Chapter 28: Hiwaga
Sumabit ako sa likod ni Angela at si Alyssa sa likod ni Venancio, lumipad kami sa ere at sobra akong nag enjoy. “Angela bakit itong wings mo naka steady lang, diba dapat gumagalaw sila?” tanong ko at nilingon niya ako. “Props lang yan para bongga kami tignan, napakaboring naman tignan ang isang nilalang na lumilipad na straight body diba? Pag may wings mas nakakabilib…diyan ka lang sa likod ko kapit ka baka malaglag ka” sagot niya kaya kumapit ako ng mahigpit sa kanya at bigla siya tumawa. “Nag eenjoy ka ano?” tanong niya at tumawa ako, “Oo first time ko lumipad e” sabi ko. “Hindi yung paglipad ang tinutukoy ko, yang pagkapit mo sa breasts ko” sabi niya at lalo ako natawa. “Aminin mo na gustong gusto mo naman, walang ganito sa langit” biro ko at tumawa siya.
Napalingon kami kina Vinz at nakita ko si Alyssa nakalabas ang dark claws niya at pinagpapawisan si Venancio, natawa kami ni Angela at kinawayan kami ni Alyssa. “Teka nga pala, bakit kanina sinabi mo agad sasakay ako sa likod mo e willing naman ako sumakay sa likod ni Vinz…ikaw ha” tukso ko sa kanya at tumawa siya. “Sabi mo nga walang ganito sa langit e…ganyan ba talaga katigas yan?” tanong niya at lalo ko dinikit ang katawan ko sa katawan niya, “oo bakit gusto mo sa harap ako sumakay?” biro ko at bigla siyang nagpaikot at muntik ako nalaglag. “Gusto mo ulitin ko yon?” tanong niya at kumapit ako sa kanya ng maayos. “Bilisan mo na nasusuka na ako” biro ko kaya binilisan niya ang paglipat pataas sa langit.
Isang oras ang biyahe at halos malaglag ang panga namin ni Alyssa pagtungtong namin sa langit. “Holy shet! Ang ganda naman dito” sabi ko at biglang tinakpan ni Angela ang bibig ko. “No bad words dito” sabi nya. Ang ganda ng lugar nila, ang tataas ng puno, ang liwanag ng tubig sa batis, parang yung lugar ni Petina pero mas malawak dito at ang daming nagsisigandahang anghel sa paligid.
“wow, so this is heaven” sabi ko at tumawa si Venancio. “boss, not actually, kasi ito ang nasa isip ng lahat ng tao so ginawa namin ito pero tingin ka sa likod” sabi niya at tumalikod kami at nagulat kami at parang normal lang na siyudad na madaming bahay. “Ha? May mga bahay dito?” sabi ni Alyssa. “Oo naman, e saan kami titira ano?” sumbat ni Angela. “Pero kahit na ang gaganda ng bahay tapos parang ang linis ng hangin at parang ang saya ng lahat ng tao dito” sabi ko. “Hay, sa totoo boring dito, madaming rules pero happy naman kami” sagot ni Angela.
“I want to see my mother” sabi ko at nagtinginan si Angela at Vince, dumating ang ibang anghel at lahat nakatingin sa akin. Nagtago ulit si Alyssa sa likod ko at nagbubulungan ang ibang anghel. “Is he the one?” tanong ng isang anghel. “Yes, sad to say he is the one” sagot ni Angela. “Anong ibig mo sabihin na sad to say?” tanong ko at tumawa siya. “Wala, halika na nga dadalhin na kita don” sagot niya at bago kami makaalis nakikipagkamay sa akin ang ibang mga anghel at may nagpapa autograph pa. Tawa kami ng tawa ni Alyssa, napakamot nalang si Angela at Venancio. “Bwisit, hay, oo na sikat na sikat ka dito” sabi ni Angela at game na game naman akong nagpirma at pinakilala ko si Alyssa sa kanila.
Naglakad kami papunta sa bahay ng mommy ko, ang daming sumamang mga anghel at lahat ng pupuntahan namin mas madami pang sumasama. “Dito ang bahay ng mommy mo” sabi ni Venancio at biglang nagbukas ang bintana pagkat ang ingay ingay ng mga anghel. “Ano bang ingay ito?” sabi ng isang lalake at nagulat ako pagkat si daddy yon.
“Daddy!” sigaw ni Alyssa at nagulat ang daddy ko nang makita kami. “Oh Lord, my children are dead and have gone to heaven!!!” sigaw niya. “Jenny!!! Patay na ang anak natin nandito na siya sa langit!” sigaw ni daddy at biglang may tumabi sa kanyang magandang babae. Nanigas ako at bigla akong naiyak, first time ko makikita ang nanay ko at nakangiti siya sa akin. “Hello Saturnino, halika sa loob. Adolfo he is not dead, they came to visit us” sabi ng mommy ko kaya nagmadali ako tumakbo sa pinto at sinama ko si Alyssa.
Pagbukas ng pinto nanigas nanaman ako, face to face kami ng nanay ko at halos di ako makagalaw. “Eighteen years, sa wakas mahahagkan ko na ang anak ko” sabi niya at bigla niya ako niyakap at di ko na mapigilan ang luha sa mga mata ko. For the first time sa buhay ko feeling ko kompleto ako, akala ko kasi niluwa nalang ako sa mundong ito pero ngayon kayakap ko na ang nanay ko.
“Ah…ma…this is Alyssa…sister ko daw” sabi ko at ngumiti si Alyssa. “Sister ba? E anong ginawa niyo kanina?” tannog niya bigla at pareho kami namula ni Alyssa. Tumawa ang mommy ko at muli niya ako niyakap. “I have been watching you ever since anak, meron akong maliit na visual pond and I see all the things you do” sabi nya at hiyang hiya tuloy ako. “don’t worry when it comes to bedroom activities I don’t watch, daddy mo lang nanonood…tapos kinakalbit ako” sabi niya at nagtawanan kami.
“Teka daddy demonyo ka bakit ka nandito?” tanong ko at napakamot si daddy. “Jenny I think kailangan mo na maghanda ng dinner at mahabang usapan ito” sabi ni daddy. “Adolfo ikaw ang magluto, I want to spend time with my son…and…step daughter ba o daughter to be?” sabi ng mommy ko at biglang nahiya si Alyssa at nagpacute. “Daughter to be nalang ma” sabi ko at kinurot ako ni Alyssa, “Ay ayaw mo ba?” tanong ko at ngumiti sya. “Gusto…” sagot ni Alyssa at tumawa ang mommy ko.
Naupo kami sa salas nila at nagkwento ang mommy ko habang si daddy nagluto. “Grabe parang normal lang pala ang heaven, you have to cook and eat, akala ko iba dito” sabi ko. “Well its an extension of life iho, but this time no more hardship. No work, you can just relax, everything is free pero you still have to survive” sabi niya. “So mommy, pano kayo nagkakilala ni daddy?” tanong ko at tumawa siya.
“Well you see twenty years ago i got bored dito so bumaba ako sa lupa. Nakilala ko daddy mo at niligawan niya ako pero obvious na babaero so di ko siya pinansin” sabi nya at nagtawanan kami. “Then one year later, bumalik ako dito only to find out na pinapababa ako ulit sa lupa para tulungan ang isang demonyo daw na magpapabalik ng balance, e di ko naman alam na daddy mo yon” sabi niya.
“So we teamed up together, me, si Yamika at si Serpentina” kwento niya. “Ah ikaw yung angel, tapos si tita Yamika ang tao, yung Serpentina ang demon” sabi ko at ngumiti siya. “Yes, and I think you know her daughters, Serena at Petina?” tanong niya at bigla ako tinignan ni Alyssa. “Ah opo” bulong ko at tumawa si daddy. “Woohooo napanood kita ano, sus yung kwarto na panay salamin tapos si Serena sa batis…wala kang itatago my boy” sigaw ni daddy at bigla ako kinurot ni Alyssa at natawa ang nanay ko.
“You remind me so much of your father nung bata pa kami, ganyan na ganyan din kami. We three were in love with him kaya laging may nagseselos pag ang daddy mo nambabae pero in the end the angel got his heart” sabi ni mommy at napasimangot si Alyssa. “Pero im not saying ganon din mangyayari sa iyo Saturnino, diba Alyssa?” sabi ng mommy ko at muling namula si Alyssa at nagpacute nanaman.
Over dinner nagkwento pa si mommy, nahihiya ako talaga pagkat sinusubuan niya ako na parang bata. “I want to know everything, sana wala na kayong itago sa akin” sabi ko at nagtinginan ang nanay at tatay ko. “I mean, bakit niyo ako iniwan. Pwede naman pala ako tumira dito as an angel, bakit wala kayo sa tabi ko nung bata ako?” tanong ko at sabay pa sila huminga ng malalim.
“Kasi anak after the big battle nagbago ang daddy mo, nagulat ako at niligawan niya ako. Akala ko biro lang para alam mo na pero pinakita niya he was serious and he said he wanted to marry me, kakatuwa ano demon nilligawan ang angel, we both know hindi pwede yon. So sinagot ko siya at naging kami, tapos nirape niya ako at ayun nabuo ka” kwento ni mommy at nagreact si daddy. “Rape? Grabe naman magkwento ito, pumayag ka naman ah…many times nga e” banat ni daddy at bigla siya binato ng kutsara ni mommy sabay ngumiti.
“E ako nga nagkwekwento e ito ang version ko, e di magkwento ka mamaya version mo naman” sabi ni mommy at tumahimik si daddy. “Anyway nabuntis ako at nalaman ni Bro yon, pinatawag niya kaming dalawa. Akala ng daddy mo galit si Bro kaya nauna ang dada niya, salita ng salita. Sabi niya mahal daw niya ako at kaya niya patunayan, wag na daw ako parusahan at siya nalang daw, e ang di niya alam mapagpatawad si Bro, siyempre demonyo nga ano alam niya diba?” sabi ni mommy at napasimangot si daddy pero tawa ng tawa si Alyssa.
“That time nagbalik ang mga kampon ng demonyong gusto maghasik ng lagim, kaya sabi ng daddy mo habang walang papalit sa kanyang posisyon he will make sure na di siya gagawa ng kahit anong bad deeds or bad actions to prove na mahal niya ako. Ang hiniling niyang kapalit is that pag may kapalit na siya e tanggapin siya dito sa langit bilang anghel para makasama niya ako” kwento ni mommy at naliwanagan na ako kung bakit nawala bigla si daddy.
“Sorry anak kung napilitan kang tanggapin, selfish din ako kasi gusto ko na talaga makasama mommy mo” sabi ni daddy at nginitian ko nalang siya. “Pero mommy bakit ni minsan hindi mo man lang ako dinalaw o sana nagparamdam ka man lang sa akin sana” sabi ko at biglang nalungkot ang mommy ko at napaluha na.
“Anak kasi ganito yan, nung nalaman ni Serpentina na nabuntis ko mommy mo at siya talaga gusto ko makasama nagselos siya. She learned witchcraft at nilagyan niya ng sumpa ang mommy mo. Sumpa na di siya makakabalik sa lupa or else mamatay ka, the only time na makakatungtong ulit ng lupa ang mommy mo…sabi niya pag makikilibing na siya” sabi ni daddy at humagulgol na si mommy kaya niyakap ko siya.
“Anak im sorry it happened that way, binantayan kita araw araw. Kung masaya ka nakikitawa nalang ako sa iyo kahit di mo ako naririnig. Pag may nananakit sa iyo nag iinit ulo ko dito at gusto ko na talaga bumaba para iligtas ka pero di ko magawa. Kung malungkot ka at nagdaramdam mas lalo ako nasasaktan. Bro even let me listen to one of your prayers, na pangarap mo makilala ang magulang mo, wala ako magawa kundi umiyak nalang” sabi ni mommy at pati si Alyssa umiiyak na.
“Ma nandito na ako o, stop crying. I can stay here forever now if you want” sabi ko at napailing si daddy. “Oo nga Jenny, Saturnino can stay here with you now” sabi ni daddy at nagkatinginan sila. “Wag naman Adolfo” sabi ni mommy at naguguluhan ako. “Bakit mommy anong problema pag nag stay ako dito?” tanong ko. “If you stay then kailangan bumalik ng daddy mo sa lupa…para ituloy ang laban” sagot ng ina ko at doon ko naalala ang pangako ni daddy. “Hindi, ako ang tatapos sa laban, after that pwede na tayo magsama lahat” sabi ko at pareho nila ako niyakap.
“Daddy kapatid ko ba talaga si Alyssa?” tanong ko at palipat lipat ang titig niya sa aming dalawa. “Sanib does not count” biglang sinabi ni mommy pero napakamot ako. “E sabi ni daddy sumanib siya sa isang tao para magawa niyo ako” kwento ko at nanlaki ang mga mata ni daddy. “Damuho ka! Aminim mo yung totoo!” sabi ni mommy at napakamot si daddy. “I lied, namana mo itsura mo sa akin…etong bagong itsura ko well power trip lang to, ginawa ko sarili ko gwapo para sa mommy mo, gusto mo ba baguhin ko face mo?” alok ni daddy at bigla ako napatingin kay Alyssa.
“Wag na…you are who you are already…basta wag ka lang magbabago laging may magkakagusto sa iyo” sabi ni Alyssa at napangiti ako. “Sabi ko nga not counted ang sanib” ulit ni mommy at nagtawanan kami lahat.
After dinner may nakahandang kwarto para sa amin ni Alyssa, dalawa lang kasi ang kwarto sa bahay nina mommy. Tatlo kami nahiga sa kama habang si daddy naglilinis ng pinagkainan. “So this is heaven, e nasan sina San Pedro, San Miguel, lahat ng santo bakit di ko sila nakikita, o kaya yung sinasabi nilang malaking gate” tanong ko at tumawa ang mommy ko.
“Gawa ng tao lang yan, si San Pedro at lahat ng santo sino ba ang nagpapasya na gawin silang santo? Di ba tao lang? Gawa lang ng tao yang rangko na yan, dito sa langit patas lang lahat. So dito San Pedro is just Pedro, like me normal angel” sabi ni mommy. “Ah, so pati yung mga turo ng simbahan e gawa lang ng tao yon?” tanong ko at tumahimik si mommy. “Well its complicated anak, ang importante kung ano ang pinaniniwalaan mo dun ka maniwala. Medyo di rin maganda ang ginagawa ng simbahan e, lagi nila binibida na church of the poor pero di naman sila poor. Basta madaming mali pero ano pa magagawa mo e 2000 years na yan ang paniniwala ng tao so sisirain mo nalang ba bigla?”
“E mommy, that means nandito din si Sarah, yung anak ni Mary?” tanong ko at bigla siya tumawa ng malakas. “Ikaw ha, hinuhuli mo ako…e kung sinagot ko yang tanong mo ano mangyayari sa paniniwala mo?” tanong niya. Natawa nalang ako at di na ako humirit pa.
“Mommy, sino nagbigay ng pangalan ko?” tanong ko at biglang tumawa si Alyssa at mommy ko. “Nanganak ako dito sa langit, surrounded by so many angels kasi nga ako ang first and only angel to be impregnated by a demon so parang celebrity ako. Pati daddy mo nabigyan ng gate pass para makapasok dito that time pero guwardyado siya ng mga Arc Angels, sila yung most powerful warriors ng langit” sabi ni mommy.
“Pagkalabas mo ang pula pula mo grabe, demonyong demonyo ka pero may halo ka anak kaya tuwang tuwa ang lahat. Ang daddy mo sabi niya he will name you Saturn kasi nga daw pula ang Saturn tapos may rings siya, korny niya ano?” kwento ni mommy at nagtawanan kami. “Pero inayos ko name mo at ginawa ko nalang Saturnino, gusto ko sana name mo Paulito e pero siyempre para di mahurt si daddy mo Saturnino nalang” sabi ni mommy.
“Eh mommy kung dito ako pinanganak then bakit pa ako pinabalik sa lupa?” hirit ko. “Well you see big risk ang pag stay mo dito anak, pag nalaman ng mga demonyo pwede nila atakehin ang langit so nagpasya si Bro na sa lupa ka maninirahan at since half angel ka at half demon, pag dating mo ng legal age pwede ka mamili kung ano ang gusto mo then that is the time pwede ka bumalik dito or mapunta ka sa ibabang ibaba” sagot niya.
“Pero anak, nalaman ng mga demonyo na may anak si Adolfo, kasi that time madaming anghel din ang gusto maghimagsik, sila ang nag leak ng information. Naging demonyo narin sila, that is why pinaalaga ka ng daddy mo sa iba kasi he could not be with you. Tapos doon ko lang nalaman yung sumpa kaya pati ako wala ako magawa. We had to hide your identity para kasi gusto ka nila kunin para maisahan nila ang daddy mo pero matalino daddy mo at malakas siya.
Alam mo ba nung big battle halos di niya kami kailangan, sobrang galing ng daddy mo at siya mismo ang nag ubos sa kalaban. Konti lang kasi sila that time compared to now medyo madami na sila. Pero ang daddy mo ayaw niya kaming masaktan na tatlo so siya lang lumalaban and at the same time prinoprotektahan niya kami. Bwisit nga yan e, kahit hindi nanghihina halik ng halik kay Yamika…anyway habang lumalaki ka I always send angels to guard over you” kwento ni mommy.
“Si Venancio ba?” tanong ko. “Hindi, lately lang sila nagbabantay sa iyo, pero noon ang identity mo tago kahit sa aming mga anghel kasi nga may mga traydor so yung mga pinagkakatiwalaan ko lang ang pinapadala ko para bantayan ka. Pero meron isa na lagi gusto siya magbantay sa iyo, bata pa siya noon at bata ka din, her name is Ayana. Nakakatuwa siya kasi nung baby ka naglalaro kayo sigurado di mo maalala kaya nagtataka yung nag ampon sa iyo kasi tawa ka ng tawa nung baby ka” sabi nya.
“E nasan na siya?” tanong ko. “Hmmm…do you remember nung sumali ka sa rambol, first time mo makipag away pero you were just protecting your high school friend That time alam mo ba may sasaksak sana sa iyo from your back…well kaming angels hindi pwede makialam dapat pero si Ayana she did. Alam mo tumalikod ka to find out namimilipit sa sakit ang isang kalaban niyo diba?” sabi nya at naalala ko nga yung sitwasyon na yon.
“Ayana saved you, at dahil don she was punished, never to set foot on earth again. Don’t worry ipapakilala kita sa kanya bukas siguro” sabi ni mommy.
“Mommy itong kwintas na ito, kay daddy dati, sabi niya umilaw yung tatlong pula…anyway di ko na tatanungin about that pero I found my two stars, I was wondering kung kilala niyo yung ikatlong tala ko” sabi ko at sabay namin siya tinignan ni Alyssa. “Hmmm…all I can say is she is an angel” sabi niya. “Siya ba yung nakaputing nagligtas ng buhay ko nung beach battle?” tanong ko at ngumiti ang mommy ko.
“Yes, she took over from Ayana. Mula nung niligtas ka ni Ayana siya na ang naging guardian angel mo pero I have to keep her identity a secret kasi nga alam mo na delikado na. Si Alyssa at Jana may nagbabantay din sa kanila, right now si Jana ay binabantayan nina Chain at Rad, si Alyssa naman since nandito siya nakabakasyon ang angel nya, si Timoteo, nagpunta ata sa disyerto para mag soul search” sabi ni mommy at natuwa naman si Alyssa.
“Lahat sila binigyan ng angel mula nung mag leak ang identity ng mga tala mo, that is why your third star will remain a secret until kailangan mo na talaga siya. Pero don’t worry I trained her myself. Si Alyssa daddy mo nagtrain, si Jana naman si Yamika nagtrain” sabi nya. “E pano ako? Madaya naman, bakit di niyo ako tinuturuan?” tanong ko.
“I will teach you to become stronger, di alam ng daddy mo gano ako kalakas. Protective kasi siya masyado kaya ayaw niya ako nakikilaban. Ang di niya alam, ako napili ni Bro para maging tala niya kasi I was the strongest Angel there was noon. Pero ngayon yung pangatlong tala mo na ang pinakamalakas kasi tinuruan ko siya” sabi nya at talagang excited na ako. “Pero sa ngayon anak wag muna, gusto pa kita makasamang ganito, okay lang ba kung makitulog ako sa inyo tonight?” tanong niya at pumayag kami. “Sigurado kayo o baka naman may binabalak kayong gawin together?” biro ni mommy at tawa kami ng tawa.
“Ma naman, di bawal yung ganon dito?” sabi ko. “Alin? Seks? Oh no, sus remember sino ba ang gumagawa ng rules na yan? Tao diba? Nandito tayo sa langit anak, lahat posible pero siyempre may rules din kami dito but remember pag nagtalik saan kayo pumupunta? Sa langit diba?” sabi nya at lalo kami nagtawanan.
“E pano ako?” bigla tanong ni daddy nang sumilip siya sa kwarto. “Nakarami ka na mula nung dumating ka dito, mag isa kang matulog sa kwarto” sagot ni mommy. “Saturnino, anak, alam ko di ka nag breast feed sa mommy mo kaya pagdating ko dito ako na ang nagbreast feed sa kanya para sa iyo” banat ni daddy at bigla syang umangat sa ere at tinaas niya ang kamay niya.
“Honey suko na ako…nagbibiro lang naman e… oo na babalik na ako sa kwarto natin” sabi ni daddy at sobra kaming nag enjoy ni Alyssa nang mag power trip ang mommy ko. “Saturnino, nakita mo na gano ako kalakas? Lahat ng kaya ko ituturo ko sa iyo…Adolfo balik sa kwarto!” sigaw ni mommy at bagsak sa sahig si daddy. Tumayo si daddy at napakamot nang lumabas ng kwarto.
Yumakap ako sa nanay ko at bago ako matulog tinignan ko siya, “Ma, sabi mo ikaw at si daddy may tig isang wish bilang premyo galing kay bro..what did yo wish for?” tanong ko. “Wala pa anak, eversince na pinanganak ka we were saving our wishes for you just in case kailangan mo…so you don’t have to worry about anything” sagot niya.
“Ma, pag natapos ko itong laban na ito, gamitin niyo wish niyo ni daddy…maging tao ulit kayo at magsama tayo sa lupa…as a family”
Next Chapter 29: Kapangyarihan ng Liwanag …wag atat! Mahirap magsulat!
http://plurk.com/Paulito/invite
http://twitter.com/PaulitoX