black2

Sunday, June 29, 2008

Propersor Pepito: Chapter 16

Chapter 16: Vera

Masakit ang ulo ko pagpasok ko sa klase, gusto ko sana matapos na ang araw para makipag inuman ulit ako sa mga barkada ko. Sumapit narin ang last class ko at atat na ako makipag inuman, pagkalabas ko ng classroom ko ay nagulat ako at nandon si Vera. “Bakit nandito ka?” tanong ko agad sa kanya. “Sinusundo kita” sabi nya sa akin. “Sundo? Bakit?” hirit ko sa kanya. “Wala gusto lang kita sunduin” sabi nya sa akin. “May lakad ako e, at may practice ka diba?” sabi ko sa kanya. “Di ako magpractice ngayon, saan ka pupunta? Iinom ka ulit?” tanong nya sa akin. Naglakad ako at di ko sya sinagot pero sinabayan nya ako, “Pepito nagugutom ako, tara kain tayo” sabi nya bigla. Napatingin ako sa kanya at sabi ko “Vera may lakad ako, hatid nalang kita sa canteen” sagot ko sa kanya.

“Alam mo nagbago ka na, di ka naman ganyan dati ha” sabi nya at napatigil ako sa paglakad. “Kung iinom ka halika na ihatid kita sa pagiinuman mo” sabi pa nya. Di ko inasahan na tototohanin nya ang sinabi nya, hinatid nga nya ako sa mga barkada ko sabay umalis na walang sinasabi. “Sige magpakalunod ka sa alak, antayin kita dito sa labas” sabi nya at pumasok na ako sa inuman at akala ko nagbibiro lang sya. Pagkatapos ng inuman lasing ulit ako, paglabas ko ay nandun si Vera nag aantay nga pero nang nakita nya ako umalis narin sya.

Tatlong araw na ganon ang ginagawa nya, hinahatid nya ako sa pinag iinuman namin tapos paglabas ko nandon parin sya. Biyernes ng hapon hinatid nya ulit ako pero pumasok lang ako para magpaalam sa mga barkada ko na di ako makikipag inuman sa araw na yon. Lumabas ako agad at pagtingin ko wala si Vera doon, nagpunta ako sa gym at nakita ko sya naglalaro ng badminton. Nang makita nya ako ay lumapit sya agad, “Di ka ata uminom ngayon?” sabi nya sa akin. “Pagkahatid mo sa akin bumabalik ka dito tapos babalikan mo ako doon?” tanong ko sa kanya. “Oo, alangan na antayin kita doon talaga. Teka bakit di ka uminom?” tanong nya sa akin, “Nahihiya na ako sa iyo” sagot ko nalang at ngumiti sya. “Antayin mo ako matapos ha, sabay tayo umuwi” sabi nya at bumalik sya maglaro.

Lunes ng hapon sinundo ulit ako ni Vera sa klase, “Di na ako makikipag inuman” sabi ko sa kanya. “Alam ko” sagot nya at ngumiti sa akin. “E bakit ka nandito?” tanong ko sa kanya. “Gusto kita sunduin, bawal ba?” sabi nya at napakamot nalang ako sa ulo pagkat tinutukso na kami ng mga kaklase ko. Agad kami lumabas at naglakad lakad lang.

Araw araw ganon ang ginagawa namin ni Vera, kahit di nya sabihin ay ginagawa nya yon para di na ako iinom. Biyernes ng hapon nagpunta kami sa bahay nina Vera, nandon ang mga magulang nya at nakilala ko narin sila. Tumambay kami sa hardin nila at naupo sya sa ilalim ng pine tree, nahiga muli ako sa hita ni Vera at pinikit ko ang aking mga mata. “Kahit di mo sabihin sa akin alam ko ang rason bakit ka umiinom lagi” sabi nya bigla. “Sinabi ng mommy ko sa iyo ano?” tanong ko sa kanya. “Oo, pero alam ko ayaw mo pag usapan, kaya hayaan mo na ganyan talaga ang buhay” sabi nya sa akin. “Vera, thank you” sabi ko at sumagot sya agad. “Thank you saan?” sabi nya at sabi ko “Thank you at binalik mo ako sa tamang landas, kung di mo ako sinusundo araw araw siguro lasing parin ako hanggang ngayon” sabi ko at hinaplos lang nya ang buhok ko.

“Alam mo Pepito, aaminin ko na nung sinabi ng nanay mo na naghiwalay kayo ni Katrina…ewan ko kung selfish ako pero sa totoo lang masaya ako…masayang masaya” sabi nya at binukas ko ang mata ko at tinignan ko sya pero malayo ang tingin nya. “Bakit ka naman masaya?” tanong ko sa kanya at bigla nya ako tinignan. “May matagal na ako gusto gawin…di ko matuloy tuloy kasi alam ko…pano ba sasabihin ito…” sabi nya at sabi ko “ano yon?” at huminga sya ng malalim. Nagkatitigan lang kami at biglang papalapit ang mukha nya sa mukha ko, nang magkalapit na muli ang aming mga labi ay sabi nya “matagal ko na gusto gawin ito, dati naramdaman ko na di pwede…pero ngayon wala na kayo…” sabi nya at biglang nagdikit ang aming mga labi.

Nakuryenre ang buong katawan ko at damang dama ko ang lambot ng kanyang mga labi, biglang pumasok sa isipan ko si Katrina pero parang naglalaho na sya, bumigay na ako at tuluyan na kaming naghalikan ni Vera. Nang magkalayo ang aming mga labi ay nilayo ni Vera ang tingin nya. “Vera, di ako mabait tulad ng sinasabi mo, madami na akong nagawang kasalanan, di ako harmless tulad ng iniisip mo. Nung gabi na sinabi mo na di kita ginapang, sa totoo binalak ko talaga pero di ko kaya, ewan ko bakit pero pag ibang babae yon nagawa ko siguro” sabi ko at tinignan nya ako at sabi niya “tulad ni Karen diba?” at nagulat nalang ako.

“Alam ko nangyari non, galit ako non, pero sabi ko sa sarili ko wala ako sa posisyon para magalit, may punto din na sinabi ko sa sarili ko na baka di ako ang tipo mo. Di ko pinakita pero galit ako non, pinilit kita matulog ulit dito umasa ako nab aka ako naman makita mo pero si Karen parin kaya nung umaga dahil sa awa sa sarili ko pinilit kitang halikan non kahit yun nalang konswelo ko sabi ko” bigla nyang nilantad sa akin at hiyang hiya ako sa kanya.

“Pero sino ba naman ako para magalit diba, di naman tayo, di mo naman ako type so inisip ko nalang na ok na makasama kita sa school o maging kaibigan. Pepito…kakapalan ko na mukha ko pero…I really like you” sabi nya at bumilis ang tibok ng puso ko. “I like you too…very much sa totoo lang pero ewan ko bakit nahihiya ako sa iyo…sa tingin ko you deserve someone better than me, ako kasi…alam mo na siguro ano ako…di ako mabait…madali ako bumigay sa tukso”sagot ko sa kanya. “E kung ako ang tumukso sa iyo?” tanong niya bigla at natawa nalang ako. “Sa iyo natotorpe ako ewan ko bakit, baka may powers ka. Kaya pag ako sa iyo mamili ka nalang ng mabait” sagot ko.

“E ikaw nga gusto ko e, wala akong pakialam ano nakaraan mo basta gusto kita. At pwede ka pa magbago alam ko yon” sabi nya. “E pano kung di ako magbago, pano kung magloko ako?” tanong ko sa kanya. “Siguraduhin mo lang maganda kung hindi papatayin kita” sabi nya at napatawa ako ng malakas. Nagtataka sya bakit ako natawa kaya sabi ko “Alam mo yan din sinabi sa akin ni Katrina” at tinaasan nya ako ng kilay. “So kung yan ang sinabi nya hindi sya magagalit dapat” sabi nya at tumawa sya, napatingin ako sa kanya at tama sya maganda nga si Vera.

Nagtawanan kami ni Vera at nang matahimik kami ay naglapit ulit ang mukha namin pero nilayo nya agad ang mukha nya. “Bakit ayaw mo ako halikan ngayon?” tanong ko sa kanya. “Ligawan mo muna ako, pag sinagot kita saka na yung second kiss” sabi nya sa akin. “Ligawan?” tanong ko sa kanya at napangiti sya. “So habang di mo ako sinasagot pwede pa ako magloko?” biro ko sa kanya at inirapan nya ako. “Ikaw bahala ka, kung yan ang gusto mo. Wala naman ako magagawa pag magloko ka di naman kita kaano ano” sabi nya at natawa ako. Bigla nya ako hinalikan sa labi at sabi ko “O akala ko ba yung susunod ay pag sinagot mo na ako?” at ngumiti sya. “Para ganahan ka na ligawan ako, at alam mo Pepito pag tayo na…” sabi nya at bigla nyang ginapang ang kamay nya sa dibdib ko papunta sa puson ko at lumapit sa pantalon ko sabay tumigil. Napasimangot ako at natawa sya sa akin at hinalikan nya ulit ako sa labi.

Lunes ng hapon pumunta ako sa gym para bisitahin si Vera, pinanood ko sya magpractice. Pagkatapos ng practice nya ay pinuntahan nya ako at sabi nya “sinusundo mo ba ako?” at sabi ko “hindi, hinahanap ko si Karen” biro ko sa kanya. Nagsimangot sya at tinapon nya ang twalya nya sa mukha ko. Tawa ako ng tawa at sabi ko “Akala ko ba walang kang paki kasi di pa tayo?” pero tinalikuran nya lang ako at nagpunta na sa locker room para magbihis. Pagkalabas nila ay sinalubong ko sya at ayaw nya ako pansinin pero agad kong inabot ang isang rosas sa kanya at bigla syang tumigil. Tinukso kami ng ibang kasama nila at nang kinuha nya ang rosas ay napangiti sya at kinurot ako.

“Gago ka talaga, pero salamat dito” sabi nya. “Hindi para sa iyo yan, gusto ko sana iabot mo kay Karen yan” biro ko ulit at nagsimangot ulit sya. “Tse! Alam ko naman para sa akin ito e diba?” sabi nya at nilabas ko pa yung dalawang rosas. “Dapat tatlo kaya eto pa o” sabi ko at inabot ko sa kanya at lalong lumaki ang ngiti sa mukha nya. Pinalo nya ako bigla sa braso at kinurot pagkat lalo kami tinukso ng mga kasama nya. “Ang gago mo nakakahiya sa harapan pa nila” sabi nya at sabi ko sa kanya “para makita mo na seryoso ako” at tinignan nya ako at namula ang mukha nya.

Pagsapit ng sabado ay nadgate kami ni Vera, nanood kami ng sine at kumain sa labas. Pagsapit ng hapon ay pumunta kami sa bahay nila para manood ng vcd. Nahihiya ako pagkat nandon ang mga magulang nya at kasama pa namin sila nanood sa salas. “Vera iha bakit masyadong tahimik ata ang boyfriend mo” sabi ng nanay ni Vera at nahiya ako lalo. “Ma di ko pa sya boyfriend, nanliligaw palang sya” sabi ni Vera. “Bakit ayaw mo sya sagutin anak, kayong mga babae talaga pinapahirapan niyo lang kaming mga lalake” sabi ng tatay ni Vera at natawa ako bigla. “Alam mo Pepito ikaw ang unang pinakilala niya sa amin, akala namin nga tomboy ang anak namin pero salamat sa Diyos hindi naman pala” sabi ng tatay niya sa akin at muli ako natawa.

“Sya nga pala Pepito, kung pwede samahan mo muna si Vera dito, mamayang alas kwatro may lakad kami ng papa nya, babalik din kami mamayang gabi. Vera may nakahanda nang pagkain sa ref ipainit mo nalang at kainin niyo” sabi ng nanay niya. “May taxi pa po ba na makukuha pag gabi na?” tanong ko at tinignan ako ng tatay ni Vera. “Meron pero pagdating namin ihatid nalang kita sa inyo. Mapagkakatiwalaan naman siguro kita ano Pepito?” sabi ng tatay nya sa akin. Natakot ako bigla at kinabahan kaya maingat kong sinabi na opo. Pagsapit ng alas tres ay naghanda na mga magulang nya, tinawag ako ng tatay nya sa labas at kinausap. “Pepito maging prangka ka sa akin, isa ka sa mga natulog dito nung wala kami diba?” tanong ng tatay nya at di na ako tumanggi.

“Lalake ka, lalake din ako kaya gusto ko malaman kung hanggang saan na naabot niyo ng anak ko?” tanong niya bigla at natulala lang ako at nanginig sa takot. “Po? Ano po ibig niyo sabihin?” tanong ko sa kanya at natawa sya konti. “Nahalikan mo na anak ko?” tanong nya at sabi ko “Lately lang po, tatlong beses na maiiksing halik lang po” sabi ko at tinignan nya ako bigla. “hindi ka naman nagsisinungaling sa akin siguro sa sagot mo” sabi nya at sabi ko “Ah kung iniisip niyo na nung natulog ako dito may nangyari wala po, may girlfriend pa po ako noon, pero nagbreak kami. Nawala po ako ng landas at si Vera po ang umalalay sa akin. Lately ko lang po sya niligawan” sabi ko at parang nakahinga sya ng maigi. “Ganun ba, sorry alam mo na kasi iisang anak namin si Vera at magulang ako kaya natural lang mag alala” sabi nya sa akin. “O sige Pepito, bantayan mo anak ko at itong bahay” sabi nya at bumalik na sya sa loob.

Pagkaalis nila ay nanood lang kami ni Vera, pinainit nya ang pagkain at naghapunan kami saka nanood ulit. Sa kalagitnaan ng palabas ay biglang pinatay ni Vera ang telebisyon at vcd, tinignan ko sya pero di sya gumagalaw at nakatingin lang sya sa telebisyon. “Bakit mo pinatay?” tinanong ko sya pero di sya umiimik. “Pepito…alam mo ba kanina pang mabilis ang tibok ng puso ko…ngayon lang ako makakaramdam ng ganito” sabi nya bigla at napatingin lang ako sa kanya. “Alam mo ba na dati natatakot ako sa lalake…kasi yung pinsan ko alam mo ba matapos sya ikama ng boyfriend nya iniwan sya...nagbalikan sila pero para lang pala makapagsex ulit tapos iniwan ulit. Nagkaroon sya ng sumunod na boyfriend pero sex din lang habol sa kanya kaya natakot ako sa mga lalake. Ginusto ko maging tomboy sa totoo lang pero di ko naman magawa, pero ikaw ewan ko bakit kalmado ang loob ko sa iyo kahit na alam ko gawain mo din ang pangloloko sa babae” sabi nya at napahiya tuloy ako.

Napatingin sa akin si Vera, “Alam mo ba sa locker room minsan nagkwentuhan sila…lalo na si Karen…tungkol sa sex at di ako makarelate…parang masaya naman sila…pero takot ako talaga sa lalake e…pero sa iyo ewan ko bakit hindi kahit na…Pepito gusto ko din maranasan ang mga naranasan nila at sana ikaw…pero natatakot ako na pagkatapos baka iwanan mo lang ako” sabi nya sa akin. “Naiintindihan kita…sabi ko nga sa iyo pilyo ako…malapit ako sa tukso kaya dapat mas mabait na lalake ang maging boyfriend mo” sabi ko sa kanya. “Pero ikaw nga ang gusto ko e!” pagalit nyang sinabi.

“Gusto din naman kita, kung ang problema mo yung sex, e di wala muna. Kahit wala kung gusto mo” sabi ko sa kanya at di ko alam kung nagsisinungaling ba ako sa sarili ko pero para sa kanya kaya ko tiisin yon. “Sigurado ka? Papayag kang maging boyfriend ko na walang sex?” tanong nya at sabi ko oo. “E pano kung gusto ko?” tanong nya ulit sa akin at napangiti ako bigla at sabi ko “E di masaya” at pinalo nya ako bigla at natawa sya. “Tignan mo di ka seryoso e, ginagawa mong biro e” sabi nya sa akin. Inakbayan ko sya at sabi ko “Alam mo kahit wala ok lang sa akin, aaminin ko man na gusto ko talaga pero kung ayaw mo okay lang talaga ako don” sabi ko sa kanya. “Pero syempre pag ganon sa iba ka pupunta na, pag nakatlikod ako sa iba ka makikipagsex” sabi nya at natawa ako bigla. “tignan mo nalang kayo ni Katrina tapos nagsex kayo ni Karen, kung di ka pa nahiya sa akin baka pati ako nadali mo narin” biglang drama nya at napaisip ako at tama sya.

Sa mga oras na yon parang gusto ko iumpog ang ulo ko sa pader, naipit ako sa katotohanan na sinabi nya. “E kung ipangako ko sa iyo na pag sinagot mo ako di na ako magloloko?” tanong ko sa kanya at napangiti sya bigla, “kahit na walang sex?” hirit nya at parang nagalit ang mga demonyo ko sa utak. “Oo kahit na walang sex, basta magkasama tayo okay na sa akin” sabi ko bigla at pati ako nagulat ako sa sinabi ko at parang gusto ko bawiin yon. Tumawa ng malakas si Vera at kinurot ako, “Ewan ko kung pagkakatiwalaan kita, pero parang totoo ang sinasabi mo” sabi nya sa akin.

Pumatong sya bigla sa harapan ko at niyakap ako, nagkatitigan kami sa mata at sabi nya “Kahit walang sex talaga?” tanong nya sa akin sabay halik sa labi ko. “Ay pag ganyan e parang magbabago na ang sagot ko” biro ko sa kanya at lalo sya natawa sa akin. Hinalikan nya ako sa labi muli at inulit nya ang tanong nya. “Sana meron…pero kung wala e di be contented with what God has given you…I have two hands the left and the right” biro ko ulit at halos mamatay na sya sa tawa sa ibabaw ko. “teka sinasagot mo na ba ako?” tanong ko sa kanya at muli nya ako hinalikan sa labi at sabi nya “Oo”. “e di wala na talagang sex?” tanong ko sa kanya at muli syang natawa at kinurot ako sa braso. “Hindi naman sa wala kasi alam mo gusto ko rin…pero kung ok lang sa iyo sana na dahan dahanin muna natin” bulong nya sa tenga ko tuluyan akong nalibugan sa kanya. “Dahan dahanin sabi mo tapos inaakit akit mo akong ganyan” sabi ko sa kanya at sinakal nya ako bigla at sabi “E di tiisin mo kasi” sabay tawa.

Walang naganap na milagro sa amin ni Vera, panay halikan lang at landian habang inaantay namin magulang nya. Nang makauwi ako ay kakaiba ang naramdaman ko, parang maganda din ang ideya nya na dahan dahanin namin pagkat maganda din ang feeling pag sobrang sabik.

Linkbucks