black2

Friday, May 15, 2009

Chapter 35: Limang Bulaklak

Chapter 35: Limang Bulaklak

Ang naulilang ama nagbaba ng itim ang kanyang mga mata, hawak ng mahigpit ang ginting tinidor na huling sandata na gamit ng namayapa niyang anak. Sa likod niya mga demonyo na nanlilisik sa galit, sa ere ang mga anghel, lahat sila gusto makabawi, gusto makapaghiganti para sa kanilang kaibigan.

Pati ang dalawang tao na naiwan pilit binubuhat ang maso, isang kamay nila pinupunasan ang kanilang mata na napuno ng luha. Di sila makalayo pagkat agad nahawakan sila sa leeg ni Barubal, “Mga iha alam ko gusto niyo makaganti…dito nalang kayo samahan niyo mama niya…ako nalang ang gaganti para sa inyo” sabi ng demonyong higante. Pinulot niya ang higanteng maso niya at pinunasan ang mga mata niya.

Kahit sugatan sumugod parin, alam nila lahat na di nila kaya si Basilio ngunit tumatak sa isipan nila ang sinabi ni Saturnino. “Hindi natin malalaman hanggang di natin susubukan.”

Sa isang gilid nandon si Jenny yakap yakap parin niya ang patay niyang anak, mga pakpak niya tinakpan silang dalawa at dinig na dinig ang malakas nyang pag iyak. Nakapalibot sa mag ina nakabantay sina Jana, Yammy, Petina, Serena at Alyssa, lahat sila di parin makapaniwala at lahat nagluluksa.

Naging madugo ang laban ngunit tawa lang ng tawa si Basilio, kahit na pinapaulanan na siya ng mga kidlat at napalibutan ng kampan ng kabutihan, tila wala umeepekto o nakakagalos sa demonyong nilalang.

Lumipas ang trenta minutos tumayo si Jenny buhat ang anak niya at nagsimulang maglakad papalapit sa lugar ni Basilio. Sinubukan siya pigilan ng mga girls ngunit sinuway niya ang mga ito gamit ang kanyang kapangyarihan.

Damang dama mga mandirigma ang nag uumapaw na aura ni Jenny, tumigil sila lahat at pati si Basilio natulala. Binigyan nila daan si Jenny upang makalapit kay Basilio, si Adolfo nagtataka kaya lumapit pero bigla siyang nanigas at di makagalaw.

Lumuhod si Jenny sa harapan ni Basilio, katawan ni Saturnino niyakap niya. “Ito ang anak ko…hindi ko nakita nakasama ng eighteen years at tignan mo Basilio…patay na siya!!! Nakikiusap ako Basilio…bigyan mo kami panahon para makapagluksa…bigyan mo kami panahon para mailibing siya ng maayos. Pagkatapos non kahit ako na ang unahin mong patayin pagkat wala narin lang ako silbi…nakikiusap ako Basilio pagbigyan mo ang kahilingan ko…alam ko kayang kaya mo kami pero please give us time…just some more time…” sabi ni Jenny at humagulgol siya sa mga paanan ni Basilio.

Nakatayo lang si Basilio at tinitignan ang mag ina, mga asul na apoy sa paligid niya humina at pinikit niya ang kanyang mga mata. “Di ko alam ano nangyayari sa akin…di ako naawa…never ako naawa sa buong buhay ko…pero nagluksa din ako nung pinatay ng asawa mo ang magulang ko…hindi ko pa siya napapatawad…pinatay ng anak mo ang kapatid ko…” sagot ni Basilio at bigla siyang tumalikod. “Ngayon alam ko na kung ano ang kapangyarihan ng puting apoy na sinaksak ni Saturnino sa aking katawan….patay na nga siya pero binabangungot parin niya ako…sige…bibigyan ko kayo ng isang lingo para magluksa…pagkatapos ng isang lingo magkita muli tayo dito sa lugar na ito…tatanggapin ko ang alok mo papatayin kita sa harapan ng asawa mo!!!”

Biglang nawala si Basilio at nakagalaw na si Adolfo. “Jenny! Bakit ka nakipag ayos ng ganon?!!” sigaw niya. “Adolfo!!! Patay na ang anak natin!!!” sumbat ng asawa nya at nanghina bigla si Adolfo at napaluhod sa lupa. “Dalhin na natin siya sa langit” sabi ni Adolfo ngunit lumapit si Lord Waps. “Paano kami makikiluksa kung doon niyo siya ipupunta at ililibing? Kaibigan din namin siya” sabi ng nilalang.

Tumakbo si Jana papalapit at inagay ang katawan ni Saturnino. “Tao siya!!! Iliibing siya sa lupa…tao parin siya!!! Kasalanan niyo lahat ito! Kayo ang sumira sa buhay niya!!!” sigaw ni Jana at niyakap niya ng mahigpit si Saturnino at humagulgol. “Nakatayo pa ang bahay namin, kahit doon nalang ang lamay” alok ni Yamika kaya lahat sila nagtungo na doon.

Isang araw ang lumipas at may gintong kabaong na dinala sina Lord Waps at Devilo, doon nila ihiniga si Saturnino. Ang mga anghel ang nagbihis at nag ayos sa kanya habang patuloy ang pagluluksa ng iba.

Pagkatapos ng tatlong araw, sa langit nakikipag usap ang mag asawa kay Bro upang ibalik nila ang kanilang anak. “Alam niyo naman na hindi ako pwede makialam sa ganyan. Nalulungkot din ako sa nangyari ngunit meron ako gusto ipakita sa inyo” sabi ni Bro. Sa visual pond may imahe ang lumabas, si Ayana na nakaupo sa gilid ng batis at nilalaro ang paa niya sa tubig.

“Tignan niyo siya…she knows what happened already but still she waits for him. Your son promised her that he would come back to her when the battle is over” sabi ni Bro. “Pero patay na ang anak namin!!!” sigaw ni Jenny. “E di sabihin mo sa kanya!!! Puntahan mo si Ayana and tell her that!” sigaw ni Bro. “Ako na mataas na nilalang di parin makapaniwala hanggang sa ngayon na isang mababang nilalang pa ang kinailangan upang ipaalala sa akin tungkol sa tiwala…yes Saturnino taught me that…he said have faith…believe what you want to believe” sabi ni Bro at naglaho siya.

Sa batis nakaupo si Ayana at may lumapit na batang anghel sa kanya. “Ate bumalik na ba si devil?” tanong ng bata at pinunasan ni Ayana ang mga luha at nginitian siya. “Wala pa siya…ang name niya Saturnino” sabi ni Ayanan at nakitabi sa kanya ang bata. “Sanito? Tulad ng pangalan ng friend ko?” tanong ng bata at natawa si Ayana. “Hindi, Sa tur ni no” paliwanag ni Ayana. “Ah…Saturnino…bakit wala pa siya ate?” hirit ng bata at napatingin sa tubig si Ayana. “Wag kang mag alala babalik siya…kung gusto mo samahan mo ako dito para antayin natin siya” sagot ni Ayana. “Sige” game na game na sagot ng bata.

Tinaas ni Ayana ang kanyang mga kamay at biglang kumulo ang tubig, may maliit na ulap ang nahulma at binuhat niya ang bata at pinahiga doon. “Wow parang kama!” sigaw sa tuwa ng bata at dumapa siya at tumingin sa langit. “Siya ang nagturo sa akin pano gumawa niyan” sabi ni Ayana. “Hmmm nasan na kaya siya ate? Pero sabi nila natutulog daw siya sa lupa e gusto ko nga namin siya visit kasama mga friends ko” sabi ng bata. “Bibisitahin niyo siya?” tanong ni Ayana. “Opo ate tapos yayain gisingin namin para bumalik na dito” sagot ng bata at natawa si Ayana. “Ano pangalan mo?” tanong ni Ayana. “Dada…pero mamaya na kasi ang sarap mahiga dito…tulog muna ako ate ha” sabi ni Dada at napangiti si Ayana at hinaplos ang ulo ng batang anghel.

Kinabukasan sa batis may nagtipon tipon na grupo ng mga batang anghel at may inaantay pa sila isang kasama. “Dada nasan na si Sanito?” tanong mas batang babaeng anghel. “Mag wait ka Nadine, tignan mo si Danica nag wewait lang” sagot ni Dada. “E pano ba tayo pupunta sa house ni Saturnino?” tanong ni Patrick. “Oo nga alam mo ba house niya?” hirit naman ni Jan Paul. “Si Sanito na bahala” sagot ni Dada at ilang saglit pa dumating narin ang inaantay nilang batang anghel. “Tara na, sabay tayo kay ate Angela, dali na bago tayo mahuli ni Bro” sigaw ni Satino at nagliparan ng mabilis ang mga munting kerubin.

Ilang minuto lumipas at sumulpot sila sa labas ng bahay nina Yammy, hilong hilo ang mga bata at tumatawa si Angela. “Hay naku don’t worry masasanay din kayo” sabi ni Angela at isa isa niyang binangon ang mga bata. Sinundan nila si Angela papasok sa bahay, lahat ng nilalang doon napatingin sa mga bata. Lahat humawak sa legs ni Angela habang papunta sila sa kabaong ni Saturnino.

Sa isang tabi nagtatago si Barubal, siniko siya ni Mani-king at tinuro ang isang batang anghel. “Barubal diba yan yung batang pinisa mo?” bulong ni Mani-king at ayaw tumingin ni Barubal. “Pare naman wag mo na ipaalala, naka trip lang ako non…at I have changed na pare…uy wag na baka makita pa niya ako…di pa ako marunong magsorry” bulong ni Barubal at pinagtawanan siya ng ibang demonyo. Napatingin tuloy ang mga batang anghel sa kanya at nagkatitigan sila ni Sanito.

Kumaway lang ang bata sa kanya sabay ngumiti, napakamot si Barubal at napakaway narin. “Pare okay na ata pinatawad na niya ako” bulong ni Barubal at tumawa si Mani-king. “Sa tingin mo pre bagay ko ba maging angel?” hirit ni Barubal at sobrang tawanan ang mga demonyo. “Pare di ka makakalipad sa laki mo, kailangan mo ng napakalaking pakpak at magsuot ka lagi ng parachute” biro ni Raldske. “Ah shadap eto tagay pa kayo o…ngayon ko lang kayo nakita ah…sige inom…di ko alam may friends si Benjoe na madami…sige tagay pa o” sabi ni Robert nang ipasa niya ang isang batya na puno ng gin kay Barubal. “Pare itong taong to di na tumigil sa pag inom mula first night ah” bulong ni Devilo. “Wag kang mag alala sa atin mapupunta yan…asset yan pare” sagot ni Raizen at nagtawanan sila.

Lumapit ang mga bata sa kabaong at isa isa nagsimula umakyat, nagtawanan ang mga nilalang kaya lumapit ang ibang anghel para buhatin sila para makita nila si Saturnino. Hinawakan ni Dada ang pisngi ni Saturnino at tinapik tapik ito, “Kuya gising ka na” sabi nya at sumunod ang ibang mga anghel at pilit ginigising ang patay nang Saturnino.

Tinignan ni Dada si Angela, “Ate bakit puyat ba si kuya?” tanong niya. Halos maluha si Angela pero pinigilan niya ang pagbagsak ng mga luha niya. Di niya alam ang isasagot niya sa mga bata pero lumapit si Jenny at hinaplos ang ulo ng anak niya. “Pagod lang si kuya hayaan niyo na muna siya magpahinga” sabi nya at nagsibabaan ang mga bata at nagbulungan. Naglakad sila papalapit sa mga nag iinumang demonyo at pinagmasdan ang giant maso ni Barubal. “Nasan yung malaking pako?” tanong ni Nadine at lahat sila tinignan si Barubal. “Nagamit ko na e” sagot ng higante. “Karpintero ka kuya?” tanong ni Danica habang si Patrick at Jan Paul sinubukan buhatin ang maso. Tumulong si Sanito at Dada. Tumawa si Barubal, “Hindi ako karpintero…ah…mahilig lang ako pumokpok” sabi nya. Nginitian siya ni Sanito at tulong tulong ang mga batang anghel na tinaas ang giant maso at minaso nila ang isang paa ni Barubal.

Napatalon si Barubal at napasigaw habang nakipag appear ang ibang demonyo sa mga anghel na bata. Nagtakbuhan sila palabas ng bahay at tawa sila ng tawa. Ang tawa napalitan ng simangot at mga luha nagsimula mabuo sa mga mata nila. “Bakit sila nagsisinungaling sa atin?” sabi ni Dada. Walang sumagot sa kanila at lahat sila nanahimik. May nakita si Nadine na mga batang nagtatago sa likod ng puno kaya tinuro niya sila. Agad nila pinuntahan ang puno at lumabas ang mga batang demonyo.

Pumorma si Patrick at Jan Paul pero nagsilabasan pa ang ibang batang demonyo kaya napaatras sila. “Hindi kami makiki fight, ask namin help niyo” sabi ng isang batang demonyo. “Bakit?” tanong ni Dada. “Kasi naririnig namin si kuya Saturnino pero kulang powers namin…pag tulong tulong tayo siguro maririnig natin siya” sabi ng demonyo.

“Patay na si kuya!” sigaw ni Danica. “Hindi! Naririnig namin siya…try niyo kasi pakinggan pero mas maririnig pag sama sama tayo powers” sagot ng batang demonyo. Anim na anghel at anim na demonyo ang naghawak hawak kamay, nagconcentrate sila at sinubukan nila pakinggan ang tinig ng namayapa nilang kuya.

May narinig silang tinig pero bumitaw ang mga anghel at natakot sila. “Hoy ano binabalak niyo…tatakutin niyo kami ano?” sabi ni Sanito. “Hindi! Si kuya talaga yon” sabi ng demonyong bata. “Imposible! At sabi nila hindi pa siya nakakapunta sa hell e, pano niyo siya kilala?” tanong ni Patrick. “Hindi pa pero lagi siya nakwekwento ni kuya Barby” sabi ng babaeng demonyo. “Kuya Barby? Bakla siya?” tanong ni Jan Paul. “Hindi naman pero ang haba kasi ng name niya Barubal at pangit pakinggan kaya kuya Barby nalang, siya yung malaking devil na may malaking maso” sagot ng bata. Nagtawanan ang mga anghel at medyo naniwala na sila sa mga demonyo.

“Nagvisit kami dito kahapon at doon namin siya narinig pero mahinang mahina humihingi siya ng tulong, ako pala si Antonio” sabi ng lalakeng demonyo. Nagpakilala na ang ibang batang demonyo, si Sarry, Mimi, Virgo, Veronika at Pluto. Muli nagtawanan ang mga anghel at ibang demonyo at nagsimangot si Pluto, “Oo na Plutoniko…wag niyo naman tawanan name ko” sabi nya at bungisngis parin ang iba. “E di Doggy naman itawag namin sa iyo” tukso ni Antonio at nag away bigla ang dalawa at tawa ng tawa yung iba.

“Uy try na natin” sabi ni Dada kaya nagform sila ng bilog at naghawakan ng kamay. Todo concentrate sila at mula sa dibdib ng mga anghel lumabas ang puting ilaw, sa mga batang demonyo naman ay itim. Nagsanib ang dalawang pwersa at lahat sila bumagsak sa lupa at nakatulog. Sampung minuto lumipas at naunang nagising si Antonio at ginising niya ang lahat, mabilis sila tumayo at parang ganado umaksyon.

“Kailangan natin mahanap yung limang bulaklak ni kuya” sabi ni Mimi. “Oo nga alam natin nakay Ate Trina at Tanya yung dalawa” sabi ni Virgo. “Yung dalawa nakay Ate Jana at ate Yammy” sagot ni Danica. “Pero nasan yung isa pa?” tanong ni Sanito at lahat sila nagtinginan. “Di sinabi ni kuya e, naputol ang koneksyon baka low batt siya” sabi ni Pluto at nagtawanan ulit sila.

“Kailangan natin kunin ang mga bulaklak pero sabi ni kuya wag natin sabihin kahit kanino sabi ni Antonio. “Pano natin kukunin?” tanong ni Dada. “Kailangan natin magpacute at kunwari sasama tayo sa mga ate, makikitulog at makikitira kunwari tayo…madami lang ito kasi cute na tayo” sabi ni Antonio at lahat sila nagpacute at nagtawanan. “Sige dun na ako kay Ate Tanya!” sigaw ni Sarry sabay nanlaki ang mga mata niya at halos malaway na siya. Binatukan siya ni Mimi bigla. “Manyakis ka, magmamana ka kay kuya na babaero!” sigaw ni Mimi.

“Kami mga babae ang kukuha nung apat, kayo mga lalake maghanap nung pang lima” sabi ni Veronika kaya umalis na ang mga babae at pumasok sa bahay habang naupo sa lupa ang mga batang lalake. “Pano natin malalaman kanino binigay ni kuya yung last?” tanong ni Patrick.. “Malamang babae yon, kasi babaero si kuya” sabi ni Virgo. “Sana babae tapos punta tayo house nila” hirit ni Sarry lahat napatingin sa kanya. “Magmamana ka talaga kay kuya” tukso nila at muli sila nagtawanan.

“Pero madami naman babae, may tao, may demon, may angel e sino don?” tanong ni Jan Paul. “E pag bibigay ka flowers diba dapat love mo…baka love din siya ni kuya” sabi ni Patrick. “So papasok tayo sa house tapos tanong natin sino pa love ni kuya” sabi ni Virgo at tumayo sila lahat at nagtakbuhan papasok ng bahay.

Samantala sa langit pinapanood ng dalawang magkaibigan ang visual pond at aliw na aliw sila sa mga bata. “Bro sa tingin mo ba magtatagumpay sila?” tanong ni Brod at napangiti ang matanda. “Hindi ko masabi e, itong balak nila gawin labag sa batas pero bilib talaga ako sa Saturnino na yan. At ang mga bata lang nakakarinig ng tinig niya pagkat inosente pa sila, magaling talaga” sabi ni Bro. “Oo akala mo kung nakikita niya ang future ano? Akalain mo nakayanan pa niya paghandaan ang sitwasyon na ganito” sabi ni Brod at nagtawanan sila. “Maski ako never ko naisip yang ginawa niya, oo pinapanood ko siya nung araw na yon bago siya bumaba sa lupa pero di ko maitindihan bakit niya iniwan ang ibang life force niya sa mga bulaklak…pero mga bulaklak na yan hindi nalalanta kaya pati life force niya mananatili doon” sabi ni Bro.

“At binigay pa niya sa mga mahal niya na alam niya aalagaan nila ang bulaklak na yon” sabi ni Brod at nagtawanan sila. “Kakaiba talaga yang batang yan, pag nagretire tayo di na ako magtataka kung siya ipapalit sa akin” sabi ni Bro. “Ako din, baka siya pumalit sa akin” sabi ni Brod at nagkatinginan sila. “Half half…pwede ano? Baka siya na ang magdadala ng kapayapaan sa langit at impyerno? What do you think?” sabi ni Bro at pareho sila napangiti. “Peace…teka…nakanino ba yung panglimang bulaklak e di nga niya mahanap si Michelle noon kwento mo sa akin” tanong ni Brod at tumawa si Bro. “Panoorin mo nalang” sagot ni Bro.

Huling gabi ng lamay muling nagtipon ang little angels at devils, alam na nila kung saan nakalagay ang apat na bulaklak pero yung panglima di pa nahanap ng mga boys.

“Dapat mahanap niyo na yung last, kailangan na ni kuya bukas” sabi ni Dada sa boys. “Natanong na namin sa lahat wala daw bigay kuya na flower” sagot ni Virgo. “E pano na yan?” tanong ni Mimi. “Try natin contact kuya ask natin sino yung last” sabi ni Veronika kaya sinubukan nila ulit makausap si Saturnino pero walang nangyari.

Sa kwarto ni Yammy nakolekta ng mga bata ang apat na bulaklak, binantayan ito ng mga girls habang ang mga boys sinubukan ulit maglibot para hanapin. Hating gabi na at sumuko na ang mga boys kaya pumasok sila sa loob at lumapit sa nanay ni Saturnino. “Cus me tita, may kilala pa ba kayo girlfriend ni kuya na di pa visit?” tanong ni Sanito. Natawa bigla si Jenny at pinagyayakap ang mga little angels and devils. “Ang cute cute niyo, bata pa kayo ha pero alam niyo ang ganya…hmmm teka oo nga matagal ko na di nakikita si Michelle….Angela! Di ko pa nakikita si Michelle!” sigaw ni Jenny at lahat natauhan. Dahil sa pangyayari wala pa nakakakita sa anghel mula nung maglaban sila ng guardian demon ni Basilio.

Mabilis na nagtipon ang mga anghel kasama si Angela at sinubukan nila hanapin si Michelle habang ang mga little kids lalo nalungkot. “O bakit kayo malungkot at bakit niyo ba hinahanap si Michelle?” tanong ni Jenny. Napasimangot ang mga kids at nahiga sila sa sahig, “Wala na…may secret mission kami tita…kailangan namin mahanap mga love ni kuya kasi kailangan namin kunin yung flowers na binigay niya sa kanila” sabi ni Patrick pero tinakpan ni Jan Paul ang bibig niya. “Shhh…secret nga e” sabi nya at natawa si Jenny.

“May secret kayo…meron din ako secret” sabi ni Jenny at napaupo ang kids at tinignan siya. “Halikayo punta tayo sa bahay namin” sabi ni Jenny at tumayo ang mga anghel pero naiwan nakaupo ang mga little devils. “Pati kayo sasama” sabi ni Jenny at nagulat ang mga batang demonyo. “E tita baka di kami pwede dun” sabi ni Pluto. “Ako bahala sa inyo, lapit kayo sige na” sabi nya at lumapit sa kanya ang mga bata at niyakap niya ang mga ito, isang iglap nawala sila at sumulpot sa loob ng bahay sa langit.

Bagsak sa sahig ang mga bata at hilong hilo, sa sofa nandon si Adolfo at pinupunasan niya ang mata niya. “Dito ka pala nagtatago Adolfo, sige na paglutuan mo ng pagkain ang mga bata” sabi ni Jenny at napansin ni Adolfo ang mga batang demonyo. “Honey, ano ibig sabihin nito, kaya ko pa naman ah, kaya pa kita bigyan ng baby. Bakit nag ampon ka ng madami?” tanong ni Adolfo at tumawa si Jenny at tinabihan siya. “Look at them they are so cute…namimiss ko na siya Adolfo” sabi ni Jenny at tumulo na ang mga luha sa mga pisngi niya.

Matapos mag midnight snack ang mga bata lumabas ng kwarto si Jenny at may dala siyang bulaklak. Naupo siya sa tabi ng mga bata at lahat sila napatingin sa bulaklak. “Yan ba yon?” tanong ni Patrick. “Di e, dapat girlfriend na love ni kuya” sabi ni Pluto at natawa si Jenny. “Bakit girlfriend lang ba ang pwede bigyan ng flower? Valentines day…bago ako matulog nakita ko ito sa kwarto namin ng tito niya, nakalagay siya sa isang vase at may sulat na maliit. Galing ito sa kuya niyo” paliwanag ni Jenny at biglang natuwa ang mga bata.

“Tita pwede amin nalang yan?” tanong ni Sanito at napasimangot si Jenny. “Bigay ito ng anak ko sa akin e…ito ang first gift ko na natanggap sa kanya” sabi ni Jenny at lahat ng kids napasimangot. “Pano na yan?” bulong ni Patrick at niyuko nila lahat ulo nila. Pinagmasdan ni Jenny ang bulaklak at bigla nalang may iba siyang nararamdaman. Hinawakan niya ng dalawang kamay ang bulaklak at biglang nangilabot ang buong katawan niya.

“Jenny anong nangyari sa iyo?” tanong ni Adolfo nang tabihan nya asawa nya. Tulala si Jenny at tinignan niya ang mga bata. “Adolfo…hawakan mo to” sabi nya at kinuha ni Adolfo ang bulaklak at naramdaman din niya ang kakaibang aura galing sa bulaklak. Nagtinginan ang mag asawa at nagngitian, “He is alive” sabi ni Adolfo at nagyakapan silang mag asawa.

“Children eto o…kunin niyo na” sabi ni Jenny at biglang lumiwanag ang mga mukha nila. “Talaga tita?” tannog ni Antonio at lahat sila tumayo na at kinuha ang bulaklak.

“Kids…please bring him back to us” sabi ni Jenny at nginitian lang siya ng mga bata.

Linkbucks