black2

Wednesday, May 13, 2009

Chapter 33: Grand Battle

Chapter 33: Grand Battle

(The story changes from a first person perspective it now becomes a third person perspective…hindi na si Saturnino ang nagkwekwento…si Bro na hahaha)

Sumilip na ang araw at lahat nagsimulang bumangon, kakaiba ang ihip ng hangin, malakas at may taglay nang kakaibang lamig. Sa malayo may nakatayong nilalang, ang tagapagligtas, buhok nya at coat sumasabay sa agos ng hangin, diretso lang ang titig niya sa unti unting lumalabas na araw.

Nagsimula magising ang mga babae sa kanyang paanan, lahat lumapit sa kanya at tahimik lang na pinagmamasdan siya. “Get ready, they are coming” sabi ni Saturnino at lahat nagsipaghanda na.

Sa kalayuan naglakad si Basilio papalapit, at sa likod niya may pitong babaeng nakaitim. Madami siyang dalang demonyo sa bawat gilid niya. Naglakad narin papalapit si Saturnino at kasama niya ang mga nagnanais manatili ang tamang ayos ng mundo. Lumakas ang ihip ng hangin, ang lamig naging mainit, at sa gitna silay nagtagpo at biglang tumahimik ang paligid.

Nagkaharap si Basilio at Saturnino, isang ngiti na may taglay na lagim ang nailabas ni Basilio at mula sa ulap nagsibaban ang iba pang kampon niya. Libo libo pang mga demonyo at mga itim na anghel sumama sa kampo niya at pinalibutan ang grupo ni Saturnino.

“Wag ka magtataka Saturnino, oo kumuha ako ng mga kakampon galing sa ibang bansa para tuluyan ka nang mawala” sabi ni Basilio. Naglabas si Saturnino ng isang lumang libro at inabot it kay Basilio. “Basilio! Yang ang tunay na libro ng propesiya!” sabi ng isang babae sa likod. Agad binuklat ni Basilio at binasa ang huling chapter, bigla siya tumawa ng malakas sa kanyang nabasa.

“Kanina ka pa tahimik Saturnino…so nabasa mo din ito at nalaman mo narin na walang point pa para lumaban ka. Papagurin mo lang sarili mo…at kawawa lang ang mga kasama….eto Saturnino…dahil nasa good mood ako…lumuhod ka sa paanan ko at sambahin mo ako…ialay mo ang sarili mo sa akin at hahayaan ko makaalis dito ang mga kasama mo” sabi ni Basilio.

Matagal nagkatitigan ang dalawa, humakbang paharap si Saturnino at lumuhod sa harapan ni Basilio. “Hahahahaha!!! Tanggap mo na pala…wag kang mag alala Saturnino mabilis lang kita papatayin…hindi mo mararamdaman…” sigaw ni Basilio at sa dalawang kamay nya biglang may naumong bolang itim, napalibutan ng pulang apoy at nagbaga ito ng asul. “Saturnino!!! Salamat at pinasaya mo ang buhay ko! Kung wala ka hindi ako nainspire para magpalakas! Eto tikman mo ang ginawa mo sa akin!!!” sigaw ni Basilio at sinaksak niya sa dibdib ni Saturnino ang dalawang asul na bola.

Unti unting naagnas si Saturnino at napaatras ang mga kasama niya. Nang tuluyan na siyang nawala bakas ang takot at gulat sa kanilang mga mukha. Ang lakas ng tawa ni Basilio at tinaas niya ang mga kamay niya sa tagumpay. Napatingin siya sa mga iniwan ng kalaban niya at dinuro niya sila. “I lied! Sige tirahin niyo na sila!” sigaw ni Basilio at biglang dumilim ang kalangitan, bawat demonyo nagliyab ng asul ang mga kamay nila at may tig iisang asul na bola ang nabuo.

Umulan ng asul na bola papunta sa mga naiwan ni Saturnino, wala sila magawa kundi tumingala nalang sa langit at antayin ang kanilang pagwawakas. Bago pa tumama ang mga bola at sabay sabay na naagnas ang mga nilalang na kinagulat ni Basilio at mga kamampi niya. Pagbagsak ng mga bola makalas na pagsabog ang nangyari at malking butas sa lupa ang natira. Naging mausok ang paligid at di parin makapaniwala si Basilio sa nangyayari.

Nang humupa ang usok at lumiwanag ang paligid may nakita ni Basilio si Saturnino naglalakad papalapit mag isa. “Ano ito?!!! Pinatay na kita!!!” sigaw ni Basilio at nagbigay siya ng hudyat at may mga itim na anghel na lumipad at sinugod si Saturnino. Tuloy ang lakad ni Saturnino at isa isang naipatapon sa malayo ang mga itim na anghel. Lumakas ang hangin at muling umusok ang paligid.

Kitang kita nina Basilio ang mga anino na tumayo sa likod ni Saturnino. “Alam ko patraydor ka kung umatake, gusto ko lang makita ang tinatago mong alas…at nailabas mo na agad” sabi ni Saturnino at galit na galit si Basilio at nagdadabog. Mula sa lupa may lumabas na nilalang, isang clone na gawa sa lupa at nagulat si Basilio pagkat feeling niya nakaharap siya sa salamin.

Hinawakan ni Saturnino ang balikat ng clone at bigla ito nalusaw. “O ayan patas na tayo, pinatay narin kita” sabi nya at nanggalaiti sa galit si Basilio at muling napalibutan ang kampon ni Saturnino. Tinaas ni Basilio ang kanyang mga kamay at sa isang iglap lahat sila nateleport sa ibabaw ng dalawang mataas na building. Sa isang building tumayo ang kampo ni Basilio at sa isa naman ang kampo ni Saturnino.

“Im sure hindi mo inasahan ito…naintindihan mo ba bakit ko gusto lumaban dito?” tanong ni Basilio. “Madami kang dada, parang sa sine ang dada ng kalaban kaya lagi siya napapatay” sumbat ni Saturnino at sumugod ang ibang demonyo pababa para atakehin ang mga tao pero mabilis din sila hinabol ng mga anghel ni Saturnino.

Umatake na ang kampo ni Basilio, sumulpot bigla si Tsupi dala niya ang libo libong mga gay demons niya. “Para sa federasyon at kay Papa Saturnino!!! Sige mga bakla TSUUUPAAAA!!!!” sigaw niya at biglang nagbaga ang mga bunganga ng gay demons at sinugod ang mga demonyo sa kabila. Nagkatawan sa kampo ni Saturnino pero galit na galit na talaga si Basilio pagkat hindi niya inaasahan na dadami ang kalaban niya.

Nagtabi si Mani-king at Raizen, pareho pa ang suot nilang costume, “Tado ka sabi ko walang gaya gaya e” sigaw ni Raizen. “ulol ito lang yung benta nila sa store na yon, hala sige na” sumbat ni Mani-king. Ang dalang Batman ay nagtabi at sumigaw si Mani-king at bawat nanigas na kalaban ay kinikidlatan ni Raizen. Kahit para silang bata sa suot at sa asta madami silang napatay na kalaban.

At sa ibabaw nila ay ang anghel na si Timoteo pinagtuturo niya ang mga babaeng demonyo at ang mga suot nila napupunit, taning natitira ay ang panty nila na sumisikip at lumalabas ang mga camel toes. “Camel Toes!!!!” sigaw niya at nagmukha siyang anghel na manyakis pero mabilis na lumipad si Angela at pinagtataga ang mga pinagtripan ni Timoteo. “Killjoy ka talaga Angela!!!” sigaw ni Timoteo. “Nandito tayo para lumaban tandaan mo yan” sumbat ni Angela.

“Shut up! Sabi nga ni Saturnino have fun e! Bwisit ka may araw ka din sa akin” sabi ni Timoteo pero bigla siyang natawa nang sumulpot si Dario na nakasuot ng vilolet na mini skirt, ang taas na pink stockings at gintong shoulder bag. “Ano tinatawa tawa mo diyan pare? Hampasin kita ng shoulder bag ko e!” sigaw ni Dario at halos mamatay na sa tawa si Timoteo.

Talagang pinaghahamapas ni Dario ang mga demonyo gamit ang golden shoulder bag niya, habang si Timoteo nagpagulong gulong sa katatawa. “Pare ano nagladlad ka nab a talaga?” tanong ni Timoteo. “Gaga di ah! I am just having fun pare! May extra shoulder bag ako gusto mo hiramin?” sagot niya at yung dalawang mga anghel nagpakabakla, enjoy na enjoy sila sa pag acting at pagpatay sa mga demonyo.

Naiirita na si Basilio sa nakikita niya, nag eenjoy ang kampon ni Saturnino at unti unting nauubos ang mga alagad niya. Paglingon niya sa malayo nakikita niya ang ibang demonyo niyang lalakeng naghahalikan at diring diri siya. Isang nilalang ang nakatayo at tawa ng tawa, si Lord Waps pala yon at pinagtritripan niya ang mga lalakeng demonyo.

Sa kabilang dako pinagkaguluhan ng mga babaeng demonyo si Waps at ang mahaba niyang ari, kay daming mga demonyong lumapit sa kanya pero nagpaikot lang siya ng isa at lahat sila naabo gamit ang mala latigo niyang ari.

Pati na si Barubal nakitrip na habang kumakanta at sumasayaw ng JAI HO ay pinagmamaso niya ang mga kalaban. Si Devilo at Raldske nagmistulang mga ninja at nagpasiklaban sila ng bilis sa pagpatay. Kahit saan lumingon si Basilio natatalo ang mga alagad niya at pagharap niya nandon parin si Saturnino na nag aantay ng galaw niya.

“I think its time tapusin na natin ito Saturnino pero ang di mo alam meron pa akong tinatagong alas!!!” sigaw ni Basilio sabay tawa. “Hay naku, alam mo pare ako kasi ayaw ko magbato ng unang suntok, gusto ko bigyan mo ako ng rason para lumaban ako. Ikaw ang dada mo e, kanina pa ako nandito inaantay lang kita sige na banat na pare” sumbat ni Saturnino.

Narinig ko ang sigaw ni Jana at Yammy, paglingon ko hawak sila sa leeg ng mga babaeng demonyo. “I bet di mo napansin ang mga yan ano? Import ko yan galing Japan, mga tunay na ninja demons ahahahaha…ngayon alam ko may pusong tao ka at importante ang kaibigan sa iyo, sila ang tanging mga tao sa grupo mo kaya sila ang inatake ko…sumuko ka ng maayos at papakawalan ko sila” sabi ni Basilio.

Humarap lang sa kanya si Saturnino at nakangiti siya. “Do you think tao sila?” sumbat niya at tumawa ng malakas si Basilio. “Tanga oo alam ko tao sila…I can smell them from here at yung isa birhen pa…tala mo siya diba? Hahahahaha…bibigyan kita ng ilang segundo para sumuko or else tuluyan mababali ang leeg nila” banta ni Basilio pero nakangiti parin si Saturnino.

“Jana at Yammy, listen to me…dikit niyo kamao niyo sa dibdib ng mga yan…tapos ilabas niyo ang dark claws niyo” sabi ni Saturnino at lalong lumakas ang tawa ni Basilio. “Ano kami uto uto ahahaha, tao maglalabas ng dark claws? Wahahaha puno ka ng kabulsyetan Saturnino, ano tingin mo sa akin bata?” sumbat ni Basilio.

DInikit ni Jana at Yammy ang mga kamao nila sa dibdib ng mga babaeng ninja, ilang sandali pa nagsisigaw sa sakit ang mga ninja at nanlaki ang mga mata ni Basilio. Bagsak ang mga ninja at unti unting naagnas, natirang nakatayo sina Jana at Yammy parehong naghahabol ng hininga at may mga dark claws sa mga kamay nila.

“Shet! Imposible!! Wag mo sabihin sa akin demonyo sila, naamoy ko sila from here!!!” sigaw ni Basilio. Tuwang tuwa naman si Jana at Yammy sa mga dark claws nila, inasar asar nila si Basilio na lumapit at tawa sila ng tawa. “I gave them that…Valentines gift ko sa kanilang lahat…alam ko pupuntiriyahin mo sila sa laban na ito so binigyan ko sila ng mga panlaban nila…at hindi lang sila ang nabigyan ko” sabi ni Saturnino.

Si Alyssa biglang nagkaroon ng itim na espada gawa sa dark flame, si Trina na may espada na nagkaroon pa ng isa at parehong napalibutan ng malakas na dark flame. Kay Tanya napalingon ang lahat pagkat di pa nila nakikita ang biniyayang armas ni Saturnino sa kanya, may mga bolang apoy lumabas sa kanyang kamay at sa gulat niya naitapon niya ito sa isang babae ni Basilio at agad ito nalusaw. “Gademet!!! Bwisit ka!! Hahahahaha pero di pa ako tapos Saturnino!” sigaw ni Basilio.

“I know what you are trying to do Basilio, sinusubukan mo madistract ako…nabuking ko na ang alas mo, alam ko ibibgay mo ang asul na apoy sa mga kampon mo pero nagamit na nila…tignan mo lamog lamog na karamihan sa kampon mo…bakit di ka na umatake para magkasubukan na tayo” sabi ni Saturnino.

“Kasi meron pa akong alas na isa pa!!!” sumbat ni Basilio at may sumulpot na tatlong nakaitim na lalake at hawak hawak ang tatlong tao. Si Robert, si Cristine at si Melissa ang mga hawak sa leeg ng mga demonyo. “Ngayon Saturnino busy ang lahat ng anghel mo, pano mo ililigtas ang mga ito pag inutos ko na bitawan sila…oh look ilang feet ba bago sa kalsada sa baba…hmmm ano sa tingin mo Saturnino?” sabi ni Basilio at napaatras konti si Saturnino.

Lumingon siya sa paligid at wala siya makitang anghel, mga kamao niya nagbabaga na at mata niya nanlilisik. “Punyeta ka Basilio lumaban ka ng patas!!! Inosente ang mga yan pakawalan mo na sila!” sigaw ni Saturnino. “Oh yeah? Bakit di mo ba sila nabigyan ng valentines gift? Ooohhh so sad naman…hmmm pano kung sabay sabay ko sila bitawan? Hahahahaha wala kang magagawa kundi panoorin sila bumagsak sa lupa at kumalat ang mga utak nila sa paligid…ano this time I will keep my promise pag sumuko ka papakawalan ko sila…promise!” sabi ni Basilio.

Biglang lumiwanag sa tabi ni Saturnino at sumulpot si Michelle, “Michelle?” tanong ni Saturnino at nginitian lang siya. “Sayang! Isa pa yang taong yan sana pero di namin mahanap hahaha kahit na sapat na itong tatlo para mayurak ang isipan mo Saturnino!” sigaw ni Basilio.

“Michelle what are you doing here?” tanong ni Saturnino. “I am here to help you…oras na Saturnino…” sabi nya at hinawakan niya ang singsing niya at inalis ito. Nagbagang puti ang buong katawan ni Michelle at may lumabas na pakpak sa likod niya. Lahat kami napanganga pati si Basilio hindi makapaniwala sa nakikita niya. Nang humupa ang ilaw nginitian ako ni Michelle, hinawakan niya ang kwintas ni Saturnino at pinakita ito sa kanya “Oh my God, ikaw ang pangatlong tala ko” sabi ni Saturnino.

Dalawa na ang pulang tala sa kwintas ko pero wala paring nangyayari sa akin. “Hahahaha fine, so you have your third star na anghel, iisa lang siya at isa lang ang maililigtas niya dito…kawawa naman yung dalawa…simulan mo na magsulat kay ate Charo…” tukso ni Basilio at tinignan niya ang tatlong lalake at kinabahan na si Saturnino.

Napaatras si Alyssa at may isa pang anghel na lalake ang tumabi kay Saturnino. “Bestfriend, dito na me” sabi niya at paglingon ni Saturnino agad siyang napayakap sa kaibigan niya. “Art pare…wow anghel ka na” sabi ni Saturnino. “hahahaha hinay hinay sa brokebackan pare…at pare its not Art anymore…call me ArtAngel…ako yung nagtraining sa mommy ko sabi ko she keeps it a secret” sabi nya at di talaga makapaniwala si Saturnino pero kulang parin ng isa para mailigtas niya ang tatlong kaibigan niya.

“Punyeta bitawan niyo na nga yang tatlong yan!” sigaw ni Basilio at sumunod naman sa kanya ang tatlong demonyo at binitawan ang tatlong tao. Hinawakan ni Michelle ang isang kamay ni Saturnino, humawak din si ArtAngel sa isa, “Its time to accept who you really are Saturnino, tara na!” sigaw ni Michelle at sabay silang tatlong nagdive para mahabol ang katawan ng tatlo.

“Michelle!!! Bakit mo ako sinama!!!?” sigaw ni Saturnino. “Pare just accept who you are” sabi ni ArtAngel at binitawan nila ng sabay si Saturnino. Lahat ng demonyo napatigil at pinanood ang tatlo habuling ang mga nalaglag na tao, biglang lumiwanag ang katawan ni Saturnino at napasigaw siya ng malakas. Dalawang malalaking pakpak na puti ang lumbas sa likod niya, lahat namangha sa pagpapalit ng anyo niya. “Hello Paulito” sabi ni Michelle. “No…ako parin si Saturnino…lets go!” sigaw niya at mabilis nila nailigtas ang tatlo at dinala sa ibang mga anghel.

Bumalik ang tatlong anghel at hinarap si Basilio, “Pare tulungan ko lang sina Leonel at yung iba, ikaw na bahala sa mangmang na yan” sabi ni ArtAngel. “Sige pare, nice to see you talaga, teks teks ha” sagot ni Saturnino at nagtawanan ang magkaibigan.

“So…ano pang alas ang meron ka Basilio?” tanong ni Saturnino. “Wala na…wala na…di ko alam kung bangungot ito…simula palang parang nababasa mo na ang utak ko hayop ka…punyeta ka…HUMANDA KA AT TALAGANG KAKATAYIN KITA!!!” sumbat ni BAsilio at biglang nagbaga ang mga mata niya ng asul at mga kamay niya namuo ang mga asul na apoy.

“Hindi mo ako kaya Saturnino, alam ko tungkol sa mga tala mo, kailangan mamula yang tatlo bago ka tuluyan lumakas…hahahaha alam ko hindi mo pa nakuha yung bunso…kaya wag ka nang umasa na lumaban pa!!!” sigaw ni Basilio.

“Diyan ka nagkakamali Basilio! Mali ang pagkabasa mo sa nakasulat. Eto pagmasdan mo ang kamalian ng iyong inaakala!” sigaw ni Saturnino.

Ang dilaw na tala ni Jana biglang naging pula, ilang sandali pa umilaw narin ang ARAW na nakatatak sa kwintas. Dumilim ang buong paligid at ang kalangitan napuno ng itim na ulap. May butas na galing sa ulap at naglabas ng matinding liwanag at nailawan si Saturnino. “Basilio!!! Pagmasdan mo ang pagbabago ko!!!” sigaw ni Saturnino at yumanig ang lupa at nagbukas din ito, ilaw galing sa ilalim nagpataas at tinamaan si Saturnino. “Basilio!!! Wag kang kukurap!!!” sigaw niya.

“Mali ang pagkaintindi mo sa nakasulat…hindi puri ang tinutukoy ng pinakatatagong yaman kundi puso!!! Mahal ko sila…mahal na mahal ko silang lahat!!!”

Lumakas ang hangin at lahat napadapa sa lupa. Tanging si Saturnino nalang ang nakatayo at nagbabagang puti ang buong katawan niya. “Jana akin na ang singsing ko” sabi nya at inabot sa kanya ni Jana ang singsing na pinatago niya. “Sabi nila kalahating demonyo ako at kalahating anghel…tama nga sila…kahit nung demonyo ako nanaig ang pagiging anghel ko kaya di ako makagawa ng kasamaan masyado…kanina pinanood ko si Michelle nagtanggal ng singsing niya…sinusuot niya yon para itago ang goodness at pagiging anghel niya…di kita kaya kalabanin bilang kalahating demonyo at kalahating anghel….di kita kaya patayin pagkat maawa ako sa iyo…pero pag suot ko ito…mawawala ang kabutihan ko…”

SInuot ni Saturnino ang singsing niya at biglang nagpalit kulay ang mga pakpak niya, ang dating puti naging itim, nanlisik ang mga mata niya at buong katawan niya nagliyab ng itim na apoy at sa dalawang kamay niya lumabas ang kakaibang apoy na di pa nakikita ng kahit sinong nilalang…itim at puting apoy na nagpapaikot na parang ying at yang.

“Basilio!!! Halika na maglaro tayo!!! Harapin mo ako…..ipapakilala ko sa iyo kung sino ako!!!

Ako si SATURNINO SATANAS!!!”

Linkbucks