Chapter 32: CHOSEN ONE
Di ako makapaniwala sa aking nabasa, parang blanko ang utak ko at di ako makapag isip. Naglaro sa isipan ko ang lahat ng aking mahal sa buhay, naiiyak na ako pero pilit ko pinipigilan. “Yang nakasaad sa librong yan…is that final?” tanong ko. “This is a special book iho, wala nakakaalam sino ang nagsulat nito. We have been reading this from time to time, we tried to manipulate some things pero the ending is always the same. Kung may binago kami sa isa mag iiba ang sitwasyon sa ending pero ang resulta pareho parin” sabi ni Bro.
“So mamatay ako…sino pang nakbasa nitong libro na ito?” tanong ko. “Kami lang dalawa…naglabas kami ng pirated copy na ang ending mamatay si Basilio para hindi mawalan ng hope ang mga kampon natin…if they know na mamatay ka at mananalo si Basilio e di wala nang gusto lumaban…that is why we gave them hope at kami ang nagkalat ng pekeng libro. We thought that if nabasa ni Basilio ito magpapanic sila at pag nagpanic sila they would commit many mistakes…indeed nakagawa sila ng madami pagkakamali at nailista agad yon sa libro pero kahit ganon meron parin paraan na magbabago sa ending…panalo parin siya” sabi ni Brod.
“E bakit niyo pa binibigay ang mga espada niyo sa akin kung ganon din lang ang ending?” tanong ko. “Don’t you see iho, sa final battle mangyayari palang yon, malay mo this weapons can help…it might change everything” sabi nila. “And what if it does not help?” tanong ko. “Wag kang ganyan, think positive, look ikaw nalang ang major factor na natitira…nasa iyo na kung magbabago ang outcome ng librong ito…kasi the final battle is the last chapter…nung early chapters palang we tried many times to manipulate things pero the end is the same. So if we try one more time sa last chapter it might change…e dun sa last chapter you fight him…nasa kamay mo na talaga ang ending” sabi ni Bro.
“Akin na yang mga espada, sige itong itim gagamitin ko” sabi ko at napangiti sila. “Now tignan niyo ang libro, tell me pag nagbago” sabi ko at mabilis nila binasa ang libro at napasimangot sila. “Nakalagay dito gamit mo ang itim na espada pero…” sabi ni Brod. “Okay what if itong puti naman?” sabi ko at nakasimangot parin sila at ganon parin ang ending. Natawa talaga ako sa dalawa pagkat umaasa sila sa libro. “Ang dalawang makapangyarihan na nilalang umaasa sa libro at ikaw Bro, tinuturo ng mga alagad mo sa baba na have FAITH, bakit ikaw wala?” sabi ko at tahimik silang dalawa.
“Hindi sa wala iho, hindi ganon. Kami ni Brod hindi kami pwede makialam. Ayaw namin manalo si Basilio” sabi ni Bro. “You two are friends…I get it…pag nanalo si Basilio magagalit ang ibang anghel at pipilitin kang umaksyon. Pag gumalaw ka mapipilitan gumalaw din si Brod dahil sasabihin ng mga demonyo bakit niya hinahayaan nalang nag anon…in the end mapipilitan kayo maglaban” sabi ko.
“Oo at pag nangyari yon iho magugunaw ang buong mundo” sabi ni Brod. “Kaming dalawa hindi kami pwede makialam sa totoo, we both know that Basilio will win and ayaw namin talaga mangyari yon. Good and Evil must exist so there is balance, if only one side will remain then the world will be boring if its all good and chaotic if its all bad. Kailangan mo manalo to keep the balance iho, kami we are breaking the rules a little pero nakita mo naman na what is written seems to be final already” sabi ni Bro.
Naupo ako sa buhangin at pinagmasdan ang libro, “So I am going to die” bulong ko at nakitabi sila sa akin. “Ei Brod, sa tingin mo ba kaya mo ako dalhan dito ng libo libong mga patapon na demonyo?” tanong ko at tinignan niya ako. “Kaya ko” sabi niya. “Bro, bantayan mo ang mga kasama ko sa lupa, can you send some angels to help?” tanong ko at napaisip siya. “Di ko pwede iutos yon, di ako pwede makialam, they can go down to help on their free will or pag may nag utos na iba” sabi nya sa akin. “I see…pero sabi mo nga my friends will be fine right?” tanong ko. “Yes, they will survive the second strike” sagot niya.
“Brod send me the demons now, iwanan niyo ako dito, tawagin niyo nalang ako pag tapos na ang second strike” utos ko at sabay sila tumayo. “Mga ilang libong demonyo kailangan mo?” tanong ni Brod. “Keep em coming” sagot ko at iniwan na nila ako. Ilang saglit palang nagsulputan na ang mga demonyo, ang dami dami nila pero kung gusto ko magtagumpay kailangan ko matutunan gaano ako kalakas. Kailangan ko malaman kung hanggang saan ang kaya ko, kailangan ko ilabas lahat ng aking kapangyarihan.
Wala akong tulog, dirediretso ako nakikipaglaban sa mga demonyo. Di ko alam ilang araw ang lumipas pero sige parin ako ng sige. Humaba na ng husto ang buhok ko at balbas, puti narin ang kulay nila at mukha na akong kung fu master sa mga Chinese videos. Nasisiraan na ata ako ng bait pagkat nagsasaya na ako habang nakikipaglaban, ayaw ko kasi isipin na mamatay ako. Lahat ng napanood kong sine inaapply ko ang moves nila, at kahit na punong puno na ng sugat ang katawan ko parang manhid na ako sa sakit.
Naubos ko ang libo libong demonyo at nahiga ako sa buhangin, sumulpot si Bro sa tabi ko at pati si Brod dumating. “Saturnino, tapos na ang second strike, nagtagumpay ang mga kasama mo pero madaming sugatan” sabi nya sa akin. “How many days na ba ako nandito?” tanong ko. “limang araw sa real world, pag dito hundreds of years na” sabi niya at nagulat ako at napasilip ako sa ari ko at tawa ako ng tawa. “Puti narin ang pubic hair ko” sabi ko at nakitawa sila. “Bakit kayo tumatawa? E puti narin yung sa inyo ha” sabi ko at parang gusto nila ako sapukin sa oras na yon pero tawa lang kami ng tawa.
“Ei Bro paglabas ko ba dito eighteen parin ako?” tanong ko. “Of course, pero ang experience na nakuha mo dito will remain, mga sugat mo will remain, muscles mo will remain, pati buhok mo if you want pero pwede namin ibalik sa dati” sabi ni Brod. “Hmmm…gusto ko long hair ako for a change pero black ha at dito lang sa ulo wag naman pati sa kili kili at sa pubic area. Gusto ko mga abot likod konti para cool” sabi ko at tumawa sila.
“E gusto mo din ban g shoulder bag?” biro ni Brod at napatingin ako sa kanya. “Tumigil ka dyan kung hindi hahampasin kita ng shoulder bag” banat ko at pareho kami nagtawanan. “Siguro dapat mag skirt ka pag lalaban ka para maka move ka freely” banat ni Brod. “Ay uu, tapos stockings narin ahahay” sagot ko at lumayo bigla si Bro sa amin. “Brod alam ko ano ginagawa mo, pinapasaya mo siya para mawala sa isip niya ang mangyayari pero kailangan niya magseryoso” sabi ni Bro.
“Hoy Santa relax ka nga” sabi ko at nagalit siya. “Matuto ka rumespeto!” sigaw niya bigla. “Bro at Brod, if I am going to die pagbigyan niyo na ako. Bakit sa tingin niyo gusto ko ba gawin ito? Buti nga si Brod e pinapasaya ako, pero totoo I have to think about Basilio but alam ko na ang gagawin ko sa kanya, so relax nga kayong dalawa, be proud at makakapiling niyo pa ang the chosen one” sabi ko at napangiti si Bro.
Bumalik na ako sa langit at una kong pinuntahan si Ayana sa batis. Nalulungkot siya kaya niyakap siya at hinalikan. “Bakit ka malungkot Ayana?” tanong ko. “I feel something bad is going to happen…ayaw ko isipin…i want to fight with you” sabi nya. “No you wont, just stay here Ayana, sabi mo nga may tiwala ka sa akin right? Babalik ako Ayana I promise” sabi ko at tumulo na ang luha niya. “Sana ako nalang yung ikatlong tala mo para kasama kitang lalaban” sabi nya. “sana pero if that happens di ako papayag kasi ayaw kita masaktan, hindi naman sa gusto ko masaktan yung tatlong tala ko but I will do everything in my power to protect them” sabi ko.
“You promise to come back” sabi nya, “Yes I will come back here, dito mo ako antayin, dito sa batis” sabi ko. “Okay, pero gusto kita panoorin so babalik ako dito after matapos ang laban niyo” sabi nya. “Pakiusap ko sana wag kang manonood, just stay here and wait for me…I don’t want you to worry sa mga makikita mo baka bigla ka gumawa ng di ko gusto dahil sa pag aalala mo. Just stay here para makalma ang loob ko, I have to concentrate on my fight…you know” sabi ko at tumawa siya. “Okay, I have faith in you kaya dito ako mag hihintay hanggang sa pagbalik mo” sabi nya at muli kami naghalikan.
Nagtungo ako sa bahay namin at nagulat silang lahat nang makita ang itsura ko. “Ano yan wig?” tanong ni daddy at bigla niya ako sinabunutan. “Ay totoo, but how?” tanong niya at napangiti si mommy. “So you have met with him” sabi ni mommy at napangiti lang ako. Lumapit si Alyssa at tinitigan ako, “Wow, nag iba itsura mo…and your body seems different” sabi nya. “May pagkain ba gutom ako e” sabi ko at kahit kumain na sila kumain kami lahat ulit.
Inenjoy ko na ang pagkain na kasama sila, ito na siguro ang last time na mararanasan ko na buo pamilya namin. Alam ko pangarap namin maging isang pamilya pagkatapos ng laban pero pag namatay ako hindi na mangyayari yon kaya eto na siguro ang chance ko. “Ma, pa, di ba may wish pa kayo, why don’t you use it now?” tanong ko at sabay nila ako tinignan. “E anak what if kailangan mo yon, just in case lang naman e at di ko sinasabi pero diba it might come useful” sabi ni mommy. “Wala ba kayong tiwala sa akin?” tanong ko. “Meron naman pero anak ayaw ko na may mangyari sa iyo, so gamitin nalang namin ni daddy mo after” sabi niya.
“I want you to use it now, parang wala kayo tiwala sa akin e. I want to hear you two wish for it” sabi ko at nagtinginan sila. “okay anak sige after eating” sabi ni mommy. “Now!” sabi ko at biglang sumulpot si Bro at natakot si Alyssa. Pati sina mommy nagulat pagkat ang bilis sumulpot ni Bro sa isang tawag ko lang.
“Bro, may sasabihin ata ang parents ko” sabi ko at hinawakan ni Alyssa ang kamay ko at takot na takot talaga siya. “Bro about our wishes…gusto namin maging tao ulit exactly after the battle” sabi ni mommy. “Teka lang Jenny, kausapin ko lang si Saturnino sandali” sabi ni Bro at naglakad kami palayo ni Bro.
“So mautak ka din pala at nakita mo ang plano nila…you know they are reserving their wishes just in case may mangyari sa iyo” sabi nya sa akin. “Alam ko po, pero ayaw ko umasa sa ganon. They deserve to be with each other, matagal na nila gusto mangyari yon. Being here in heaven means they will not die anymore and If I die ayaw ko naman na for eternity sila magluluksa. Ayaw ko din buhayin nila ako, tapos ako naman ang magsisisi na di ko nagampanan ang kailangan ko gawin. Mabuhay man nila ako I wont feel happy knowing nabigo ko ang lahat” sabi ko at huminga siya ng malalim.
“Is this what you really want?” tanong niya. “Yes, I want my parents to live a normal life, sa lupa, if I am gone then they can make another baby, this time normal na, wala nang powers powers at wala nang problema. Magluluksa sila siguro pero lilipas din ang panahon at matatanggap nila pagkawala ko…that is if namatay ako…if not then we will be a happy family after this is all over” sabi ko at ngumiti siya. “okay, I will grant their wish exactly after the battle kahit anong outcome” sabi nya. Bumalik na kami sa lamesa at napatingin ako kay Alyssa, “Bro isa pa pala, after this is all over…Alyssa wants to become an angel” sabi ko at napayuko ang ulo ni Alyssa at napangiti.
“Alyssa, is that what you want iha?” tanong ni Bro at tinignan ako saglit ni Alyssa at tinignan niya si Bro. “Opo sana” sagot niya. “Okay, wala ka na ba hihilingin Saturnino?” tanong ni Bro at tinitigan ko siya. “Meron pa sana Bro pero ayaw ko sabihin, pakibasa nalang ang isipan ko” sabi ko at tinitigan niya ako. Parang nanlamig ang utak ko saglit at napangiti si Bro sa akin. “Okay, I will do that” sabi niya at bigla na siyang nawala.
Naupo ako at tinuloy ko ang pagkain ko pero lahat sila nakatitig sa akin. “Bakit ang lakas mo sa kanya?” tanong ni daddy at ngumiti nalang ako. “And what did you wish for last?” tanong ng nanay ko. “Relax, enjoy the food, sige na kain na sabayan niyo naman ako. Saka na yang usap usap at kwento kwento after natapos itong lahat” sabi ko at tinuloy namin ang pagkain.
Alam ni Bro at Brod kailang aatake muli si Basilio pero hiniling ko na kami ang susugod sa kanila this time kaya nakiusap sila na magpadala sila ng isang emisaryo para hamunin si Basilio para matapos na ang lahat. Two days bago magaganap ang final battle at ready na kami sa langit.
Nakahanda na ang mga sasamang anghel at kitang kita ang kaba sa mukha ng mga magulang ko. Binihisan ako ni Alyssa at ng mommy ko, itim na maong pants para makagalaw ako maigi. Itim din na long sleeves polo na ang laki ng kwelyo sabay puting trench coat, “Wow, I look super cool ha” biro ko at tumawa sila. Nauna ako lumabas ng bahay at nakahanda na ang mga anghel na sasama sa lupa. Ang daming mga anghel na dumumog sa akin para batiin ako ng good luck at may isang bata babae na humila sa pantalon ko kaya yumuko ako at tinignan ko siya.
“Devil!” sigaw niya at nagtawanan ang lahat ng anghel. May inabot yung bata sa akin, gintong tinidor at halos maiyak ako at matawa pagkat nagets ko agad ang meaning nito. “Wala ka siguro mahanap na malaking tinidor ano?” sabi ko sa bata at niyakap niya ako. Kinuha ni Ayana ang tinidor at sa isang iglap may chain na ito kaya nilagay niya ito sa leeg ko, dalawa na ang suot kong kwintas, isa para malaman ko kung sino ako, at yung isa para malaman ko ano ang kailangan ko gawin. May tiwala yung bata sa akin, kailangan ko manalo para may tsansa pa siyang lumaki at mag enjoy sa langit.
Lumabas ng bahay si Alyssa at halos malaglag ang panga ko sa suot niya, naka all black tight outfit siya kaya siniko ako ni Ayana konti. “Handa na ang lahat?” tanong ko at tumayo sa tabi ko si Alyssa, sa kabila naman nandon si Angela, at sa likod namin sina Timoteo, Dario, Leonel at iba pang mga anghel na warriors. “Okay…taralets…yo Bro teks teks nalang ha” biro ko at biglang kumidlat ng malakas kaya teleport na kami agad pababa sa lupa.
Pagdating namin sa lupa sumakit ang dibdib ko nang makita ko ang kalagayan ng mga kaibigan kong nakilaban. Hinang hina sila at ang dami palang sugatan. Pero nang makita nila ako bigla lumiwanag ang mga itsura nila at agad nila ako nilapitan.
Tinipon ko silang lahat at pinatawag narin sina Jana at Yammy, ginamot ni Tanya ang mga may sugat at tinulungan siya ng mga anghel na may ganon din na kapangyarihan. Lahat sila nakatingin sa akin, parang ako na ang leader nila sa sandaling ito, hindi ako dapat magpakita ng kahinaan, kaya pa namin baguhin ang nakasulat sa libro kaya nagpakatatag ako at hinarap sila.
“Hinamon ko si Basilio, in two days time susugod sila dito ulit. Alam ko this time madami siyang surpresa ilalabas at mas madami siyang dadalhin na kakampi. Kokonti lang tayo pero makakayanan natin ito basta team work tayo”
“Alam ko din medyo may di magandang vibes dito kasi may demonyo at anghel, pero sana we work together. Pareho lang naman ang goals natin, we are…lets say the good side for now…wala nang anghel o demonyo, we are one team at dito sa laban na ito pareho lang tayo lahat”
Hinayaan ko na magpahinga at magpagaling ang mga nasugatan at tinipon ko ang mga tala ko at gumawa kami ng strategy. “Kailangan natin yung third star mo” sabi ni Aylssa. “I know pero I can feel that she will come when the time is right” sagot ko at tinitigan ako ni Jana. “Ako lalaban din ako” sabi niya at natawa ako. “Weh ako din ano” sabi ni Yammy at natuwa naman ako sa kanila. “Pakitawag nga si Tanya at Trina dito saglit at may kailangan tayo planuhin” sabi ko at pasekreto kami nagplano ng mga girls ko, alam ko di dapat sila madamay dito pero kailangan ko ang tulong nila. Proprotektahan ko sila kahit anong mangyari sa akin.
Isang araw nalang at di pa magaling ang karamihan kaya kinakabahan na si Tanya at yung mga anghel. Pinatawag ko lahat ng may sugat pa at yung mga di pa magaling at kinulong ko sila sa isang kwarto. Pinalabas ko sina Tanya at mga anghel at sinara ko ang pinto. After a minute lumabas na ako at tinignan ako ni Tanya.
“Ano nangyari?” tanong niya at biglang nawasak ang pinto at tumawa ng malakas si Barubal. “BWahahahaha…I am alive again!!!” sigaw niya at nagtakbuhan palabas ng kwarto ang mga demonyo tila narecharge ng husto ang lakas nila. Nagulat ang mga anghel at lahat ng nakakita sa nangyari sabay napatingin sila sa akin.
Natuwa ako panoorin si Barubal na nangungulit sa kapwa demonyo niya. Nagmistulang party ang lugar na yon pagkat nagpasiklaban ang lahat ng kanya kanyang powers. Nawala bigla si Barubal at pagbalik niya dala dala nanaman niya ang paborito naming punching bag, “O mga bro, eto kung gusto niyo magpractice dala ko na si Under…” kasasabi palang niya at nagulat ako nang agawin ni Jana at Yammy ang giant maso ni Barubal at hinampas ang kawawang nilalang. Kitang kita ang gigil sa mukha ni Yammy at Jana nang talagang tadtarin nila hanggang tuluyan itong naglaho.
“Hoy Barubal, ibalik mo ulit siya at kami naman” sabi ni Timoteo at ni Dario, “Pati kayo?” tanong ko at tumawa sila. “Galit din kami sa mga ganyan boss” sagot nila kaya ilang beses pababalik balik ang pesteng nilalang at lahat nakisama sa pag gulpi sa kanya.
Habang nag eenjoy ang lahat naglakad ako sa malayo at di ko napansin sinundan ako ng mga girls. “Alam na ba ng lahat ang roles nila sa laban?” tanong ko. “Yes, ready na lahat para bukas” sabi ni Alyssa. “If you are afraid you don’t have to fight” sabi ko. “Sasama kami sa iyo no matter what happens” sabi ni Tanya. “Okay, Saturnino yung plinaplano mo…we need one more…” sabi ni Trina. “I know Trina, relax…everything is under control I promise you they will come” sabi ko at naupo kami lahat at tinignan ang lugar kung saan sisikat ang araw.
“Saturnino yung second strike ni Basilio…ang lalakas ng dala niyang demonyo…sa tingin mo ba makakayanan natin?” tanong ni Tanya. “Op kors…you are with the chosen one remember?” sagot ko at pinagbabatok nila ako sa ulo. “Ikaw bwisit ka feeling mo presko ka loko ka ang lalakas kaya nila tapos haharapin mo pa si Basilio nakakainis ka talaga” sabi ni Trina at tawa ako ng tawa.
“Natatakot din ako to be honest, pero be happy lang, lets just have fun tomorrow. Hindi maganda kasi pag ngayon palang natatakot ka na at kakabahan. Lalo lang madadala ang emosyon mo at eventually pagdating ng oras malilito ka. So Be happy kasama niyo ako” sabi ko at lalo pa nila ako pinagsusuntok at pinagbabatok.
“Sa inyong lahat I just want to say…thank you for being a part of my life”