black2

Wednesday, August 13, 2008

Propersor Pepito: Chapter 33

Chapter 33: Pagsubok

Agosto na, tatlong buwan narin lumipas at si Aika lang talaga ang laman ng puso ko. Araw araw kami nag uusap ni Aika sa chat at text, naka enroll na sya sa mataas na unibersidad at kumukuha ng pre-med course nya. Ako naman ay maayos na nagtuturo sa unibersidad, madaming tukso pero nagagawa ko tiisin. Dahil ako ang pinakabata sa faculty room ng ECE, binansagan nila ako na bunso at ang papangit ng schedule na binigay sa akin, karamihan ay umuuwi na ako sa gabi. Nagkaroon ako ng mga matalik na kaibigan sa faculty, si Sir Byron, pamilyadong tao, pitong taon ang agwat namin at may dalawang anak, at si Mam Ellen, 13 years ang agwat namin at may dalawang anak. Sila ang gumagabay sa akin sa aking pagtuturo at maayos naman kami lahat sa faculty room.

Lunes ng gabi galing ako sa huling klase ko, alas 7:30 na at gutom na ako, kinailangan ko bumalik sa faculty room pagkat nandon ang mga gamit ko. Pagpasok ko sa faculty room madaming magagandang babae don at kasama nila ang isang co faculty kong matandang bakla, “Wow, di na amoy lupa dito sa opis ah” sabi ko agad at napalingon ang mga babae sa akin. “Girls, yan ang bunso namin dito, si Sir Nathan. Bunso ito ang mga contestants ng miss Engineering” sabi ni Sir Pete sa akin sa malanding boses. Ngumiti nalang ako saka nag ayos ng gamit at nagmadaling lumabas ng pinto. “Bunso, sandali uuwi ka na ba?” tanong ni Sir Pete. “Oo nagugutom na ako e, sige goodnight to all” sabi ko pero tumayo sya agad at sumunod sa akin. “Katatapos kasi ng practice nila, ngayon di sila kasya lahat sa kotse ko, kailangan ihatid sila sa mga bahay nila, okay lang ba ihatid mo yung apat, yung apat sa akin na sasabay” sabi nya at wala akong nagawa at pumayag ako.

Sinundan ako ng apat na babae, at habang naglalakad ay naririnig ko silang nagbubulungan. Pag abot namin sa kotse ko ay nag unahan sila sa front seat maliban sa isa. Sumakay na yung isa sa likod habang nag aaway ang tatlo kung sino ang mauupo sa harapan. Sa bwisit ko sumakay ako sa likod at pinanood ko lang silang nagtatalo. Napansin nila na nandon ako sa likod at napatahimik sila, “Ano tapos na ba kayo?” sabi ko at lumabas ako ng kotse at sabi ko “Walang uupo sa harap, lahat kayo sa likod” at agad sila naupo sa likod. Madali lang ang paghatid ko pagkat malapit lang pala yung bahay nung tatlo, pero yung isa tahimik lang kaya di ko alam saan sya nakatira. Nang naihatid ko yung tatlo ay bumaba narin yung isa, “Kaileen, dito ka din ba, diba malayo pa sa inyo?” tanong ng isa kaya napalingon ako sa kanila. “Sir dito nalang ako, magtataxi nalang ako malayo po kasi yung sa amin” sabi ni Kaileen. “Miss, sakay ka ulit, kung di kita ihahatid ako ang mapapagalitan” sabi ko sa kanya. “Hindi na po sir” sabi nya. “Pasok ka na! Kailangan kita ihatid, sige na nagugutom na ako gusto ko na umuwi!” sigaw ko at natakot sila at sumakay sya sa kotse.

Habang nagpatuloy kami sa biyahe ay medyo nagsisi ako sa pagsigaw kay Kaileen. “Miss, sorry nasigawan kita kanina, medyo mainit ulo ko kasi gutom na ako. Naiintindihan kita bakit ayaw mo ihatid kita, siguro natatakot ka, pero wag kang matakot di ako masamang tao, kaya relax ka lang at sorry ulit” sabi ko at tahimik lang sya. Nakarating din kami sa kanila at agad sya lumabas ng kotse at nag pasalamat, nagmadali akong umuwi pagkat gutom na ako, medyo masaya din ako pagkat apat na nag gagandahang babae ang nakasama ko at di ko sila pinagnasahan, patungo na ako siguro sa tamang landas.

Kinabukasan ay di na ako dumaan sa opisina dumiretso na ako sa parking area at laking gulat ko nag aantay ulit yung apat doon. “Sir Bunso, pinapabigay ni Sir Pete ito sa iyo” sabi ng isa. Agad ko binasa ang sulat at kailangan ko daw sila ihatid gabi gabi at may kasama pang pera pang gasolina daw, nakita ko may pirma din ang dean ng college of engineering kaya di na ako makapagreklamo. araw araw ko sila hinahatid sa gabi at maayos naman na kaming nakakapag usap lahat, nakilala ko sila pero sa awa ng diyos nagbago na talaga ako.

Biyernes ng gabi pagod ako sa klase at halos nanghihina na ako. Nandun ulit sila sa parking area kaya agad na kami umalis. Nang naihatid ko na yung tatlo ay talagang gutom na ako, pinarada ko muna sa tabi ng isang fastfood resto at sabi “wag kang lalabas, bibili lang ako mabilis lang” sabi ko at agad ako pumunta para bumili ng pagkain. Pagbalik ko ay inabutan ko si Kaileen ng pagkain at nagulat sya. “alangan na ako lang kakain, napaka selfish ko naman pag ganun kaya ayan kainin mo din yan wag kang mag alala walang pampatulog yan” sabi ko at natawa sya. “Pwede ba kainin ko muna ito bago kita ihatid?” sabi ko at pumayag naman sya. Nagulat ako nang lumipat sya sa harapan mula sa likod at napatingin ako sa kanya. “Nakakailang naman sa likod, para kitang driver pag ganon” sabi nya at ngumiti nalang ako at kumain. “Sir, alam mo pwede naman tayo kumain dyan e sa loob, sana sinabi mo nalang papayag naman ako kasi gutom narin ako e” sabi nya. “Sira, pag nakita tayo ng iba delikado na, bawal ang teacher student relationship, oo kakain lang tayo pero baka iba maisip ng iba so mas maganda na ganito. At isipin mo, ano sasabihin ng iba, ay si Kaileen pumatol sa instructor. O diba nakakahiya sa part mo yon?” sabi ko sa kanya.

Pagkatapos namin kumain ay hinatid ko na sya sa kanila, malayo ang bahay nina Kaileen at bago sya bumaba ay napatingin sya sa akin. “Bukas na ang pageant sir, kinakabahan ako” sabi nya. “Relax, alam ko mananalo ka, maganda kayo lahat pero ikaw pinakamaganda, maniwala ka sa akin ikaw mananalo” sabi ko at ngumiti sya. “Manonood ka ba sir?” tanong nya sa akin. “Hindi siguro, sabado bukas at wala ako klase so sa bahay lang ako, at alam ko naman na sino mananalo e” sagot ko at tumawa sya. “Alam mo sir tama ka, di ka masamang tao, salamat sa foods sir ha” sabi nya at lumabas na sya ng kotse. Pagkauwi ko napatawag ako agad kay Aika at nakwento ko ang mga nangyari sa linggo.

Aika: Ano baka pinagpalit mo na ako dyan. Ikaw wala ka pa kapalit promise.
Pepito: Aika alam mo ba ginawa akong taga hatid ng mga contestants ng pageant, ang gaganda nila pero wala lang, di ko sila type.
Aika: Magaganda? Baka may type ako dyan…may mga picture ba sila, padalhan mo nga ako ng pictures nila
Pepito: Meron pero nandon sa university, gusto mo send ko sa email mo, scan ko muna padala ko sa iyo sa Monday kasi bukas di ako papasok.
Aika: Uhu baka mamaya e kasama mo yung isa dyan sa bahay mo, pinagpalit mo na ako ano?
Pepito: Sira, di ah, basta ipapadala ko mga pictures nila sa Monday ng gabi siguro, sige inaantok na ako, ingat ka dyan

Pagpasok ko sa Lunes ay agad kong iniscan ang mga litrato ng contestants, pinadala ko agad sa email ni Aika. Habang wala akong ginagawa sa opisina ay biglang pumasok si Sir Pete at Mam Ellen, “Bunso bakit di ka pumunta nung sabado, natalo ang contestant ng ECE” sabi nya sa akin. “Sino nanalo?” tanong ko at sabi niya ay “Yung contestant ng Industrial Engineering, si Kaileen” Napangiti ako at eksaktong pumasok si Kaileen sa opisina. “Sir, kayo daw yung in charge para sa Miss University?” sabi nya kay sir Pete. Nagtinginan kami ni Kaileen at ngumiti sya sa akin. “Iha, busy kami pero hanapan nalang kita ng tutulong sa iyo” sabi ni sir Pete. “E di si bunso ang maghandle sa kanya” sabi ni mam Ellen at nagulat ako. “Anong handle yan?” tanong ko at tumawa sila. “Bunso ikaw na maghandle, sasamahan mo sya sa mga practice, tapos ikaw bahala sa lahat, damit, pagkain, lahat lahat na, wag ka mag alala at may budget para dyan kunin mo sa dean’s office” sabi nya. “E bakit hindi nalang yung mga taga Industrial ang maghandle e taga don naman sya, bakit galing pa sa ECE” sabi ko.

“Bunso toka natin this year sa mga events, kaya wag kang magreklamo, basta ikaw na” sabi ni mam Ellen. “Di ko alam ano gagawin ko, di ko alam tungkol sa damit at mga gamit babae” sabi ko at nagtawanan sila. “Madali lang yon, basta ikaw mag alaga sa kanya, mga meetings dapat nandon ka, mga rehersals, practices, at lalo na icoach mo sya sa QnA, tapos yung talent portion galingan nyo” sabi ni Sir Pete. “E bakit hindi nalang kasi ikaw maghandle?” tanong ko sa kanya at tinaasan nya ako ng kilay. “So sir Nathan ikaw na handler ko? Late na kasi ako sa klase” sabi ni Kaileen at wala na ako magawa kundi mag oo. Pagalis ni Kaileen ay sinara agad ni Sir Pete ang pinto at sabi “Ayaw ko dyan sa babaeng yan, natalo manok ko so di ko sya magagawang tulungan, kaya ikaw na” Gusto ko matawa sa kabaklahan ng matandang yon pero napasubo na ako at wala na ako magagawa pa.

Kinagabihan ay nag usap ulit kami ni Aika.
Aika: Uy natanggap ko ang email mo ang gaganda nila ha.
Pepito: May bad news ako, ginawa akong handler ng nanalo para lalaban sa miss university.
Aika: Teka wag mo sabihin sino nanalo pero guess ko itong Kaileen ano?
Pepito: Yup, sya nga. Nakakainis nga wala akong alam sa ganito e.
Aika: Uy type ko sya, honestly maganda sya, parang gusto ko umakyat dyan ipakilala mo ako.
Pepito: Ayan ka nanaman e, lesbian ka ulit ba?
Aika: Oo, hahahah…pero totoo maganda sya. Pag nainlove ka dito di ako magagalit basta share mo sya sa akin
Pepito: Sira ka pala e, ikaw talaga. Sige next time ulit, ingat ka lagi ha

Kinabukasan ay kasama ko si Kaileen at nakimeeting kami para sa lahat ng contestants. Nang matapos ang meeting ay lalo sya kinabahan. “Parang gusto ko na mag back out sir” sabi nya bigla. “Bakit naman?” tanong ko. “Magaganda sila lahat, at yang isa na taga education sigurado mananalo yan kasi balita ko yung talent portion nya is sasayaw sila ballroom kasama yung gay instructor, e magaling sobra yon” sabi nya. “Sus, suko agad kasi, ano ba ang talent mo?” tanong ko sa kanya. “Sasayaw din sana ako, pero nagbago na isip ko, talo din lang ako e” sabi nya. “Fine, di hanapan kita ng magaling na partner, wag mo isipin na matatalo ka na, sabi ko sa iyo maganda ka, at take note engineering ka so matalino ka, good now may mission ako hanapan kita ng partner mo. So sige makipractice ka muna at hanapan kita” sabi ko at agad ako naghanap.

Nahanapan ko si Kalileen ng partner na magaling, isang student na bading pero sa engineering sya. Ilang araw ako nanood ng practice nila at nagmistula akong alalay niya. Ganito pala ang trabaho ng handler, di pa sinabing tsimoy, driver at utusan, pero habang tumatagal ay lalo kami nagiging malapit ni Kaileen at lagi kami magkasama. Habang inaantay si Kaileen sa practice ay ako naman ang nagpapaturo ng sayaw, trip trip lang pagkat matagal ko nang gusto matuto. Nagpaturo ako ng lahat ng ballroom sa bading at magaling sya magturo. Pero twing darating na si Kaileen ay pasimple ako sa tabi at kunwari walang nangyayari.

Dalawang araw nalang at pageant night na, hinatid ko ulit si Kaileen sa kanila. “Sya nga pala Kaileen pag may mga kakilala kang mga babae na tutulong sa iyo sa backstage tawagin mo sila, di ako pwede don kasi syempre magbibihis ka diba” sabi ko sa kanya. “Yup meron, pero sir dapat nandon ka din sa backstage ha, tapos pano yung hair ko at make up sino mag aayos?” tanong nya. “Bakit mo pa aayusin ang hair mo? Maganda naman at diretso, sus ganyan na, pwera lang sa ballroom dance itali mo. Make up di mo kailangan yon, mas maganda pag wala okay?” sabi ko sa kanya at halata ang kaba sa itsura nya.

Kinabukasan ay pre-pageant, di ko alam yon pero handa sya para doon. Magaganap ngayon ang swimsuit competition at nagulat ako pagkat wala syang kasamang ibang babae. Niyaya ko si Mam Ellen na tulungan sya pero tinawanan lang ako at sabi sa akin na kayanin ko daw. Tinulungan ko si Kaileen sa backstage at kailangan na nya magpalit, sa loob ng kwarto naiilang ako pero game na game sya. “Sir ano ka ba, tulungan mo na ako dito” sabi nya. “Sa labas nalang ako, sabi ko kasi kumuha ka ng babae e” sumbat ko sa kanya. “Ano ka ba, magpakalalake ka nga, gentleman ka naman diba, so tulungan mo ako, or else mag quit na ako” sabi nya. “Sige isuot mo na tawagin mo nalang ako pag itatali ko na, talikod muna ako” sabi ko at tumawa sya. Nang maisuot na nya ang bikini nya at tinawag na nya ako para itali ko ang strap sa likod nya. Nang humarap ako sa kanya hawak nya ang bra nakadikit sa dibdib nya at tinalikuran ako. Tinali ko ang strap pero nakikita ko ang gilid ng boobs nya, nang naitali ko ay muli ako tumalikod.

Pumunta sa harapan ko si Kaileen at pinakita ang suot nya sa akin, “Sir ano pretty ba ako?” tanong nya at napatingin ako sa kanya. Kumulo ang dugo ko sa nakita ko at halos wala ako masabi sa kagandahan nya. “Shet, kung di ako kagalang galang na guro pinatulan na kita, very hot ka, pretty…super pretty pero super sexy” sabi ko at tumawa sya. “Hay naku sir, di ko alam ano gagawin ko pag wala ka, tara na sa labas” sabi nya at sinamahan ko sya sa labas at eksakto tinawag sila para rumampa sa stage. Nanood lang ako sa gilid at malakas ang palakpakan at hiyawan ng mga tao sa gym. Nang matapos ang event nag rehearsal sila konti at gabi na ng natapos. Hinatid ko si Kaileen sa kanila pero matagal sya bago bumaba ng kotse. “Sir may favor ako hilingin” sabi nya bigla. “What is it?” sagot ko.

“Kasi sir, bukas na yung pageant, tapos manggagaling ako dito, e mahirap ang sasakyan dito tapos madami pa ako dadalhin, so…baka pwede sa inyo ako matulog ngayon gabi” sabi nya sa akin at halo halong reaksyon ang naramdaman ko. “Ha e, bawal yon, teka, di ata pwede” sabi ko sa kanya. “bakit sir, magagalit girlfriend mo?” sabi nya. “Hindi, wala akong girlfriend, pero student makikitulog sa teacher di pwede” sabi ko. “Sira, di naman ganon e, para mas madali lang ang pagpunta ko bukas, sige na sir tignan mo naman o ang layo dito, thirty minutes ang biyahe tapos bihira ang taxi, buti kung solo ko ang jeep” sabi nya. Di ko alam ano pa irarason ko pero natatakot ako pagkat baka di ko nanaman mapigilan ang sarili ko pag natulog sya sa bahay. “Fine, sige kunin mo gamit mo maghihintay ako dito” sabi ko sa kanya at napangiti sya at tumakbo sa loob ng bahay nila.

Paglabas nya ng bahay nila madami syang dala kaya sinalubong ko na sya at biglang may lumabas ng pinto. “Ate ha, yan ba ang boyfriend mo? Gwapo sya ha, ipakilala mo naman sa akin” sabi ng babae at paglingon ko sa kanya ay kahawig ni Kaileen pero mas bata. “Karen tumigil ka, pumasok ka na sa loob” sabi ni Kaileen at agad ko binuhat ang mga gamit nya. “Nagbigay pa pala si mommy ng makakain natin, eto o pork chop, tapos luto nalang ako sa inyo ng dinner tapos extra nalang to” sabi nya. “Anong extra, kakainin ko na to sa kotse gutom na ako, sana kumuha ka ng kanin din” biro ko sa kanya. “E pano ka kakain sa kotse magmamaneho ka?” sumbat nya. “Susubuan mo ako syempre, alam mo na nga magmamaneho ako diba, so be kind to your alalay naman for a change” at bigla sya tumawa ng malakas.

Pagdating namin sa bahay ay nagpunta kami sa kusina para magluto, marunong sya magluto at di ko natiis at pinapak ko agad ang pork chop. Nang natapos kami kumain pinakita ko na sa kanya ang guest room, iniwan ko na sya don at pumunta na ako sa aking kwarto. Nang nahiga na ako sa kama ay pumasok sya sa kwarto ko at sabi “sir, kwentuhan muna tayo di ako makatulog, kinakabahan ako” Bumangon ako at naupo sa kama, naupo din sya sa tabi pero gininaw sya kaya tinignan nya ako, “Sir pakumot muna ha” sabi nya at nahiga sya sa kama at nagkumot. “Bakit ka kinakabahan, okay naman ang sayaw mo, maganda ka naman, at kanina sa swimsuit sexy ka naman, so whats bothering you?” tanong ko sa kanya at natawa sya. “Pa english english ka pa dyan, basta kinakabahan ako, ewan ko bakit, yung sayaw nila nakita ko at ang galing, sana ganon din ang sayaw ko” sabi nya. “Alam mo ang kulang mo lang emotions sa sayaw mo, yun lang, ibuhos mo emosyon mo, feel the music” sabi ko at muli syang natawa.

“Bakla yung partner ko kaya, pano ko ifeel ang music or magshow ng emotions ano buti kung crush ko ang partner ko baka sumayaw pa ako ng mabuti” sabi nya bigla. “Sana sinabi mo ng maaga para naturuan natin yung crush mo sumayaw, tsk yun lang pala e, wala na too late na” sabi ko sa kanya. “Oo nga, pero imposible naman na gustuhin nya sumayaw ano, imposible yon feeling ko di sya papayag at wala sa itsura nya” sabi nya. “Sus ako pa, kaya ko yan pilitin, tignan mo yang bakla, ayaw pa nung una, o ngayon naturuan ka na tapos partner mo pa. Kaya kaya kumbinsihin yon pero too late na” sagot ko. “As if naman na gusto mo maging partner ko ano” sabi nya at napatingin ako sa kanya. “Ha? Bakit ako naisama sa usapan?” tanong ko pero tahimik lang sya at nakatingin sa akin. “Kaileen, alam mo nama na hindi pwede diba?” sabi ko at nagsimangot sya. “Alam ko pero sinasabi ko lang sa iyo, wala naman problema crush lang naman e, alam ko naman na di mo ako type so sinabi ko lang para makaluwang sa dibdib” sabi nya.

“Sino naman ang hindi magkakagusto sa iyo, bulag siguro, di naman ako bulag” sabi ko at napangiti sya. “So that means type mo ako” sabi nya at sabi ko “oy wala ako sinabi na ganyan” sumbat ko pero kinilig sya at nagtago sa kumot. “Wala nang bawian, ganon narin ibig sabihin non, type mo rin ako. Umamin ka na wala nang bawian” sabi nya parang bata. “Pumunta ka na nga sa kwarto mo, matutulog na ako” sabi ko nalang at nahiga narin ako at nagkumot. “Dito nalang ako, tinatamad na ako bumangon, maginaw pa, basta wala nang bawian…happy ako at type din ako ng crush ko, kahit yun lang masaya na ako” sabi nya at medyo napangiti ako. “Kung di lang ako instructor siguro liligawan kita pero papagalitan ako ni Aika” sabi ko at bigla sya lumabas ng kumot at tinignan ako. “Sabi ko na may girlfriend ka e” sabi nya. Nakwento ko sa kanya ang ugnayan namin ni Aika at bigla syang napangiti, “Di mo pala sya girlfriend e, MU lang kayo so pwede mo ako ligawan” sabi nya. “Excuse me, instructor ako at student ka, so hindi pwede, ganyan kalupit ang systema” sabi ko at biglang nagseryoso ang itsura nya. “Pero alam mo kung talagang gusto mo naman ipaglalaban mo diba kahit na alam mong mali?” sabi nya. “Ano ibig mo sabihin?” tanong ko sa kanya pero tinalikuran nya ako at sabi “Wala, good night sir”

Dumating narin ang araw ng pageant, napilitan akong magformal kasi required para sa lahat ng instructors. Kabado parin si Kaileen pagkat sya lang ang di nakaayos ang buhok at di naka make up. “Sabi ko sa iyo di mo kailangan mag ayos ng buhok at di mo kailangan ng make up, maganda ka na pag simple” pero malalalim parin hininga nya. “Sir, back out na ako sa talent, natatakot ako, di talaga ako komportable sa baklang yon” sabi nya. “Hay sige lang go, ako bahala sa talent portion mo” sabi ko sa kanya. Pagdating ng talent portion nya ay kinabahan sya lalo, “sir nasan na yung bading bakit wala pa sya ako na susunod, pero tignan mo sila sumasayaw o, ang galing nila, ayaw ko na ata” sabi nya. “Wag kang mag alala, mas magaling ang gagawin natin” sabi ko at nagulat sya at napatingin sa akin. “Gagawin natin?” sabi nya. Sasagot pa sana ako pero sya na ang susunod, nang naglakad kami papuntang stage nagsigawan ang marami at madami din natulala. Madaming nagulat pagkat di nila inaasahan ako ang partner nya, pati si Kaileen tulala parin pero binulungan ko sya, “O partner mo na ako, ibuhos mo na lahat” sabi ko at napangiti sya.

Tapos na ang pageant at hinatid ko si Kaileen sa bahay nila, inaantay ko sya bumaba ng kotse pero hinawakan nya ang susi at pinatay ang makina. Napatingin ako sa kanya at nakatitig sya sa akin, “Gusto ko matulog ulit sa bahay mo ngayong gabi, kaya isang tanong lang at ang pwede mo lang sagot ay OO at HINDI, walang rason na iba. Gusto mo ba ako matulog sa bahay niyo ngayong gabi?” tanong nya bigla at nagulo ang isipan ko at natulala lang ako at napatitig sa kanya. Eto nanaman ako sa sitwasyon na gusto kong iwasan, naglalaro sa isipan ko si Aika, pero may sinabi din sya na naayon sa kalagayan ko ngayon. “ano sagot!” sabi nya at huminga ako ng malalim at sabi ko “Oo” at bigla syang ngumiti at lumabas ng kotse, “antayin mo ako dito, kinuha ko susi mo para di mo ako takbuhan” sabi nya at natawa nalang ako.

Pagdating namin sa bahay busog pa ako sa kinain namin sa paaralan kaya dumiretso na ako sa kwarto, sinundan nya ako at pumasok sa banyo sa kwarto ko at nagbihis. Hindi ko alam ang nasa isip ko kaya pagkatapos ko magbihis nahiga na ako sa kama. Paglabas nya ng kubeta at di ko sya pinansin at nahiga sya sa tabi ko at humarap sa akin. “Nathan, harapin mo naman ako” sabi nya at nagulat ako at tinawag nya ako sa pangalan ko. “Kaileen, bakit mo ako tinatawag sa first name ko?” tanong ko sa kanya. “Kasi yun naman ang pangalan mo diba?” sabi nya. “Kahit na instructor parin ako at student ka” sumbat ko. “Nandito tayo sa bahay mo, di naman ako estudyante dito” sumbat din nya. Hinarap ko sya at sabi ko “Kaileen, di ako mabait na tao, sa totoo babaero ako, pero iniiwasan ko na ang ganon na buhay, sinasabi ko ito sa iyo para alam mo kung sino ako” Lalo syang lumapit sa akin at nilapit ang mukha nya sa mukha ko, nanigas ang leeg ko at di ako makagalaw, “madami ka pang satsat, halikan mo nalang ako” sabi nya at nagdikit ang aming labi. Ayaw ko sana halikan sya pero di ko na makontrol ang sarili ko at napayakap ako sa kanya at hinalikan ko na sya.

Ang sarap ng aking pakiramdam, ang malambot na mga labi nya nakadikit sa mga labi ko, alam ko bawal ang ginagawa ko pero masrap sa pakiramdam. “Shet…di ako makapaniwala hinahalikan ko ang crush ko” sabi nya at natawa sya. “Ako di ako makapaniwala hinahalikan ko ang pinakamagandang babae sa campus, congrats nga pala, sabi ko sa iyo mananalo ka e” sagot ko sa kanya at muli kaming naghalikan at gusto sana maglikot ng mga kamay ko pero pinigilan ko sila. Nagkareaksyon agad si manoy at nahihiya akong ipaalam sa kanya ito. “Kaileen, layo ka konti sa akin” bulong ko sa kanya. “Bakit?” tanong nya. “Kasi…basta layo ka konti” sabi ko ulit at napatingin sya sa baba at nakita ang bukol sa shorts ko. napangiti sya at niyakap ako bigla, “normal lang na reaksyon yan bakit ka nahihiya, para kang bata” bulong nya sa akin at tinuka ako sa labi. Hinila nya ang kamay ko at dinala nya sa gitna ng mga hita nya at pinahipo ang panty nya, doon ko nalaman na nakapanty lang sya sa baba. “Basa” sabi ko at ngumiti sya. “Oo, dahil sa iyo, pero alam mo nagpalit na ako sa lagay na yan, kanina nung sinayaw mo ako ang tindi ng pagkabasa ko promise” sabi nya.

“Ilang taon ka na ba?” tanong nya sa akin at sabi ko twenty one. “Twenty one lang pala e, ako mag nineteen sa November, bakit ka nagpipigil?” tanong nya at di ako makasagot. Tinalikuran nya ako at nagtampo, naguguluhan parin ang isipan ko pero nandito na ako at gusto ko sya, gustong gusto kaya agad ko sya niyakap at hinalikan ko ang batok nya. Sinandal nya ang katawan nya sa katawan ko at ginapang ang kamay nya papunta sa ari ko. hinimas himas nya si manoy sa labas ng shorts ko at tumigil sya saglit para hilain ang kamay ko at pinunta nya yon sa loob ng panty nya. Agad kong nahaplos ang ari nya at nagulat ako sa kinis at wala syang buhok doon. “Wala kang buhok” nasabi ko at tumawa sya. “Para kang bata talaga, syempre nag shave ako para sa bikini, alangan na umusli ang buhok don ang pangit tignan” sabi nya. “Ang ganda laruin” sabi ko at muli sya natawa sa akin.

Humarap sya sa akin at muli akong hinalikan sa labi, nilalaro nya parin ang ari ko at nakapasok parin ang kamay ko sa panty nya. Nagbitaw ang aming mga labi at napakagat sya sa labi nya, napaungol sya at binaba nya ang panty nya at tuluyan tinanggal ito. Nilaro ko ang ari nya at basang basa ito, napakainit at kinis nya, nagawa nyang ipasok ang kamay nya sa shorts ko at dinakma agad si manoy pagkapasok ng kamay nya sa brief ko. napatingin sya sa akin at binaba ang shorts at brief ko, tinignan nya ang ari ko at binilisan ko ang paglaro sa ari nya at muli syang napaungol. Pilit nya ako hinahalikan pero lagi syang bumibitaw para mag ungol kaya dinikit nalang nya ang ulo nya sa dibdib ko at nabitawan ang ari ko. pinatong nya ang kamay nya sa balikat ko at kumapit habang nanginginig ang mga paa nya.

Inipit nya ang kamay ko sa hita nya pero nagawa ko parin laruin ang ari nya. Basang basa na sya at ubod ng lakas ng ungol. “aaaaahhhh…oh god…crush ko nilalaro pussy ko…ahhhhh…nathan lalabasan na akoooohhh” sabi nya at napayakap sya sa akin. Binilisan ko ang paglaro sa ari nya at tumindi ang kapit nya sa akin, umayuda sya ng malakas at nanigas ang katawan nya, ilang beses sya nangisay at naramdaman ko ang muling pagdaloy ng mainit na katas nya. Napatingin sya sa akin at hinalikan ako sa labi, “kung panaginip to wag mo na ako gigisingin” sabi nya at natawa ako bigla.

Linkbucks