Chapter 34: Saturnino Satanas
Lahat napatigil sa paglaban at pinagmasdan ang nagbabagang nilalang, lahat tulala at nakanganga sa kanilang nakita. Kasabay ng ihip ng hangin ang buhok at suot ng nilalang ay nagwawagayway, di malaman kung ano ang itatawag nila sa kanya dahil sa itim na pakpak niya…pero siya si Saturnino Satanas…ang tagapagligtas.
Sa likod ni Basilio nagtanggalan ng suot ang tatlong babae at naglakad papunta sa harapan niya. Humarap naman si Alyssa, Trina at Michelle, bumaba sa lupa ang isang anghel at humawak sa likod ni Michelle, “Ate game na?” tanong niya. “Not yet Joyce…antayin natin yung iba” sagot ni Michelle.
Nagpunta si Tanya sa likod ni Trina, si Jana at Yammy sa likod ni Saturnino. Tumungo si Saturnino sa kampo ni Basilio at tinuro ang isang babae sa likod niya. “Halika na wag kang matakot” sabi niya at nagtanggal ng robe ang babae at mabilis nagpunta sa likod ni Alyssa. “Petina!!! Anong ibig sabihin nito?” sigaw ni Basilio.
“Fusion!!!” sabay sabay sinigaw ng mga healers at nagbagsakan ang mga katawan nila sa sahig. May mga anghel na mabilis bumaba sa lupa at kinuha ang mga healers at nilayo.
Ngumiti si Basilio at may isa pang nilalang ang sumulpot sa tabi nya, ang babaeng nakaitim na lumigtas sa kanyang buhay. “That bitch is mine!” sigaw ni Michelle at agad niya sinugod pero mabilis ito nakalayo pero naghabulan sila. “So outnumbered na ang mga girls mo Saturnino” sabi ni Basilio pero isa nanamang babae sa likod niya ang lumipat ng panig at tumabi kay Alyssa. “Serena!!! Pati ba naman ikaw?!!!” sigaw ni Basilio at nagkasuguran na ang mga babae at tanging natira ay si Basilio at Saturnino.
“Go ahead Basisiw…throw the first punch!” sigaw ni Saturnino. “Bolsyet ka hindi Basisiw ang pangalan ko!” sagot ni Basilio. “Basisiw…Basisiw…at alam mo ba ang sarap sarap ni Petina…pati si Serena at iba pang girls mo…did you know may room na panay mirrors? At oo nga pala…I enjoyed watching your brother die!!!” sigaw ni Saturnino at sa galit sumugod na si Basilio.
Tumalon si Basilio mula sa building na kinakatayuan niya papunta sa lugar kung nasan si Saturnino. Itinaas lang ng demonyong anghel at kanyang kamay at tinuro si Basilio, nanigas sa ere si Basilio at di makagalaw. “Eto lang ang kaya mo gawin?” tanong ni Basilio at tumingin sa baba si Saturnino. “Bakit marunong ka bang lumipad?” sumbat niya at binaba niya ang kamay niya at kinawayan niya si Basilio,”Magsulat ka ha” laglag ang demonyo at bumagsak sa kalsada. Ang taas ng kinabagsakan ni Basilio kaya hilong hilo siya sa daan, mabilis sumulpot sa likod niya si Saturnino at nilipad siya pabalik sa ere. Di pa makagalaw si Basilio pero pataas sila ng pataas sa mga ulap, “Saan mo ako dadalhin?” tanong niya. “Oo nga no?..malay ko” sagot ni Saturnino at binitawan niya si Basilio.
Muling bumagsak sa kalsada si Basilio at mabilis siya pinatayo ni Saturnino at binigyan niya ng isang malakas na upper cut at napalipad ng malayo ang demonyo. Bumangon si Basilio at nagbagang asul ang mga kamao niya, lumapit si Saturnino at nagbigay ng right hook pero nakailag si Basilio at nagpaatras, “Hoy napanood ko yung laban ni Pacman, di ako uto uto tulad ni Hatton, alam ko babanatan mo ako ng left look” sabi nya sabay tawa. “Ulol bakit boksingero ba tayo? Street fight ito Basisisiw, eto tanggapin mo, upper kick to the balls!!!” sumbat ni Saturnino sabay todo bwelong sipa na tumama sa ari ni Basilio. Napayuko si Basilio at napahawak sa ari nya, “Left knee to the face!!!” sigaw ni Saturnino sabay hawak sa ulo ng demonyo at tinuhod niya ang mukha. “Right knee to the face again!!!...Left…Right…Left…Right…select start….sipa ulit sa balls!!!” sigaw ni Saturnino at tumawa siya ng malakas at napahiga si Basilio sa kalsada, hilong hilo at duguan. “Damn pare ngayon naiintindihan ko na bakit lagi sinisigaw ng mga robot sa anime ang mga tira nila…ok din pala”
“Bolsyet ka…yan lang ba?” sabi ni Basilio at dahan dahan siyang bumangon at dalawang flame sabers ang lumabas sa mga kamay niya. Sa kanan itim at pulang saber at sa kaliwang kamay asul na saber. “Sige na tapusin na natin ito Saturnino…ilabas mo na ang dark gay claws mo” sabi niya.
Hinawakan ni Saturnino ang dibdib nya at kinapa ang gintong tinidor, inalis niya ito sa leeg niya at bigla itong lumaki at nagliyab ng puting apoy. “Alam mo Basisiw…kulang nalang background music e…pero I am really going to enjoy this…tama na ang satsat…Lets get it on bitch!!!” sumbat ng demonyong anghel at silay nagsuguran.
Winasiwas ni Basilio ang dalawang saber niya pero sinangga ni Saturnino gamit ang tinidor niya, pagtama ng mga armas nila pareho sila naitapon palayo pero mabilis sila bumangon at muling nagharap. Muling winasiwas ni Basilio ang dark saber niya at may apoy na lumabas at nahampas si Saturnino sa paa. Bagsak si Saturnino as isa pang apoy na asul ang paparating sa kanya. Natamaan siya sa ulo at dahan dahan siya nalusaw, tumawa si Basilio pero agad din lang siya napasigaw pagkat sumulpot ang tunay na Saturnino sa likod niya at tinusok ang pwet niya gamit ang tinidor.
“Bobo akala mo easy to get ako? Tignan ko lang kung makautot ka pa ng normal…or baka may second and third voice na!” sigaw ni Saturnino at diniin pa niya ang pagtusok ng tinidor sa pwet si Basilio. “Gagooo kaaaa masakit yaaan!!!” sigaw ng demonyo at winasiwas niya palikod ang mga saber niya at lumayo si Saturnino. Mula sa kamay ni Basilio lumabas ang mga blue flame darts at mabilis tumama sa dibdib ni Saturnino.
Napaatras at napaluhod sa semento ang demonyong anghel at mabilis siya nasaksak ni Basilio sa tyan gamit ang dark saber niya. Sinunod pa ni Basilio ang blue saber niya pero sinaksak din ni Saturnino ang tinidor niya sa dibdib ng demonyo.
Walang gusto bumitaw at lalo pa nila pinagbabaga ng apoy ang mga sandata nila. Pareho sila namimilipit sa sakit at nagsimula na ang labanan ng utak nila. Pareho sila nagsisigaw at wala parin gustong bumitaw, pinapadaloy ni Basilio ang itim at asul na apoy papasok sa katawan ni Saturnino at unti unti na siyang nawawalan ng malay. “Hindi mo ako kaya Saturnino! Sige habang pumapasok ang tatlong apoy sa katawan mo unti unti masisira ang lahat ng nasa loob ng katawan mo…aaarrrhhhh…nyeta ka” sigaw ni Basilio.
“Same to and also with you Basisiw…itong puting apoy papasok din sa katawan mo…pero di ko alam ano mangyayari kasi ngayon ko lang nakita din ito…pero isa lang alam ko!” sigaw ni Saturnino at biglang lumiit muli ang tinidor, hinawakan niya ito at sinaksak niya ito sa mata ni Basilio, hinugot at sinaksak ulit ang isa pa. “You cant see me bitch!!!” sigaw niya at ubod ng lakas ng sigaw ni Basilio nawala ang mga saber niya at nahiga siya sa lupa na parang bulateng nangingisay.
Bagsak din si Saturnino at ramdam na niya ang pinsalang nagawa ng mga apoy sa katawan niya. Sa lakas ng sigaw ni Basilio lahat napatigil, mga kampon niyang demonyo halos maubos na, tumayo si Saturnino at tinignan ang lahat, “Hindi tayo pwede magtuloy dito madaming tao ang madadamay!” sigaw niya at sa isang iglap lahat sila nanumbalik kung saan nagsimula ang gera.
Tumayo si Saturnino at pinagmasdan si Basilio, hawak hawak niya ang mga sugat niya sa dibdib. “Ano ngayon Basisiw…how can you fight your opponent that you cannot see?” tanong niya at tumawa si Basilio. “Actually salamat at binalik mo tayo dito…Ahahahaha ilabas ang huling alas!!!” sigaw niya at dalawang demonyo ang sumulpot at mabilis kinuha si Basilio. Narinig ni Saturnino ang sigaw ni Alyssa, paglingon niya mas madami pang mga demonyo ang nagsidatingan at ramdam ni Saturnino na hindi sila pangkaraniwan na demonyo.
Nagtipon tipon muli ang mga kampon ng kabutihan habang parami ng parami ang dumarating pang kalaban. Napaluhod si Saturnino at agad siya nilapitan ni Petina at Tanya, sinubukan nila gamutin ang mga sugat niya pero walang nangyayari.
“Hahahaha Saturnino…ang sugat na naibibigay ng asul na apoy ay di mahihilom…tuluyan ka nang maagnas dahan dahan…tamang tama mapapanood mo pang mamatay ang mga kasama mo isa isa” sigaw ni Basilio habang siya ay ginagamot ng mga dark angels.
“Saturnino! Ang dami nila masyado, hindi natin sila kakayanin kung wala ka” sabi ni Alyssa. “Well di pa natin nasubukan diba?” sagot ng demonyong anghel at muli silang naghanda. Malagim ang simoy ng hangin habang papalapit ang mga kampon ni Basilio, nabalot ng takot ang mga kampon ng kabutihan at pati ang higanteng si Barubal ay nanginig na sa takot. “Lets hold hands and sing…may bukas pa sa iyong buhay..” kanta ni Barubal at binatukan siya ni Devilo. “Tado pinisa mo nga siya remember?” sabi nya at nagkatawanan.
“They are trying to take our land!!!” sigaw ni Raldske at lahat napatingin sa kanya. “Ahehehe linya ata yon ng Braveheart e…pero nakalimutan ko na susunod” sabi pa niya at nagtawanan ulit sila. “oo nga boss, if we go down…lets all go down enjoying!” sigaw naman ni Yaps at lahat sila nagulat at sa kanya napatingin. “Nakakapagsalita ka?” tanong ni Tsupi. “Oo naman bakit?” sagot ni Yaps at lalo pa sila nagsiyahan at nairita si Basilio feeling niya minamaliit ang kampon niya.
Tumayo si Saturnino at tinuro si Basilio, bigla nalang lumakas ang hangin at ang kadiliman na nararamdaman nila napalitan ng kaginhawaan. “Saturnino ano ginagawa mo?” tanong ni Jana. “Wala, tinuro ko lang siya” sagot niya pero biglang sumabog ang matinding liwanag. “Saturninooo!!! Wala ako makita!!!” sigaw ni Alyssa. “Ako din naman!!!” sagot ni Saturnino.
Magkabilang kampo nabulag saglit dahil sa matinding liwanag, lalo pang lumakas ang hangin at may malakas na aura ang nagpakilala. Pagmulat ng mata ng lahat may apat na nilalang ang naidagdag sa kampo ni Saturnino.
“Daddy? Mommmy?” sabi ni Saturnino at katabi na niya ang kanyang ama at ina kasama pa si Yamika at Serpentina. Mommy?!!!” sigaw ni Petina at Serena at agad nila ito nilapitan at niyakap. “Akala namin patay ka na?” sabi ni Petina. “Hindi anak, well nakulong ako…pero pinatawad na ako ni Jenny” at nagngitian ang dalawa.
“Oh damn! Am so excited to flex my muscles…Yamika, Jenny Serpentina…tara na” sabi ni Adolfo. Nagtabi ang mag ama, si Michelle katabi si Jenny, si Alyssa at Trina kasama ni Serpentina. “I always dreamed about this day…fighting with my son” sabi ni Adolfo at bigla siya nagdrama at kunwari umiiyak. “Dad akin si Basilio” sabi ni Saturnino, “Alam ko anak…pinapanood kita kanina…kahit suot mo yang singsing anghel ka parin talaga…you had so many chances to kill him kanina but still naawa ka…di ko sasabihin sa iyo ang kailangan mong gawin…do what you think is right” sabi ng tatay nya.
“Anak I know your conscience has been hurting mula nung nakapatay ka ng demonyo sa bar…if it makes you feel better…pag nawala sila sa mundo mas madaming liligaya at maliligtas…di ko din sasabihin sa iyo but if you want us to be one family again…you have to really accept what you have to do…” sabi ng nanay niya at napayuko si Saturnino at nagliyab muli ng itim at puti ang mga kamao niya.
Muli lumaki ang gintong tinidor niya at nagbaga, tinuro niya ito kay Basilio, “Pwede ba dito lang muna kayo” sabi ni Saturnino. “Anak we will help you” sabi ng nanay niya. “I know but can you please give me a headstart…please…” hiling niya at sumangayon ang lahat ng kasama niya.
“Eto kids o gamitin niyo maso ko” sabi ni Barubal at inabot niya ang higanteng maso niya kina Jana at Yammy. “E ano gagamitin mo kuya?” tanong ni Yammy at may hinugot sa lupa si Barubal at yung ang favorite punching bag nila, “Siya gagamitin ko ihahampas ko siya tulad ng shoulder bag ni mama Dario” pabaklang sinabi ni Barubal at lahat nagtawanan. “Barubal…salamat at pinapatawa mo ako…oy may nagdala ba sa inyo ng video cam?” tanong ni Saturnino. “Bakit para saan yon?” tanong ni Adolfo.
“Watch and learn dad”
Naglakad si Saturnino papunta sa kalaban at mabilis siya sinugod ng mga demonyo. Bilang pagpapatawa nagsama sama sina Dario, Timoteo, Barubal, Tsupi, Leonel, Venancio at ArtAngel at sabay sabay sila kumanta na parang nasa orchestra. Lalong natawa si Saturnino pero bumagay ang tugtog sa gagawin niya.
Malapit na ang mga kalaban sa kanya at winasiwas niya lang ang kamay niya at naipatapon sa malayo ang mga kalaban. May umatake na demonyo galing sa langit pero tinaas lang ni Saturnino ang tinidor niya at nasaksak ito, parang nakikita niya at nababasa niya ang lahat ng galaw ng kalaban, tumigil siya sa kalalkad at tinaas ang dalawang kamay nya. Mula sa lupa umangat ang mga bato sa ere at nagliyab ito ng puti, lalo pang tumaas ang mga bato at pinaulan niya ang mga ito patungo kina Basilio. Madaming kalaban ang nalusaw sa pagtama ng mga bato ni Saturnino, “And that is what I call my White Rain” sabi nya bilang pasikat.
Nagkaroon ng ipo ipo at ang buong paligid napuno ng alikabok, “Gimik nanaman yan, maghanda kayo gagawa nanaman yan ng mga clone niya!!!” sigaw ni Basilio. Humupa ang ipo ipo at muling lumiwanag, “Ano nangyari?” tanong ni Basilio pagkat hindi pa naibabalik ang paningin niya. “Bagsak siya sa lupa…nanghihina” sagot ng isang babae niya. “Hahahahahahaha…wala na Saturnino….Sugurin niyo na sila!!!!” utos niya at mabilis sumugod ang mga kampon niya.
Sumulpot sa tabi ni Saturnino ang nanay at tatay niya, hinawakan nila siya sa balikat niya at nagkatinginan ang mag asawa. “Ito talagang anak mo kakaiba magisip…sakyan natin” sabi ni Adolfo. May dumating na dalawang anghel at kinuha si Saturnino, “Basilio maghanda ka!!! Ipaghihiganti ko anak ko!!!” sigaw ni Adolfo at pinulot niya ang gintong tinidor at agad siya nagpakitang gilas.
Sumunod na si Jenny at yung iba pa, nagkarambulan na at nagkagulo. Sa isang dulo dinala ng mga babae si Basilio para ituloy ang pagheal sa kanya, unti unti nang nanumbalik ang mga mata niya pero medyo Malabo parin ang paningin niya. “Bilisan niyo nga!” sigaw niya. “Ginagawa na namin ang lahat, magtiis ka” sumbat ng isang dark angel. Isang babae sa likod ni Basilio biglang yumakap sa kanya. “Basilio…kanina ang galing galing moooo…parang gusto kita ngayon…right here right now” sabi ng babae sabay hipo sa katawan niya.
“Gaga! Mamaya na” sabi ni Basilio. “Now na…sige na…” landi niya at pinasok niya ang kamay niya sa pantalon ni Basilio at tuwang tuwa naman ang demonyo. Sa isang tabi nagsimula tumawa ang isa pa niyang babae, nanumbalik na ang paningin ni Basilio kaya tinignan niya yung tawa ng tawa. “Hoy ano tinatawanan mo?” tanong niya. “Ahahahaha…ewan ko..basta natatawa ako” sagot ng babae. Sa tabi ng tumatawa may napaluhod na babae at biglang naghugolgol, ang babae sa harapan ni Basilio nilabas ang ari niya at sinubo.
“Hoy ano bang nangyayari sa inyo?” sigaw niya. Ang dalawang dark angel na nagheheal sa kanya biglang napaluhod na sa lupa at nagsiiyak narin. Isang babaeng nakaitim at nakatakip ang mukha ang humarap sa kanya. “Ano ba nangyayari sa kanila?” tanong ni Basilio nang napapikit siya pagkat nasarapan siya sa ginagawa sa kanya ng babaeng nakaluhod.
Inalis ng babaeng nakatayo ang hood niya at nagulat si Basilio. Nagpalit ang anyo ng babae at siya pala si Saturnino. “Di ko alam kung Basisiw pa itatawag ko sa iyo…siguro dapat little John nalang” sabi ni Saturnino at hinawakan niya ang balikat ng babaeng nakaluhod at nagpalit din ang anyo niya. “Tsupi!!!!” sigaw ni Basilio pero kinagat ni Tsupi ang ari ni Basilio hanggang sa itoy natanggal. Sobrang sigaw ni Basilio sa sakit at sumulpot bigla si Barubal dala sina Jana at Yammy. Pinagtatadtad nila ang naputol na ari ni Basilio at gigil na gigil yung dalawa.
“Madumi kang maglaro hayop ka!!!” sigaw ni Basilio at tumawa si Saturnino. “Wow nakakakita ka na…tignan mo to” sagot ni Saturnino at binaon niya ang dalawang daliri sa mata ng demonyo. “Hinamon mo ako na magpakademonyo ako, diba? Eto ang paraan ko ng pagiging demonyo!!! Sige oo mas malakas ka pa sa akin at alam ko yon…pero sige gamitin mo ngayon ang lakas mo sige gamitin mo!!!” hamon ni Saturnino at napaiyak lang at napasigaw si Basilio.
Napaluhod sa lupa si Basilio at biglang nagliyab muli ang katawan niya, “Barubal ilayo mo na sila dito” utos ng demonyong anghel pero pero nakapaglabas na si Basilio ng malakas na apoy. Agad dumapa si Basilio sa ibabaw nina Jana at Yammy para takpan sila, mabilis na nilipad ni Saturnino si Basilio sa ere, palaki na ng palaki ang asul na apoy na nagpapalibot sa kanilang dalawa, nasusunog na ang mga pakpak ni Saturnino, umabot na sila sa mga ulap at iniwan nya si Basilio doon. Wala nang pakpak si Saturnino pero nandon si ArtAngel para kunin siya at mabilis sila lumayo. Sumabog ang malakas na asul na apoy mula sa katawan ni Basilio.
Mabilis nakapasok sina Art at Saturnino sa White Shield na nilabas ng mga anghel, ang asul na apoy hindi makapasok kaya lahat sila naligtas. Mga kampon ni Basilio isa isang nalusaw at naging abo. Tumagal ang pagsabog ng apoy ng isang minuto at nang kumalma na ang lahat tanging ang kampo ng kabutihan ang natira.
Si Saturnino duguan at nakahiga sa kamay ng nanay at tatay nya, mabilis umaksyon ang mga healers ng langit ang impyerno at sinubukan nila siyang pagalingin. Trenta minutos lumipas at hindi pa nagigising si Saturnino pero tumitibok parin ang puso niya pero pahina ng pahina.
“Adolfo!!! Do something!!!” sigaw ni Jenny. “Anak sige na gising ka na…tapos na ang laban anak…please wake up…magiging pamilya na tayo anak” sabi ni Adolfo. Nabalot ang lungkot ang lahat, madami nang nagsimulang umiyak.
May malakas na tawa nanggaling sa buong paligid, lahat sila napalingon upang hanapin saan galing yon. “Shet! Boses ni Basilio yon” sabi ni Petina. “What?!!!” sigaw ni Alyssa at pilit nilang hinahanap si Basilio.
“Hindi niyo ba alam ang ginawa ng tagapagligtas niyo? Ahahahahaha…he made me stronger….oh yes….kinailangan ko mamatay sa kamay ng isang anghel para mapasaakin ng tuluyan ang kapangyarihan ng tatlong apoy. Ngayon I am reborn!!! Kung dati hinihiram ko lang ang kapangyarihan nila…ngayon ako na ang talong apoy!!!”
“Wala na siyang pulso!!!” sigaw ni Yamika. “Saturninooo anak!!!” sigaw ni Jenny at hinagkan ng ina ang kanyang anak na wala nang buhay.
“Hahahahahahaha!!! Salamat Saturnino Satanas…Adolfo!!! Pinatay mo ang mga magulang ko…uubusin ko kayo!!! Pagmasdan niyo ang muli kong pagkabuhay!!!”
Mula sa mga abo ng namatay na mga demonyo may namuuong isang nilalang na napalibutan ng tatlong kulay na apoy. Ramdam ng lahat ang napakalakas na kapangyarihan ng nabubuong nilalang at unti unti bumabalik ang anyo ni Basilio.
“Adolfooo!!! Wala na ang anak natin!!!” sigaw ni Jenny at pinunasan ni Adolfo ang mata niya at tumayo. Pinulot niya ang gintong tinidor na iniwan ni Saturnino at mabilis na sinugod si Basilio, sumunod na ang lahat ng iba pang kampon ng kabutihan upang sugurin ang muling nabuhay na demonyo.
At sa likod ng lahat naiwan ang isang ina hawak hawak parin ang kanyang patay na anak.