black2

Friday, December 19, 2008

Chapter 11: Boracay Madness

Chapter 11: Boracay Madness

Katatapos ng final exams at naglalakad na kami palabas ng University nina George, Teddy at Robert, bigla ko naalala ang mga pictures namin ni Juliana. “Oy Teddy at George gusto niyo sirain ko ang sem break vacation niyo?” biro ko sa kanya. “Pano mo naman gagawin yon Fifoy?” tanong ni Teddy. “Well may pictures ako ni Juliana sa phone ko, ako mismo kumuha pero di niyo magugustuhan e” sabi ko. Nanalaki ang mga mata nya at halos mapaluhod na sila sa kapipilit sa akin para ipakita ang mga pic. Pati si Robert naging curious pero sa kanya ko lang muna pinakita. “Ay sus mga pare wag niyo na titignan, Pipoy, wala syang suot na bra dyan ano?” tukso pa ni Robert. “Oo pre wala” sagot ko. “Please pare show us, Bluetooth pare, game, Bluetooth mo sa amin” sabi nila.

Pumayag ako pero dumistansya ako sa kanila, tumabi sa akin si Robert, “O sige limang pics to tapusin mo nyo muna matanggap bago niyo buksan ha” sabi ko at pumayag sila. Habang pinapadala ko natatawa na si Robert. “Pare ang tindi mo, may nangyari ba sa inyo?” tanong nya, ayaw ko aminin kaya sabi ko wala, sabi ko magkaibigan lang kami. Natapos ang pag send ng pics at tinitignan na nung dalawa, nanlalaki pa ang mga mata nila pero dahan dahan nawawala ang mga ngiti sa mukha nila. “Pipoy…sabihin mo photoshop lang to” sabi ni Teddy. “Pag ako sa iyo aalis na ako pare” sabi ni Robert at nagtawanan kami, nagmadali na ako umalis at halata na nagagalit sina Teddy at George pagkat ang last picture ay humalik si Juliana sa akin. Tawa ako ng tawa sa loob ng taxi nang akoy pauwi, panay ang kulit nila sa akin sa text pero di ko na sila nireplayan.

Pagdating ko sa bahay sinalubong ako ni Carissa, “Uy may babae sa kwarto mo kanina ka pa inaantay” sabi nya at nakasimangot sya. Naglaro sa isipan ko baka si Annika yon pero di nya pa alam itong bahay na ito, baka si Noelle, o kaya si Juliana, kahit sino na kaya agad ako nagpunta sa kwarto ko kasabay si Carissa. “Sino ba talaga?” tanong ko sa kanya. “Ah ewan basta tignan mo nalang” sabi nya at kinakabahan na tuloy ako. “Okay, pwede privacy” sabi ko at binatukan nya ako, “privacy ka dyan” sabi nya at binuksan nya ang pinto at nagulat ako pagkat mommy Eunice ko pala. Agad ako napayakap sa kanya at naririnig kong tumatawa si Carissa. “Bakit anak sino akala mo babaeng naghihintay sa iyo dito?” tanong nya sa akin at pinaghahalikan ako sa mukha. Matagal ko na di nakita si mommy at namiss ko sya sobra. “Well mommy madami, mahaba listahan e gusto mo banggitin ko lahat?” biro ko sa kanya. “Aysus itong anak ko nagmamana na ata sa tatay nya, Carissa halika dito iha namiss din kita” sabi ni mommy at sila naman ang nagyakapan.

“Kailan ka pa dumating ma?” tanong ko sa kanya. “Last week pa, pero ayaw kita madistorbo kasi exams niyo daw” sabi nya. “Ows e saan ka naman tumuloy, bakit di ka umuwi dito agad? E alam mo naman genius ako at di ako madali maistorbo e” lambing ko sa kanya at napangiti sya. “Ah dyan lang sa tabi tabi” sagot nya. “Alam na ni daddy nandito ka ano?” sabi ko at tumawa sya. “Oo alam niya siya nagsundo sa akin sa airport” sabi nya. “Pero hindi pa alam ni mommy Katrina ano?” sabi ko at tawa sya ng tawa pero di sya umamin. Natatawa narin si Carissa at din a nakapagpigil, “si tita ang landi, hala” sabi nya. Masaya ang itsura ni mommy at bihira ko sya makitang ganon, kaya di ko na sya kinulit pagkat naiintindihan ko naman sila ni daddy.

Lumabas na si Carissa para maiwan kami ni mommy sa kwarto, gigil na gigil si mommy sa pagyakap sa akin. “Napaaga ata uwi mo mommy” sabi ko. “Well para sa birthday mo anak, last year namiss ko diba so this year nandito ako” sabi nya. “Oh yes, about my birthday, matagal ko na iniisip ito, sabi mo dati before you got married ikaw at si daddy you know..pero October yon, di naman pwede nandyan ako sa tyan mo ng 12 months ano mommy?” sabi ko sa kanya at napatigil sya at tinignan ako ng seryoso. Bigla sya napangiti at natawa at huminga ng malalim, “Bakit nagdududa ka about sino daddy mo?” tanong nya. “Hindi alam ko si daddy parin tatay ko pero may tinatago ka sa akin” sabi ko at tawa na sya ng tawa. “well nakunan ako sa first pregnancy ko” sabi nya at napangiti ulit sya. “O tapos?” hirit ko at bungisngis na si mommy. “well you see kasi anak mahal na mahal ko ang daddy Pepito mo, but he didn’t know nakunan ako, di ko sinabi, pati yung first pregnancy di nya alam na sa kanya yon. Basta I know you are old enough pala malaman mo ang kalandian ng mommy mo” sabi nya at tawa parin sya ng tawa. “now I know” sabi ko at nagtawanan kami.

“Sabi ng daddy mo may girlfriend ka na daw ha, at napakaganda daw nya” sabi ni mommy. Napangiti ako at biniro ko sya, “Nakapag kwentuhan pa kayo ni daddy?” at akala ko magagalit sya pero bigla sya tumawa. “Shhh…syempre napapagod din kami ano” sagot nya at nagtawanan ulit kami. “Mommy tama na, ayaw ko na malaman pa, her name is Annika by the way” sabi ko. “So when will I get to meet her?” tanong nya. “Vacation na mommy, maybe tomorrow pwede kita isama sa studio” sabi ko. “Bukas? May lakad kami ng tita mo basta dalhin mo nalang sya dito one time” sabi nya at bigla nya ako pinanggigilan ulit. “Ma, di ako si daddy” biro ko at lalo nya ako sinakal at pinaghahalikan, “I know anak, I just miss you so much” bulong nya sa akin.

Kinabukasan nagmadali ako pumunta sa set, matagal ko na hindi nakita si Annika at namimiss ko na sya. Pumasok ako agad sa dressing room at nandon sya may kausap isang cute na babae. “Pipoy!!!” sabi nya at tumayo agad at niyakap ako, halik sya ng halik sa akin pero nahihiya ako pagkat nandon yung isang babae. “Annika…nakakahiya” sabi ko at bigla sya tumigil, pinaupo nya ako sa tabi ng babae at kumandong sya sa akin. “Pipoy ko, ito si Gelay” sabi nya at nagngitian kami. “Hi, di mo ako nakikilala ano?” sabi ni Gelay. Tinignan ko sya maigi pero di ko talaga sya nakita pa. “Sorry, model ka din dito?” tanong ko at napangiti sya. “O sabi sa iyo Gelay e, mag model ka narin, kinukulit ka nga ni direk diba?” sabi ni Annika. “Ayaw ko, on the job training lang ako dito, wala yan sa isip ko” sabi nya. “San mo ako nakikita?” tanong ko sa kanya. “Sa school kaya magkatapat lang building natin, lagi kasi nakayuko ulo mo e” sabi nya at tumawa si Annika. “Yan si Pipoy, loyal sa akin” sabi nya.
“Pero Pipoy tignan mo sya ang cute ng smile nya ano dapat mag model ka rin, malaki bayad dito tignan mo itong si Pipoy o nakumbinsi ko” sabi ni Annika. “Hmmm…syempre kasi gwapo sya” sabi ni Gelay. “Maganda ka din naman e, hoy Pipoy magsalita ka naman” sabi ni Annika pero busy ako nagtetext. “Oo nga Gelay try mo minsan, kahit minsan lang” sabi ko at ngumiti nalang sya. “Ay oo pala, sa Boracay pala kayo sa Monday, nakita ko sa office kanina, sana isama kami” sabi ni Gelay. “Boracay?” tanong ko at natuwa si Annika. “Sige iwan ko muna kayo tapos na break time ko” sabi ni Gelay. “Gelay teka, next time makita mo ako ikaw nalang lumapit kasi medyo mahiyain kasi ako kaya nakayuko ako lagi” sabi ko sa kanya at nginitian niya ako. Pagkalabas ni Gelay ay bigla ako hinalikan ni Annika at niyakap, “Pipoy sa Boracay ka magbirthday…hahahaha…sa Boracay tayo…hmmmm” sabi nya at nagtawanan kaming dalawa.

Pwede magsama ng dalawang relatives sa trip sa Boracay, di ko alam sino yung dalawang isasama ko pagkat dumating si mommy. Nagpasya ako na bayaran ko nalang ang extra ticket para makasama silang tatlo. Monday excited kami lahat, madaming chartered flights pero di kami nagsama ni Annika at mommy nya, excited si Carissa at ang daldal nya sobra. Buti nalang panay PA ang kasama namin sa fligt at nandon din si Gelay.

Pagdating namin sa Boracay nahihilo parin si Carissa dahil sa pagsakay namin sa Bangka. Kumuha ako ng extra room para doon kami ni mommy at agad kami nagbihis ng beach attire at tumambay sa labas. Nilapitan ako ni Gelay at sexy din pala sya, “Hi Pipoy, eto pala yung sched mo, wala pa si Annika?” tanong nya. “Pipoy is that Annika?” tanong ni mommy at nginitian siya ni Gelay. “Ah no mommy, ito si Gelay future model pero now production assistant” sabi ko at kinurot ako ni Gelay. “Ay akala ko sya si Annika because she is pretty” sabi ni mommy at lalong nahiya si Gelay. “Sige po, Pipoy pag may kailangan kayo sabihin mo sa akin ha” sabi nya at umalis na sya.

Napapalibutan ako ng mga naka bikini, kaya lang kamag anak ko sila, nahihilo parin si Carissa kaya nagpasama sya sa mommy nya bumalik sa kwarto. Naglakad lakad kami ni mommy sa beach at malayo palang akala ko nakita ko daddy ko. “Si daddy ba yan?” natanong ko at natawa si mommy. “Ay oo nasabi k o sa kanila kaya nauna sila dito” sabi nya at pagtingin ko si daddy nga at kasama niya si mommy Katrina at Jepoy. “Hala ang tatanda na naka bikini pa” sabi ko at kinurot ako ni mommy. “Hoy sexy parin kami ano, kahit may edad na kami” sabi nya at totoo naman ang sinabi nya.

Nakaakbay si mommy Katrina sa kamay ni daddy at lumapit si mommy Eunice at umakbay sa isa, nagngitian sila ni mommy Katrina. “Oh Pipoy, look I have two beautiful women with me, ikaw nasan? Wala” asar ni daddy sa akin. Sasabat palang ako at narinig ko na ang boses ni Annika sinisigaw ang pangalan ko, nakita ko sya patakbo hila hila ang kamay ng mommy nya. Paglapit nila niyakap ako ni Annika at hinalikan. Nanlaki ang mata ni mommy pero napatingin ako kay daddy at parang gulat na gulat sya.

“Hello Pipoy…Hello Pepito” sabi ng mommy ni Annika. “Hello Aika” sabi ni daddy at napatingin ang dalawang mommy ko sa kanya. “Ah ma, ito pala si Annika, girlfriend ko at ang mommy niya” pinakilala ko at nag beso beso silang tatlo. Malayo ang tingin ni daddy pero gumaya si Annika at umakbay sa isang kamay ko, si mommy Aika naman umakbay sa kabila. “O pano yan dad, patas na tayo” sabi ko sa kanya at pasimple lang syang ngumiti. Narinig ko nanaman ang isang babae na sinisigaw ang pangalan ko at paglingon namin nakita ko si Juliana at napaka sexy nya talaga. “Oh my God!” sabi ni mommy Katrina kaya napatingin ako sa kanya.

“Bakit mommy?” tanong ko, “Pepito, si Nika bay an?” tanong ni mommy Katrina at napailing nanaman si daddy. “Oo ata” sabi ni daddy. Paglapit nila ipapakilala sana ni Juliana ang mommy nya pero agad siya binate ni mommy at daddy. “Hello Nika” sabi ni mommy Katrina at nagyakapan sila. “Hi Pepito!” sabi ng nanay ni Juliana at parang reunion ang naganap bigla.

“Teka teka, magkakakilala kayo lahat?” tanong ko at nagtawanan sila at bigla ko naalala ang jersey na suot ng nanay ni Juliana ay pareho sa jersey ni mommy Katrina, mga jersey ni daddy nung player sya ng high school. Ngayon malinaw na lahat at parang nanliit ako sa lakas ni daddy. “Dad, suko na ako, talo ako” biro ko sa kanya at tumawa sya.

Naupo kami sa malayo nina Annika at Juliana at Jepoy, para kaming naging cast away bigla, nakasandal si Annika sa akin at yakap yakap naman ni Juliana si Jepoy. Sa malayo nakaupo ang mga magulang namin, at nasa sentro ang tatay ko, di ko alam kung matutuwa ako o malulungkot pagkat nakakaramdam ako ng tension sa grupo nila.

“So jersey ng daddy mo yung laging sinusuot ng mommy ko” sabi ni Juliana. “Yup, may ganon na jersey si mommy Katrina” sabi ko. “Teka sino ba dyan ang mommy mo?” tanong nya. “Yung nasa kaliwa, yan si mommy Eunice, nanay ko, sa kanan si mommy Katrina, asawa ng daddy ko at nanay ni Jepoy. Tapos syempre mommy Aika mommy ni Annika, ewan ko tawagin ko narin kayang mommy Nika nanay mo?” biro ko at nagtawanan kami lahat pati si Jepoy. “Kuya madami tayo mommy pero kokonti allowance ko” sabi ni Jepoy at lalo kami nagtawanan. “Hayaan mo bibigyan kita para idate mo si Ysa” sabi ko at tinignan ako ni Annika at Juliana. “Ten years old lang sya” sabi ni Annika. “Sus nasa dugo na namin ata” biro ko at lalo kami nagtawanan pa.
“Pano yan Jepoy may girlfriend ka na pala, sayang” sabi ni Juliana at tinignan sya ni Jepoy at nginitian. “Halika dito share natin si Pipoy” biro ni Annika at game na game naman si Juliana na umakbay sa kamay ko. Tumakbo pabalik si Jepoy papunta sa daddy ko pero bigla sya niyakap ng mommy ni Annika. “Juliana akin si Pipoy ng Monday, Wednesday at Friday, ikaw TTHS, pag Sunday ipagrest naman natin sya” biro lalo ni Annika at di ko alam anong nangyayari sa kanya. “Hmm baka Tuesday e wala nang lakas si Pipoy” sabi naman ni Juliana at nagtawanan sila. How I wish totoo ang sinabi ni Annika pero alam ko nagbibiro lang sya.

Kahit papano ay masaya ako pagkat naging close si Annika at Juliana. Mukhang maayos naman ang usapan ng matatanda kaya parang okay itong bakasyon ko. After dinner nalilito kami ni Annika kung pano kami magsasama, magkalayo ang kwarto namin at pareho kami kasama ang mommy namin. “hmmm pano yan Poy, gusto kita makasama” sabi nya at nag iisip ako ng paraan pero wala talaga pwede.

Naupo nalang kami sa buhangin at nagpalipas ng oras bago kami tuluyan maghiwalay para matulog. Madami kami napagkwentuhan ni Annika at halata sa boses nya na malungkot sya. “Aysus itong dalawa sa labas pa naglalambingan” sabi ng isang boses at paglingon namin si mommy Eunice yon at mommy Aika. “O eto susi, now go inside at doon kayo maglambingan wag dito” sabi ni mommy Aika. Nagtinginan kami ni Annika at nagngitian pero dahan dahan ako napatingin kay mommy at bigla nya ako kinurot, “Asus kunwari ka pa Pipoy, sige na go the two of you” sabi ni mommy Eunice sa amin. Masayang masaya ako pero nagdududa parin ako sa insala ni mommy kaya tinignan ko ulit sya. “Gusto mo pa ata magbago isip ko” sabi nya. “E ma, pano ikaw san ka magkwakwarto?” tanong ko. “Well nakapila kami actually, nauna si Katrina, ako next, tapos si Aika then si Nika” sabi nya bigla at nagulat ako. “Biro lang anak, sige na I can get another room don’t worry” sabi nya at nagtawanan sila ni mommy Aika.

Bago kami napalayo bigla ako hinawakan ni mommy Aika at bumulong sa akin, “Sabihin mo sa kanya wag masyado maingay mamaya” sabi nya at napatawa ako. Nginitian ko nalang sya at kinindatan nya ako, di ko na talaga alam ano ang nangyayari at kakaiba bigla ang mga kilos ng mga tao. Bago kami pumasok sa kwarto nakita namin na magkakasama ulit sina daddy at lahat ng mga mommy namin, kakaiba talaga si daddy, ngayon ko lang naiintindihan ang sinasabi nila matagal na…ang Kamandag ni Pepito.

(Next chapter: Annika Demonika….nyahahahahaha….eto na ang inaantay niyo…Pepito bloodline meets Aika Demonika bloodline….ihanda niyo na mga tissue niyo!!!...pero mag antay kayo at week end, ginanahan lang ako magsulat kanina kasi wala pa yung ka bed weather ko…10 degrees celcius…bed weather…weekend…see you soon!!!...eto tunay na pahinga na to promise)

Linkbucks