ko at napangiti siya. “Embrace me sa waist” sabi nya kaya yumakap ako sa katawan niya. Nilipat niya ang yakap niya sa ulo ko at bigla niya ako tinitigan.

“Sa tagal ng panahon wala na akong ginawa kundi panoorin ka…ilang beses mo narin ako pinagselos pero siguro ganon talaga ang demonyo…if what I am about to do is a sin then siguro kahit anong parusa ni Bro sa akin…” sabi niya pero agad ako siya hinalikan sa labi at nanlaki ang mga mata niya. Sa simula nanigas ang mga labi nya pero unti unti itong bumigay sa paghalik ko, napangiti siya sabay pinikit niya mata niya at tuloy ang paghahalikan namin.

“O ayan…ako na ang humalik sa iyo para sa akin na ang kasalanan” bulong ko sa kanya at niyakap niya ako ng mahigpit. “Saturnino…I am in love with a demon…I am in love with you”

Painit ng painit na…Sunday today break muna…Chapter 30 Langit…Chapter 31 First Strike…see you soon!

http://plurk.com/Paulito/invite

http://twitter.com/PaulitoX

Linkbucks