black2

Tuesday, May 12, 2009

Chapter 31: First Strike

Chapter 31: First Strike

Masarap ang aking tulog pero ginising ako ni Ayana, pagmulat ko ng mata ko nasa puting disyerto kami kaya agad ako tumayo at napalingon sa paligid. “Nasan tayo?” tanong ko at takot na takot kumapit sa akin si Ayana. “I don’t know” sabi nya. Wala kaming makita ni isang puno, hayop o ibang nilalang. Kahit pilitin namin tumingin sa malayo talaga diretsong disyerto lang.

Naglakad lakad kami ni Ayana at di namin alam saan kami pupunta, after thirty minutes na kalalakad ay napaupo kami sa lupa pagkat wala talaga kami makitang pwedeng puntahan.

Biglang lumiwanag ang paligid at may isang nilalang na sumulpot bigla, matangkad siya at matanda at natawa ako pagkat kamukha niya si Santa Claus. “Do you know why you two are here?” tanong niya bigla at natakot kami pagkat ang baba ng boses niya. Nagtago si Ayana sa likod ko at isang iglap pareho na kami may damit. “Ikaw siguro si Bro…bakit kamukha mo si Santa Claus?” sabi ko at natawa siya.

“Ang itsura ko pabago bago depende sino ang makakakita sa akin, again let me ask you do you know why you are here?” sabi nya at muli ako napalingon sa paligid at hinawakan ko ng mahigpit ang kamay ni Ayana. “Opo, sa tingin ko alam ko bakit kami nandito…pinaparusahan niyo kami” sabi ko at napangiti siya. “Mabuti naman at alam mo, alam niyo din siguro ano ang kasalanan niyo…you shall stay here the rest of your lives…don’t worry hindi kayo magugutom” sabi nya at nabalot ang katawan ko ng takot.

“I cant stay here, I have to go back down to earth” sabi ko at ang sama ng tingin niya sa akin. Yumanig ang lupa at may tubig na lumabas, nasilaw kami ni Ayana at ilang saglit may mga demonyo kaming nakikita na sinusugod ang bahay nina Trina at Tanya. “Totoo ba yan?” tanong ko at napatingin ako kay Bro. “Yes, its happening right now as we speak” sabi nya. “Hindi ako maniwala, sabi ni Basilio Holy week pa” sumbat ko. “At naniwala ka naman sa demonyo…oh sa kapwa demonyo mo?” sagot nya at galit nag alit ako pagkat traydor talaga yang Basilio nay an.

“Bro please…kailangan nila ako” sabi ko at di ko na kayang tignan ang visual pond pagkat talagang sinisira nila ang bahay. “Sorry you will stay here for the rest of your life” sabi nya at biglang nawala ang visual pond at lumuhod na ako sa lupa at nagmakaawa.

“Bro please kailangan nila ako sa lupa, ako lang makakatalo daw kay Basilio” sabi ko. “Sorry, kahit anong gawin mo…I have seen the outcome of this battle na wala ka sa tabi nila…gusto mo ba malaman anong mangyayari?” tanong niya at sinuntok ko ang lupa at niyuko ko nalang ang ulo ko. “Mamamatay sila lahat, lahat ng kasama mo. Sorry you were not there to protect them…habang nandito ka yan ang tatatak sa isipan mo…you will remain healthy and free but your mind will not be at ease knowing na naiwasan sana ang pagpanaw nila kung hindi ka nakakulong dito” sabi nya sa akin.

“Ano ang kailangan ko gawin para ibalik mo ako sa lupa?” tanong ko at tinitigan ko siya. “Hmmm…wala” sagot nya at talagang pinagsusuntok ko ang lupa. “Fine, one request before you let me stay here forever…patawarin niyo na si Ayana at ibalik niyo siya sa langit. Let me take the blame at ako nalang ang parusahan niyo” sabi ko at bigla niya tinignan si Ayana. “No! I am staying here with you!” sabi ni Ayana at niyakap niya ako.

Biglang may itim na usok na lumabas galing sa lupa at isang nilalang ang nagpakita. Nakaitim ito na matanda at nginitian agad kami, “So eto pala ang sinasabing tagapagbalik ng balance” sabi nya. “Ikaw si Brod, anong ginagawa mo dito?” tanong ko at tumawa siya. “Excuse me, I have all the right to be here kasi half half ka, so may say din ako sa parusa mo” sagot niya. “Ganun ba, ibalik mo ako sa lupa, kailangan ko sila tulungan” sabi ko. “Hmmm…dapat may kapalit” sabi nya. “Alam ko, pag matapos ako sa laban kahit ano nang gawin niyo sa akin, patayin niyo ako o ikulong niyo ako dito mag isa wala na ako pakialam basta kailangan ko tapusin ang laban” sabi ko at nagtinginan sila ni Bro.

“Nah…pero kung ibibigay mo sa akin yang kasama mong anghel e ibabalik kita agad sa lupa” sabi ni Brod at tinago ko sa likod ko si Ayana. “Mukha mo!” sumbat ko at nanlisik ang mga mata niya pero pinakalma siya ni Bro. “May angking yabang ito ha…hayaan mo sila manigas dito Bro…pero kung ibibgay nya sa akin si Ayana…hmmm” sabi ni Brod. “Bago mo siya makuha dadaan ka muna sa akin…alam ko mas malakas ka pero habang nakakahinga ako di kita aatrasan demonyo ka!” sigaw ko at tumawa siya ng malakas at naramdaman ko nalang na nasasakal ako ng napakalakas na aura niya. “Yan lang ba kaya mo Brod? I bet you don’t have the balls to finish me” hamon ko at lalo pa niya ako sinakal at nahihilo na ako at nagdidilim paningin ko. “Brod!!! Tama na!” sigaw ni Bro at bagsak ako sa lupa at naghahabol ako ng hininga. “Tarantado ka…makaalis lang ako dito tandaan mo…kahit ikamatay ko kakalabanin kita” bulong ko.

Iniwan kami ni Ayana at wala kaming magawa kundi magyakapan. Hindi lumulubog ang araw kaya di namin alam kung naka ilang araw na kami sa lugar na yon. Ang kagandahan ay never kami nagugutom, hindi kami naiihi o nababawas. Para kaming robot na tuloy ang buhay pero tama si Bro, naglalaro sa isipan ko ang nangyari sa lupa at ang sabi niyang namatay lahat ng kakilala ko. Sobra ko dinamdam ito at talagang inalalayan ako ni Ayana.

“Saturnino pag alam mo ito ang kapalit ng nagawa natin…” tanong niya bigla. “Oo, kahit ilang beses pa ipaulit ang buhay ko ikaw parin pipiliin ko. Sawa na ako nadidiktahan ang buhay ko, gusto ko ako naman. Kung iisipin mo di ko naman ginusto maging the chosen one na yan. Nakakalimutan ata nila na may sariling isip din ako e. I chose to comit the sin and this is the punishment. Pag sinabi may chance ako mabuhay ulit, gagawin ko parin yon…at least kahit papano…kahit na ganito kinalagyan natin…kasama naman kita…pero I wanna say sorry na nadamay pa kita” sabi ko.

“No, don’t be…we committed the sin together…at happy din ako na kasama kita kahit na ganito” sabi nya. “Di ba talaga didilim dito?” tanong ko at bigla siyang tumawa. “Bakit kasi?” tanong niya. “Ah wala lang…e wala magawa dito e…ganito din sa bukid ano, wala kuryente wala magawa kaya ang daming anak ng mga tao sa bukid” sabi ko at tawa siya ng tawa. “E pano kung sumulpot sila bigla?” landi niya at ngumiti ako. “Mamatay sila sa inggit” sagot ko at tawa kami ng tawa.

Tintotoo talaga ni Bro ang parusa, napansin ko humahaba ang buhok ko at nagmimistula akong caveman pagkat pati balbas meron na ako. Wala na kaming mapag usapan ni Ayana, nakatitig nalang ako sa magandang mukha niya habang minamasahe niya ang ulo ko. “Sa tingin mo ilang araw na tayo dito?” tanong ko at napaisip siya. “Siguro two years” sabi nya at nagulat ako. “Two years?” tanong ko at tumawa siya. “Base mo nalang sa tubo ng buhok natin, look ang buhok mo abot na sa likod mo, ako naman abot nap wet…don’t tell me days lang yan…” sabi nya.

“Two years na nga siguro…inaagnas na siguro mga bangkay nila” biro ko at nagtawanan kami. Totoo ang sinabi ni Ayana, sa tagal ng panahon namin doon di ko na napapansin talaga kung ilang araw ang lumipas. Araw araw ako nag eexercise para malibang lang ako kasi wala talaga magawa kundi matulog at magpaligaya. Kung sana lumulubog ang araw e nabibilang namin ng husto pero ni minsan hindi kumulimlim. “Sa tingin mo ganito din nangyari kina Adam and Eve?” tanong ko. “Sino mga yon?” tanong niya at napangiti nalang ako. “Ah wala siguro gawa gawang kwento lang ng tao…wala magawa ano?” sabi ko at tumawa siya at pinalo ang nook o. “You want to make a baby?” tanong niya at nagulat ako at napabangon. “Seryoso ka?” tanong ko at ngumiti siya. “Look, if we are to stay here for the rest of our lives e di magkapamilya narin tayo dito” paliwanag niya.

“Okay, ilang ba anak gusto mo?” tanong ko at tawa siya ng tawa. “Sira, lets start with one first” sabi nya at napangisi ako. Naghubad na kami pero bigla nalang sumulpot yung dalawa. Paglingon ko may dalang video camera pa si Brod at nakalawit ang dila niya. “Wrong timing naman mga to o” sabi ko at tumawa si Brod. “Kunwari wala kami dito…sige na…ikakalat ko to sa mga forums…sigurado sisikat ako” biro niya at binatukan siya bigla ni Bro.

“Magdamit kayo” utos ni Bro kaya mabilis kami nagdamit ni Ayana. May lumabas na visual pond at pinapakita ulit ang pagsugod ng mga demonyo sa bahay ni Trina at Tanya. “Bakit mo pa ipapanood sa akin yan? Para magregret ako lalo?” tanong ko. “Shut up, live yan” sabi ni Brod. “Anong live e yan mismo yung pinanood namin two years ago e” sabi ko at tumawa silang dalawa.

“Two years ago or two minutes ago?” tanong ni Bro at nagtinginan kami ni Ayana. “Haller!!! Makapangyarihan kami, dito feeling niyo two years…pero sa real world two minutes lang ang lumipas so itong pinapanood natin ay live feed mismo” sabi ni Brod. “At bakit ang boring naman nitong visual pond, makaluma ka talaga Bro, teka nga mas maganda pag ganito e” sabi ni Brod at isang iglap napakalaking flat screen television ang lumabas with matching sofa at chichirya.

“Ayan lets sit down and enjoy the show” sabi ni Brod at tinignan ko si Bro. “Bakit pa natin papanoorin ito e sabi mo mamatay sila?” tanong ko at tinignan ni Brod si Bro. “Aha! Liar ka din pala!” banat ni Brod. “Tumahimik ka, I had to tell a white lie para makita ko ang reaction mo. So I lied, I know how this will end but I wont tell you” sagot niya. “Ako din alam ko pano pero ang di namin alam pano at ano ang mangyayari, basta alam namin na….manood nalang tayo” sabi ni Brod pagkat binatukan siya ni Bro.

“Dapat nandon ako” sabi ko at tinapik ni Bro ang balikat ko. “Iho wala ka bang tiwala sa mga kasama mo?” tanong niya. “Meron naman po pero nag alaala lang ako baka kailangan nila ako doon” sagot ko. “Just watch iho” sabi nya at naupo ako ng maayos at hinawakan ni Ayana ang kamay ko.

Ang daming demonyo ang sumugod sa bahay pero biglang nagkalat ang mga kidlat at natuwa ako. “Si Raizen yan!” sigaw ko at nag appear kami ni Brod. Ang daming demonyo ang natamaan ng kidlat ni Raizen, lalo kami natuwa nang lumabas si Mani-king at nakasuot siya ng magarang coat and tie, tumayo siya ng tuwid at kumanta na parang nasa isang concert. Nanigas bigla ang mga sumugod na demonyo, nagsilabasan na ang iba ko pang kasama at lalo ako naging excited.

Pinakita ni Trina ang bangis niya at nagulat sila nang naglabas siya ng itim na espada niya at kay daming demonyo at napaslang niya. “Yan na ang favorite ko!” sigaw ni Ayana at biglang lumabas si Barubal dala dala niya ang nagbabagang giant maso niya, lahat ng nanigas na demonyo pinagpapalo niya at bawat demonyong napatay niya sumasayaw siya kaya tawa kami ng tawa.

Nakikita kong nag eenjoy ang mga kasama ko, nakahinga ako ng maluwag lalo na nung lumabas si Yaps at pinaghahabol niya ang mga babaeng demonyo. Winawasiwas niya ang mahabang ari nya kaya pagtingin ko kay Ayana halos mamatay na siya sa tawa. Bigla nalang kami natahimik nang may malakas na pagsabog. Tumba ang mga kasama ko kaya ako ay agad napatayo.

Dalawang babae na nakalutang sa ere ang sumulpot at nagtatapos ng itim na apoy sa paligid. Dinig na dinig ko ang sigaw ni Tanya at Trina, sinugod sila ni Devilo at Raldske pero di sila makalapit at muntik na sila matamaan ng itim na bolang apoy. Umulan ng itim na apoy kaya nagtago ang mga kasama ko, kinakabahan na ako at napatingin ako kay Bro. Tinuro niya ang telebisyon sa akin kaya huminga ako ng malalim at nanood nalang ako.

Isang nilalang ang biglang sumulpot sa likod ng mga babae at hinawakan ang mga balikat nila. “YESS!!!” sabay namin sigaw ni Brod at si Lord Waps yon. Nagharap ang dalawang babae at bigla silang naghalikan, “Ay bakit anong nangyari?” tanong ni Ayana at tawa kami ng tawa ni Brod. Namatay bigla ang telebisyon at tumayo si Bro sa harapan namin.

“Don’t worry mananalo sila, walang masasaktan sa kanila. They will be fine so you can relax” sabi ni Bro. “Salamat po” sagot ko at tumayo narin ako at naglakad kami ni Ayana palayo. “Saan ka pupunta, bumalik ka dito at mag uusap tayo” sabi nya kaya bumalik kami at hinawakan niya ang balikat ni Ayana at bigla siya nawala. “Bro! Nasan si Ayana?” tanong ko. “don’t worry, I sent her back to heaven” sabi nya at pinaupo niya ako at tumayo ang dalawang nilalang sa harapan ko.

“Saturnino, nagsimula na umatake si Basilio. First strike palang niya ito at may susunod pa” sabi ni Bro. “Your friends will not be able to survive the third strike…the second strike makakayanan pa nila without your help pero mahihirapan sila” sabi ni Brod. “So let me go now and let me help them” sabi ko.

“Not yet…after the second strike maybe…mautak si Basilio, gusto niya malaman kung gano kalakas ang forces mo. Ang strategy niya is pahinain kayo ng husto at pag nakita niya ang outcome ng second strike I am sure sa third strike kasama na siya…and so will you” sabi ni Bro at naintindihan ko ang gusto nila mangyari.

“So di mo ako talaga pinarusahan dahil sa nagawa namin ni Ayana?” tanong ko. “I should punish you but since nag sorry ka agad forgiven na…pero wag na natin pag usapan ang minor things na yan” sabi ni Bro. “Saturnino iho nakita namin ang pagdamdam mo nang nalaman mo na mamamatay ang mga kasama mo, alam din namin napilitan ka lang tanggapin itong duty na ito and we are thankful na sumangayon ka”

“Ako at si Brod ay magkaibigan talaga, as you know kailangan talaga ng good ang evil or else boring ang mundo…we need balance…we need men to use their utaks you know…to choose what they want to do…to know what is right and what is wrong…yan ang balance” sabi ni Bro. “We add spice ika nga iho…pero pag sobra nang spice hindi na masarap ang pagkain diba? At yon ang gusto mangyari ni Basilio at kampo niya. “E alam mo naman pala yon e bakit mo sila hinahayaan?” tanong ko kay Brod.

“Iho its not that hinahayaan ko sila, kasi hindi kami pwede makialam. We just watch how things play out. Pero medyo umaabuso na sila, kung gugustuhin namin then isang iglap tapos na pero hindi ganon e. Before there are demons and angels there is man, tao na may sariling pag iisip. So as demon nandon parin ang pag iisip nila bilang tao, kaya demon kasi more on the bad side, ang angel more on the good side” sabi ni Brod.

“Nalilito ako e. E pano ako?” tanong ko. “Ikaw…you are different. Nanay mo angel at tatay mo demonyo…nung napanood namin nagtalik ang parents mo…nag usap kami ni Brod…never pa nangyari ito so sabi namin lets see what happens nalang muna” sagot ni Bro. “O tapos?” hirit ko. “So you were born, isang anomaly sa totoo lang, first ever half demon half angel at medyo nagkatalo kami ni Brod kung kanino ka mapupunta so medyo gumawa kami ng happenings kung saan gagawin kang tao and bahala na kung saan side ka mapunta habang tumanda ka” paliwanag ni Bro.

“Naging complicated lahat, akala namin okay na. Yung tatay mo mas madaming nainis sa kaniyang demonyo. So nung nalaman nila ang balita na may anak siya pilit ka nilang hinanap kasi gusto ka nila patayin para masira ang loob ng tatay mo pero naitago ka ng maayos at for eighteen years hindi nagmanifest ang powers mo” sabi ni Bro.

“E bakit unang nagpakita sa akin si daddy at sinabi agad demonyo ako?” tanong ko. “Hmmm…nag usap kami about that…he wanted to retire narin kasi so we let him transfer his powers to you…yun ang inisip niya pero sa totoo iho wala siyang nilipat na power sa iyo, meron ka non mula pa nung pinanganak ka. Ang alam ng iba ipapasa pa ng daddy mo pero hindi, iyang balita din na yan ang nagligtas sa tatay mo kasi imbes na magfocus ang kalaban sa kanya mas pinili nila na hanapin ka. Can you imagine if they did not look for you and they went straight for your father?” tanong ni Brod.

“Patay na siguro siya” sagot ko. “Korekted by!” sigaw ni Brod at napakamot kami ni Bro. “Ah sorry, gay lingo na natutunan ko” sabi ni Brod at nagtawanan kami. “Hay, napaka complicated naman masyado ng buhay ko” sabi ko at tumahimik sila. “Alam namin iho, kung pwede lang sana kami makialam e ginawa na namin pero we can only observe at konting ambon ng grasya o tulong pero never directly help” paliwanag ni Bro.

“So now what?” tanong ko. “Speaking of konting tulong we are here to give you a weapon that can help you…pero you have to choose which one you want” sabi ni Bro at biglang may lumabas na puting espada sa kamay niya at sa kamay ni Brod ang itim na espada. “Itong hawak ko ang pinakamalakas na Divine Blade at yong itim na yon eh Gillete” sabi ni Bro at bigla sila nagsikuan. “Ay ay ay wag mo ismalling ang espadang ito, iho mas malakas ito, ito ang Ultimate Dark Blade, yung puti na yan pangshave lang ng pubic hair ng dinosaur” sabi ni Brod at muli sila nagsikuan. Tawa ako ng tawa pagkat di ako makapaniwala na ganito sila kaclose.

“Ayaw ko ng mga yan!” sigaw ko at pareho sila nagulat. “Iho makakatulong ito sa iyo” sabi ni Brod. “Ayaw ko nga mga yan!” ulit ko at napaupo sila sa lupa at nag espadahan na parang bata. Di ko matiis ang matawa sa kanilang dalawa, naupo nalang ako at nag enjoy. “Bakit naman ayaw mo? We are trying to help you, so accept it, pero isa lang piliin mo” sabi ni Brod.

“Wala, ayaw ko ng tulong niyo. I can do it on my own” sabi ko at kinabahan sila. “Alam niyo natatawa ako talaga sa inyo, bakit kayo kinakabahan e I think alam niyo naman na ang ending diba?” sabi ko at nagtinginan sila. “O, diba? Alam niyo na magtatagumpay kami sa second strike tapos aatake si Basilio sa third strike, bakit parang kinakabahan kayo sa outcome nito?” tanong ko at tahimik silang dalawa at pinagmasdan ako.

“Ipakita mo na kasi sa kanya yung libro” sabi ni Brod at napatingin ako kay Bro. May nilabas na lumang libro si Bro at kapareho niya yung libro na binabasa ni Alyssa. “Nabasa ko na yan” sabi ko at seryoso ang mukha ni Bro at inabot sa akin. “Yung mga kumakalat sa lupa ay peke, pirated version at edited version, yan yung tunay na libro ng propesya” sabi ni Brod kaya agad ko binuklat at binasa.

After thirty minutes naabot ko ang ending ng libro at natulala nalang ako. “You two are going to fight each other…kasi magtatagumapay si Basilio…and mamatay ako”

Linkbucks