black2

Sunday, June 29, 2008

Propersor Pepito: Chapter 15

Chapter 15: Heartbreak

Kinabukasan ay nagising ako at napansin kong nakaakap sa akin si Vera, nilingon ko sya at nakita kong mahimbing ang tulog nya. Ramdam ko ang boobs nya sa aking braso at nagsimula ulit maglikot ang isip ko. Hinarap ko sya habang pinapanatili ang kamay nyang nakapatong sa balikat ko. Magkalapit ang mukha namin at ramdam ko ang paghinga nya habang natutulog. Ang ganda ni Vera at lalo ko pa nilapit ang mga labi ko sa labi nya, nagulat nalang ako nang imulat nya ang mga mata nya at di ko na nagawang ilayo ang mukha ko dahil nanigas ako bigla.

Nakita nya ang kamay nyang nakapatong sa balikat ko at muli nya akong tinitigan sa mata, di ko alam bakit pero parang may magnet at naglapit pa lalo ang mga labi namin. Nagdikit ang mga labi namin at parang nakuryente ang buong katawan ko, diniin nya ang labi nya sa labi ko at pinikit nya ang kanyang mga mata, di ko alam anong nangyayari pero di ako makabawi sa ginawa nya. Inipit nya ang ibabang labi ko gamit ang dalawang labi nya at di ko talaga alam bakit nilayo ko ang mukha ko sa kanya. Para tuloy syang napahiya at namula ang mukha nya. “Sorry” sabi nya at parang tinusok ako ng aking mga demonyo, nanghihinayang ako bakit ko bigla nilayo ang mukha ko at nagsorry din ako sa kanya. Nagkandahiyaan tuloy kami ni Vera at bigla na syang bumangon. Naiwan ako sa kama at nagsisisi ako talaga sa aking ginawa.

Pagkauwi ko sa bahay ay nagsisisi parin ako, galit ako sa sarili ko kaya nagkulong nalang ako sa aking kwarto. Isang oras lumipas at kumatok ang nanay ko sa kwarto ko, binigay sa akin ang wireless phone at napansin ko iba ang itsura nya. Kinabahan tuloy ako kaya agad ko sinagot ang telepono.

“Hello” sabi ko at biglang sabi ng nasa kabilang linya ay “Sino si Vera?” at nabosesan ko si Katrina. Parang nawala ang espiritu ko sa katawan ko at nanigas ang aking mga labi. “Sino si Vera?” tanong nya ulit at napansin ko galit na sya. “Schoolmate ko bakit?” sagot ko at napatahimik sya ng matagal. “Katrina alam ko ang iniisip mo pero wala talaga promise, kahit pumunta ka dito promise kaibigan ko lang sya” sabi ko sa kanya at narinig kong umiiyak sya. “Katrina, I swear talaga, wala, kaibigan ko lang sya, honest ako, alam ko mommy ko nagsabi pero wala kaibigan ko lang yon” ulit ko sa kanya.

Binagsakan ako ni Katrina ng telepono at nang tawagan ko sya ay di nya sinasagot ang telepono. Naalala ko ang nabili kong cellphone at nilabas ko agad, nagpadala ako ng text message sa number nya pero di nya ako sinasagot talaga. Pagalit akong lumabas ng kwarto at hinarap ko ang nanay ko, sa sobrang galit ko gusto ko sya sigawan pero di ko magawa. Bumalik nalang ako sa kwarto ko at pagtingin ko sa cellphone ko ay wala parin sagot si Katrina.

Galit ako sa mundo pagkat isang linggo ko na tinatawagan si Katrina at di nya ako sinasagot. Pinaring ko cellphone nya ilang beses at di nya ito sinasagot. Di na ako kumakain sa bahay tuwing umaga at gabi, iniiwasan ko ang nanay ko pagkat galit ako sa kanya. Natuto ako sumama sa mga kaklase kong lalake at tuwing hapon ay nag iinuman kami. Lasing ako umuuwi tuwing gabi at di narin ako nakikipag practice sa basketball. Galit talaga ako sa mundo kaya ayaw ko makausap ang mga kilala ko.

Valentines day at tinawagan ko si Katrina pero wala talaga. Nag padala ako ng madaming text message sa kanya pero ni isa di nya ako sinasagot. Birthday ko dumaan at di nya ako binate man lang, di ako naghanda at di ako natulog sa bahay. Natapos ang second year ko sa kolehiyo at di parin kami nagbabati, nagpasya nalang ako mag summer classes para mapanatiling busy ang utak ko. Tatlong buwan na ako di kinikibo ni Katrina at malapit na ako sumuko.

Hunyo na at third year na ako sa kolehiyo wala parin ako balita kay Katrina, gulong gulo ang mundo ko at araw araw na ako umiinom. Isang araw half day lang kami sa klase, nakipag inuman ulit ako sa kabarkada ko at nalasing ako, inakala ko na may klase pa ako kaya pumasok ako sa school. Nakalusot ako sa guard at doon ko lang naalala na wala na ako pasok. Nagtungo ako sa gym at umakyat sa bleechers para matulog saglit pagkat nahihilo ako, sa mga oras na yon walang masyado tao sa gym, kung meron man mga nakatambay lang na magsyota na naglalampungan. Nahiga ako at pinikit ko ang aking mga mata at natulog.

Nagising nalang ako nang nakaramdam ako ng malamig na bagay na pinapahid sa ulo ko, pagbukas ko ng mata ko nakita ko si Vera at agad ako tumayo. “Wag kang masyadong magalaw, higa ka lang, alam ko lasing ka” sabi nya sa akin. “Sorry, akala ko may pasok kasi ako at nahilo ako kanina” sagot ko sa kanya. “Mukhang problemado ka ata lately, nakikita kita lagi kang lasing e” sabi nya sa akin, di na ako sumagot at ayaw ko pag usapan yon. “Antayin mo ako dito kunin ko gamit ko tapos uwi na tayo” sabi nya sa akin. “Di ka magpractice?” tanong ko sa kanya. “Di na, kaya antayin mo ako magpapaalam lang ako” sabi nya at inantay ko naman sya.

Hindi ko na alam ano nangyari pero nang namalayan ako kaharap ko na ang nanay ko at inaalalayan ako ni Vera. “Pepito! Anong nangyari sa iyo?” narinig kong sinabi ng nanay ko, nahihilo ako at narinig kong sumagot si Vera, “lasing na lasing po sya, nakita ko sya sa gym kaya hinatid ko nalang po sya dito.” Sumunod na imulat ko mata ko ay nakahiga ako sa sofa namin, pinupunasan ako ng malamig na dimpo ng nanay ko at nakita ko si Vera nakaupo sa tabi ko. “Tita napansin ko si Pepito lately lasing araw araw, di ko na nga sya nakikita nagprapractice. Parang may problema ata sya” sabi ni Vera. “Iha sabihin mo nga sa akin, niligawan ka ba ni Pepito, o kayo na ba ni Pepito?” tanong ng nanay ko. “Hindi po. Magkaibigan lang po kami ni Pepito, di po nya ako nililigawan” sabi ni Vera. Sa sobrang hilo ko di ko magawang buksan ang mata ko at makisali sa usapan nila kaya nakinig nalang ako.

“Ganun ba? Kung ganon ako ang may kasalanan nitong lahat” sabi ng nanay ko at biglang kumulo ang dugo ko sa galit. May pinagusapan pa sila ng nanay ko pero pilit kong di pinapakinggan, ginusto ko nalang matulog. Pagkagising ko napakasakit ng ulo ko, wala na si Vera pero nandon parin sa tabi ko ang nanay ko. “Anak sorry” sabi nya sa akin pero bumangon lang ako at nagpunta sa kwarto ko at muling natulog.

Linkbucks