black2

Tuesday, June 3, 2008

Aika Demonika Book 2 Preview

Due to the result of the poll, it clearly showed that the majority wants the second book of Aika...so here is the preview of the second book.


Aika Demonika Book 2 Preview

Eto nanaman naglalakad nanaman ako paakyat ng stage, bibigat nanaman ang leeg ko sa dami ng medalya na makukuha ko. Ang laki ng mga ngiti ng mga magulang ko, masaya sila. Ako hindi, walang thrill ang buhay ko, wala na kami ni Gary, boring syang kasama at boring sya sa kama. Tigang na ako dahil nag concentrate ako sa pag aaral.

Gusto ko tumira ng mag isa ko lang sa college, pero alam ko di papayag ang mga magulang ko kaya ginawa ko ang aking makakaya sa school para pagkatiwalaan nila ako. Eto nakuha na nila ang gusto nila pero di ko pa nasasabi ang gusto ko sa kanila.

Pagkatapos ng graduation ceremony ay may party na naganap sa isang restaurant, di ko naman kilala ang mga tao don pero todo ngiti nalang ako. Plastik na kung plastik pero yun naman talaga ang nararamdaman ko.

Pagkauwi ko sa bahay ay diretso ako sa aking kwarto. Nagring ang cellphone ko at agad kong sinagot.

“Hello Aika, si Jenny ito, uy may trabaho na ako dito sa Baguio!” sabi ng boses sa kabilang linya. Si Jenny ay pinsan ko at buti pa sya pinayagan ng mga magulang nyang mag aral at tumira sa Baguio, gusto ko din sana ng ganon. Sana payagan nila ako.

“Ate Jenny! Treat mo ako ha sa sweldo mo!” sabi ko sa kanya.

“Oo naman! Pero alam mo wala na kami ni Levy, matagal na yon pero hayaan mo na. Madaming guwapo sa pinagtratrabahuan ko kaya walang problema” sabi nya sa akin.

Si Jenny ay inakala kong tibo pagkat nagkasyota syang babae na si Ate Levy. Siguro tumatakbo sa dugo namin ang pagkatibo kaya kailangan ko tanungin ang nanay ko kung nagkarelasyon din sya sa babae pero baka pagalitan lang ako at din a ako payagan mag isa sa kolehiyo.

“Talaga ate? Hayaan mo na ate, mas masarap ang lalake!” sabi ko sa kanya at natawa sya bigla. “Tama ka, hoy don’t tell me na…ikaw ha! Uy magbakasyon ka dito tira ka dito sa apartment ko at treat kita. Kahit one week ka dito tamang tama flower festival dito ng summer” sabi ni ate Jenny sa akin. “Teka ate don’t tell me din nasubukan mo na ang lalake, ikaw siguro ang dahilan ng pag break niyo ni ate Levy ano? Kasi nanlalake ka ano?” sabi ko sa kanya. “Parang ganon pero pareho lang kami, iisang lalake ang tinikman namin at dahil sa kanya ay nag away kami!” sabi nya sa akin. “Hala! Iisang lalake meaning ikaw at yung guy e nagsex kayo tapos si Levy at yung guy? Ate ha, ano yan?” tanong ko sa kanya.

“Ah basta sige sige at inaantok na ako. Text mo ako pag gusto mo magbakasyon dito ha. Para makapaghanda ako” sabi nya. “Teka ate curious ako don sa lalake, bakit guwapo ba sya? Ano pangalan nya ate?” tanong ko sa kanya. Tumawa si Jenny at sabi nya “Well guwapo din naman, matangkad, basta nangyari nalang…ilang beses pa ahahahaha…pag nagbakasyon ka dito baka ipakilala kita sa kanya kung makita natin si Pepito” sabi nya sa akin. “Pepito? Ate ano ba sya? Student din or classmate mo?” hirit ko pa. “Kaklase ni Levy yun dati. Ngayon engineer na sya at nagtuturo na ata sya sa isang school dito e, si Levy bumagsak sa board KARMA nya yon ahahahha” sabi ni Jenny.

“Sige ate magpapaalam ako itext nalang kita” sabi ko at pinatay ko na ang cellphone ko.

Nahiga ako sa kama iniisip ang nangyari sa pinsan ko, pareho silang babae na magkarelasyon tapos sinira lang ng isang lalake na namagitan sa kanilang dalawa. Pepito, ano kaya ang taglay na kamandag ng Pepito na ito at pareho pa silang nabihag nya. Ano kaya ang itsura nya kaya nagawa nyang mahulog sa kanya ang dalawang yon. Naiintriga na ako sa Pepito na ito, gusto ko sya makilala, gusto ko syang makita.

Pepito…makikita din kita…

Pepito…matitikman din kita….mag antay ka lang!


***********************************************

Thank you for the long wait, eto na sa wakas malapit na sya. Nabasa nyo naman siguro itong preview story for Aika Demonika Book 2...well yes, crossover sya ng two stories, Propesor Pepito and Aika Demonika will indeed cross-over ahahaha...akala nyo sa COMICS lang nagaganap ito ano?


Well di pa naisip ng ibang writers to so unahan ko na sila ahahahah. Pero paki antay pa konti pagkat wala pa tayo sa stage ng cross over nila, so pag nakita nyo na si Aika nag guest appearance sa libro ni Pepito then thats the time lalabas narin ang pangalawang libro ni Aika...i promise its worth the wait hahahaha.

Linkbucks