Chapter 36: Salamangka
Sa ika pitong araw ng pagpanaw nagtipon ang mga nilalang ng langit at impyerno upang bigyang pugay ang kanilang namayapang tagapagligtas. Pinanood nila ipasok sa lupa ang kabaong…natabunan ng lupa.
Sa harapan ng libingan nakatayo ang mga naiwan na magulang ng tagapagligtas, may kakaibang ngiti sa kanilang mukha pero di nila ito pinapahalata sa iba. Isang malakas na kidlat tumama sa malapit bilang hudyat ng paparating na laban nila. Isang iglap naka full battle gear na ang lahat, walang bahid ng takot sa itsura nilang lahat kahit na alam nila maari itong araw narin ang kawakasan ng bawat isa.
Habang nagwawarm up at nag fleflex sila ng muscle ang lahat Biglang lumiwanag ang langit at may dalawang anghel ang bumababa galing langit, may buhat silang tig tatlong mga batang anghel kaya lahat namangha hanggang sa makalapag sila sa lupa. May itim na usok mula sa lupa ang lumabas sa isang dako kaya lahat naman napatingin doon. Lumabas si Barubal mula sa lupa buhat din anim pang batang demonyo. Anim na batang demonyo at anim na batang anghel nagtipon, lahat napangiti pagkat naka formal sila lahat, mga babaeng anghel naka white dress, itim naman sa mga babaeng demon. Mga batang lalakeng anghel naka all white slacks, coat and black tie, samantala ang child demons naka all black with white tie. Lahat sila naka suot ng shades at nagmartsa palapit sa puntod ng kanilang kuya.
“Barubal maiwan ka dito para bantayan ang mga bata” utos ni Adolfo. “Chad at Louie kayo na bahala sa iba” sabi ni Jenny. Lumapit si Dada kay Jenny at kinalbit ito, “Tita…don’t worry kami bahala” sabi ng bata at napangiti si Jenny. “Pero secret ha” hirit ni Dada at napatawa ang mag asawa.
Lahat ng mandirigma ng langit at impyerno biglang nawala, tumungo na sila napag usapang lugar. Lumingon lingon ang mga bata sa paligid at siniguradong wala nakakakita sa kanila. “Kuya Barbs hukayin mo na” utos ni Virgo at napakamot si Barubal. “E kung kanina pa kayo dumating sana e di hindi na siya nalibing…sus at wag niyo ako tatawaging Barbie!” reklamo ng higante. Sinimulan niya maghukay at naglaro muna ang mga bata.
Tumulong narin ang dalawang adult angels kaya after ten minutes nailabas na nila ang kabaong at lumapit na ang mga bata. “Ano ba kasi gagawin niyo?” tanong ni Barubal. Tinulak siya palayo ng mga bata, pati yung dalawang adult angels inutusan nila lumayo muna.
Lumapit ang mga babaeng bata at nilapag ang limang bulaklak sa dibdib ni Saturnino. “Help!” sigaw ng isang bata at sa malayo nakita nila si Jan Paul at Patrick na may kinakaladkad na puting espada. “Ano yan?” tanong ni Dada nang lapitan niya ang dalawa at tulungan. “Binigay ng isang matanda doon o, makakatulong daw” sabi ni Patrick. “Sinong matanda?” tanong ni Dada. “Ewan ko basta matanda e” sabi ni Jan Paul. Sa isang dako si Pluto at Virgo naman ang may kinakaladkad na itim na espada at mabilis sila tinulungan ng iba. “Binigay nung matanda na nagbebenta ng pirated DVD” sabi ni Pluto at nagtataka na sila sa timing ng mga pangyayari.
Tinabi nila ang mga espada at pinagmasdan ang natutulog nilang kuya, “Wala naman nangyayari?” sabi ni Danica. “Baka parang sleeping beauty kiss natin” sagot ni Veronika at lahat ng girls nilapitan si Saturnino at isa isa silang humalik sa labi nya. Wala parin nangyari at napasimangot ang mga bata. “Kunin natin maso ni kuya Barbs tapos masuhin natin si kuya” biro ni Sarry at tumawa siya. “Bad ka talaga” sabi ni Sanito at niyugyug niya ang ulo ng kuya nila. “Oy kuya gising na, ilang araw ka na di kumakain at nagtotoothbrush” sabi ni Mimi at nagtawanan sila.
Isang malakas na sigaw ng bata, si Veronika nanigas sa takot na may nakatayong dalawang nakaitim na berdugo ang sumulpot. “Kuya Barby!!!” sigaw ni Mimi at mabilis sumulpot si Barubal para humarap sa mga Berdugo. “Anong ginagawa niyo dito?” tanong ni Barubal. Di nagsalita ang mga berdugo pero tinuro nila ang katawan ni Saturnino. Nilabas nila ang mga higanteng espada nila, mabilis tumabi kay Barubal si Louie at Chad pero sa isang iglap naitapon sila palayo. Nanigas ang mga bata sa takot at lumapit na sa kanila ang mga Berdugo.
Samantala sa dating pinaglabanan nila nung isang lingo magkaharap sina Jenny at Basilio. “Basilio, ako nalang ang unahin mo, wag na ang asawa ko” sabi ni Adolfo na tumayo sa tabi ng asawa niya. Tumawa si Basilio at tinitigan si Adolfo. “Hmmm…no…a deal is a deal…papatayin ko asawa mo at papanoorin mo ang paghihirap niya tapos paglalaruan kita…o di kaya kita patayin para habang buhay maglalaro sa isipan mo ang mga imahe kung pano ko siya pinahirapan?” sabi ni Basilio at nanggalaiti sa galit si Adolfo pero hinawakan ni Jenny ang kamay niya. “Adolfo…have faith” sabi ni Jenny at huminga ng malalim si Adolfo at niyakap niya ang asawa niya.
Naglakad na palayo si Adolfo pabalik sa sa mga mandirigma ng kabutihan. Yumanig ang lupa at nagsilabasan ang mga demonyo na loyal kay Basilio, napakarami nila at nilapitan si Jenny. Lumuhod si Jenny at tumingin lang sa langit habang dahan dahan na siya napapalibutan ng mga kalaban. “Adolfo panoorin mo pano malamog ang katawan ng asawa mo!!!” sigaw ni Basilio at nakakabinging malakas na tawa ang nilabas niya.
Huling sulyap ni Jenny kay Adolfo, kumaway ang demonyo at ngumiti lang ang anghel at muling tumingala sa langit. Tuluyan na siyang napalbutan ng mga kalaban at din a siya makita. Wala silang marinig na sigaw, lahat nakatayo lang ang nakanganga, si Adolfo kinakabahan pero nananalangin.
“Aaaaahhhhh…wag ka namang magbibiroooo ng ganyan malalaglag akoooo!!!” dinig nila ang malakas na sigaw, lahat napalingon at hinahanap saan galing yon. “Pare boses ni Barubal yon ah” sabi ni Raizen at biglang may tinuro si Mani-king sa langit. “Hooollyyyy…si Barubal lumilipad” sabi niya at lahat nagtatawanan pagkat hawak ni Louie at Chad si Barubal habang pasugod sila papunta kay Basilio. Ang bilis nila dumaan at binagsak ang dalawang ulo ng berdugo sa paanan ni Basilio.
“Nyetaaahhh!!!” sigaw ni Basilio nang makita ang mga pugot na ulo sa paa niya. Biglang may pagsabog mula sa nagkukumpulang mga demonyo, sa sentro nanggaling at naipatawapon palayo ang mga kalaban. Kinabahan si Adolfo at gusto na sanang lumapit pero lahat namangha at natulala sa kanilang nakita.
Malaking itim na pakpak na nakasara, dahan dahan ito nagbubukas, sa loob lumabas ang doseng mga bata, lahat sila naka bagong porma, puting trench coat sa mga anghel at itim naman sa little devils. Pinalibutan nila ang nagbabalik na kuya nila, ngayon siya naman ang may yakap sa kanyang nanay. Napayakap si Jenny sa anak niya at nagsigawan at nagsaya ang mag kampon ng kabutihan.
Tumayo si Saturnino at bumalik sa dating anyo ang mga pakpak niya, ang mga chikiting pumorma at handa sila lumaban. “Anak, ilayo mo na ang mga bata” sabi ni Jenny. Napalingon si Antonio at nagsimangot, napangiti si Saturnino sa bata, “No ma, they will fight with us” sagot ng anak niya at tuwang tuwa ang mga bata.
Madami ang napaluha pagkat nagbalik na ang kanilang tagapagligtas, lumingon si Saturnino sa kanila at kumaway. “Music naman diyan!” sigaw niya at game na game tumayo sa isang gilid sina Timoteo, Dario, Leonel at Venancio at nagsimula sila kumanta na parang orchestra na pandigma. Di nagpatalo ang mga demonyo kaya nag assemble si Raizen, Mani-king, Raldske at Devilo, “Hu ano naman ibabatbat ng apat na yan satin?” payabang na sinabi ni Raldske. “Bakit ano ba tayo?” tanong ni Devilo, “Pare we are the new F4!” sabi ni Raldske at lahat napatingin sa kanya. “Tado, mag isa mo!” sabi ni Raizen at tinawanan siya ng lahat.
Parang piyesta ang nangyari, lahat sila nagsiyahan habang nagkatitigan lang sina Basilio at Saturnino.
“Peste ka talaga bwisit ka, so what kung nagbalik ka…nabasa ko naman sa libro yon pero kahit na ang nakasaad parin sa libro ay muli kang papanaw” sigaw ni Basilio sabay tawa. “And look…yan ang tropa mo mga bata? Ahahahaha…ano binabalak mo patayin ako sa tawa?” tanong ni Basilio at tinignan ni Antonio si Saturnino. “Pwede na ba kuya?” tanong nung bata at ngumiti si Saturnino, “Okay na daw sabi ni kuya!” sigaw ni Antonio at gigil na gigil ang mga bata.
“Saturnino ano gagawin nila?” tanong ni Jenny. “Well binigyan ko sila konting powers ma, tignan mo nalang” sagot ng anak niya. Itim na apoy lumabas sa kamay ni Antonio at hinulma niya ito parang bola, nabilib ang ibang bata sa nagawa niya pero si Dada may putting na bola agad na nabuo sa kamay nya. “Ay ang daya pano gawin yan?” tanong ni Mimi. Aliw na aliw si Basilio at tawa ng tawa sa nakikita niya, nairita ang mga bata kaya nagtipon sila sa isang bilog at tinuro ni Antonio at Dada pano gumawa ng ganon. “Ma, kailangan ata natin umatras ng konti” sabi ni Saturnino, umatras sila at napatingin si Jenny sa anak niya. “Bakit ano mangyayari?” tanong niya.
Humarap ang mga bata kay Basilio at lahat sila may mga bolang apoy sa mga kamay nila, nginitian nila si Basilio at napanganga siya. Sabay sabay na tinapon ng mga kids ang mga bolang apoy nila maliit ito kaya tumawa ulit ng malakas si Basilio. Nang malapipit na ang mga bolang apoy nagsama sila bilang isang itim at puting apoy at tumamama sa dibdib ni Basilio. Napalipad si Basilio ng malayo at nagsitalunan sa tuwa ang mga bata.
“Sperm Shot! Maliit tapos sa head lumaki” sabi ni Sarry at binatukan siya ni Dada. “Ang bastos ng mouth mo talaga” sabi ng batang anghel at lahat lalong nagsaya ang mga kampo sa nagawa ng mga bata.
Dahan dahan tumayo si Basilio at nilabas niya ang dalawang flame sabers niya, natakot ang mga bata at nagtago sa likod ng mag ina. “Nasan na yung mga espada?” tanong ni Saturnino. “Kuya naiwan sa ilalim ng lupa kasi ang bigat” sagot ni Nadine at lumuhod si Saturnino at binaon ang dalawang kamay niya sa lupa. “Ma, ilayo mo na sila dito…kids ako muna ha” sabi ni Saturnino at nagtakbuhan ang mga bata pabalik sa mga katropa nila.
Mula sa lupa nilabas ni Saturnino ang dalawang espada niya, ang Divine Blade at ang Dark Blade, winasiwas niya ito sa ere at damang dama ni Basilio ang bagong lakas ng nagbabalik na kalaban niya. Umatras si Basilio at pinasugod niya ang mga demonyo niya, sumugod din si Saturnino patungo sa kanya.
Mga kampon ng kabutihan naghanda nang tumakbo para tumulong pero napatigil sila dahil di sila makapaniwala sa nakikita nilang pagbabago kay Saturnino. “Here we are…born to be ..” kanta ng mga anghel at bumagay ito habang pinapanood nila si Saturnino. Tamang tama ang theme song ng Highlander sa nakikita nila. Mabangis na Saturnino at di sila makapaniwala at ang galing niya lumaban gamit ang dalawang espada.
Halos walang makalapit sa kanya, kahit saan manggaling ang kalabang parang nakikita niya. “Ano pare kuha na ako ng pop corn at manood nalang tayo?” tanong ni Waps. Hinawakan ni Yaps ang ari nya at humarap, “Parang naiinggit ako boss e, nangangati ako” sagot ni Yaps at nagtawanan talaga sila pagkat di parin sila sanay naririnig ang munting tinig ng boses niya. May lumabas na mga kuryente sa kamay ni Raizen at tumabi siya kay Yaps, “I think we should help bossing, nangangati narin ako e” sabi nya. Lumapit si Mimi at nakita ang hawak ni Yaps, “Tara na mga bakla!!! Ano pa inaantay niyoooo…yooohoo…JOMBAGIIIN ANG MGA ANECH!!!!” sigaw ni Tsupi at tumakbo sila lahat pasugod sa mga kalaban.
“Hoy sabi nya mga bakla e bakit tayo sumunod sa kanya?” tanong ni Timoteo kay Dario. “Pare maging serious ka nga, team effort ito, ano magagawa natin kung ganyan si Tsupi magsalita. Respetuhin natin kasi team mate natin siya” sagot ni Dario at nanahimik si Timoteo. “O eto gamitin mo” sabi ni Dario at inabot ang isang golden bag, “Lets goooo girls!” sigaw ni Dario at may pinapaikot din siyang golden bag niya.
Si Trina at Serena pasugod din at kasama nila si Alyssa, napatigil sila at biglang tingin kay Alyssa at pareho silang napanganga. Tumigil si Alyssa para tignan ang dalawa, “Hoy ano problema niyo?” tanong niya. “Alyssa…lumilipad ka…ay may maliit kang pakpak” sabi ni Trina. Gulat na gulat si Alyssa, ngayon niya lang napansin na kanina pa pala siya lumilipad. Ngumiti lang si Alyssa at mabilis siyang lumipad papunta kay Saturnino, tumayo siya sa tabi niya at tuluyan nang lumabas ang itim na pakpak niya.
“Anghel na ako” pacute ni Alyssa at tumawa si Saturnino. “You have always been an angel Alyssa…maya na ang tsika…tara na” sagot ni Saturnino at sabay nila pinagtataga ang mga kalabang demonyo. “Di mo ba kailangan ng fusion?” tanong ni Alyssa nang tagain niya ang ulo ng kalaban. “Ikaw ha anong fusion iniisip mo” biro ni Saturnino. “Ahahaha di ka parin nagbago…buti naman…pero may Ayana ka na!” pagalit na sinabi ni Alyssa at tumawa si Saturnino.
Sa ere magkatabi si Brother Louie at Chad na lumilipad at sa likod nila nakaupo si Barubal, Sanito, Patrick at Jan Paul. “Weeeeee….bombs away!!” sigaw ng mga bata at binitawan nila ang maso ni Barubal at bumagsak ito sa ulo ng isang kalaban. Napatingin sa kanila si Saturnino at Alyssa at tawa sila ng tawa.
“Barbubal mag diet ka naman ang bigay mo!” reklamo ni Chad. “Excuse me wala taba sa katawaaaaaaaaaaa!!!!” sabi ni Barubal pero tinulak siya ni Sanito kaya nalaglag ito bumagsak siya sa ulo ng limang demonyo. Tawa ng tawa yung mga bata at kumapit sila ng mahigpit sa mga kuya nila. “Brother Louie…mag boyfriend ba kayo ni Brother Chad?” tanong ni Patrick. “Hindi ah!” sagot n Louie. “E bakit kayo nagholding hands?” tanong ni Jan Paul. “E syempre madami kayo kaya dapat close kami para di kayo malaglag” sagot ni Chad. “Uy…uy…kayo ha kuya” tukso ni Patrick at nagtawanan ang mga bata. Nagkatinginan si Louie at Chad, “Nagrarason ka pa kasi e alam mo bata mga yan” sabi ni Louie at nagbitaw sila ng kamay at lumipad ng magkaibang direksyon.
Sa lupa nakaupo si Nadine habang pinapanood ang mga kidlat ni Raizen, aliw na aliw ang bata pero biglang may lumapit na kalabang demonyo. “Halika bata” sabi ng demonyo at tinignan siya ni Nadine. “Laro tayo kuya” sabi ng bata at tumawa ang demonyo at nakiupo. “Pitik bulag tayo…takpan mo eyes mo dapat” sabi ni Nadine at tinakpan naman ng demonyo ang mata niya gamit isang kamay niya. “Game” sabi ng Demonyo at pinitik ni Nadine ang kamay nya at mali ang hula ng demonyo kaya umulit sila. Tatlong beses di makuha ng demonyo at sa pang apat nagulat ang demonyo pagkat buhat buhat ni Nadine ang giant maso at hinampas ang ulo niya. Tawa ng tawa si Nadine pero gulat na gulat ang mga ibang anghel sa nakita nila.
“Pare sigurado ka ba bata yan?” bulong ni Leonel kay ArtAngel. “Nakakatakot…bata palang ang lakas na niya” sagot ni Art at kinaladkad ni Nadine ang maso at nagtungo sa susunod na Demonyo.
Sa malayo naglalakad si Mimi kaladkad ang manika niya, relax na relax ang bata sa paglakad kahit na ang daming nagtatalsikang katawan ng kalaban. May nakahigang kalaban na nilapitan si Mimi, humihinga pa ito at dahan dahan bumangon ang kalaban at tintigan ang bata. Binuhat ni Mimi ang manika niya at naglabas ng malaking karayom, “Ikaw bad ka sinasaktan mo kuya ko! Masakit ba dibdib mo?” sabi nya at sinaksak niya ang karayom sa dibdib ng manika at sumigaw sa sakit ang demonyo at humawak sa kanyang dibdib, tawang bruha ang nilabas ni Mimi at paulit ulit niyang pinagsasaksak ang manika niya. Napahiga ulit ang demonyo at namilipit sa sakit.
Lumapit si Raldske at Devilo at hinawakan ang balikat ni Mimi, “Bata tama na yan” sabi ni Raldske pero tinignan siya ni Mimi at nanlilisik ang mata nito. “Ah sige ituloy mo lang pala…good yan good girl” sabi ni Devilo at nagtakbuhan palayo ang dalawa at tinuloy ni Mimi ang pagsaksak sa manika niya.
Sa isang dako may matinding kalaban si Trina at bumagsak siya sa lupa pagkat nalaslas ang braso niya. Sumulpot bigla si Sarry at niyakap si Trina at tinignan ang demonyo. “Wag na wag mong sasaktan ate ko!” sigaw ng bata at bigla siyang nagpaikot ikot parang Tasmanian devil at wasak wasak ang katawan ng kalaban. Napaupo si Sarry at hilong hilo sa nagawa nya, nilapitan siya ni Trina at niyakap. “Ang bait naman” sabi ni Trina sabay hinalikan niya sa noo si Sarry. Super ngiti ang bata at at tumakbong palayo pero agad nadapa at nakakain ng lupa. Tayo si Sarry at halata ang bukol sa pantalon niya.
Nagtipon tipon ang kids pagkat tumitindi na ang laban, di mahanap ni Barubal ang maso niya kaya nilabas nanaman nya ang favorite punching bag niya. “Kuya sino yan?” tanong ni Pluto nang makita ng mga bata ang demonyong bakla. “Ah eto si Under…” pasabi ni Barubal at pinagtatadyakan ng mga bata ang baklang demonyo. “Ang panget nya!” sabi ni Dada at gigil na gigil niyang pinagpapalo ang demonyo.
Di na makayanan ni Basilio ang nakikita niya kaya muling nagbaga ng asul ang buong katawan niya pero nakita ni Saturnino ito. TInaas ni Saturnino ang dalawang espada niya at lahat ng nilalang sa paligid biglang nanigas. Lahat ng kalaban pati na ang mga kakampi niya hindi nailigtas sa ginawa niya, lahat nasasakal at isa isang natulog.
Tangin natirang nakatayo ay sina Saturnino at Basilio, nagulat si Basilio sa ginawa ng kanyang kalaban. “Wag kang mag alala pinatulog ko lang sila, di ako tulad mo” sigaw ni Satrunino habang naglakad siya palapit kay Basilio. “Hahahaha…bakit mo pa sila kailangan patulugin? Alam ko gusto mo lang magpakitang gilas sa akin…wow galing mo ha…im scared….hahahahah” sabi ni Basilio.
“Ayaw ko kasi makita nila ang gagawin ko sa iyo!” sigaw ni Saturnino at bigla siya nawala. Lingong ng lingon si Basilio at nabalot siya ng kaba pagkat di man lang niya maramdaman ang aura ni Saturnino. Sumulpot bigla sa harapan niya ang anghel na demonyo at pinagalaslas ang dibdib nya. Sa gulat di naka react si Basilio kaya isang dosenang hiwa ang natamo niya at muling nawala si Saturnino.
“Madaya ka talaga lumaban!!! Be a man!!” sigaw ni Basilio. Sumulpot si Saturnino sa likod ni Basilio at nilapit niya ang bibig nya sa tenga ng demonyo, “Bakit ka nagrereklamo, this is how demon’s play” bulong ni Saturnino sabay sinaksak niya ang dalawang blade niya sa likod ni Basilio, tago ito hanggang sa harap. Nawala ulit si Saturnino at bumagsak si Basilio sa lupa, lumakas ang pagbaga ng katawan niya at tumawa siya ng malakas.
“Hahahaha…alam mo mali ang ginawa mo…tulog sila…pano sila ngayon tatakbo? Lahat tayo maabo dito!!!” sigaw ni Basilio at lalo pang tumindi ang asul na baga sa katawan niya, palaki ito ng palaki at binaba ni Saturnino ang dalawang espada niya sabay hinawakan si Basilio sa balikat. “I will not let you harm anyone ever again” sabi ni Saturnino at bigla sila nawala pareho.
Pagmulat ni Basilio nasa puting desyerto silang dalawa. Sila lang ang nandon kaya mabilis siyang lumayo kay Saturnino. TInuloy niya ang pagcharge ng asul na apoy sa katawan niya at tumayo lang si Saturnino at pinapanood siya. “Fine, okay na ako kung ikaw lang mapatay ko ulit…ahahahah di na ako tinatablan nitong apoy ko…ikaw nalang…alam mo naman anong nangyari last time pero ngayon mas malakas na ako…at di ka na makakabalik pa muli!” sigaw ng demonyo.
Lalo lumapit si Saturnino kay Basilio at tumayo lang sa harapan niya, “Sige lapit ka pa para mas mabilis kang maabo loko” sabi ni Basilio. “Basta wag mo lang ako hahalikan…sige show me your power…Ba-si-siw!” sabi ni Saturnino sabay ngumiti.
Nagsabog ng malakas na asul na apoy si Basilio mula sa kanyang katawan, humawak sa kanya si Saturnino at nagkatitigan. Lalo pang lumakas ang apoy at ngumiti lang si Saturnino, “Eto ba yon?” sabi nya kaya nainis si Basilio at lalo pang lumabas ang asul na apoy at lumalabas narin ang pula at itim. DI natitinag si Saturnino at mistulang walang epekto ito sa kanyang katawan. Nanginginig na sa galit si Basilio pero steady lang si Saturnino na nakahawak sa kanya.
Malakas na pagsabog ang buong paligid nagkulay asul ang buhangin saglit pero nang humupa ang asul na ilaw ay nakatayo parin si Saturnino sa harapan ni Basilio. Nagsimula nang manginig sa takot ang demonyo at di na niya naiintindihan ang nangyayari. “Imposible na ito!!!” sigaw ni Basilio at inulit niya ang pangyayari pero ganon parin, nakatayo parin sa harapan niya si Saturnino at nakangiti.
“I didn’t die…I made you think I died ang di mo alam part of me lived inside of you Basilio” sabi ni Saturnino at nanlaki ang mga mata ni Basilio at napaluhod siya sa buhangin. “Alam mo madami ako natutunan sa mga kaibigan ko, the last time we fought pumasok ako sa loob mo pero di kasi ako magaling at ganon kabilis tulad ni Lord Waps kaya natagalan ako. Pero nabuhay ako sa loob mo Basilio, at doon naintindihan kita…kaya etong pagpapakita mo ng lakas binalik mo lang ang life force ko sa akin na may dagdag pa” sabi ni Saturnino.
Nagliyab ang mga kamay ni Saturnino ng asul at lalong nagulat si Basilio…”kung kanino napunta ang asul na apoy sa kanya ang pinakamalakas na kapangyarihan…hindi din siya matatablan nito…we became one Basilio so nakilala din ako ng asul na apoy…and while I was inside of you nagbago ka…you became me…nagkaroon ka ng awa…you depended so much on that book…naging kampante ka…kahit na basahin mo yung libro lagi kang panalo sa ending pero ang di mo alam…you are me and I am you…it never said sino talaga ang mananlo!”
“Ang sinabi lang ng libro ay Basilio!!! Inintindi ko yon maigi ng ilang araw habang nandito ako sa lugar na ito…oo sabi ko paghahandaan kita…nagpatawag ako ng madaming demonyo dito para subukan ko isipin ikaw sila…pero di ko sila makayang patayin…kasi di ako si Basilio. Doon ko naisip…kailangan ko maging ikaw…di ko makaya patayin ni isang demonyo, pinatulog ko lang sila…kinailangan ko maging ikaw para mapatay ko sila at doon ko naisip na ako ay magiging ikaw”
“Habang nasa loob mo ako sinubukan kita intindihin pero panay kadiliman ang nakikita ko…kahit anong gawin ko pabaguhin ka…wala e…pero nagpakita ka ng awa sa nanay ko that means nakaapekto ako sa iyo…pero sa nakita ko Basilio hindi ka dapat nabubuhay sa mundong ito..sakim ka…there is no other choice but to kill you” sabi ni Saturnino.
Biglang tumawa si Basilio at dahan dahan siyang bumangon. Di siya makapagpigil sa pagtawa at tinuro si Saturnino. “You cant kill me…oo I am powerless now…pero alam ko sa loob mo masyado kang mabait para magawa yon…Ahahahahah Saturnino Satanas lagi mo ako napapatawa” sabi ni Basilio.
“Alam ko…pero kaya kita saktan…alam mo ba tong lugar na ito hindi lumulubog ang araw…” sabi ni Saturnino at binanatan niya ng kidlat ang dibdib ni Basilio at itoy napahiga. Tumawa lang si Basilio at sinubukan bumangon pero napahawak ito sa mga tenga niya. Nanlisik ang mga mata ni Saturnino at inangat niya sa ere si Basilio.
“Di kita papatayin…sisiguraduhin ko buhay ka ng matagal…matagal na matagal. Kayak o magsakripisyo at sasamahan kita dito sa lugar na ito…bibigyan kita tsansa matulog…magpahinga…tapos sasaktan kita ulit. Pero sabihin mo lang kung di mo na kaya…bibigyan kita kapangyarihan para wakasan ang sarili mong buhay…pero sa ngayon sasaktan talaga kita!!!” sigaw ni Saturnino.
Parang laruang manika naitapon tapos si Basilio, pinatikim ni Saturnino sa kanya ang lahat ng kapangyarihan na natutunan niya. Isang oras lumipas napakalungkot ni Basilio at umiyak, isang hawak ni Saturnino at bigla nalang tumawa si Basilio at nagpagulong gulong sa buhangin. Isang oras lumipas at naglabas si Saturnino ng Blue saber nya, sinugatan niya ang hita ni Basilio sabay binudburan ng buhangin. Sobrang sigaw ni Basilio pero walang nakakarinig sa kanya.
Pitong araw sila namalagi sa loob at hinang hina na si Basilio, lumuhod siya papalapit kay Saturnino at nagmakaawa. “Wakasan mo na ako…akin na…di ko na kaya” sabi nya at tumayo si Saturnino at hinawakan ang balikat ni Basilio. “Ayan tamang tama lang yan para patayin mo sarili mo…wag mo na subukan gamitin sa akin pagkat di na kita muli pagbibigyan pa” sabi ni Saturnino.
Lumuhod si Basilio at nagbaga ang mga kamay niya at napasigaw siya pagkat unti unti siyang nalulusaw, “Saturninooo!!! Tandaan mo di pa ito tapos! Maaring mawala ako pero meron at meron parin papalit sa akin!!!” sigaw ni Basilio at tumalikod na si Saturnino para di niya makita ang pagkalusaw ng kalaban niya.
“Kung meron man…I will be waiting”
(Next Chapter…Epilogue…you still would not want to miss this)